Homepage/ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess/
Epilogue Part 1
Third Person's POV
Lahat ay nagsimula nang maglaban. Even Ynnah decided to kill those minions of Ziphora 'cause now she realized that Ziphora manipulated her to get what she wanted.
Ngayong alam na niya na kaya siyang patayin ni Ziphora sa kahit anong oras at panahon na gusto nito, dahil do'n ay napa-isip na siya kaagad. Ziphora is just tricking her for all her life. Mabuti na lang talaga't nagisinig na siya sa katotohanan.
Ngayo'y nagsisisi na siya na ginawa niya pa ang propesiya para sa kaniyang anak na si Anayah. Hindi naman niya inakala na ganito pala ang kalalabasan ng libro.
It says in the book that a war will broke out and it will gave a new whole kingdom with much powerful than a goddess. Ang akala niya'y kasali siya sa magiging isa sa makapangyarihang at nang magawa niya ring buhayin ang kaniyang asawa na namatay ngunit doon pa lang ay nagkamali na siya ng akala.
Naging demonyo rin pala siya. She became a villain in her own story and now she realized that thing and all she can do is to help her daughter at all cost as much as she can.
Samantala, walang humpay ang paglabas ng mga kalaban nila sa black hole na ginawa ni Ziphora. Lahat ay may kaniya-kaniyang kinakalaban na para bang katapusan na talaga ng kanilang kaharian.
Nasugatan sa mukha si Althea nang makita niya na ang kaniyang kapatid na si Marco ay sinasakal sa tinatawag nilang Mica o Alice.
Because of her anger she immediately attack that person, pero bago pa mangyari 'yun ay tinapos niya muna ang limang kinakalaban niya ngayon.
“You dare to hurt the prince!” sambit niya na pinaulanan ng kapangyarihan si Alice na panay ilag at sangga naman sa mga atakeng ibinibigay ni Althea sa kaniya.
“You okay?” tanong ni Althea sa kaniyang kapatid. Matapos niyang mapatalsik ng saglit si Alice ay kaagad niyang tinulungan ang kaniyang kapatid sa pagtayo.
Marco nodded in response na umubo pa ng bahagya.
“Kaya mo pa ba?” tanong uli niya dito.
“Ate… I haven't use my inner power yet. I'm much stronger than you think.”
Nagawa niya pang magbiro sa sitwasyon nila ngayon kaya naman ay napa-irap rin ng wala sa oras si Althea sa kapilyuhan ng kaniyang kapatid.
Gano'n sila sa mga ganitong sitwasyon. They call each other ate and kuya when they feel like they acted one. Kasi nga lumaki silang may paniniwala na silang dalawa ang magkakambal ngunit sa totoo'y hindi naman pala talaga.
“Then get yourself together and let's kill that b*tch over there!” sambit niya sa kaniyang kapatid.
Tinanguan lang din siya nitong muli tsaka naghanda na uli ng sandata sa kamay.
“I admit that you have a strength and power, young lady.” sambit ni Alice sa kanila na sa pandinig naman ni Alice ay mukhang sarcastic na nang-iinis.
“Sa pagkakaalam ko'y kakambal daw kayong dalawa ngunit… para namang hindi.” tumawa pa si Alice nang sinabi niya ang mga katagang iyon.
“It is none of your business old lady!” sagot ni Althea na nagpagalit kay Alice.
“O-Old lady?”
“Yes, Old lady.” sagot uli ni Thea tsaka umatake na kaagad.
“You may be holding her name but not her face! You may be holding her power but not her attitude. You'll never be her!” sinabi iyon ni Thea sa harap ni Alice habang naglalaban sila.
“I never said I was her! I helped her train that much, even my power I taught her but still she chose to betray us!” ani Alice sa kaniya.
Umatake naman si Marco na napakunot ang noo sa usapan ng dalawa.
“What is she talking about Thea?”
“Anong pakiramdam mo no'ng pinapatay mo ang iyong matalik na kaibigan Fallonia? I really like that woman but I had no choice but to kill her even if we had the same name.”
“So it was you. Who controlled me that time.” galit na sambit ni Thea.
“Alice? Wag mo sabihing…”
“Marco… just go help the other. I'll handle her at once.”
Puno ng galit ang boses ni Thea nang sinabi niya iyon kay Marco na sinunod rin naman kaagad ni Marco nang hindi na nagtatanong pa.
“Really a brave o-- W-what is this?” kusang nawala ang ngiti sa labi ni Alice nang mapansing niyang hindi na niya maigalaw ang kaniyang mga katawan pa.
“I must kill you the way you killed 'her'.”
“P-pakawalan mo ako! P-pag--pagusapan natin ang--- Argghhhh!” tumarak sa dibdib ni Alice ang sandata ni Thea.
Nanggagalaiti ngayon si Thea nang dahil sa sinabi sa kaniya ni Alice. She then use her inner power na bahagyang nagpa-ilaw sa kaniyang mga mata tsaka ginamit ang bagong kakayanahan na kaniyang naatutunan.
The flash ability…
In instance ay nagkandapiraso-piraso kaagad ang katawan ni Alice at kalauna'y naglaho na parang bula. Bahagya pang nabigla ang iba sa ginawa niya.
’Now you can rest in piece, Alice. That damn another Alice, I killed her for you' aniya sa kaniyang isipan na nabasa naman ni Marco.
Meanwhile…
Nang makita iyon nila Ziphora at Alexandro ay nagigting sila sa galit. Nagdulot iyon ng biglaang paglabas ng kakaibang kapangyarihan nila dahilan kung bakit nahirapan si Sam na kalabanin si Ziphora.
“Pinaslang niyo naman ngayon ang aking anak! Uubusin ko kayong lahat!”
Dahil doon ay bigla na lang inatake ni Ziphora sina Yumi, Julia, Diana at Cheska na hindi nakailag sa malaking black magic na itinira nito. Kapwa sila natamaan at napahandusay sa sahig tsaka nawalan ng malay.
Si Samantha naman ay hindi na nakakilos kaagad nang dahil sa pagkakabigla. Puno ng pag-aalala ang mukha niya nang makitang natamaan ang kaniyang mga kaibigan at wala man lang siyang nagawa para iligtas sila.
Nang dahil rin doon ay nagalit si Sam. She tighten her grip sa kaniyang banal na espada.
“Ziphora…” maluha-luha niyang sambit na may panggigigil pa sa boses nito.
Naglakad siya nang may masamang tingin. Sa paglalakad niya'y napansin niya si Fey na sinasaksak ni Anna. Nahagip rin niya si Rex na wala nang malay at duguan na may nakatarak pang sandata sa tiyan nito.
Nahagip rin niya ang mga estudyante sa Enchanted Academy na lumalaban pa sa abot ng makakaya nila. Habang pinagmamasdan niya ang paligid ay tumulo ang kaniyang mga luha at tila nagslow-motion sa paningin niya ang lahat.
Hindi ito ang gusto niya para sa kaharian. Muli niya pang nahagip ang kaniyang tunay na ina at ama na sugatan na rin at halatang pagod na't nanghihina. Si Grey, Scarlet, Sophia at Grayson ay nilalabanan sa buong lakas nila ang anak ni Ziphora na si Alexandro.
Sa galit ni Samantha ay inuna niya muna si Anna. Ginamit niya ang buong kapangyarihan niya para magkandapiraso-piraso ito.
“Para kay Josh at sa ibang mag-aaral na pinatay mo!” nanggigigil niyang ani.
And then she turn around at hinarap si Alexandro.
“Para sa paulit-ulit mong pananakit sa lahat ng taong napamahal na sa 'kin.” sinakal niya ito gamit mismo ang latigo nito na siyang kinontrol niya sa kaniyang kapangyarihan.
Ngayo'y masasabi niya na ang outer energy power na ang ginagamit niya. Nabigla man ang lahat pati na si Grey ay umatras na lang sila tsaka pinaubaya nila kay Sam si Alexandro.
“Argh! A-anong--- imposible! Ako lang ang nakaka-kontrol sa sandatang i-t--o--Ugh!”
“Walang imposible sa kahariang ito pagdating sa 'kin.”
“You can't kill me. Patay na ako hindi tatalab sa 'kin ang…”
Hindi na pinatapos ni Sam si Alexandro at ikinulong niya ito sa isang bula na Pumipigil sa kanilang gumamit nang kahit na anong kapangyarihan.
Ngayon naman ay malakas niyang iwinasiwas ang kaniyang banal na espada na nagdulot ng malakas na kapangyarihan na sinamahan pa ng pag-ilaw kung kayat napuksa ang ibang mga black shadow na nagkalat pa sa paligid.
At sa pagsaksak niya sa kaniyang sandata sa lupa ay isang napakalakas na enerhiya ang kumawala't pinuksa nito ang iba pang mga natitirang kampon ni Ziphora.
Nabigla ang lahat sa ginawa niya. Umabot pa ito sa kaharian na siyang dahilan ng pagyanig nito't ikanataka rin sa dating reyna, kasama ang ibang sibilyan na inilikas nila sa sekretong lugar ng dating reyna.
“That"s too much energy.” ma'am Benitez na kasama ngayon ng dating reyna sa silid.
“That young lady… she's risking her power.” ani ng dating reyna.
“A-anong ibig ninyong sabihin?” tanong ni Gil na siyang nagbabantay at kumakalaban sa mga impostor na natira sa palasyo.
“The prophecy is happening… It's happening right now.” sagot nito.
Balik sa kung saan naglalaban sina Sam. Mausok na ang buong lugar kung kaya't napa-ubo na lang sina Sophia tsaka tumayo at tinulungan ang isa't isa.
“How did she do that.” tanong ni Scarlet nang siya ay makatayo.
“Samantha!” napalingon silang lahat kay Grey.
“Sam! What are you thinking? Whatever you think don't do it alone! Let me join you!” ani Grey habang kinakatok ang isang barrier na hindi nakikita ang loob.
Kung saan ikinulong ni Sam ang kaniyang sarili kasama sina Ziphora at Alexandro.
“Anong pakulo na namn 'to bata! Pakawalan mo ako rito!” ani Ziphora na pareho ring nakakulong sa bula katulad nang kay Alexandro.
“Let's end it. I'm tired…” humalakhak naman si Ziphora sa sinabi ni Sam sa kaniya.
“Hindi ko alam na napapagod pala ang isang diwata.” aniya.
“Bata! Anong ginagawa mo?” napalingon si Sam sa nagsalita. It was Aranayah but body of Zara beside of her was Anayah the true form of Anayah. On the other side was their mother.
“I'm ending this war that y'all created. Marami ng mga tauhan ko ang nasaktan nang dahil sa librong 'to.”
Pinakita ni Sam ang libro na nasa kamay na niya ngayon. Ikinabigla ito ni Aranayah na tiningnan pa ang daliri niya kung nando'n pa ba ang singsing ngunit wala na nga doon nang matingnan niya.
“Paano mo nakuha iyan?” gulat pa nitong tanong sa dalaga.
“Magaling Bata! Ngayon ibigay mo na lang sa 'kin ang libro at pakakawalan ko kayong lahat. Bubuhayin ko rin ang mga namatay kong kasamahan kung gusto mo.” masayang sambit ni Ziphora.
Tumawa ng mapakla si Sam.
“Nagtaka pa kayo kung pa'no ko 'to nakuha? Hindi ba't kayo na rin ang nagsabi na magkatulad kami ng enerhiya sa diwatang si Anayah?” sambit ni Sam sa kanila.
“At ikaw Ziphora. Wag ka ng umasa pa na mapapasayo ang libro. Dahil kung wala ang libro ay wala kayo. Tama ba ako?” seryosong tanong ni Sam sa kanila.
“Huwag mong sabihin na…”
“Yes, diwatang ina! Salamat dahil inisip mo ang bagay na iyon. Aksidente ko siyang nabasa sa iyong isipan. Paumanhin.” sagot ni Sam kay Ynnah na ngayo'y nanlalaki na ang mga mata.
“SAM! You don't need to do that!” ani Anayah na lumapit pa sa kaniya ngunit hindi man lang nakalapit ng husto dahil sa kapangyarihan ni Sam na pumigil sa kaniya.
“Lumabas na kayo rito, kung ayaw niyong mamatay!” sabi niya sa mga diwata.
Ilang minuto pa'y walang gumalaw kaya nagsalita na lang uli siya sa kanila.
“Kung gusto niyo ring maglaho kasama sila ay wag niyong idamay ang katawan ni Zara.” sabi niya sa mga ito.
“Ilabas mo ang katawan niya Ara. Nakiki-usapa ako.” ani Ynnah sa kaniyang anak.
Sinunod naman kaagad iyon ni Aranyah at sa isang iglap lang ay naglaho ang katawan ni Zara at ang kaniyang kaluluwa na lamang ang natira sa loob ng barrier.
Samantala, nabigla naman ang lahat sa pagsulpot sa katawan ni Zara. Tumakbo pa nga si Grey kasi akala niya ay si Sam na ito ngunit nadismaya siya nang makitang hindi ito ang ninanais niya.
“Mahal na Hari! Kailangan nating iligtas ang inyong anak!” ani Grey sa mahal na hari.
“Alam ko! Kung nag-aalala kayo ay mas nag-aalala ako sa kaniya. Hindi sapat ang kapangyarihan natin para puksain ang ganiyang klaseng proteksiyon.” sagot ng hari.
“Paano kung gamitin natin ng sabay-sabay ang ating mga kapangyarihan. Marami pa naman ang mga estudyante na natira sa paaralan. And also me, I can help dahil isa akong diwata.” sabi pa ni Kristoff.
“May alam rin akong black magic. Mas madali nating mapupuksa iyan kung pagsasamahin natin ang ating mga kapangyarihan.” sabi naman ni Yasmen.
“Me too. I know black magic.” gulat na napatingin si Scarlet sa kaniyang Kuya.
“A-anong sinasabi mo diyan Grey? How?” tanong ni Scarlet.
“Let's discuss that later. I also want to help. Then let's proceed, your highness.” singit ni Aurora sa usapan nila. Tumango naman ang hari bilang sagot nito.
Samantala, pinanunasan muna ni Sam ang kaniyang mga luha bago niya inihanda ang kaniyang sarili.
“You'll die if you'll do that young lady! I-ibigay mo na lang sa 'kin ang libro at magsanib pwersa tayo. Kung pakakasalan mo ang anak ko'y bubuhayin natin lahat ng mga nawala mong hukb---Ugghhh!”
“Shut the f*ck up!” nakuryente si Ziphora dahil sa dinagdagan ni Sam ang malaking bula ng kapangyarihan na kung magsasalita si Ziphora ay makukuryente siya nito.
“Wha---Arghhh! F*ck---Argghhhh!”
“Don't do this! Bata ka pa! Kapag hindi mo 'yan kinaya ay mamata---”
“Mahal na diwata… Hindi ko na sana 'to gagawin pa kung takot akong mamatay. Wala nang ibang paraan pa. Kaya kung ayaw niyong mamatay then protect yourself from the impact.”
Masakit man sa sarili ni Sam na isipin na ito na ang kaniyang katapusan ay wala na siyang magagawa pa. Ito na lamang ang natitirang paraan para mabigyan niya ng kapayapaan ang buong kaharian.
Sisiguraduhin niyang hindi masasayang ang pagsasakripisyo niya ngayon. She wielded her sword and then dropped the book.
The next step she did was she stabbed the book na nagdulot ng malakas na enerhiya na siyang dahilan ng pilit na paggamit ng kapangyarihan nila Aranayah at Ynnah para maprotektahan ang kanilang sarili sa malakas na kapangyarihang kumawala sa libro na sapat na para patayin ang isang napakalakas na diwata sa buong Enchanted kingdom.
Pain is what Samantha felt when that sword and holy book collide. She endure the pain as much as she can.
This is it… Endure the pain and everyone will live. If you can't endure the pain then everyone is in doom.
Bahagya pang umilaw ang kaniyang mga mata at dibdib na sinamahan pa nang bahagyang pagsakit sa kaniyang dibdib na para bang may tumutusok doon na libo-libong karayom.
Pumapatak ang mga luha niya sa halo- halong emosyon na kaniyang nararamdaman ngayon. Iniisip niya ang kaniyang mga mahal sa buhay habang dahan-dahan niyang itinusok ng mabuti ang kaniyang sandata sa banal na libro para pumailalim ito ng mabuti.
Mas lumala ang sakit na naramdaman niya at napaiyak na siya nan dahil sa sakit na iyon. Nauubusan na rin siya ng hangin na para bang hindi na sapat pa ang kaniyang kapangyarihan na natitira.
Gano'n rin ang ginawa nila Grey sa labas ng barrier. Hindi man nila nakikita ang loob ngunit sa pagsaksak ni Sam sa libro ay siyang pagsasanib pwersa rin ng mga kapangyarihan sa lahat ng estudyante sa Enchanted Academy.
Pinalibutan nila ang barrier at napuno ng samo't saring kulay ang paligid dahil sa mga ilaw ng kanilang kapangyarihan.
Lingid sa kaalaman ni Sam ay walang pahintulot na pumasok sa kaniya si Anayah at tinulungan siya nito sa abot ng makakaya nito kung kaya't nabigla siya.
Magkahati na sila ng katawan ngayon. Sa kaliwa ay siya at sa kanan naman niya ay si Anayah.
“What are you doin'!”
“Your not gonna make it! I'll join you.” sagot pa ni Anayah.
“Umalis ka na! Maglalaho ka rin kung ipagpapatuloy mo iyan.”
“I'm already dead! At hindi ko maatim na makita kang nasasaktan kung ako naman ang dapat na gumagawa nito.”
Hindi nakasagot si Sam dahil sa sakit na nararamdaman niya ngayon. Hinayaan na lang niya si Anayah na tulungan siya dahil alam din niya sa sarili niya na hindi niya kakayanin ito.
“Anayah! Umalis ka diyan! Mamatay ka anak!”
“Ina! She's already dead.” ani Ara.
“Alam ko... Pero kung gagawin niya 'yan ay tuluyan na siyang mawawala ng panghabang buhay.”
“Let's die together, Samantha. Let's end this war together.” hinihingal na sambit ni Anayah na hindi na pinansin pa ang sinabi ng kaniyang ina.
“S-should we, do that?” sagot ni Sam na ngumiti pa ng bahagya kahit na nanghihina na.
“I can't watch her die!” biglang ani ni Aranayah at tsaka naglabas ng kapangyarihan niya na itinutok niya sa direksyon ni Sam.
Nanlaki pa ang mata ni Ynnah sa ginawa ng kaniyang isa pang anak.
“Anak!” saway niya rito.
“Hindi ako takot mamatay muli Ina. Mas takot akong sa katotohanang madadamay ang batang iyan sa ginawa mong kalokohan.” galit na sambit nito sa kaniyang ina.
“Ni hindi mo nga alam na ako ang pinaslang sa demonyong iyon. Ni hindi mo nga alam na may kasintahan si Anayah na iniibig niya ng buo. Ni hindi mo nga alam na pinaslang mo ang aking matalik na alaga. Wala kang alam kasi isa kang makasariling ina.” Sabi niya habang tinutulungan pa rin sila Sam Samantalang gano'n pa din sila Grey sa labas ng barrier.
“Anong iyong sinabi?”
Alam ni Ynnah na nahihirapan na rin ang kaniyang anak sapagkat natatamaan na rin ito ng kapangyarihan na dulot ng libro.
Kapangyarihang nakakapatay.
“Love? Justice? Nakipagpustahan ka sa mga katagang hindi mo naman tunay na naiintindihan ina!”
Doon napagtanto ni Ynnah na siya talaga ang puno't dulo ng lahat. Umiiyak siyang tinanggal ang barrier na ginawa niya sa kaniyang sarili at saka walang pasabi na tinulungan rin si Sam na para bang ginagawan nila ito ng proteksyon.
“Then I must end this war. This war between Love and Justice. Love, for I was just longing to my dear husband and Justice for the foolishness that I've made.” ani Ynnah.
Matapos no'n ay tinudo niya ang kaniyang kapangyarihan sa direksyon ni Sam.
Si Sam at Anayah naman ay napasigaw pa ng itinudo rin nila ang kanilang mga kapangyarihan. Gano'n din sila Grey sa labas ng barrier na itinudo pa nila ng husto at unti-unti na ngang nabiak ang barrier.
“Ahhhhhhhh!” sigaw ni Sam at Anayah.
“Open up! You f*cking barrier!” sigaw rin ni Grey.
Boooooogggggggsssssshhhhhh!
Napuno ng liwanag sa loob ng barrier nang tuluyang mapuksa ni Sam ang libro. Dahil sa lakas ng impact ay naglaho si Ziphora at Alexandro sa liwanag nito.
Siya na lang ang natira sa loob ng barrier na nakatayo. Ang mga diwata rin ay nawala kasama nila Ziphora. Isang ngiti ang kumawala sa labi niya na hinihingal pa.
“We… did… it.” aniya na hinihingal pa.
Matapos no'n ay bigla na lang siyang sumuka ng dugo.
“Arghhh!” napahawak siya sa dibdib niya at tsaka bahagyang natawa.
Natanggal na rin ang barrier na ginawa niya at doon niya nasaksihan ang pagsikat ng araw kahit na nanlalabo na ang kaniyang paningin.
“Samantha!” ani Grey ngunit malabo na ito sa pandinig ni Sam.
Nakita niya ang mukha ni Grey na papunta sa kaniya. At alam niya sa sarili niya na wala na siyang oras pa dahil sa sakit na nararamdaman niya na nagpamanhid ng buong katawan niya.
Ni hindi niya magalaw ang kaniyang mga paa.
Napangiti siya nang maaninag niya ang mukha ni Grey. Mukha ng kaniyang Ina at ng kaniyang Ama.
'I'm glad that I saw them before I'll die. I love you Grey Hendrix. Hanggang sa susunod nating pagkikita… Supremo.' ang sabi niya sa kaniyang isipan.
Nang makalapit na si Grey sa kaniya ay doon na siya tuluyang nawalan ng malay at bumagsak sa sahig.
And everything went black…
To be continued…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺
24/01
0gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe
08/07/2025
0my book 2 po ba?
04/12/2024
0Tingnan Lahat