Homepage/ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess/
XXXV
•••THIRTY-FIVE•••
Samantha's POV
I walk into this battle unprepared. But will I win this war if it is a war between Love and Justice? Hindi ko alam kung totoo rin ba ang demon king na sinsabi nila sapagkat hindi ko pa iyon kailanman na nakita. Si Ziphora lang ang nakikita ko na palaging lumulusob sa 'min.
Could it be… could it be that she's the demon king? Ang labanang ito ay matatapos na ngayon sa pagsikat ng araw. At kung tama man ang hinala ko'y kailangan ko nang patayin ang babaeng iyon.
She may be the demon king or not, I'll still kill and finish her.
“I have a favor Grey.” I called him. Halatang nagulat siya kasi tinawag ko siya sa pangalan niya.
“What is it my princess?” for a second, it gave me butterflies in my stomach. I really miss his voice.
“Could you talk to your uncle Gil? Or maybe your father. Tell them to burn the enchanted book of prophecy.” I told him without any hesitation.
That's the only way para mapalabas ko ang hari ng kadiliman. He wants the book and I want him. It's a win-win situation for the both of us.
“Are you craz---”
“Crazy enough to kill those who defy Grey.” I said it to him seriously.
“But why? Give me a good reason Samantha!” may halong galit ang boses niya sa 'kin and I know why he's acting like that.
Bigla niyang ginamit ang kapangyarihan niya. Ang akala ko'y aatakihin na naman niya ako ngunit tumama lamang ito sa likod ko. Paglingon ko ay nakita ko ang paglaho ng isang impostor na tinangka pala akong atakihin kanina lang.
“Tell me your good reason Samantha!” kahit kailan ay mainipin pa rin siya kahit sa ganitong kaseryosong pagkakataon.
“The enchanted book of prophecy has never been that important. It was to trick my capacity as a goddess, Grey.” hindi siya umimik sa sinabi ko.
“The true prophecy is within me. I am the prophecy Mr. President. So can you please fulfill my favor?” I asked him with full of authority and I bet he doesn't like that kaso bigla na lang nagsalubong ang kaniyang kilay.
“Okay... I don't know why you claim that you're a Greene but just promise me one thing.”
“Spill it!”
“Don't die! Don't you dare Samantha! And that's an order coming from the supreme president and you cannot do anything about that!” I was too stunned to speak.
Ni hindi ko man lang siya kayang sagutin. Tinanaw ko na lamang siya habang nagmamadali siyang umalis dala ang utos ko sa kaniya.
Ako naman ay nagsimula nang kumilos. Mabilis kong pinatumba ang mga nagkalat na kampon ni Ziphora sa paligid. Kailangan kong puntahan ang former queen para matanong ko sa kaniya ang mga katunang siya lang daw ang makakasagot, iyon ang sabi ni lola sa 'kin.
Sa paglakad ko pa ay may tumamang palaso sa aking balikat na pinalilibutan ng itim na mahika. Hindi ko iyon napansin sapagkat hindi ko ito na sense. Kaagad ko naman iyong tinanggal at saka binali ito gamit lang ang isa kong kamay.
Hinanap ko kung saan galing iyon at nang mahanap ko na ito ay may lima na namang palaso na papunta sa 'kin na pinigilan ko lang gamit ang paningin ko. Huminto ito sa ere na malapit na rin tumama sa 'kin.
Bumagsak ito sa sahig at kaagad ko na ginamitan ng aking kapangyarihan upang ipalutang ito sa ere at ibinato ko pabalik sa babaeng kaharap ko ngayon na panay ngiti kahit wala namang nakakatawa.
“Mica… Kailan ka ba titigil?” nawawalan na ako ng pasensya sa kanila. Sumusulpot na lang sila kung gusto nila at maglalaho na lang din kung gusto rin nila.
“Hanggang sa makuha namin ang ninanais namin na nasa iyo. Bakit hindi mo na lang kasi pakasalan ang aking kapatid at nang hindi ka magdusa kasama ng iba pang mga kalahi ng kahariang ito?” mahina akong natawa sa pangungumbinsi niya sa 'kin.
“Mas magiging masaya ka kung pakakasalan mo si k---” pinatamaan ko siya ng banal kong espada gamit ang apoy kong kakayahan.
Natamaan naman siya nito ngunit hindi iyon naging sapat para mapatumba ko na siya.
“Ito ba?” pag-angat ko sa banal na espada na hawak ko ngayon at saka ngumiti ng bahagya na ikinakunot ng kaniyang noo.
“Ito ba ang kailangan ninyo? Hula ko'y walang hari ng kadiliman, hindi ba Mica?” mapaglaro ko iyong sinabi sa kaniya.
“Ano bang pinagsasabi mo?” tumawa siya.
Ngunit iyong tawa na para bang kinakabahan siya. Kaya naman ay napangiti ako sa naging reaksyon niya.
“You need the book. Kasi nando'n ang proseso kung paano nga ba mabubuhay ang hari ninyo? Hindi ba?” ang lahat ng naiisip ko ay ideya lang din na ibinigay ni lola sa 'kin.
Ang sabi niya'y hindi lang kadiliman ang pasimuno ng lahat. Kung kaya't inisip ko na maaaring alam nga ng dating reyna kung sino talaga ang pasimuno ng lahat ng ito at kung bakit ako nahiwalay sa aking pamilya ng hindi man lang nila alam.
“You're talking nonsense, Anayah!” galit niyang wika saka inatake ako. Mabilis ko naman siyang kinalaban ng hindi nagdadalawang isip.
“Meron pa… meron pa akong alam na mga bagay na dapat ay hindi ko malaman dahil iyon ang kagustuhan ninyo.” mas lalo siyang nagalit sa sinabi ko.
Lumakas bigla ang pag-atake niya sa 'kin na para bang nanggigigil siyang patayin ako ngunit hindi niya magawa kasi nga may kailangan pa sila sa 'kin.
“Kill me then if you can.” aniko tsaka huminto sa pag-atake sa kaniya.
Nasilayan ko ang maloko niyang ngiti tsaka siya nagpalabas ng espada na gawa sa black magic niya.
Hindi ako umimik at nanatili lang na nakatayo habang siya ay papunta na sa 'kin at akmang sasaksakin ako. I was hoping na hindi niya ako papatayin but I was wrong. Nangmalapit na itong tumama sa 'kin ay nalaman ko na lang na may isang taong sumangga nito.
Nakita ko pa ang paglusot nito sa likod ng kung sino mang sumangga nito para sa 'kin. Nagulat ako sa nangyari at sa likod pa lang ng taong nasa harap ko ngayon ay kilala ko na kung sino ito.
“Yas?” gulat ko iyong nasabi habang bumagsak siya bigla sa mga bisig ko.
“You can't kill yourself! Dumb woman!” nagawa pa niyang pagalitan ako kahit na may sandata nang nakatarak sa kaniyang tiyan.
“Are you out of your mind? Why would you do that!” singhal ko rin sa kaniya.
Nakaramdam ako ng papalapit na naman na sandata at sa galit ko'y pinatilapon ko si Mica kasama ang sandata niya na ibinato niya sa direksyon ko. Umilaw ng bahagya ang mata ko no'n dahil sa pwersang biglaan ding umilaw. Malakas ang impact no'n kaya medyo malayo ang narating ng kapangyarihan ko't tumilapon at naglaho rin ang ibang mga impostor na mahihina.
“Because that's our duty! Akala ko ba alam mo na ang lahat?” masungit niyang ani sa 'kin at walang hirap na tinanggal ang nakatarak sa katawan niya.
Nagdulot iyon ng itim na bilog na parang natira sa kaniyang katawan kaya naman ay napakunot ang noo ko. Lason? May lason ang sandata na iyon?
“M-may lason---”
“I know black magic. Hindi ako mamatay sa ganitong kaliit na lason, diwata.”
Kanina lang ay tinawag niya akong dumb woman at ngayon ay diwata na? Siya ba ay nilamon din ng kadiliman? O ganiyan na talaga siya?
“Let me heal your wound instead.”
Nakita ko na tatanggi na naman siya ngunit kaagad ko nang hinawakan ang parte ng kaniyang katawan na natamaan na nagdulot malaki-laking sugat. Masakit kaya masaksak. Naranasan ko na iyan noon.
“That black magic of yours. Wala ka ba talagang kamag-anak na may lahing black shadow?” seryoso kong tanong.
Nilingon ko muna ang likuran ko at tama nga ang hinala ko na bigla na namang nawala si Mica. Ibinalik ko ang paningin ko sa kaniya. Alam kong nasaktan siya ng sobra sa ginawa niya kanina ngunit tinatago niya lamang ito. Ganiyan naman siya eh, magaling siyang magtago ng mag bagay-bagay.
“Why would you ask that?”
“Tell me you ha---” hindi ko na natapos pa ang sinasabi ko ng bigla na lamang may umatake sa 'kin na sa gulat ko ay napalayo ako sa kaniya.
It's a girl again with a new face. Para lang siyang si Yas kasi lahat ng suot niya at make up niya ay kulay itim na may halong kaunting dark violet.
Kumunot ang noo ko sapagkat hindi ako ang kinalaban niya nang makaharap ko siya. Bigla na lang niyang inilihis ang gawi niya papunta kay Yas at inatake niya ito.
Sinubukan kong tulungan si Yas sa kaniya ngunit pinagsabihan niya lamang ako.
“Don't waste your time princess! Malapit na ang pagsikat ng araw. Batid kong kailangan niyo ng magmadali.” on the second thought ay napasang-ayon ako sa kaniya.
Iniwan ko na lamang siya doon upang asikasuhin ko na ang dapat. Mabilis akong nagtungo sa loob ng palasyo. Nang makapasok ay tinahak ko ang daan papunta sa lugar na ang mga royals lang ang nakakaalam at ang tanging kadugo lamang ng hari at reyna ang makakapasok doon. Unless kung pahihintulutan ka ng nagmamay-ari nito at iyon ang dating reyna.
Tahimik ang lugar na aking tinatahak ngayon na para bang walang nangyayaring labanan sa paligid na ikinataka ko ng bahagya. Naging alerto kaagad ako dahil kakaiba ang awra ng paligid.
“Mahal na reyna.” ang tawag ko ng makarating ako sa dead end ng nilalakaran ko.
Alam kong nandito ang lagusan papunta sa sekretong kwarto ng mga royal. Tama naman siguro ang tinatahak kong daan base na rin sa palatandaan na sinabi sa 'kin ni lola. Alam ko rin na buhay pa ang dating reyna sapagkat nararamdaman pa siya ng aking kapangyarihan.
“Mahal na---” sa paglapat ng mga kamay ko sa gusali ay kusa itong umilaw kaya napaatras ako ng bahagya.
Maya-maya pa'y may lumitaw dito na pintuan. Saglit kong nakalimutan na isa pala akong royal, na may dugong bughaw din palang dumadaloy sa 'kin kung kaya't hindi ako nahirapang lumabas sa kabilang dako ng lugar kung saan ako sinanay ni Lola.
Sa pagbukas ng pintuan ay kadiliman ang una kong nakita pero makaraan ang ilang segundo ay isa-isang nagsiilaw ang mga nakasabot na candle lights. Nanlaki ang mata ko sa aking nakita.
Kaagad akong napatakbo sa katawan na nakahandusay sa sahig. Malakas ang kabog nga aking dibdib ng malapitan ko siya.
“Mom?”
Nakahinga ako ng maluwag nang makita na humihinga pa ang tunay kong ina.
“Mom!” bulong ko na alam kong hindi niya naririnig.
Kaagad kong pinagana ang aking kapangyarihan. Inilapat ko ang aking kamay sa parte ng katawan ni Ma'am Aurora para magamot ko ito. Pumikit ako saka nagpalabas ng enerhiya.
Doon unti-unting naghilom ang malaking sugat niya na nasa may bandang likod ng kaniyang tiyan. Nakita ko ang pagmulat ng mata niya kaya bumalik na sa dati ang aking mukha.
Ayoko munang sabihin sa kaniya na alam ko na ang lahat. Babagabag lamang iyon sa kaniyang isipan.
“Ma'am? Okay lang po ba kayo? Nasaan ang dating reyna?”
“Anong ginagawa mo dito! Hindi ka pwede dito Samantha!” kaagad niyang singhal sabay tayo ngunit nahinto rin siya at napahawak sa kaniyang tiyan.
Siguro ay nasaktan siya sa sugat niya.
“Nasaan ang dating diwata?” walang emosyon at seryoso kong tanong sa kaniya.
“Wala na tayong oras Ma'am Aurora!” singhal ko ng bahagya.
“Kinuha siya ng huwad na Reyna. Hindi ko alam na iba na pala ang reyna na kasama namin. Ang akala ko'y kapatid ko pa siya.” hindi ko na narinig pa ang huli niyang sinabi dahil pabulong na ito.
“Where did they go?”
“That way.” turo niya sa daan papasok pa sa mala kwebang silid na ito.
“Let's go. I need to talk to the former queen. Nasa kaniya ang kasagutan sa mga tanong ko.” inalalayan ko siyang makatayo habang sinasabi ko ang mga katagang iyon.
Pahakbang na sana ako ng kaagad niyang binawi ang braso niya mula sa 'kin. Saglit siyang natahimik at tumingin sa 'kin ng makabuluhan.
“Why?”
“Just go! Kung isasama mo ako ay hindi mo na maabutan pa ang dating reyna sapagkat hawak siya nga--”
“I won't leave you here all alone! I'm not that kind of person Ma'am.” It's a double meaning pero alam ko naman kung bakit niya ginawa sa 'kin ang pag-abandona.
“Wala na tayong oras Samantha! Wag ng matigas ang ulo.”
“I'm always a hardheaded woman. Don't you know that, Ma'am?” napabuntong hinga siya sa aking sinabi.
“If you'll act like that then your wasting so much time!”
Hindi ko na narinig pa ang sinasabi sa 'kin ni ma'am sapagkat may boses akong narinig sa aking isipan.
'Ako ang dating reyna, hija. Wala na akong sapat na oras para sabihin sa 'yo ang aking nalalaman kaya't sasabihin ko na lamang ito sa pamamagitan ng telepathy.'
“Samantha! Nakikinig ka ba sa 'kin!” muli ay hindi ko sinagot si ma'am Aurora.
“Nakikinig ako. Sabihin mo, ano ang mga nalalaman mo?” sagot ko
“Ano bang pinagsasabi mong bata ka!” wika uli ni ma'am Aurora.
“Shhhh!” tanging naisagot ko sa kaniya.
'Hindi pa nabubuhay ang hari ng kadiliman. Naghahasik sila ng lagim ngayon sapagkat gusto nilang kunin ang sangkap para sa orasyon sa pagbubuhay ng makapangyarihan nilang hari at isa sa mga sangkap ay nasa iyo.'
'Tatlo ang sangkap na kailangan nila at batid ko na may dalawa pang tao na kailangan nilang kunin para makuha nila ang sangkap na iyon.' nahimigan ko ang panghihina sa boses ng dating reyna sa bawat salita na kaniyang binibitawan.
“Nasaan ka ngayon? Sabihin mo sa amin kong nasa'n---” bigla na lang akong nakaramdam ng kakaibang kaba kung kaya't napahinto ako sa aking pagsasalita.
“Bakit?” napahawak pa ako sa dibdib ko ng itanong iyon sa 'kin ng aking tunay na ina.
“Bilisan mo diyan ma'am Aurora! Nanganganib na ang huhay ng dating reyna.” wala akong sinayang na oras at tinahak na ang daan papasok pa sa kweba o silid na ito.
“Sandali lang! Kay tigas talaga ng ulo mo!” hindi ko na lang pinakinggan pa ang sinabi niya at nagpatuloy na sa paglalakad.
Kailangan maabutan ko ang dating reyna! Gusto kong malaman ang simula ng kaguluhang ito.
~~•♦•~~
Third Person's POV
Nang makarating si Samantha sa kinaroroonan ng dating reyna ay huli na sila. Nakita na lang nila itong nakahandusay at naliligo sa sarili nitong dugo sa sahig.
“I told you! We're too late.” said Sam in a sad tone.
“Madison… Why are you like this?” whispered Aurora na hindi naman narinig ni Sam na nasa tabi lang niya.
“Kailangan nating hanapin ang Reyna. I know that she wants me. So I'm gonna bring her here using me.” aniya.
Nagtaka naman si Aurora sa sinabi sa kaniya ng dalaga. Iniisip niya tuloy kung tama ba ang naiisip niyang gagawin ni Sam.
“Don't you dare Samantha! It's too dange--- HEY! STOP IT!”
Inilibas ni Sam ang kwentas saka mabilis niya itong ginawang espada. Hindi na niya pinakinggan pa ang sinabi ng kaniyang ina kasi ito lang ang nakikita niyang paraan para makaharap na niya si Ziphora.
She immediately cut her palm at lumabas doon ang dugo niya na siyang naging dahilan na dumaloy ang amoy nito sa ere. Ang dugo niya ay nakakakuha ng pansin sa mga black shadow, lalong-lalo na si Ziphora na kanilang pinuno.
“It's dangerous you hard headed---” hindi na naituloy pa ni Aurora ang sinasabi niya dahil alam niyang wala na siyang magagawa pa. Napa-irap nalang siya sa ginawa ng kaniyang anak.
To be continued…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺
24/01
0gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe
08/07/2025
0my book 2 po ba?
04/12/2024
0Tingnan Lahat