Homepage/ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess/
XVI
•••𝚂𝙸𝚇𝚃𝙴𝙴𝙽•••
𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅
Masaya ang lahat na nagtitipon-tipon ngayon dito sa bahay nila Sophia. Pero ako ay wala pa rin ako sa mood nang dahil sa nalaman ko kanina kay Yumi.
”Sam? Busog ka na ba? Hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo eh.” ang sabi ni ma'am Aurora sa 'kin. Tumango na lang ako sa kaniyang sinabi.
”Bakit? Masama na naman ba pakiramdam mo, Sam?” ang tanong naman ni Rex sa 'kin.
Umiling ako sa kaniya. ”Hindi, naisip ko lang na… gusto ko na sanang mag-simula kaagad sa pag-eensayo.” ang sabi ko sa kanila. Tila natahimik naman silang lahat sa sinabi ko.
”Kasi, malay natin kung kailan babalik ang mga kadiliman na 'yun. At saka… hindi pa ako kampante sa lakas ko. Marami pa akong mga bagay na kailangan pagtuunan ng pansin.” seryoso kong wika sa kanila.
”Pwede ka naman magsimula bukas eh.” sagot ni ma'am Aurora.
”Oo nga.” sang-ayon pa nila.
Ngumiti ako, ”Hindi naman kasi dapat inaaksaya ang panahon. Gusto ko lang na sa pagbalik nila muli ay handa na tayong lahat. 'Yung hindi na mauulit pa ang mga nangyari. Sawa na kasi ako eh, lagi na lang akong nahihimatay kahit sa maliliit na bagay lang.” tahimik lang sila habang nakikinig sa 'kin.
”At saka, hindi bagay sa titulo ko ang pagiging mahina. Marami lang nasasaktan na tao.” dugtong ko pa.
”'Yan ba talaga ang gusto mong gawin?” tanong ni ma'am sa 'kin na tinanguan ko kaagad.
”Eh Sam, kakagising mo lang eh. Hindi ka p---”
”Julia… Okay na ako. Kaya ko na.” pagpuputol ko sa sinasabi niya.
”I know you can handle, but… hindi lang naman ikaw ang mag-eensayo right?” ang tanong ni Sophia sa 'kin.
”Well, maybe you should announce to the whole kingdom about your plan. May karapatan ka na kasi diwata ka.” seryoso naman na wika sa 'kin ni Scarlet.
”Iniisip ko nga 'yan eh. But, I think the first step ay ang kausapin ang hari at reyna patungkol sa plano ko.” sagot ko naman.
”They'll do it. As long as it's coming from you.” sabi pa ni Liam.
Umiling ako, ”I don't think so. The queen might be a hindrance,” sagot ko.
”Hindi mangyayari 'yun. Mom may be a queen on this land but dad has the upper hand.” iling na wika ni Marco habang sumusubo ng pagkain.
”Kausapin mo rin si supremo patungkol dito para masabi niya sa lahat ng mag-aaral,” ani naman ni Alex.
”Why would I? Kung pwede naman na kayo na lang ang magsabi.” sagot ko sa kaniya.
”He's the supreme president after all, Samantha. You need his approval kapag patungkol na sa paaralan.” ani ni Lucas sa 'kin.
Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.
”Kung gusto mo ako na lang magsabi sa kaniya, Samantha.” napalingon ako kay Yumi nang sinabi niya iyon.
”No!” tanggi kaagad ni Phia na ikinakunot ng noo ko.
”You know the rules, Yumi. It should be done in a legal process.” dugtong niya pa.
I answer, ”But what if it's an emergency? So kailangan talaga natin ng panandalian na proseso.”
Umirap naman si Scarlet, ”But it's not.” mataray niyang sagot.
Ang hirap naman nila pakisamahan. Iiwasan ko na si Supremo eh, pero ano 'to? Baka magalit pa ng husto sa 'kin si Thea nito. I kissed the man who's already taken to someone and I feel very wrong about it.
”Oh… iinom mo na lang 'yan ng tubig. Tsaka na natin pag-usapan ang bagay na 'yan okay? At saka hindi mo naman sinabi na gusto mo pala ang ganiyang tubig.” ang sabi ni ma'am Aurora sa 'kin habang binubuksan ko ang ibinigay niyang flavored water.
Napahinto ako saglit sa sinabi niya. ”Ano pong ibig niyong sabihin?” takang tanong ko.
”'Di ba inubos mo ang flavored water ko sa training room. Ikaw lang naman ang estudyante ko na sinasanay nitong mga nakaraang araw eh, kaya hindi na ako nagtaka pa.” paliwanag niya sa 'kin.
”Hin---” napahinto ako nang may maalala. 'Di kaya si Althea? Napatango na lang ako sa sinabi ni Ma'am Aurora bago tinungga ang tubig at mabilis na ininom.
***
”Sigurado ka ba na ngayon mo na kakausapin ang hari?” ulit na tanong sa 'kin ni Sophia.
”Sigurado na talaga ako Phia.” ulit ko ring sagot sa kaniya.
”Phia naman paulit-ulit!” ani ni Scarlet sa naiinis na tono. Natahimik na sila nang makarating na kami sa gate ng palasyo ng hari at reyna.
”Pagpupugay sa mahal na diwata at mga maharlika!” bati sa 'min ng mga gwardiya bago nila binuksan ang gate. Kaagad din naman kaming pumasok.
Mabilis kaming nakapasok sa palasyo at naabutan namin doon ang reyna na nagbabasa lang habang umiinom ng tsaa. Sarap ng buhay niya, mukhang walang pinoproblema na bayan.
”Magandang hapon mahal na reyna.” sabay-sabay naming bati sa kaniya. Tila napukaw naman ang kaniyang atensyon ng dahil doon.
”Oh! Anong ginagawa ninyo dito mga binibini.” bungad na wika ng hari na nasa hagdan. Bumaba siya saka sinalubong kami.
”Ano ang pakay mo, Hija?” tanong niya nang siya ay nasa harap na namin.
Tumikhim muna ako bago ko siya sinagot. ”May gusto akong bagay na kailangan kong i- aproba sa inyo.” pormal kong wika sa harapan niya.
”Ano naman iyon?” curious niyang tanong sa 'kin. Nilingon ko ang paligid at nakita ko na maraming maids at guards ang nagkalat.
Mukhang napansin naman niya ang galaw ko kaya nagsalita siya. ”Okay, pag-usapan natin 'to sa meeting room.” mabilis naman akong tumango.
”Sasama ba kami?” seryoso na tanong ni Phia na siyang dahilan kung bakit natigil kami sa paglalakad.
Nilingon ko siya. ”Hindi na Sophia. Kailangan kong kausapin mag-isa ang hari.” ang sagot ko.
”'Yan kasi 'di nag-iisip. 'Ba naman Phia!” iritadong wika naman ni Scarlet sabay irap.
”Naniniguro lang eh! Kutusan kita diyan, gusto mo?” napailing na lang ako sa ginagawa ng dalawa.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad ng hari. Umakyat kami ng hagdan ngunit naramdaman ko ang pagsunod ng reyna sa likod namin.
”Ako? Hindi niyo ba ako isasama,” aniya sa mahinang boses.
”Hal, ako ang kailangan ng magandang diwata na 'to. Wag na makulit okay?” mahinahon lang na wika ng hari.
Kahit na marami ng problema ang nagdaan sa palasyong 'to ay parang kalmado lang talaga siya sa lahat ng pangyayaring iyon. Mapapaisip ka na lang kung, paano niya nga ba pinapatakbo ang buong kaharian ng kalmado? And I never seen him using his power.
”Ano ba ang sasabihin mo sa 'kin at gusto mong tayong dalawa lang?” Naka-upo na kami ngayon sa meeting room nila sa palasyo.
”Gusto ko lang ho na ipaalam sa 'yo ang desisyon ko para sa lahat ng mamamayan.” saglit siyang hindi nagsalita sa aking sinabi.
”Alam ko na tinuturing ninyo akong mas mataas pa sa inyo pero naisip ko na kahit papaano'y kayo pa rin naman ang hari ng buong kaharian,” ani ko pa sa kaniya.
”Ilang taon ka na ba?” nakangiti niyang tanong sa 'kin.
”Bakit niyo ho natanong? 20 years old na po ako simula no'ng gabing iyon.” tukoy ko sa pangyayari noong itinanghal nila akong isang prinsesa ng mga diwata.
Hindi naman talaga ako diwata. Sadyang nasa'kin lang ang kaluluwa ng dating pumanaw na prinsesa ng mga diwata noong mga nagdaang panahon. Kaya parang ako na rin ang prinsesa na iyon kasi nandito siya sa katawan ko. Kumbaga nabuhay siya muli at iyon ay ako.
”Wala lang.” maikli niyang sagot sabay iwas ng tingin sa 'kin.
”Ano ba 'yang desisyon mo para sa lahat?” seryoso niyang tanong sa'kin.
”Gusto ko pong ipaalam sa lahat na kung pu-pwede ay magsimula ng mag-ensayo ang buong mamamayan at ang lahat ng mag-aaral.” sabi ko sa kaniya. Bigla na naman siyang natahimik at tinitigan lang ako kaya napakurap ako sa mga titig niya.
”Mahal na hari?” tawag ko at natauhan naman siya.
”Plano ko rin 'yan eh pero inunahan mo na ako.” natatawa niyang wika.
Napangiti naman ako, ”Kung gano'n, pumapayag ka na po?” nasisiyahan kong wika sa kaniya.
Tumango naman siya, ”Gano'n naman talaga ang plano ko sa una pa lang. Kaya naman, tatanungin kita kung kaila---”
”Bukas!” sabik kong sagot sa kaniya. Ngunit nadismaya ako ng may maalala.
”Ah! Kailangan ko pa palang magpaalam sa Presidente ng paaralan patungkol dito.” tinago ko ang pagkakadismaya sa boses ko dahil baka mapansin ito ng hari. Mahirap na.
Tumango-tango naman siya, ”Kailangan mo nga 'yang gawin sapagkat 'yan ang proseso ng paaralan natin dito. Pero wag kang mag-alala, ako na ang bahala sa mga mamamayan.” seryoso niyang wika sa 'kin.
”Maraming salamat naman kung gano'n.” nakangiti kong usal sa kaniya. Bahagya naman siyang tumawa sa sinabi ko.
Namayani ang katahimikan sa 'ming dalawa. Nabasag lang iyon ng magpaalam ako kasi naiihi na ako.
”Uhmm… nasaan po ang C.R. ninyo po?” pilyo kong tanong sa hari.
Mabilis naman siyang sumagot, ”Kung gusto mo magbanyo lumabas ka lang diyan ta's straight ka lang pagkatapos liko ka ng kaliwa at sa dulo may makikita kang banyo. Kung gusto mo ihatid na lang ki---”
Mabilis kong inilingan ang hari habang nagsi-sign na wag na. ”Wag na po, kaya ko na,” aniko sa kaniya na natatawa pa. Hindi naman kasi ako bata.
He has a father vibe on me. Sarap sigurong magkaroon ng ama 'no? I wonder where my real parent is. Hinahanap na kaya nila ako ngayon or did they ever regret na inilagay nila ako sa bahay-ampunan? Knowing that I am now a crown princess. Alam kaya nila na ganito ang kapalaran ko kaya nila ako inilayo sa lugar na 'to.
Pero kahit pa anong tanong ko, hindi ko pa rin nakukuha ang sagot kasi hindi rin ibinibigay ng banal na libro sa 'kin. Some part of the book are empty, at hanggang ngayon naghihintay pa rin ako na maging visible sa 'kin ang sulat sa mga pahinang iyon.
𝚃𝚘 𝚋𝚎 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚒𝚗𝚞𝚎𝚍…I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺
24/01
0gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe
08/07/2025
0my book 2 po ba?
04/12/2024
0Tingnan Lahat