Homepage/Lavandeir's Revenge/
Chapter 63 - Her Lips Issue
Third Person's POV
Nang makapunta ang lalaking nagngangalang Max sa rooftop, nakita niya ang babaeng pinagtripan nila kanina or ang tinawag ng lahat na loser. Nakatalikod ito sa kanya kaya nilapitan pa niya ito. Nagtataka at nasurpresa pa nga siya sa inakto ng babae eh hindi naman gano'n 'yon. Anong dahilan nito at tinakbo nito ang cellphone niya?
"Hoy babae!"
Lumingon ito sa kanya pero nagulat siyang nakangisi na ito. Parang hindi ito ang loser na laging kaharap nila araw-araw. Parang may iba sa kanya na mukhang sinasapian ng ibang katauhan.
"Ang malas mo nga naman."
Nanlaki ang mata niya at mas lalong nagtataka sa inakto ng babae. Anong meron dito? Hindi naman siya ganyan. Sa matagal na niyang pambu-bully rito ay ngayon lang niya ito nakitang umaktong kakaiba. Nag-iba pa ang tono ng boses nito. Naging malamig.
"Ito ba gusto mo? Bakit 'di mo kunin?" dagdag pa nito habang inaabot ang cellphone niyang hawak nito.
Hindi ito palasalita pero hindi niya inakalang ganito ito magsalita. Hindi kasi ito nakikipag-usap kahit kanino maliban na lang no'ng bagong kaibigan niyang bagong salta. 'Yong magpinsan.
Lumapit siya rito at napatawa pa sa inakto ng loser kahit nagtataka na siya sa mga kilos nito. "Huwag mo nga akong pagtripang loser ka! Give that phone to me."
Bago pa niya maabot ang cellphone ay napamura siya sa sakit nang ibato ng loser ang cellphone sa mukha niya. Napahawak siya nito sa sakit sa lakas ng impact nito.
"Akala mo 'yon na 'yon?"
Sa bawat salita ng loser ay may diin ito at sobrang seryoso. Wala rin itong kaemo-emosyon.
Naguluhan siya sa sinabi nito. Bago pa siya maka-react ay nakatikim ulit siya sa babae. Sinipa siya nang pagkalakas-lakas sa mukha nito kaya nasubsob siya sa sahig.
'Shit! Ba't ang lakas niya? What the hell's happening?'
"Narinig ko lahat ng pinag-usapan niyo. Hindi ba kayo nagtataka nang pumunta ako sa greenhouse at hindi sa room ko? Bakit nga ba? Pati na rin sa pagpasok ko sa elevator wala man lang kayong hinala?"
Hindi pa nakabangon ang lalaki ay sinakyan siya nito at walang tigil sa pagsuntok sa mukha. Na parang lahat ng hinanakit nito ay inilabas niya sa pagsuntok. Sa liit pa ng katawan nito ang lakas pa ng bawat suntok.
Hindi makalaban ang lalaki dahil bugbug sarado ang natamo niya. Pinuntirya pa talaga ang mukha at ang labi niya. Hindi na nga siya makatayo kasi walang tigil ang pagsipa ng babae sa buong katawan niya.
"Hindi ka makalaban? Isa ka lang namang hamak na estudyanteng mali ang binangga. Nakita pa nga kita noon kung pa'no ka lumuhod sa harap ng Elites. Tas pa'no mo ako bully-hin noon. Hindi ba nakakatawa?"
Hindi makasagot ang lalaki.
"Bakit mo pa kasi naisipang sundan ako? Your friend's not here to help you," sabi ng loser sa kanya. Inulit kung ano mang nasabi niya rito kanina.
"S-orry m-maawaka ack!"
Agad siyang sinakal ng loser. Dumidiin pa ang maliliit na koko nito sa leeg niya. Wala pa rin itong emosyon at wagas kung makatitig sa mata niya.
"Ops! I don't have mercy paano ba kita papaiyakin?"
"P-patawad! I-ibigay ko sa 'yong mga nakuha ko."
Napahinto ang babae sa pagbugbog nito. Napangisi siya at nagpagpag ng damit.
"Dapat lang. At subukan mong ipagkalat ang nangyari rito, tatawanan ka lang nila at ngingisihan lang kita. Walang maniniwala sa 'yo!"
...
Iniwan ni Lavandeir ang lalaki nang makuha niya ang kailangan niya. Hindi niya ma-explain ang nararamdaman niya. Nakuntento, natuwa, kinakabahan, natatakot, at nauhaw. Nauhaw na parang gusto pa niyang mambugbog. Hindi niya alam na gan'on pala kasarap sa feeling kapag nabugbog mo ang isa sa mga taong dahilan ng paghihirap mo.
'Binabalik ko lang naman kung anong ginawa nila sa 'kin,' isip-isip niya.
Naisipan niyang hindi na pumasok sa ibang subject. Pumunta siya sa locker room niya at kumuha ng t-shirt. May lagi siyang reserba ng t-shirt sa locker niya kasi noon, lagi siyang binabato ng kung anu-ano. At ito ang unang beses na nagamit niya iyon sa ibang dahilan.
Pagkatapos niyang magbihis sa ladies room ay nakayuko siyang pumunta sa greenhouse. Doon na muna siya mananatili. Wala pa siya sa sarili para pumasok. In-absorb pa niya lahat nang nagawa at nangyari sa kanya ngayong araw.
...
Sabay na dumating si Natsy at Ex sa ECU at una nilang pinuntahan ay ang room ni Lavandeir. Siguradong tapos na ang first class nito. Habang nasa ground pa lang sila ng commerce building, may narinig silang dalawang lalaki na nagtatawanan habang may pinapanuod sa cellphone nila. Hindi sana nila ito papansinin nang marinig nila ang salitang loser.
"The hell ang epic dude. Nahalikan nga niya ang loser. Hahahaha!"
"hahahah kinagat p... Ano ba!" Hindi natapos ng isang lalaki ang kanyang sasabihin nang may biglang humablot sa cellphone na kanina pa nila pinapanuod.
Sinamaan silang dalawa ng tingin ni Ex kaya 'di na sila nakaangal pa. Hindi nila alam kung bakit takot ang dalawa sa kanya, sa kanila pala ni Natsy. Isang tingin pa lang nito parang pinipigilan ka nang huminga. Parang Elites.
"This asshole!" galit na sambit ni Natsy.
Inagaw ni Ex ang cellphone mula sa kamay ni Natsy at mas lalong nagkasalubong ang kilay niya nang makita ang video. Si Lavandeir, pwersahang hinalikan ng isang lalaki.
Galit na galit si Natsy at gusto niyang pasabugin ang ulo ng lalaking humalik sa kanyang kaibigan. Pero hindi na muna niya ininda ang galit niya. Nakatitig lang siya sa kanyang pinsan na parang kalma pa rin ito habang inaabot pabalik ang cellphone sa dalawang lalaki. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip ng pinsan niya pero 'di niya maiwasang kabahan sa ikinikilos nito. Kilala niya ang pinsan niya at may kutob na siya kung anong gagawin nito.
Natataranta namang umalis ang dalawang lalaki sa harapan nila. Tumingin si Natsy sa pinsan niya. Nakita niyang dahan-dahang tumingin si Ex sa sahig at sa tagal na nilang pagsasama alam na niya kung anong ibig-sabihin n'on. Hanggang ngayon kinikilabutan pa rin siya kapag ganito na umasta ang pinsan niya. Aakalaing kalma lang ito pero sa kaloob-looban nito malapit na itong sasabog sa galit.
Sa nakikita niya sa kinikilos nito, na-realize niyang sobrang halaga pala kay Ex si Vanvan, hindi lang dahil sa kaibigan sila nito, hindi lang dahil sa responsibilidad ni Ex na bantayan si Vanvan dahil siya ang dahilan kung bakit ginamit si Vanvan laban sa kanya, kundi may iba na itong nararamdaman.
'It's either he won't accept himself falling again or he's just oblivious of his own feeling,' sa isip ni Natsy.
"You take care of them," maikling sabi ng pinsan niya sa kanya. Walang angal ay tumango agad siya. Kahit pa man hindi 'yon iutos ni Ex sa kanya ay papatikimin talaga niya ang dalawang lalaking 'yon.
Agad na sinundan ni Natsy ang dalawang lalaki kanina. Kung kasabwat sila n'ong lalaking humalik kay Vanvan, sorry na lang sa kanila.
'Tss! Malas na lang sa kanila at nakita namin,' sa isip-isip niya.
Sabik na sabik na siyang makita si Vanvan tas ganito lang ang madatnan niya? "Now lets have some fun first you assholes!"
Minamanmanan pa rin ni Natsy ang dalawa. Nang makakita na siya ng chance, timing na may biglang tumabi sa kanyang lalaki. Hindi na niya ito nilingon, ni hindi man lang siya nagulat sa lalaki.
"You need help?"
"Yeah!"
Naglalakad pa rin ang dalawa at papasok na sana ito sa isang room nang nilapitan sila nina Natsy. Mahigpit na hinawakan ni Natsy ang braso ng isang lalaki habang 'yong isa ay hawak-hawak din sa kasama niya. Nagulat ang dalawa at malapit pang mawalan ng hininga nang makitang si Natsy ito at ang isang hindi kilalang lalaki.
"Come with us if you still want to live...
Well, either way you will die though."
...
Lavandeir's POV
Nandito pa rin ako sa greenhouse. Hindi ko alam kung ilang oras na ako rito. Walang ibang ginawa kundi nakatulala lang sa kawalan habang iniisip pa rin ang nangyari kanina. Hindi ko aakalaing maranasan kong mahalikan, sa hindi pa magandang paraan. Parang nararamdaman ko pa rin ang labi ng lalaking 'yon at 'yong kinagat niya ito. Kinuyom ko ulit ang kamay ko nang maalala ko ulit...
Confident na sana ako kaso 'di ko inakalang 'yon ang gagawin nila. Naiinis pa rin ako. Hindi rin ako makapaniwala sa nagawa ko kanina. Nagawa ko siyang bugbugin sa galit. At nakakapanibago pa sa nararamdaman nang mag-enjoy ako sa pagbugbog sa kanya. H-hindi naman ako ganito dati.
Tiningnan ko ang hawak-hawak kong susi ng kotse na nakuha ko mula sa Max na 'yon. Ito 'yong nakuha niyang prize sa ginawa niya sa 'kin. Nasa bulsa ng jeans ko rin ang 10 thousand mula rin sa kanya.
Matagal ko itong tinitigan. Bigla namang nanayo ang balahibo ko at biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa kaba nang maramdaman ko ang presensya sa likuran ko. Dali-dali kong ibinulsa ang susi at agad na hinarap siya.
Hindi nga ako nagkakamali, sa amoy pa lang ng pabango niya. Matalim siyang nakatingin sa 'kin at parang galit na galit pa ito, 'yong expression niyang nakita ko lang d'on sa club.
"E-exseven."
Hanggang ngayon nagdududa pa rin ako sa kanya. Sino ba talaga siya at ano ang trabaho niya? Anong kailangan niya sa USB ni Mr. David.
Nakita ko siyang nagbuntong-hininga at nawala ang galit sa kanyang mukha nang banggitin ko ang pangalan niya. Lumapit siya sa kinaroroonan ko at tiningnan ako. Napaiwas ako nang tingin nang makita niya ang sugat sa 'king bibig. Medyo namumula pa ito at namamaga pero naghilamos na ako kanina kaya wala na itong dugo.
Hindi ko kayang tumitig sa kanya ngayon. Naalala ko kasi 'yong ginawa niyang pagpatay kahapon nang walang pagdadalawang-isip. Hindi naman ako takot sa kanya, sadyang mas lalo lang akong nagdududa sa pagkatao niya.
"What happened to this?" tanong niya habang ingat na ingat niyang hinawakan ang labi kong namamaga.
Nanginginig kong hinawakan ang kamay niya para ialis sa pagkahawak niya sa 'king bibig sabay lingo. "Wala lang, kunting galos lang naman."
Bakit ba siya nandito? Pano niya ako natunton dito? Anong ginagawa niya rito?
"I see."
Umupo naman siya sa kabilang upuan sa harapan ko. Itinukod niya ang dalawang siko niya sa mesa at nilalaro ang kamay niya. Hindi ko naman siya matingnan kasi ramdam kong nakatitig siya sa 'kin. Ito na naman ang nararamdamn ko kapag kami lang dalawa. Awkward.
"N-nasaan pala si Natsy?"
"You might hate it if I tell you."
Tiningnan ko siyang nagtataka. Anong ibig niyang sabihin?
Gan'on pa rin ang titig niya sa 'kin. 'Yong mga mata niyang parang papatayin ka sa sobra kung makakatitig nito.
"Don't ask why. Stay still."
Inunahan na niya ako sa dapat ko sanang itanong kung bakit. Bumuntong-hininga ako at yumuko para umiwas sa mga titig niya kaso...
"I said stay still. Look at me Lav."
Sinunod ko ang sinabi niya habang nakakunot ang noo. Ano namang problema nito? Nagtitigan lang kami sa mata at lumakas na naman ang tibok ng puso ko. Nai-intimidate pa rin ako sa mga titig niya. Hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganito. Bumaba naman ang tingin niya sa labi ko. Nakita ko pang bigla niyang kinuyom ang kamao niya at nagkasalubong ang kilay niya.
Nagtataka na rin ako sa reaction niya. Kung maka-react siya ng ganyan parang nakita niya ang nangyari kanina... Wait... Teka... Paano kung...
"I just met someone who look like you yesterday..."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. Yun lang pala ang dahilan kung bakit siya nakatitig sa 'kin. Akala ko may idea na siya sa nangyari sa lips ko. Iba pa naman ang skills niyan. Paano kung nakita niya ang nangyari tas sinundan kami at nakita niyang binugbug ko ang lalaking Max na 'yon? Paano na lang kaya?
"Saan? Gabi ba? Gabi kasi ako dumating sa syudad baka ako 'yon," pinili kong 'yon ang sasabihin ko para hindi ako mabukong na nagsisinungaling ako. Act normal, sabi pa nga ni mais.
"No it's not... Nevermind."
Hindi na ako nagsalita pa. Bukod sa wala na akong sasabihin, hindi pa rin kasi ako komportable sa kanya simula n'ong pinagdududahan ko na sila ni Natsy. Bumalik rin sa isipan ko ang nangyari kagabi at kanina.
Napahawak ako ulit sa labi ko nang bumalik ulit sa 'king isipan ang nangyari rito. Pinikit ko ang mata ko at nagbuntong-hininga tas iniling ang aking ulo.
'Bakit ba kasi ayaw mawala sa 'king isipan?'
Tumayo ako at hindi na pinansin ang mga titig ni Ex sa 'kin at aalis na sana...
"The truth is... I already knew what happened to your lips. So stop pretending there woman. Stop thinking about it..."
Gulat akong napalingon sa kanya. Nararamdaman ko ang pagatibok ng puso ko sa kaba. P-pa'no niya nalaman? Nakita niya ba ang lahat? Paano kung nakita niya ring binugbog ko ang lalaking 'yon? Ano na lang ang iisipin niya?
Gan'on pa rin ang mga mata niyang nakatitig sa 'kin. Sobrang seryoso na may halong galit. At hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaction niya. Isa pa, hindi ko alam kung pa'no niya nalaman.
"P-pano?"
"Well of course, I have my source."
...
Nandito kami ngayon ni Natsy sa room ng PE. Hindi ko mahagilap si Ex at hindi ko alam kung nasan siya eh magsisimula na 'yong klase. Okay lang naman sa 'king wala siya kasi maiilang lang naman ako kung nandiyan siya. Sadyang ngayon lang siya hindi nakapasok sa PE.
Nasa harapan naman namin ang babaeng tinuring kong kaibigan dati. Si Kim. Gan'on pa rin ang trato niya sa 'kin. Inirapan niya ako n'ong nagkasabay kaming pumasok kanina. Yumuko pa rin ako tuwing magkakasalubong kami, na parang takot na takot pa rin. Pero akto ko lang lahat ito. Mamaya, susundan ko siya at aalamin ko lahat ng sekreto niya.
Wala naman kaming activities ngayon since kakapasok lang ulit namin. Ibinaling ko ang tingin ko kay Natsy.
"P-pa'no niyo pala nalaman ang nangyari sa lips ko?"
Nabanggit kasi niya kanina n'ong papasok papunta pa lang kami rito. Bigla naman siyang nainis habang inaalala ang nangyari. Nag-uusap kami habang nagbubulungan. Sinabi niya sa 'kin lahat kung bakit at nakahinga naman ako nang maluwag sa nalaman ko. Akala ko talaga na nakita nila ang lahat ng nangyari. Kundi lagot talaga ako.
Sinabi niya rin sa 'kin na hindi sinadyang nabugbog niya ang dalawang lalaki sa galit. Hindi na ako nagulat d'on kasi malakas at palaban naman na si Natsy noon pa. Pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha and at the same time ay mapaisip. Ano ba talaga ang nililihim nila sa 'kin? Bakit ang lakas nila at wala pa silang takot lumaban? Katulad din ba sila nina mais?
"Nasaan pala si Ex?"
Hindi ko alam kung bakit ko 'yon natanong. Sadyang para kasing may hindi magandang nangyari at hindi siya pumasok ngayon.
"Si insan? Well, nagpapalamig ng ulo."
"Huh? Bakit?"
"Hindi 'yan ang dapat mong itanong... Kundi magkakaroon ba ng lamay bukas?"
...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (40)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice
27/12/2024
0good
18/11/2024
0RN week so we don't seem to
31/10/2024
0Tingnan Lahat