XXXIX

•••THIRTY-NINE•••
Samantha's POV
I am so sick in listening of their chitchats. Nagsasayang lang sila ng oras. Alam naman ni Anayah na nauubusan na kami ng oras tapos nakikipag-away pa siya sa ina niya.
“Then if you want me to comeback to you. Pasensya na kung gagawin ko ito.” nabigla ako sa ginawa sa ina ni Anayah.
Hinawakan niya ako sa balikat at mabilis kaming naglaho saka napunta kami sa isang malaking bilog na kanina'y pinaglagyan ni Ziphora ng mga sangkap kamo na sinasabi niya.
She then slit my palm with a knife na sa bilis ng pangyayari ay hindi ko na napigilan pa.
“Ano ba!” asik ko.
Ako na ang may kontrol sa aking katawan. Hindi ko alam pero parang bumalik sa loob ko si Anayah.
“Just please this one anak. Kahit wag ka na magpakasal sa anak nila. Kahit ito na lang ang gawin mo para sa 'kin. Okay?” inismiran ko siya sa kaniyang sinabi.
Buong lakas kong inagaw ang kamay ko na hawak niya kahit na umaagos ang dugo ko doon at pumapatak ito sa bilog na lalagyan nila. Ang dugo ko siguro ang isa sa mga sangkap nila.
“Bitawan mo ako! I am not your daughter! At kahit anong pilit mo ay hindi kami iisa! HINDI!”
Habang nagbabangayan kami ay busy naman sina Grey sa pagprotekta sa banal na libro mula sa mga atake ni Ziphora. Nanlisik ang mata niya ng sinabi ko iyon at nang tuluyan ko ng maagaw ang kamay ko mula sa kaniya.
“Ang tigas talaga ng iyong ulo! Bakit hindi umaayon ang propesiya na aking ginawa? Pasikat na ang araw. Dapat ay nanghihina ka na ngayon.” aniya.
Nagtaka man ako ngunit wala naman akong naramdaman na panghihina. Kung gano'n man ay hindi totoo ang propesiya.
“That is good to hear. Kung gano'n ay hindi totoo ang ginawa mong propesiya.” aniko habang binabalutan ng tela ang aking mga palad na hiniwa niya kanina.
“It is. I am your mother! Mas malakas ako kaysa sa iyo na aking anak. Nanggaling ka sa 'kin kung kaya't mas malakas ako. Kaya tinawag na banal na libro ang libro na iyon dahil hindi iyon kailanman masusunog hanggat hindi nangyayari ang-”
“No you're wrong. Nasusunog iyan Ina.”
“What the---” dinig kong wika ni Ziphora.
Tila napasinghap rin ang lahat sa isang enerhiya na biglang dumaan nang makuha ni Zara ang banal na espada.
Yes, it was her. She called that woman her mother. Ngayon ay punong-puno na talaga ako ng kalituhan. Sino ka ba talaga Zara?
“A-anong sinabi mo?” tanong ng ina ni Anayah kay Zara.
“You! Give me back that Sword!” galit na usal ni Ziphora.
Nang mahawakan niya pa ang banal na espada katulad nong sa'kin sa kasalan kanina'y umilaw rin ang mga mata niya at nabalutan siya ng liwanag na kulay berde.
“Ina… Tumigil ka na pwede ba? Hindi ako mapayapa ng dahil sa 'yo.” puno ng galit na wika ni Zara.
“Aranayah…” narinig ko ang malungkot na boses ni Anayah sa loob ko.
Siya ba ang tinutukoy niyang kakambal niya noon? Kaya naman pala bigla na lang sumulpot si Zara sa simula ng digmaan.
“Today… no one can bring back the demon king as long as I am breathing, Ina.” ani pa niya.
“Sino ka ba talagang bata ka at nakiki-alam ka sa trabaho ng matatanda?” usal uli ni Ziphora.
“Ara? Ikaw ba 'yan?”
“Marami kang bagay na hindi alam ina sa panahon natin.” sabi pa niya.
Nilapitan ako ni Zara at dahan-dahan naman na lumayo ang kaniyang ina mula sa 'min. Nakita ko si Ziphora na ngumisi sa 'kin na nagpabalik-balik ng tingin sa malaking bilog na pinaghaluan niya kanina ng mga sangkap na kaniyang nakuha mula sa 'min.
“Nagkakamali ka bata.abubuhay ko ngayon ang aking asawa.” sabi ni Ziphora.
Pagkatapos ay tumakbo siya papunta doon sa malaking bilog at saka itinaas ang kaniyang kamay bago niya sinabi ang orasyon na sa tingin ko ay nasa libro.
“Hindi ko na kailangan ang libro na iyan sapagkat nasa-ulo ko na ang orasyon.” ngiti niyang wika sa 'min lahat.
Ako naman ay naalerto at pipigilan ko na sana siya sa orasyon ng pigilan rin ako ni Zara na nasa tabi ko.
“Bitawan mo ako! Kailangan natin siyang pigi-”
Nanlaki pa ang mata ko ng pinigilan niya rin sina Grey, Liam at Lucas na pipigil rin sana kay Ziphora gamit ang banal na espada ko na ngayon ko lang napansin na siyang ginagamit niya pala at kinuha niya kanina.
“Let her be. Hindi siya magtatagumpay sapagkat mali ang sangkap niya na inilagay.” nakita ko pa ang pag ngisi ni Zara nang ibinulong niya sa 'kin ang mga katagang iyon.
Muntik na akong matawa sa mukha ni Ziphora ng sumabog sa kaniya mismong mukha ang ginawa niya.
“See… I told 'ya."
“How is possob--” ani ni Anayah sa loob ko.
“Alam ko na kung ano ang laman ng libro na ginawa ng ating ina, ate. Alam ko na rin kung papaano tapusin ang lahat ng ito at iwan ang mga walang kamuwang-muwang na mga bata na ito ng ligtas.” aniya pagtutukoy niya sa 'ming dalawa ni Zara.
Sigurado rin ako na nasa loob lang din si Zara at nakikinig sa lahat ng nangyayari.
“Paano? Ang patayin si Ina? Alam mong hindi ko kayang paslangin ang ating ina. Iyon ang pinakamasakit na katagang nabasa ko sa bwesit na libro na iyon!” ani pa ni Anayah.
Natapos na pala nilang basahin ang libro. Eh ako nga hindi pa nangangalahati eh kasi wala akong makita na kahita anong letra man lang kahit na gusto kong magbasa. Kusa lang kasi siyang lumalabas kung kailan niya gusto. May favoritism siguro.
“Ynnah! Anong nangyari!” napapitlag ang lahat sa galit na sigaw ni Ziphora na umalingawngaw sa buong kalawakan dito sa rooftop ng building.
Kita ko sa mga mata ng ina nila Anayah ang pagkalito rin. Napalunok pa siya ng paulit-ulit na animo'y hindi makapaniwala.
“Ynnah! Niloloko mo ba ako?” gamit muli na wika ni Ziphora.
Umiling naman kaagad ito, “Hindi… Tama naman lahat ng sinabi ko sa 'yo. I-imposibleng hindi totoo ang propesiya.” nanginginig pa ang boses sa ina nila Anayah ng sinabi niya ang mga katagang iyon.
Lahat kami ay napaatras ng bigla na lang sakalin ni Ziphora si Ynnah na sa lakaas niya ay umangat ito sa ere.
“Pinagloloko mo ata ako eh! You want to outsmart me para sa mga anak mo!” galit nitong wika.
“H-Hinid kita niloloko. B-baka namali ka ng orasyon na sinabi. S-s-subulan mo muli ng b-binabasa ang mga kataga kaharap ang libro.” aniya na nahihirapan pa dahil sa pagkakasakal nito sa kaniya.
“ALEXANDRO!” umalingaw-ngaw uli ang matinis niyang boses sa buong kalawakan.
Maya-maya pa'y humangin ng malakas-lakas at biglang na lang din na kumidlat. Napayuko pa kami ng dahil doon. Matapos ay sumulpot doon ang isang lalake na parang black shadow pero nakikita naman ang mukha niya. Para siyang tao na napapalibutan ng itim na mahika sa kaniyang paligid.
'Yan na siguro ang totoo niyang wangis. Ang lalakeng gustong ipakasal sa 'kin. Wala pa siya sa kalingkingan ni Grey. Ngayon alam kona kung bakit hindi gusto ni Anayah na makipag-isang dibdib sa lalakeng iyan. Panget na nga ugali panget pa mukha. 'Di naman pala ka-gwapuhan.
He stretched his neck as if he's ready for some fight. Doon rin ay napasinghap si Zara sa tabi ko nang makita naming na inihagis ni Ziphora si Ynnah at nahulog ito sa building ng ganon'n-gano'n lang.
“Ina!” pipigilan na sana ni Zara ang pagkakahulog ng kaniyang ina nang matamaan siya sa latigo hawak pala ng Alexandro na iyon.
“Arghhh! F*ck!”
“Kill them all! I'll handle the book.” nanggagalaiti na wika ni Ziphora.
“Okaaaayyy!” ani Alexandro na hindi ko nagustuhan.
“Where's Karen?” kumunot pa ang noo ko sa tanong ni Ziphora na siyang nagpahinto rin ni Alexandro.
“She's gone. That woman killed her.” napalingon ako sa itinuro niya.
Yasmen.
“You kill who?” tanong ni Thea.
“That one annoying being. She keeps blocking my way so I killed her.” aniya na para bang wala lang sa kaniya.
“You… You killed my cousin again. I'm gonna kill you and cut you into pieces! Mag-antay ka lang.” ani Alice na inirapan lang ni Yasmen.
“Mamatay ka muna bago mangyari 'yun.” seryoso na wika ni Yas na para bang nasa galamay na niya ang mangyayari.
“You okay?” napalingon ako sa nagsalita sa likod.
It was Alex. He helped Zara to stand and then gave her the my sword.
“Don't mind me kid! Lumayo kayo sa lugar na 'to para hindi kayo masaktan. Ngayon din!” said Zara with full of authority.
Then I suddenly realize, I can't deny the fact that she's Emerald. I should have recognize her since then. Ngayon ko lang napagtanto na pati boses nilang dalawa ni Emerald ay magkatulad na magkatulad.
“Kid?Wtf?” ani Alex.
“Just do it Alex. Where fighting a life here.”
Tumango siya sa 'kin “Ate Sam… magiingat kayo, okay?” tumango na lang rin ako sa sinabi niya.
Naglakad na papalayo si Alex. But then I gasp ng matamaan siya bigla ng malaking latigo na hawak nong Alexandro.
“Alex!” ani ko at mabilis na tumakbo roon ngunit hinarang na ako ng latigo ng bwesit na Alexandro na 'to.
Wala akong magawa kundi ang ilabas na lang ang kapangyarihan ko at tumingin ng masama sa kaniya. Ngumiti lang ng nakakaloko ang gago sa 'kin. Akala niya bagay sa kaniya ang gano'n? Mukha siyang tuko!
Nilingon ko uli si Alex. I felt relief ng makita ko na tinulungan siya nina Yumi at Diana. Simpleng tango lang ang ibinigay ni Yumi sa 'kin nang magtama ang paningin naming dalawa.
Wala akong sinayang na oras. Mabilis kong pinatamaan si Alexandro na nasangga naman niya.
I also saw my true mother along with Kristoff na nakikipaglaban kay Ziphora and still protecting the book as much as they can.
“You need to learn a lesson, woman!” aniya tsaka ako pinaulanan ng latigo niya.
Iniilagan ko lamang ito at sinasangga. Hanggang sa makita ko si Zara na inihandang iwasiwas ang banal na espada ko na nasa kaniya. Hindi iyon nakita ni Alexandro kung kaya't mas binigyan ko pa siya ng rason para nasa akin lang ang pukos niya.
“You're not ashame don't you?” aniko sa kaniya.
Dahil do'n ay ay hindi niya nga napansin si Zara at tsaka tumama sa kaniyang likod ang kapangyarihan na inilabas ni Zara mula sa banal kong espada.
Bago pa makasagot sa 'kin si Alexandro ay tumilapon na siya. Napangiti ako nang bahagya sa ginawa ni Zara o kung sino mang diwata na 'yan.
“Aranayah!” ani Anayah na nasa loob ko.
Mabilis akong napalingon sa direksyon sa diwatang si Aranayah. Ngayon ay nakaluhod na siya sa sahig na animo'y may iniindang sakit sa balikat kasi doon siya nakahawak eh habang nakayuko naman ang ulo niya na para bang pinipigilan niya ang impit na sakit.
Patakbo akong lumapit sa kaniya.
“Okay ka lang?” tanong ko.
Ngunit hindi niya ako sinagot. Kinuha lamang niya ang banal na espada tsaka tiningnan ako ng diretso sa mga mata habang tinulungan ko siyang makatayo.
“Bahagya lang akong napagod sa inilabas kong enerhiya. 'Wag kang mag-alala aking kapatid.” ngiti niyang wika sa 'kin.
“Y-your nose. I-it's…” utal kong wika dahil sa pagkakabigla.
Mabilis niyang pinunasan ang dugo na kumawala sa kaniyang ilong. Bahagya pa siyang tumawa nang pinupunasan niya ang kaniyang ilong.
“'Wag kang mag-alala Anayah. Malayo lang 'to sa bituka. Tara na't bilisan na natin. Ang tanging paraan lamang para matapos ang lahat ng ito ay ang sunugin ang banal na libro.” aniya sa seryosong boses.
“Ngunit batid mong hindi basta-bastang nasusunog ang ganiyang makapangyarihang libro, Aranayah.” ngayon ay si Anayah na ang nagsalita ngunit ako pa rin naman ang kumukontrol sa aking katawan.
“At batid mong may mga banal na kapangyarihan tayo aking kapatid. Naalala mo ba ang sinabi ni ama noon?” aniya.
Nakinig nalang ako sa pag-uusap nilang dalawa. Samantala sinipat ko ang paligid habang nag-uusap silang dalawa.
Kinakalaban na ni Grey at Althea ngayon si Alexandro habang si Yasmen naman at si Julia ang kumalaban kay Mica. Si Diana, Cheska at Yumi naman ang kumalaban sa isa pang kalaban na hindi ko pa mamukhaan.
Ngunit sa pagharap nito sa direksyon ko'y bahagya ko iyong ikinagulat.
“Anna…” bulalas ko.
Si Ana ay kakampi pala nila Ziphora. Kung gano'n ay siya ang tinutukoy ni lola meng na traydor. Siya ang pumaslang kay Josh dahil may nalaman siguro si Josh na dapat ay hindi niya malaman sa panahong iyon.
“Samantha! Listen up!” napapitlag ako ng marinig ko ang boses ni Anayah.
“Ahh-- Oo? B-bakit?” taranta kong sagot.
“Tinatanong kita kong may kilala ka pa bang isa pang diwata?” kumunot kaagad ang noo ko sa kaniyang tanong.
“Diwata? May iba pa bang buhay na diwata maliban sa'yo at ng inyong kapatid? Wala na ata dahil sa sinabi niyo noon na naubos na ang lahat ng diwata sa panahon ninyo.” sagot ko.
“Tiyak akong may nabubuhay pa talaga na isang pamilya na diwata. Nararamdaman ko ito.” ani Aranayah na mas ikinagulo ko.
Napansin ko ang kakaibang paghinga niya. Mukha siyang nawawalan ng hangin sa kaniyang katawan.
“We need 1 more goddess to get rid of that book.” ani pa niya. Kaya pala, pero sino naman kaya.
“Ang inyong ina. Hindi ba't diwata siya?” aniko.
“Hindi pwede si Ina. Nalagyan ko siya ng sumpa na kailanma'y hindi na siya magiging kalahi ng diwata hanggat hindi niya pinupuksa ang propesiya.” ani Anayah na ikinaawang ng bibig ko.
Hindi ako makapaniwala sa aking narinig mula sa kaniya.
“Isinumpa mo ang iyong ina? Anong klaseng anak ka kung gano'n?”
Tumawa siya ng mapakla, “Isang matigasing ulo na anak. At batid kong gano'n ka rin Samantha.” hindi nalang ako nakasagot sa kaniyang tinuran.
“Aranayah! Anong ginagawa mo?” tanong ko nang mapansin kong nakapikit lang siya na parang nagdadasal.”
Nagulat ako ng bahagya sa pagbukas ng mga mata niya dahil lumitaw doon ang ilaw na kulay berde.
“Nahanap ko na!”
“Sino?Saan?” it may sound weird pero magkasabay naming iyong sinabi ni Anayah.
“Here!” kapwa kami napalingon sa nagsalita.
Nagtaas baba pa ang balikat nito nang dahil sa hingal habang hawak niya ang banal na libro.
“Kristoff?”
“How are you, your highness?” tanong niya sa 'kin nang siya ay makalapit.
“Y-you're telling me that this man… this man is a Goddess? Like h-how?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila.
“Later Sam, later. Nauubusan na tayo ng oras. Kailangan na nating gawin ang pagpuksa nito.” tinaas pa niya ang banal na libro sa harap namin.
Wala akong nagawa kundi ang tumango.
“Pero, anong gagawin natin?” taka kong tanong.
“Where gonna make a circle. Sa gitna nito ay ang libro at sabay-sabay natin itong titirahin gamit ang mga banal natin na sandata. It's enough power to destroy it.” paliwanag ni Anayah sa 'kin.
“But then be careful your highness. Kapag nagkamali tayo ay may chance na tayo mismo ang masasaktan imbes na ang libro.” ani Kristoff na tinanguan ko lang din.
“Kung ganon ay simulan na natin. Akin na ang banal kong espada diwata.” inilahad ko ang kamay ko sa direksyon ni Aranayah.
Ngunit tiningnan lang niya ang aking mga palad. Nagtataka ko siyang tininganan ng tinanggal niya ang tela na iginapos ko kanina sa hiniwa ng kanilang ina.
“Pagalingin mo ang lahat ng sugat sa iyong katawan upang makalabas ang aking kapatid diyaan at nang siya ang kokontrol nito. Wala akong tiwala sa 'yong bata ka.” automatic na tumaas ang kilay ko sa kaniyang sinabi.
Kaya naman pala nasa loob ko lang si Anayah nang dahil sa mga pasa at sugat na natamo ko na hindi pinagaling dahil sayang lang ito sa kapangyarihan ko.
Nagamit ko na kasi ito sa aking tunay na ina at sa inang reyna kung kaya't nagtitipid na ako ng aking enerhiya.
“Hindi na ako bata pa diwata. Kaya ko na ang pinaplano ninyo kaya akin na 'yang banal na espada ko.”
Ngunit imbes na ibigay niya sa 'kin ang espada ay tinalikuran lamang niya ako na ikina-inis ko ng bahagya.
“Kailangan nating bumaba. Mas malakas ang mga banal mating sandata kapag nasa lupa tayo. Lalo na sa 'kin na kalikasan.” aniya.
“Kung gano'n ay tara na.” ani Kristoff na nagsimula nang hilahin ako pero hindi naman ako nagpahila sa kaniya.
“Pano sila Ziphora?” tanong ko.
“Tiyak akong susunod sila sa 'tin ngayon. Kaya bilisan na natin.” ani Aranayah tsaka ako hinila papunta sa railings ng rooftop.
“Teka! Teka! Teka lang! 'Wag mo sabihing tatalon tayo diyan diwata?” hindi ko makapaniwalang tanong.
May trauma na ako sa ganiyan. Pwede naman kaming bumaba nalang doon sa hagdan eh.
“Kristoff right?” ani ni Aranayah kay Kristoff. Tumango naman si Kristoff tsaka hinawakan niya ako sa kabilang braso ko ng mahigpit.
Si Aranayah naman sa kabilang braso ko at mahigpit rin. Ipinikit ko na lang ang mata ko dahil sa pinagagawa nila. Mukhang wala akong choice kundi ang magpadala sa kanila.
“Aish! Pinagkaisahan niyo talaga ako!” asik ko habang nakapikit pa rin.
“Ang libro! Akin na ang libro!” sigaw iyon ni Ziphora na hindi ko nakita.
“Samantha yuko!” boses ni Grey ang narinig ko.
Ngunit huli na ang lahat. Naramdaman ko na lang ang aking likod na para bang umaapoy sa sakit kasabay no'n ang pagkahulog ko sa rooftop ng building. Nakita ko pa sa itaas sina Aranayah at Kristoff na naka-imprinta sa mga mukha nila ang pagkagulat.
“Takte! Mamatay ata ako bago ko mailigtas ang mundong 'to.” deep inside ay nagpa-panic na talaga ako sa kung anong dapat kong gawin.
“Use your power, Idiot!” narinig ko ang boses ni Anayah sa loob ko. Kasunod naman no'n ay nakita ko sina Kristoff at Aranayah na sumunod sa 'kin sa pagtalon na magkahawak pa talaga ng kamay.
Nakatihaya kasi ako no'ng nahulog ako kaya kitang-kita ko sila sa itaas ngayon. Ipinikit ko na lang ang mata ko at sa muli kong pagbukas ay nasa malapit ko na silang dalawa.
Nabigla man ay hindi ko na inabala pa iyon. Magkasabay nila akong hinawakan sa magkabilang kamay. Tapos narinig ko na nagsalita si Aranayah ngunit hindi ko masiyadong marinig dahil sa lakas ng hangin na pumapasok sa tenga sa pagkakakhulog.
“Use your energy power! Para lulutang lang tayo sa baba!” aniya.
“Ano!” sigaw ko pabalik sa kaniya.
“We'll use our energy power to create a force na pipigil sa 'tin sa pagbagsak, Sam!” sigaw naman ni Kristoff ngunit sa tenga ko na ito kaya dinig na dinig ko tagos hanggang kaluluwa.
“I don't think I can!” aniko.
“Why?” tanong ni Kristoff.
“I'm saving my energy! I already use the half of it!” sigaw ko na paliwanag sa kanila.
“Not your literal energy power! Your inner power! I'm talking to your inner power!” ani Aranayah sa 'kin.
“Huh! May gano'n ba?”
“Oh my god Samantha!” reklamo ni Anayah na nasa loob ko.
“Just release your energy in your inner body and then think as if you want to float in the air! That way lalabas na siya!” dugtong ni Anayah.
“We're almost there Samantha!” sabi naman ni Kristoff na nagpadagdag sa 'kin ng kaba.
Kaya ko 'to! Okay…
“In the count of three. Sabay-sabay natin itong ilalabas.” pumikit na ako ng sinabi iyon ni Aranayah.
“One…” nagsimula ng magbilang si Aranayah kaya domoble na ang kaba ko.
Kaya ko 'to! All I'm gonna do is release my inner power and think as if we're floating.
“Two…”
This is it!
“Three… Release!”
I release my inner power as much as I can habang nakapikit pa rin. I imagined as if I'm floating and then…
And then…
“Open your eyes now.” narinig ko ang boses ni Kristoff kung kayat dahan-dahan kong binuksan ang aking mga mata.
“Woah!” bulalas ko ng makita na nakalutang kami sa ere sakto lang para hindi kami tumama sa lupa.
“Well done. You did it Samantha.” puri sa 'kin ni Kristoff tsaka tumayo na kami.
“Tara na!” sasagutin ko pa sana si Kristoff nang bigla na lang ako uling hinila ni Anayah na nagmamadali pa.
Hindi na lang ako pumalag pa't nagpahila na lamang. Naramdaman ko rin nama na sumunod si Kristoff.
Nakarating kami sa malawak na field dito sa paaralan ng Enchanted Academy. Sira-sira man ang paligid ay makikita pa rin naman ang kabuuan nito.
“Now this ain't right anymore! GIVE.ME.THE.BOOK!” hindi sa kalayuan ay nakita namin si Ziphora na nag-aapoy na sa galit.
Nagulat pa ako sa 'king nasaksihan dahil nakalutang sa ere si Ma'am Aurora at saka si Ma'am Selena na animo'y hostage ni Ziphora.
“Ibigay niyo ang libro at pakakawalan namin sila.” ang sabi pa ni Alexandro na iginapos sina Yasmen at Yumi sa kaniyang malaking latigo.
“Then mamatay din ang kapatid mo't kakampi.” napalingon na naman ako sa kabila.
Nakita ko doon si Grey at Lucas na hawak si Mica. Sa kabila naman ay si Rex at Diana na hawak si Anna na may nakatutok na sandata sa leeg nito.
“Samantha! What are you doing? Let's burn the book now!” ani Kristoff.
Nahinto ako at tiningnan siya ng seryoso sa mga mata niya.
“Don't worry. They can't use any power kapag sinimulan na nating puksain ang libro. Gano'n kalakas ang kapangyarihan nating mga diwata.” wika sa 'kin ni Aranayah.
“Hindi! I'm just wondering. Wala pa sa 'kin ang banal kong espada kaya pa'no natin masisimulan 'to?”
“Mines here.” sabi ni Kristoff.
Isang napakalakas na hangin ang kumawala sa paligid at umilaw bigla si Kristoff na kulay asul. Isang sandata ang lumipad sa kaniya na siyang dahilan ng biglaang paghiba ng kulay ng kaniyang buhok na dumaloy pa sa mga mata niya.
Ang buhok niya na kulay abo ay naging kulay asul na parang ulap. Saglit akong namangha sa aking nakita.
“Impossible.” lahat ay nabigla sa ginawa ni Kristoff.
“Ang akala ko ba'y patay na ang lahat ng diwata noon.” bulala ni Mica.
“Kamangha-mangha.” ani Ma'am Selena.
“Sa 'kin ang sandata na 'to bata. Ako ang tunay na nagmamay-ari ng sandata na ito.” biglang sabi ni Aranayah.
“Ano?”
“Ang tunay 'kong sandata ay nasa iyong kapatid. Itinago ko iyon para hindi nila makompleto ang sangkap.” ani Anayah na nasa loob ko.
“Here!”
Napalingon ako sa tumawag sa 'kin at saktong inihagis ng Hari ang isang kwentas na katulad na katulad sa kwentas ko na naging sandata rin. Nasalo ko naman kaagad ito kahit na medyo nabigla ako sa pagsulpot ng hari.
At sa paglapat palang nito sa mga balat ko'y naramdaman ko na kaagad ang kakaibang enerhiya nito na siyang dahilan kung bakit bigla na lang akong nakaramdam ng paglakas ng aking katawan na ani mo'y hindi ako napagod sa labanang ito.
Wala akong sinayang na oras. Kaagad kong ginawang sandata ang kwentas. It was magical. I never thought in my life that magic could be this beautiful.
“NOW!” ani Aranayah nang mahawakan ko na ang aking sandata.
“Sandali! Huwag niyong gagawin 'yan! Mamatay kayo kapag ginawa niyo 'yan.”
Napalingon kaming lahat sa nagsalita. Sasaksakin na sana namin ito nang bigla na lang dumating ang Ina ng dalawang diwata.
“Ina! Lolokohin mo na naman kami?” ani Aranayah.
“Anak! Nagsasabi na ako ng totoo ngayon. Kung ayaw niyong maniwala baka sa gagawin ko'y pagkatiwalaan niyo na ako. Pasensya dahil naging duwag ako.” aniya na umiiyak pa.
Matapos niyang sabihin iyon ay isang napakalakas na kapangyarihan ang kumawala mula sa kaniya at ang hostage nila Ziphora at Alexandro ay nakuha kaagad niya sa isang iglap lamang.
Tunay nga na napakamakapangyarihan niyang diwata.
“Ynnah… ngayon ay kinakalaban mo na ako.” ani Ziphora na tumawa pa ng bahagya.
“Kailanma'y hindi ako kumampi sa 'yo. Ginawa ko ang lahat ng iyon para sa kapakanan ng buong Enchanted Kingdom.” sagot naman ni Ynnah.
“Ngayon ay binigyan niyo ako ng rason para palabasin lahat ng hukbo ko sa kahariang ito. Kung hindi ko man magagawa ang orasyon sa araw na 'to, pwes papatayin ko na lang kayo.” aniya sa mariin na boses.
“Ina! Kung ang ibig mong sabihin ay mamatay kami na mga diwata na nasa loob ng katawan na ito ay okay lang ina. Sapagkat hindi naman talaga kami buhay sa simula pa. Nakikigamit lamang kami sa katawang ito na pinaniniwalaang niyong nabuhay na may kaparehong enerhiya sa 'min.” ani Aranayah.
“Hanggat buhay ako ay hindi magiging sa inyo ang libro. Labas aking mga tagasunod, maghasik kayo ng lagiiiiimmmm!” ani pa ni Ziphora.
Isang napakalaking black hole ang kaniyang ginawa at mula doon ay nagsilabasan ang mga black shadow na mas malalaki kumpara sa ordinaryong black shadow.
Mayroon ding mga kawal na may mga sandata na gawa sa sinaunang panahon. Mga sandatang mas matibay pa sa mga bago ngayon ayon sa nabasa ko sa mga libro noon.
“Ano na mahal na diwata! Itutuloy pa ba natin ito? Dumarami na sila.” ani Kristoff na sinang-ayunan ko kaagad.
“Let's just finish it at onc---” akmang isasaksak ko na sana ang sandata ng mahinto ako sa sinabi ng kanilang ina.
“Hindi lang kayo ang mawawala mga anak. Kundi pati na rin ang mga inosenteng bata na nadamay ngayon sa katarantaduhan ko.” aniya.
“Ho?” narinig ko na wika ni Aranayah.
“At wala rin akong magagawa para sa libro na iyan sapagkat isinumpa mo ako Anayah. Kung tatanggalin mo ang sumpa na ito ngayo'y madali ko lang na---”
“Hindi ko magagawa iyan Ina.” pagpuputol ni Anayah na lumabas na pala sa aking loob.
Ngayon ay para akong nakakita ng isang anghel na bumaba sa kalangitan dahil sa umiilaw na ganda nito. Mapapanganga pa nga ako kahit na ganito ang sitwasyon na nangyayari sa kaharian.
Napansin ko na ginawan kami ni Kristoff ng barrier sa kadahilanang nagkakagulo na ang lahat sa paligid. Hindi pa nakakalapit sa 'min si Ziphora dahil hinaharangan siya nila Grey at nang iba pa naming kasamahan.
Ngayon ko lang din napansin na may mga hukbo rin pala ng hari na dala niya kaya it's a win-win situation of the parties right now.
“I, the king of this kingdom, command to fight and kill all of Ziphora's minions as much as you can!” ani ng hari sa lahat ng mga hukbo niya.
“Anayah? Anong ibig mong sabihin?” napalingon uli ako sa ina nila Anayah at Aranayah.
“Isinumpa po kita ina kasama ang libro. Na tsaka lang mawawala ang sumpa na iyan kapag napuksa na ang banal na libro. Hindi ko naman inakala na gagamitin pala ang kapangyarihan mo bilang isang diwata.” nahimigan ko ang pagkabigo sa boses ni Anayah nang sinabi niya ang mga katagang iyon.
“Wala tayong magagawa kong mag-uusap lang tayo dito! Kung hindi natin mapupuksa ang libro ay papatayin na lang natin si Ziphora. Tutulungan mo kami Ina!” galit na wika ni Aranayah.
Isang suntok lang ni Aranayah sa barrier na ginawa ni Kristoff ay nabasag na ito. Kinuha niya rin ang libro at tila naging singsing ito at tsaka niya isinuot sa kaniyang daliri.
“You c-could turn things like that? How cool! Later, can you teach me how to do that too?” tanong ni Kristoff kay Aranayah pero hindi naman siya sinagot nito.
To be continued…

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    RodriguezElla

    Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺

    24/01

      0
  • avatar
    Krizza C Arcas

    gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe

    08/07/2025

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my book 2 po ba?

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata