Homepage/ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess/
XXXVII
•••THIRTY-SEVEN•••
Samantha's POV
“Ngayon masasaksihan natin ang pag-iisang dibdib ng diwatang si Anayah Natashia at anak ng ating hari na si…” nahinto ang pastor na nagkasal sa 'min.
Hindi ko alam kung anong puamsok sa 'kin at natawa ako bigla. Ano't hindi niya kilala ang anak ng kinikilala niyang hari?
“Anayah!” mahinang singhal sa 'kin ng kabiyak ko ngayon.
“Alexandro Voyager. Ano't hindi mo alam ang aking tunay na pangalan?” nahimigan ko ang galit sa boses niya.
“Panget ng pangalan.” mahinang bulong ko.
“Tumahimik ka diyan Anayah!” suway ng kaniyang ina sa 'kin.
Wala akong ibang magawa kundi ang inisin lamang sila. Alam ko naman na may mangyayaring pagtutol sa kasal na ito. Malakas ang loob ko. At tsaka hindi naman siguro ako hahayaan ni Anayah, besides it's her body too but I'm in control of it.
“Pasensya na po kamahalan.”
“Bilisan mo na. Tanggalan kita ng ulo diyan eh.” galit na wika ni Alexandro.
“Sa pag-iisang dibdib ng dalawang makapangyarihang nilalang sa buong Enchanted kingdom. Alexandro, tinatanggap mo ba si Anayah bilang iyong asawa at katunggali sa buhay?”
“Yes of course!” napa-irap ako sa sagot niya. Hindi niya kasi inalis ang tingin niya sa 'kin nang sabihin niya ang mga katagang iyon.
“Anayah, tinatanggap mo bang---”
“No.” I coldly said habang nakatingin lang din ng diretso sa mga mata ng demonyong kaharap ko.
Napalingon ako sa baba ng marinig ko ang isang pagsigaw at ang tunog ng espada. Nanlaki ang mata ko sa bigla. Isang sibilyan ang pinaslang ng tauhan ni Ziphora na mga sinner corps.
“Isang pagkakamali ay isang buhay ang makakalas. Ano Anayah? Tatanggi ka pa ba?”
Puno ng galit kong tiningnan si Ziphora. Naikuyom ko pa ang aking kamao sa galit ko. Dinig ko mula rito sa itaas ang pag-iyak ng kamag-anak sa taong pinaslang nila. Hindi ko na kaya pa ang ginagawa nila.
“Kahit anong mangyari Samantha wag na wag kang papayag sa gusto nila. Kapag naging parte ka na ng pamilya nila'y mamatay lang din naman kami.” napalingon ako sa nagsalita.
It was my father. I saw longing in his eyes nang magtama ang paningin namin.
Tumawa naman si Ziphora, “Iyon ay pagdedesisyonan pa namin. Huwag kang mag-alala hindi ka pa namin papaslangin sapagkat magagamit ka pa.” mas lalo akong nagalit sa iwinika ni Mica.
“Tama na ang satsat. Ituloy niyo na.” ani Alexandro.
“May tumututol ba sa kasalang ito?”
Bahagya akong nabigla kasi dumeretso sila sa parte na ito. Ni hindi ko pa nga nasabi ang mga kataga ko. Saglit na nabalot ng katahimikan ang paligid. Ito na lang ang natitirang paraan ko. Sana naman may tututol lang kahit isa. Malapit na… Malapit na ang banal kong espada na kanina ko pa tinatawag.
“Kung wala, You may now kiss the bride.” nagpalakpakan ang mga kampon ni Ziphora.
Isang ngiti naman ang nakita ko sa lalaking kaharap ko ngayon. Unti-unti na siyang lumalapit sa 'kin. Hawak na niya ngayon ang pisngi ko pero hindi ako basta nagpabigay sa kaniya. Pinilit kong ilayo ang mukah ko sa kaniya kaya naglalaban kamyo ngayon sa aking lakas.
“Ano ba! Hinalikan mo na ang lalakeng 'to! Ba't hindi mo ako kayang halikan ngayon?” galit niyang singhal sa 'kin.
“You're not him. At kahit pa katawan niya iyan hinding-hindi kita hahalikan kasi ikaw ang laman niyan! Pweh!” dinuraan ko uli siya.
Sa pagkakataong ito ay ramdam ko na ang espada ko. Nakita ko ang pagtaas ng kamay niya sa ere at akmang titirahin ang nasa ibaba ng kaniyang kapangyarihan pero kapwa kami nabigla lahat sa nangyari. Maski ako ay napaigtad ng dahil sa pagkagulat.
Natanggal bigla ang nakagapos sa aking kamay. Sa pagtanggal pa lang nito ay naramdaman ko kaagad ang pagdaloy ng aking enerhiya. Mabilis na nawala ang pagod na kanina ko pa nararamdaman. Naramdaman ko rin ang pagdaloy nito sa aking mga mata at buhok ko na kulay lila na alam kong nagdulot ng pag-ilaw nito.
Lahat kami ay napalingon sa malaking pintuan habang ang Alexandro na kanina ay kuasng tumalsik papalayo sa 'kin maski na si Ziphora. Dahil siguro iyon sa enerhiya ko na bigla na lang kumawala sa 'kin.
Isang babae na umiilaw ng kulay berde ang nasa harap ng pintuan. Nagkatinginan kaming dalawa. A glimpse of Emerald appeared when she smiled at me. Nabigla man ay naibulalas ko na lamang ang kaniyang pangalan.
“Zara?”
“Tumututol ako sa kasalang ito!” umalingawngaw ang kaniyang boses sa kabuuan ng kwebang ito.
“Who the f*ck is---” natumba uli si Ziphora nang mahawakan ko na ang aking espada.
Naglabas kasi ng malakas na enerhiya ang aking espada nang mahawakan ko na ito na siyang dahilan din ng bahagyang paglaho ng ibang black shadow na nakapalibot sa 'min.
Itinaas ko ang aking kamay at inihanda ang aking kapangyarihan. Itinira ko ito sa direksyon nila Julia tsaka mabilis na pinuksa ang kapangyarihan na nakapalibot din sa kanila na siyang pumipigil sa mga kapangyarihan nila.
Lingid sa aking kaalam ay gano'n rin pala ang ginawa ni Zara na nasa ibaba. Kaya naman ay napuno ang ilaw ang paligid. Isang kulay lila at kulay berde na siyang nagpalaho sa lahat ng natitirang black shadow sa paligid.
Ngayon ay ang mga sinner corpse na lamang ang natitira at ang iba pang mga impostor na nagkalat sa kabuuan ng palasyo na ito.
“Proceed to the plan. Now!” rinig kong sigaw ng hari sa lahat.
Nagtataka man ako kung ano ang kanilang plano ngunit hindi ko na ito inabala pa sapagkat sinasangga ko na ngayon ang atake sa 'kin ni Mica at Alexandro.
“You ruined it again!” malakas na kapangyarihan ang tumama sa 'kin na hindi ko nasangga pero hindi naman ako tumilapon ng tuluyan.
Masama kong tiningnan si Mica matapos kong mainda ang sakit na itinira niya sa 'kin. Hindi pa nga ako nakaka-recover ay umatake na sa 'kin si Alexandro.
Sinangga ko naman ang espada niya gamit rin ang banal kong espada ngunit napadaing ako ng may dumaloy na kuryente sa 'kin.
Isang munting ngiti ang sumilay sa kaniyang labi tsaka ako tinulak gamit ang kaniyang enerhiya. Mabilis akong naka-recover sa ginawa niya tsaka iwinasiwas ang sandata at nagpalabas ng munting kapangyarihan ko doon. Hindi ako nagdalawang-isip na patamaan siya.
Tumilapon siya at nagpagulong-gulong pa. Hindi pa nga ako tapos sa kaniya nang mabigla na lang ako ng tumilapon si Mica papalayo. Napalingon ako sa gilid ko at nakita ko si Zara doon. Muntik na pala akong masaksak ni Mica gamit ang sandata niya.
“The book? Where is it?” tanong niya.
“Wala sa 'kin ang libro.”
“You better not---”
“Argh!” tumilapon ako papalayo kay Zara.
Sinasakal na ako ngayon ni Alexandro at Nakita ko ang panggigigil niya sa 'kin dahil sa panlikisik ng kaniyang mga mata.
“You better die! Paulit-ulit mo nalang sinisira ang seremonya. Kung hindi kita magiging asawa ngayon ay mas mabuti nang mamatay ka na lang kaysa mapunta ka sa iba.”
Pinipigilan ko ngayon ang pagsakal niya sa 'kin sapagkat nabitawan ko ang aking banal na espada. Nakita ko naman iyon na kinuha ni Ziphora.
“B-bitawan m-mo Argh--A-ko!” tumawa lamang siya sa sinabi ko.
“Hahahaha! Better brace yourself. Kasi p---”
Bumagsak ako sa sahig na hinihingal. Sinuntok at kinalaban lang naman ni Zara si Alexandro. I cough para mawala ang sakit ng lalamunan ko.
Nagkagulo an ang paligid. Lahat sila ay nakikipaglaban sa mga nagkalat na kalaban. Nilalabanan ang buhay nila at ang karapatan para makamit ang kapayapaan at tagumpay na inaasam na ng lahat ngayon.
Tumayo ako, sakto lang para mapigilan ko ang pagsaksak ni Zara kay Alexandro. Sinangga ko ang kapangyarihan ng espada niya.
“NO! You can't kill him! He's Grey!” aniko.
Sumama ang tingin niya sa 'kin.
“He's not the Grey anymore! Now move ate!” nabigla pa ako sa pagtawag niya pero hindi iyon naging dahilan para umalis ako sa harapan niya.
“Argh!”
Parehas kaming napadaing ng higlang umilaw ang tattoo ko sa dibdib na nagdulot ng kakaibang sakit sa aking katawan. Nakita ko naman na napahawak si Zara sa kaniyang balikat at doon niya nabitawan ang kaniyang espada.
“Ate! Nasaan ang banal na libro?” sa sakit na naramdaman namin ngayon ay nakuha niya pang singhalan ako.
Hindi ko mapigilang makita si Emerald sa kaniya sapagkat magkapareho sila ng kulay ng mata.
“Pinasunog ko na kay Grey ang---” nahinto ako ng mapagtanto na nakulong na naman ako sa aking katawan.
“Ate!” tawag niya pa sa 'kin.
Why is she keep calling me 'Ate'?
“Ano pang hinihintay mo diyan! Kunin mo na ang banal mong espada! Kompleto na ang sangkap nila Aranayah!” nakita ko ang pagkagulat sa mga mata ni Zara sa sinabi ng diwata na nasa katawan ko na naman ngayon.
“Aranayah? Sino naman iyon?” litong-lito na ako sa mga nangyayari ngayon.
“S-sino ka?” ani Zara.
“Ako ang diwatang si Anayah! Ano ka ba Aranayah! Lumabas ka na sa katawan na iyan. Tapusin na natin ang labanan na ito. Ang sabi mo'y tutulungan mo ako?” ani ni Anayah na nasa katawan ko.
“Diwata…”
“Kunin mo iyon Aranayah! Ako na ang bahala sa lalakeng ito. Paparating na si Ina at nauubusan na rin tayo ng oras.”
Nagulat ako ng makita na sinangga ni Anayah ang atake ni Grey sa kaniya. Este ni Alexandro pala. Nabuo ang pangamba sa 'kin dahil baka masaktan niya si Grey. Si Zara naman ay umalis na natumatakbo pa.
“Ohh! Now I am thrilled to kill you, Anayah!” ani Alexandro.
“Me too.” tunawa si Anayah at bahagya ko iyong ikinagalit.
“Wag na wag mo siyang papaslangin diwata. Kapag ginawa mo 'yun hindi ako magdadalawang-isip na paalisin ka sa katawan ko sa abot ng aking makakaya.” aniko kahit na hindi ako sigurado kung naririnig niya ba ako.
Naglaban sila nang naglaban. Sa bawat pagtilapon ni Grey ay napapasinghap ako. Sugatan na siya ngayon at alam kong matatalo na siya. At nangyari na nga ang ikinakatakot ko.
Akmang isasaksak na sana ni Anayah ang espada na gawa sa kapangyarihan niya sa nakahandusay na si Grey nang buong lakas kong pinigilan ang aking sarili.
Paulit-ulit niyang ginamitan ng lakas ang kanan niyang kamay ngunit kontrolado ko na ito.
“Ang sabi ko wag na wag mong papaslangin ang katawang lupa ni Supremo.” mariin kong wika sa kaniya.
“Anong iyong ginagawa! Hindi na siya ang supremo na kilala mo noon! Nilamon na siya ng lalakeng iyan. Kaya't ang pagpaslang ang mabisang paraan para makawala ang kaluluwa ng iyong sinisinta.” nagalit ako sa sinabi niya.
Wala ng malay ngayon si Grey na nakahandusay sa sahig. Kaya kaming dalawa naman ni Anayah ngayon ang nag-aaway.
“Diwata ka 'di ba? Magbigay ka naman kahit kaunting respeto lamang sa 'kin. Hindi ko ginusto na maging ikaw sa panahon na ito. Kaya kung gusto mo na gamitin ang katawan ko ay susundin mo ang kagustuhan ko.” ani ko.
“Simple lang iyon. Wag mong saktan at paslangin ang mga importanteng tao na nakapalibot sa 'kin.” dugtong ko habang pinipigilan ko pa rin ang atake niya.
“Endure the pain and all will live. If you can't endure it then everyone is in doom.” aniya.
Narinig ko na naman ang mga katagang iyon. Mga katagang ikinakatakot ko. After she said those words, she pushed the sword in Grey's chest na ginawan ko naman ng paraan para mapigilan ko.
“This is my body! I can kick you out of here if I will!”
“No! This is our body! You can't kick the strongest goddess in the whole kingdom Samantha.” aniya.
Sa sinabi niya'y nagalit ako. Kung tutuusin ay para sa kaniya ang propesiya na ito kaya wala siyang karapatan na magyabang sa 'kin kung ginagamit lang naman niya ang katawan ko para makamit niya ang kapayapaan na gusto niya para sa buong Enchanted kingdom.
“Really?” ginamit ko ang lakas ko at naglaho ang sandata niya na gawa sa kaniyang kapangyarihan.
“H-how is that--- Argh!” pareho kaming napalingon sa direksyon kung saan galing ang tumama sa 'min na kapangyarihan.
Nakita ko doon ang kanilang tinatawag na ina.
“Hanggang kailan ka ba magtitino Anayah! Bakit palagi mo na lang na sinisira ang kasunduan laban sa kaharian ng kadiliman!” singhal ng kaniyang ina.
“Ina?”
“Itigil mo na ang iyong pagmamatigas, puwede ba?”
“Ina! Talaga bang hindi mo alam kung bakit ako tumututol sa inyong kagustuhan? Ina ko ba talaga kayo?”
“Wag mo akong artehan! Kung sana'y hindi nawala si Aranayah ay siya na lang sana ang ipagkakasundo ko. Ngunit namatay siya ng dahil sa 'yo.”
“Ina! Gumising ka sa katotohanan! Ginagamit ka lang nila. Para buhayin nila ang kanilang hari, Ina! Hindi mo ba nakikita iyon?”
“Hari nila na napaslang ng dahil sa pagmamatigas mo! Nasa paaralan sila ngayon. Kinukuha ang huling sangkap. Marahil ay nakuha na nila ito ngayon at sinisimulan na ang seremonya.”
“Ano? Ina! Hindi ko kasalanan na nangyari ang lahat ng ito! Namatay lang si Ama'y naging ganiyan ka na. Tila tuluyan na ngang nalason ang iyong utak sa Ziphora na iyon.”
“Pwede bang itigil niyo na 'yan. Anayah! Pumunta na tayo ngayon sa paaralan at nang maabutan pa natin sila.” aniko.
“Tumahimik ka muna pwede ba?” ani Anayah.
“Kaunting oras na lang ang natitira Anayah! Tsaka na kayo mag-away ng ina mo.” mariin kong wika sa kaniya.
Hindi ko pa makuha sa ngayon ang aking katawan dahil pinipigilan niya ako. Hindi ko rin maipagkakaila na mas malakas siya kunoara sa 'kin. Pero alam ko sa sarili ko na may mas ilalakas pa ako ngunit hindi ko lang makuha-kuha dahil sa mga pinagsasabi nila na hindi ko maintindihan.
“A-nong nangyayari dito?” kapwa kami napalingon sa nagsalita.
“Grey?” bulalas ko kahit alam kong hindi niya ako naririnig.
Grey's POV
After Samantha gave me an order, I immediately fullfil it. I ran and fight until I found Julia. Nasa kaniya raw kasi ang libro.
I don't know what's happening right now but one thing I'm sure is that this will be the end of the battle. Hindi man ako masiyadong nagsasalita but I know many things that others don't. Even my family didn't know that I mastered up the black magic.
Black magic is something that is powerful yet illegal in our kingdom for they believe it's a sign of rebel towards the kingdom. But my beliefs are different.
You can outsmart an opponent with a black magic if you'll use also a black magic towards them. It's a false information that people in our kingdom who had a black magic are a daughter or son sa mga may black magic. It is just for them to trick that black magic cannot be done in studying it.
“The book, where is it?” I automatically asked.
“Mr. Pres?”
“The book, Julianne! Nasaan na? I need it!”
“W-why would you need the book?” for a second I saw doubt in her eyes.
So she's doubting me right now. I must show my powers to her then.
“Satisfied?” I sarcastically said.
“Sorry Mr. President. I know it's you but, tinatanong kita kung bakit kailangan mo ang libro? Anong gagawin mo sa libro?”
“It is an order, Julia. Now give me the book at 'wag ka ng magtanong pa. We're running out of time!” I'm a little bit pissed.
“Then tell me who ord---”
”Anne! Just give the book. He's Mr. President at all. He won't betray us.” thankfully Lucas talk na kanina'y naglalaban lang.
“Faster!” as I said those words ay bigla na lang akong nakarinig ng nakakabinging tunog.
It pains me a lot in my ears to the point na nabitawan ko ang hawak kung espada para gamitin ang kamay ko pangtakip sa dalawa kong tainga.
“Mr. President?” I saw Julia, holding the book of prophecy yet I can't hear what she said.
Umatras ako ng maramdaman ko na naman ang pag-iinit ng katawan ko na para bang kinukuha ang enerhiya ko. And I know kung saan ito papunta.
This f*cking moron here didn't leave my body! He's coping and eating up my inner energy para makuha niya ng tuluyan ang katawan ko.
“Mr. Pres?” I saw Liam and then Marco.
That's make me want to step back more para hindi ko sila masaktan kung sakali man na makuha niya ang katawan ko.
“F*cking moron! Get out in my body!” I shouted in anger. Kahit na nabigla sila.
“Hide the book Julia! No matter what don't give it---Ughhh! Don't give it to me.” nahirapan man ako sa pagsalota no'n ay nagawa ko naman.
“Grey why?” that's Red's voice. When I open my eyes ay nasa loob na ako ng katawan ko at nakakulong.
“Grey!” I saw Red approaching me.
“No! Don't come near to me, Scarlet!” I don't know if she can hear but I scream at the top of my lungs.
Then guess what, hindi niya narinig kasi sinasakal ko na ngayon ang kapatid ko.
“Put her down!” I angrily said pero parang wala lang sa kaniya ang mga pinagsasabi ko.
“G-grey! W-w-what's happening o-on you?”
Because this moron didn't listen on me, I have no choice but to summon my inner energy power so that I can come out and take control again of my body.
“You moron!” just when I release my energy ay bigla na lang niya akong ginamitan ng black magic na hindi ko napansin and that made me fall asleep.
The last thing I saw was Althea and Marco. Fighting me with all their strength and power.
••••••
I woke up when I felt the energy of that black demon man inside my body are slowly fading away. He's giving up I guess. I didn't waste a time and muster up my energy to fully kick his soul inside my body.
Who says I'm weak? Now you are.
“Then make me leave! That would be better if I fight with no body.” he said those words as I release my power.
And then I am too late to realize what he meant.
Finally I'm free from him. I open my eyes and slowly adjusting of the light. I heard voices, a very familiar voices.
“Ano? Ina! Hindi ko kasalanan na nangyari ang lahat ng ito! Namatay lang si Ama'y naging ganiyan ka na. Tila tuluyan na ngang nalason ang iyong utak sa Ziphora na iyon.”
“Tumahimik ka muna pwede ba?”
“A-anong nangyayari dito?” out of confusion ay naitanong ko iyon.
“Grey?” Samantha said that to me. But it is a question after all.
I didn't answer her and just go near to her but then I suddenly stop when she pointed a knife on my neck. I was shocked yet I keep my cool.
“Are you… really that man Grey?” I frown.
“That man Grey? Ms. Astrea, are you calling your boyfriend that man Grey? Seriously?”
I know it's not the right time to talk about this matter but I'm pissed on how the way she called me in the middle of this battlefield.
“Sorry but I am not Ms. Astre--- Ina!” just when that old woman try to attack me with her power ay inunahan ko na siya.
I used electricity and throw her far away from us. But I am more confused when Sam called that old woman Ina? Is that her name or she meant 'Mother?'
“You piece of--” I frown again when I saw her hand that is holding a knife got out of her control.
Tumilapon lang naman ang kutsilyo na hawak niya papalayo no'ng isasaksak na sana niya ito sa 'kin. Nagulat pa siya sa nangyari. So it means Sam is in that body too. Just like what happened to me.
Then who is she?
“Who are you?” I coldy asked her.
“You just fight with the most powerful goddess in the whole kingdom. Grey Hendrix, right? How dare you pushed my mother just like that? You ungrateful being!” nagulat ako sa sinabi niya ngunit hindi ko ito pinahalata sa kaniya.
So it's not reincarnation. She simply wants that body of Sam because she can't do her things if she can't touch the living.
I pinch of smile came out of me when I realize something.
Indeed the prophecy is my woman and not that cursed book.
Now I know what will I do to end this war without anyone dying.
“Thank you, your highness for the great idea. I really appreciate it.” I told her as she frown in confusion while me, I keep on grinning at her and that made me excite.
To be continued…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺
24/01
0gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe
08/07/2025
0my book 2 po ba?
04/12/2024
0Tingnan Lahat