logo text

THE FIRST CHAPTER OF THEIR LOVE

“Love, kailangan pa rin nating mag-ingat sa mga galaw natin. Nakabantay pa rin si Head or else may aalis sa atin sa work. Ayaw kong mangyari iyon.” Naisip na naman ni Tricia ang mga pupuwedeng mangyari.
“I know. And willing naman akong magsacrifice for our love,” sagot ni Jreydon.
“How? Wala tayong communication kapag gano'n. Imagine, telepono lang at minsanan lang puwedeng gumamit. Natatakot ako,” niyakap ni Tricia si Jrey.
“Don't worry. I'll patiently wait for you.”
Because of her trust kay Jreydon, nakampante siya. Naging maingat sila sa mga kilos nila. Jreydon became sweeter.
“Love, how are you? I guess you're tired. Huwag pababayaan ang sarili ah?”
A letter from Jreydon. Naging maganda na naman at napuno ng ngiti ang umaga ni Tricia. Para bang natanggal ang pagod niya sa magdamagang pagtatrabaho. Madalas silang magkita para magkaroon ng time sa isa’t-isa.
“Hug mo ‘ko” Magkaharap sila ngayon at tinititigan ni Jreydon si Tricia habang si Tricia naman ay panay hingi ng hug.
“Ang ganda mo, love,” wika ni Jrey.
“Ay sus HAHAHAHAHAHAH. Syempre naman, kaya nga patay na patay ka sa akin,” mahanging sabi ni Cia.
“Ofcourse, araw-araw mas gumaganda ka. Habang patagal nang patagal, mas nahuhulog ako. Bakit ganiyan ka, Ms. Villafuerte.” Si Jreydon ang tanging nagpaparamdam kung gaano katangi-tangi si Tricia.
“Tumigil ka naaa. Kinikilig na ako rito,” hinampas niya si Jreydon.
Their bond? Mas lalong tumatag at lumalim.
“Nakakainggit naman kayo. Perfect couple talaga.”
Even Kez, naiinggit na sa kanila. Nakikita sila ni Kez as perfect couple. Jreydon is truly an ideal man. He's the standard.
“Loveee!” Binuhat ni Jreydon si Tricia na ikinagulat ni Cia.
“Hey HAHAHAHA. Ibaba mo na akooo. Jreyyy, please HAHAHAHAH!” Kilig na kilig na sabi ni Cia.
“Namiss kitaaa!” He said. Obvious na obvious ang pagiging clingy ni Jrey.
“Nasa same place lang tayo, ano ka ba? HAHAHAAHAH. Mag-uusap naman tayo later,” kinurot ni Cia ang pisnge ni Jreydon.
“Ouch. Eh sa namimiss kita, anong magagawa ko?” Mataray na sabi ni Jrey sabay yakap.
Pati mga kaibigan nila sa loob ay kilig na kilig sa kanilang relasyon. Days passed, their monthsary came.
“Kez, where's Tricia?” Tanong ni Jreydon. Kanina niya pa ito hinahanap.
“Hindi ko alam. Busy ata iyon, hanapin mo na lang,” abalang sabi ni Kez.
“Tss. Monthsary pa naman namin today. Triciaa, where are you naa?” He said. Nilibot niya lahat and he suddenly cry.
“Happy Monthsary, Love!” Tumambad sa kaniya si Cia.
“I should be the one na nagsusurprise, Love. Jeez. Hindi ako sanay na ganito eh but thank you for your effort, Love. Happy monthsary. I thought nakalimutan mo na.” He pinched Tricia's nose.
“Bakit ko makakalimutan? Napaka-special kaya ng araw na ‘to. I will always remember the day kung kailan naging tayo.” Tricia said. Jreydon kissed her on her forehead.
“I'm so lucky to have you, Tricia. Para akong nakasungkit ng buwan na maraming nakapalibot at nag-aabang na stars. I am the luckiest, hindi ako mapapagod na sabihin iyan because ‘yan ang totoo,” niyakap niyang muli si Cia.
“Iloveyouuu. Tara kainin na natin ‘tong cookies, pinabili ko pa ito sa labas,” ani Tricia.
“I love you more than you do. Let's eat na.” Sabay silang kumain and nagkuwentohan before bumalik sa work. Nagtrabaho silang nakangiti.
Never pa silang nag-away at nagkatampuhan. Mature ang relasyon nila, that's how we describe their relationship.
“Cia, may tanong ako,” tanong ni Kez. Nasa trabaho sila at naglilibot.
“What is it?” Tricia responded.
“What if Jreydon cheated on you?” Walang preno talaga bibig nito. Napatigil naman sa paglalakad si Cia.
“Huh? Hindi niya iyan magagawa. Napaka-faithful niya.” Tricia answered Kez confidently.

“True. Sana lang magtagal kayooo. Sobrang saya ko sa relationship niyo, napaka-genuine,” sabi ni Kez.
“Tara na nga HAHAHAH. Puring-puri na kami sa‘yo.” Sabi ni Cia.
Ilang buwan pa ang nakalipas nang makatanggap ng tawag si Jrey.
“Jrey, may tumawag, hinahanap ka.” Kapag minamalas nga naman, kasama pa niya si Cia. Magkasama silang pumunta kung saan naroroon ang telepono. Sinagot ito ni Jrey habang si Tricia naman ay umupo muna.
“Hello, Jrey.” Sabi ng nurse na tumawag.
“Yes? Napatawag ka?” Sagot ni Jrey. Narinig ito ni Tricia kaya nacurious ito.
“Sabi ni Kalon, kayo raw ang tawagan ko. One month na lang ang natitira kay Kalon, ayaw niyang malaman ni Cia. Salamat.” Pinatay ng nurse ang telepono. Natulala naman si Jreydon habang naglalakad.
“What happened, Love? Bakit parang nanamlay ka?” Pag-aalala ni Cia.
“Nothing, love. Let's go.” Pag-aaya ni Jrey. Sumunod naman si Tricia habang iniisip pa rin kung bakit nagbago ang timpla ni Jreydon. Umupo sila.
“Love, kamusta ka pala? ‘Yong work mo? Alam mo kanina inasar na naman ako ng magaling mong kaibigan, kainis HAHAHAHAHAHAH. Ang saya siguro kung nasa labas na tayo, Love, 'no? Pasyal-pasyal tayo tapos kain sa labas,” nililibang niya si Jrey ngunit parang malalim ang iniisip nito.
“Hey, love!” Tinawag niyang muli si Jrey.
“Yes?” Biglang nagulat si Jrey.
“Kanina pa ako nagsasalita,” kumunot ang noo ni Tricia, “Okay ka lang ba?”
“Sorry, Love, may iniisip lang ako. Bawi ako mamaya, Love.” Paghingi ng pasensya ni Jrey.
“Ano ba kasi talaga ang nangyari? I'm worried,” sabi pa ni Cia.
“I'm fine, okay? Don't worry. Nahilo lang ako bigla,” napilitan pa itong magsinungaling para kumalma si Cia.
“Pahinga ka muna. May gamot doon, tara. Magpahinga ka muna at huwag gagalaw-galaw, makinig ka sa akin.” Bilin ni Tricia. Naglakad sila sa puwedeng mahigaan ni Jrey.
“Thank you, Love. Pahinga muna ako, i love you,” ngumiti si Jrey.
“I love you too. Just call me if you need me.” She kissed Jreydon's forehead. Umalis na siya para makapagpahinga si Jreydon, bumalik siya sa trabaho. Habang si Jrey naman ay panay ang pag-iisip, nagiguilty siya.
“Tricia, nasaan si Jrey?” Biglang sumulpot si Kez.
“Nandoon sa room niya, nahihilo raw. Puntahan mo nga,” sagot ni Cia. Agad namang pumunta si Kez.
“Teh, anyare sa'yo? Are you okay?” Pag-aalala ni Kez.
“Walang masakit sa akin, iyon lang ang sinabi ko kay Tricia. Si Kalon kasi, isang buwan na lang ang natitira sa kaniya. Nahihirapan akong magsinungaling kay Tricia pero ayaw ko ring masaktan at mag-alala siya,” napabuntong hininga si Jrey.
“What? Talagang guguho ang mundo ni Cia kapag nalaman niya iyon. Paano na? Anghirap naman nito. Huwag muna nating sabihin sa kaniya, Jrey. Bahala na si Batman. Balik ka roon mamaya ah? Alalang-alala sa‘yo si Cia.” Wika ni Kez.
“Hindi ko alam kung paano umarteng masaya, nagiguilty ako. Nihindi man lang niya makikita si Tricia kahit saglit, ganoon din si Tricia. Parang pinipigilan kong magkita sila kahit sa huling sandali. I don't know what to do.” He responded.

Komento sa Aklat (32)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    nice story

    15d

      0
  • avatar
    SaberdoGene

    this is cool

    21/08/2025

      0
  • avatar
    Paracha Glend

    Sobrang ganda

    08/11/2024

      1
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata