Chapter 45 - Ex

"One of the things that makes you remember your past? Scar. - Lavandeir"
...
Lavandeir's POV
Nakita ng dalawang mata ko na napahinto siya. Na parang hindi niya inaasahang malalaman ko ang first name niya. Nang dahil sa naging reaction niya ay nakaramdam ako ng pagka-proud sa sarili. Kung sa iba ay napakakunting bagay lang ito pero sa akin ay natutuwa na ako rito.
Napawi ang kunting tuwa na nararamdaman ko nang hindi man lang niya ako nilingon at nagpatuloy siyang pumasok sa kwarto niya.
Gusto ko mang bawiin ang nasabi ko sa kanya kanina at gusto kong pigilan ang pagdududa ko. Parang nadadala ako sa mga sinasabi niya kaso hindi pwede. Nasabi ko na at 'di na mabawi ang mga salitang nabigkas na. Tsaka hindi dapat ako magtitiwala... Dahil baka iyon lang ang magdala sa 'kin sa kapahamakan... Tulad ng dati.
Nagbuntong-hininga ako. Mas lalong dumoble ang guilt na nafe-feel ko ngayon, na parang nasaktan ako ng kunti nang makita siyang kumilos ng gan'on.
Biglang nag-vibrate ang cellphone ko kaya tiningnan ko ito at nakita ko ang message ni Kern. Madali ko lang makabisado ang kahit anong bagay pati na ang number niya kaya alam kong sa kanya ito. Binura ko kasi lahat ng contact ko para mas safety.
Una 'di ko ma-gets ang text niya pero nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin ng basahin ko ulit.
*from 09*********:
Can i call? Safe?*
Ibig niyang sabihin na pwede ba siyang tumawag sa 'kin ngayon, 'yung walang ibang tao ang nakikinig or makarinig. Laging confidential ang conversation namin kasi baka madali lang akong paghinalaan kapag may makarinig sa pag-uusapan namin. Nagdududa na sa 'kin si Ex at kung hindi ako nagkakamali ay pati na rin si Natsy. So dapat ay mag-iingat na talaga ako.
Tiningnan ko naman ang pintuan ng kwarto ni Ex pero mukhang wala pa naman siyang balak lumabas. Pumunta naman ako sa terrace at sinara ang sliding glass door. Sumalubong sa akin ang napakalamig na hangin na tumatama sa aking balat. Pumunta ako sa fence at tinukod ang dalawang siko roon tsaka ni-replyan si Kern.
*To 09*********:
Oo.*
Maya-maya lang ay tumawag na ang mais sa akin at agad ko naman itong sinagot.
"LAVAAAAA!"
Inilayo ko ang cellphone sa tenga nang marinig ang gigil na sigaw nito. Para talagang bata 'to. Mukhang mas worst pa kay kuya. Tsaka musta na kaya sina Natsy at kuya?
"Wag ka ngang sumigaw. Papatayin ko talaga 'tong tawag."
"Woah! Nagmamaldita kana ah? Hahaha!"
"Okay." Ibababa ko na sana ang tawag nang marinig ko ang tarantang boses niya. Kahit kailan talaga 'tong mais na 'to. Tuwing wala si kuya siya naman ang present.
"Teka! Teka! 'Di ka naman mabiro. So nasan ka ba?"
"Nasa bahay ng k-kaibagan," nag-aalangang pagkabigkas ko sa salitang 'kaibigan.' Sa ngayon, naiilang akong sabihin ang salitang 'yan.
"Do you really have one? Baka siguro sa bahay ni Ex?"
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutang pinagdududahan ko rin 'tong mais na 'to. At ngayon ang oras para tanungin siya.
"Teka nga! Bakit mo ba sila kilala? Pa'no mo sila nakilala? At bakit mo inaalam kung na'san ako?"
"I have my source. Isa pa, tina-track kita kung saan ka pupunta."
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Bakit naman niya ako tina-track?
"Bakit?"
"Chillax milady... Para ma-monitor ko kung ilan ang nagmamasid at nag-aaligid sa 'yo. Tas isa pa, ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat kung in-accept mo na ang offer ni Master."
"T-teka? May nag-aaligid ba sa 'kin ngayon?"
Lilingon na sana ako sa paligid para suriin kung meron nga bang nag-aaligid nang...
"Oops! Huwag kang titingin or lilingon sa paligid mas lalo silang maghihinala. And yes! Maraming nag-aaligid sa 'yo kaya huwag tatanga-tanga."
"Hindi naman ako tanga!"
"Oh really?" may pagka-sarcastic niyang sabi sa 'kin. Bakit parang kausap ko lang si kuya ngayon? Kaso mas malakas ang mood swing nito at mas sensitive pa kay kuya. "Anyways, ako na bahala sa kanila at mag-enjoy ka na muna diyan."
"T-teka!"
Nakasimangot akong nakatingin sa cellphone ko. Ang mais na 'yon, binabaan ba naman ako ng tawag. Tatanungin ko pa sana siya kung may alam ba siya kung sino ang mga nagmamasid sa akin at kung bakit nila ako pinapasundan.
Isa lang naman ang naiisip kong nag-utos sa kanila. Ang Elites. Sila lang naman ang alam kong may kayang gawin sa 'kin nito. Wala akong idea kung gaano ako kaimportante sa kanila na hanggang dito ay pinapasundan pa nila ako. Dahil lang sa sinabi nilang malaki ang silbi ko? Para saan? Para sa kanila Ex? Malakas ang kutob kong gagamitin nila ako laban kina Ex, narinig ko sila sa CR kanina at wala naman silang ibang kaaway na may ugnayan sa akin kundi sila Ex lang. Ewan! Kailangan ko pa rin iyong makomperma.
Ang ipinagtataka ko lang... Bakit umabot sa ganito? Na parang ang sobra na nilang brutal at parang ang laki ng galit nila sa isa't-isa. Na parang magkaibang grupo na nagkokompetisyahan.
Binura ko ang call history para sigurado. Baka may kukuha pa sa cellphone ko. Kahit keypad lang ito dapat pa ring mag-ingat lalo na't nalaman kong marami palang nagmamasid sa akin. Binura ko rin ang lahat ng message ko at tsaka ang inbox.
Nagbuntong-hininga ako pagkatapos kong ilagay sa bulsa ang cellphone. Tinukod ko ang baba ko sa fence at tinitingnan ang city lights. Makikita ko rito ang tanawin kasi nasa 4th floor itong condo niya.
Ang lamig na ng panahon. Hindi dahil sa gabi na kundi dahil ay one week na lang ay pasko na. Muntik ko pang nakalimutan buti na lang at nakita ko ang malaking Christmas tree sa gitna ng kalsada. Nasa gitna ito ng malaking circle at may mga punuan na nakapaligid nito.
2nd semester na pala ngayon. Hindi ko na kasi naisip 'yon at nawala sa isip ko sa rami nang nangyari sa akin. Sa whole year ko sa ECU ay nagdulot lang sa akin ng sakit, takot, at pagkabahala. Araw-araw akong nakaramdam ng pangamba at takot. Araw-araw nilang pinaparanas sa akin ang dulo ng buhay, ang maging miserable. Wala naman akong ibang ginawa kundi ang mag-aral ng mabuti para sa kinabukasan ko pero mukhang hindi nila ibibigay ang kalayaan ko. Parang araw-araw nilang ginugulo ang buhay ko.
Sa sobrang sikip ng dibdib ko sa galit ay 'di ko namalayang napaluha na pala ako. Agad ko namang pinunasan iyon gamit ang kamay ko. Napakuyom ako sa galit at pilit na pinipigilan ang aking sarili na hindi maiyak ulit. Sana matapos na ang paghihirap ko. Sana huling iyak ko na 'to sa mga taong walang ibang magawa kundi ang guluhin ang buhay ko.
At isa lang ang solusyon dito. Ang pagiging matatag at marunong lumaban. Tama na. 'Di ko na kaya ang mga nangyari noon at ayaw kong madagdagan pa ulit ang mga memoryang sobrang sakit kung iisipin.
Napatigil ako sa pagluha. Nanlaki ang aking mata at lumakas ang tibok ng aking dibdib sa gulat nang makaamoy ako ng amoy ng sigarilyo. Dali-dali akong lumingon sa aking likuran at nakita ko siya.
"E-ex!"

Komento sa Aklat (40)

  • avatar
    Sheila Eed Agulto

    nice

    27/12/2024

      0
  • avatar
    RiveraElizandrew

    good

    18/11/2024

      0
  • avatar
    Jm Balmoria

    RN week so we don't seem to

    31/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata