XII

•••𝚃𝚆𝙴𝙻𝚅𝙴•••
𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅
Nabigla ako ng may nagtanggal sa piring ng mata ko. Dahil sa nasilaw ako sa liwanag ay mabilis kong ipinangtakip ang aking kamay sa aking mga mata. Naririnig ko pa rin ang paglalaban sa paligid at nang maidilat ko na ng maayos ang aking mga mata ay doon ako napatalikod kaagad ng kaharap ko pala ang halimaw na sinasabi nila.
Hinanap ko kaagad kung sino ang nagtanggal sa takip ng aking mata ngunit hindi ko na nagawa pa ng umatake sa 'kin ang halimaw. Mabilis akong kumilos at todo iwas lang ako sa kaniya habang hindi siya tinitingnan sa kaniyang mga mata.
”Lahat ay magtanggal ng piring sa mata!” ang sabi ko sa lahat kasi naiiwasan naman ang pagtingin sa mata niya kapag gugustuhin mo.
”Tanggalin niyo, kasi para kayong mga timang na kinakalaban ang sarili. Basta't iwasan niyo lang na tumingin sa kaniyang mga mata!” matapos kong sabihin iyon ay ginamit ko ang energy power ko at pinatilapon ang halimaw papalayo sa abot ng aking makakaya.
Nang ma-ilayo ko na ang halimaw ay kaagad akong lumingon sa kanila. Ang iba sa kanila ay sugatan at ang iba naman parang timang na nagwawasiwas lang sa ere ng kanilang dalang espada. Sumunod naman sila kaagad sa aking sinabi.
Mabilis na hinanap ng mga mata ko si supremo. Nagbabakasali na nandito na siya kasama nila kanina. Ngunit ang sumalubong lamang sa 'kin ay si Sun, Liam at Lucas. Si Kristoff naman ay nakita ko na abala sa paggawa ng barrier sa 'min kaya malaya akong nagpalinga-linga sa paligid.
”Si ma'am Aurora at si Supremo?” tanong ko sa kanilang tatlo.
Umiling si Lucas, ”Hindi namin siya nahanap do'n kanina.”
”Bigla ka na lang nawala, young lady kaya bumalik kami sa dinaanan namin.” ang sabi naman ni Liam.
”Wag kang mag-alala, okay lang ang kakambal ko. Hindi naman 'yun nagpapatalo na lang basta-basta eh.” pagpapagaan ni Sun sa pakiramdam ko. Ngunit ni isa sa kanila ay hindi ko na napagtuunan ng pansin nang mapansing kong nawawala si Althea at Marco.
”Ang prinsesa at prinsipe nasaan sila?” mabilis kong tanong sa kanilang.
Tila nabigla rin sila sa tanong ko kaya nagpalinga-linga rin sila sa paligid pero hindi na namin nagawa pang mag-usap muli nang bigla nalang nabiak ang ginawang barrier ni Kristoff para sa lahat.
”Maghanda na kayo!” sigaw ko at aatake na sana ako nang may mahagip akong halos nagpatigil na sa aking hininga.
”Althea… Marco…” mahinang bulalas ko. Nakita ko lang naman sila na naging estatwa na habang nagyayakapan pa.
Nagalit ako sa aking nakita. Uminit ang mga palad ko at hindi ako nagdalawang-isip na tumakbo patungo sa basilisk na sinasabi nila.
”WAaaaahhhh! Mamatay ka naaa!” sigaw ko at tumalon para sana patamaan siya ng aking espada na may kasamang apoy. Nasa paa pa rin ang tingin ko sa kaniya bit I aim its head na alam kong mahirap dahil sa sitwasyon namin ngayon.
Natamaan ako ng buntot niya dahilan ng aking pagtilapon sa pinakamalayo ngunit tumarak naman sa kaniyang buntot ang aking espada na nagpadaing sa kaniya.
Dahan-dahan akong tumayo dahil sa sakit ng aking likod. Marami na ring galos ang natamo ko sa aking katawan. Mabilis kong itinaas ang aking kamay at sa abot na naman ng aking makakaya ay pinatilapon ko ang halimaw na sinamahan ko pa ng mga naglalakihang bato na nag-aapoy.
Nang ibinato ko na sa kaniya ay naiilagan niya ang iba at ang iba naman ay tumama sa kaniya. Sa paglingon ko sa aking mga kasamahan ay mas lalo pa akong nagalit at nanghinayang. Ang iba sa kanila ay naging estatwa na rin.
Nilingon ko si Kristoff at maski siya ay nakahandusay na sa lupa habang niyayakap si Sophia na ngayon ko lang napansin na wala na palang malay. Hinanap kaagad ng mata ko si Scarlet, Sun at Liam, pati na si Lucas. Nakita ko sila na tumatayo rin ngunit wala si Scarlet kaya napalingon ako sa direksyon nila Marco. Doon ko siya nakita na umiiyak at nagliliyab ang buong katawan niya ng apoy.
Ibang Scarlet ang nakikita ko ngayon. Bahagya ding umilaw ang mata niya ng pula at kaagad din naman iyong nawala. Kinabahan ako sa aura niya. Sa isang tira niya lang ata ay mukhang susunugin na niya ang buong kagubatang ito. Hindi ko pa rin nakita si Grey at ma'am Aurora.
She spread her both hand at walang pasabing umatake sa halimaw na nasa malayo pa ay sinusubukang pang bumawi sa aking atake kanina.
Hindi na rin ako nagdalawang-isip pa't sinabayan ko na sa pag-atake si Scarlet. Ang hindi ko alam ay gano'n din pala ang ginawa nila Lucas, Liam at Sun. Sabay-sabay kaming lima na umatake sa dambuhalang halimaw na iyon ng hindi nakatingin sa mga mata nito.
Si Scarlet ay bumuo ng napakalaking fire ball sa kaniyang kaliwang kamay habang ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa espada niyang nagliliyab din ng apoy. Kahit na nagliliyab ang buo niyang katawan ay hindi naman iyon naging dahilan para masunog ang suot niyang damit.
Si Lucas at Liam naman ay pinalilibutan nila ang halimaw an animo'y kinukuhanan nila ng atensyon para hindi niya mapansin ang mga atake namin.
Si Grayson naman ay may mga yelong patalim na nakalutang sa kaniyang likuran at may hawak na espada na may kuryente. Plano niya atang itira iyon pagkatapos itong tirahin ni Scarlet.
At ayun na nga. Sa pagtira ni Scarlet ay malakas ang naging impact no'n sa halimaw kaya napahiyaw ito ng bahagya, kasunod naman no'n ay biglang bumagsak ang ulo niya sa sahig kung saan kami nakatingin kaya automatic na umangat ang tingin ko para hindi ko makita ang mga mata niya.
”No!”  naisigaw ko iyon ng makita kong lumapit si Sun doon.
Hindi siya nagdalawang-isip na patamaan ang mga mata  ng halimaw na siyang dahilan kung bakit isang malakas na pwersa na naman ang kumawala mula sa halimaw kasi nagalit ito ng husto.
Nalaman ko kasi kanina na kapag 'yung mata ang pupuntiryahin mo ay maglalabas ito ng kakaibang enerhiya na kapag hindi mo nasangga ay magiging dahilan ito na maging estatwa ka.
Pero huli na ako, nasangga ko man ang akin pero lahat naman sila ay naging bato. Maski si Scarlet na aatake pa sana gamit ang kaniyang espada. Maski ang mga kahoy sa paligid ay naging bato rin at ang lahat pati na ang kinatatayuan ko.
Bumagsak ang balikat ko sa aking nakita. Paano ko sila maibabalik sa dati ngayon? Naalala ko ang nabasa kong libro. Sinipat ko ang halimaw at maingat na sinuri habang iniiwasang tumingin sa kaniyang mata.
Basilisk… naaalala ko na. Isang paraan lang ang magpapabalik sa kanila ng normal. Ang putulin ang ulo nito. Galit na naman ang namuo sa 'kin.
Tsaka naman dumating si Grey na may malakas na itinira dahilan ng pagyuko ko ng bahagya ng dahil sa pagkagulat. Bigla na lang kasing may sumabog eh. Nataranta pa akong gamitin ang aking kapangyarihan dahil muntik ng matamaan ang iba ng lumilipad na mga bato. Pagnagkataon ay mabibiak sila, mabuti na lang at napigilan ko kaagad ito.
Mabilis akong nilapitan ni Grey subalit hindi ko nakita si Ma'am Aurora. Sinalubong ko kaagad siya ng tanong.
”Okay ka lang? Sa'n ka nanggaling!” nag-aalalang kong tanong sa kaniya.
”Anong nangyari sa inyo? Sana hindi na lang kayo pumunta rito! Look what happened!” galit niyang turan sa 'kin.
”Para ilagtas kayo ni ma'am Aurora. Si ma'am Aurora nasa'n?” sagot ko rin sa kaniya. Para kasing galit pa siya, eh nandito naman kami dahil sa kanila.
”She turn into stone too. Now it is just you and me, and that fcking as**ole!”
”Now listen... We need to cut its head before it's too late. I'm gonna get that thing away from them and you'll gonna use your power as a goddess.” kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.
”Power as a goddess? Wala akong gano'n Grey, hindi ko alam kung may---”
”You have! It's in you. All you need to do is command and make it out. This is our only chance, Samantha. Please let us save them.” seryoso ngunit ma-awtoridad niyang wika sa 'kin.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango sa sinabi niya.
”Okay… let's start. And uhmm… please don't die.”
𝚃𝚘 𝚋𝚎 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚒𝚗𝚞𝚎𝚍…

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    RodriguezElla

    Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺

    24/01

      0
  • avatar
    Krizza C Arcas

    gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe

    08/07/2025

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my book 2 po ba?

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata