MYSTERIOUS GUY…

𝚃𝙷𝙸𝚁𝚃𝚈-𝙴𝙸𝙶𝙷𝚃…
𝚂𝚊𝚖𝚊𝚗𝚝𝚑𝚊'𝚜 𝙿𝙾𝚅
𝙸𝚃'𝚂 6:35 in the evening. Kasalukuyan akong naglalakad ngayon sa bayan habang suot-suot ko ang ibinigay na panyo sa akin ni Supremo para hindi ako makilala ng mga taong naghahanap sa akin.
Kahapon pa lang nangyari ang labanan ngunit masasabi ko na maayos na kaagad ang kanilang bayan at buhay na din ito uli. Balita ko ay wala naman na namatay na sibilyan. Tanging mga nasugatan lamang at hindi naman malala. Karamihan kasi sa mga namatay ay ang mga kawal o gwardiya nang kaharian.
May nakita akong isang fastfood chain kaya pumasok ako doon at naghanap ng mauupuan. Nang makahanap ay kaagad akong umupo.
Tumakas ako sa kanila. Matapos ang ceremonial ay tumakas ako at hindi nagpakita sa kanila. Gusto ko munang mapag-isa kahit ngayon lang. Gusto ko munang makapag-isip nang maayos.
May lumapit sa akin na isang waiter.
" What's your order madame?" Tanong niya sa akin. Ngunit naalala ko na wala pala akong pera ni kahit piso man lang.
" T-tubig na lang po." Namamaos kong sagot. Naubusan kasi ako ng tubig sa katawan dahil na rin siguro sa kakaiyak ko.
Saglit niya akong tinitigan, " Bago po ba kayo dito ma'am?" Bigla niyang tanong.
Tumango naman ako, " O-Opo!" Nahihiya kong sagot.
Bigla na lang siyang pumalakpak ng isang beses na ikinapitlag ko.
" Saktong-sakto! We have a free treat sa mga taong first time sa aming branch. And... You're lucky ma'am because it's unlimited today until 11:59 pm." Masaya niyang turan sa akin.
" Ho?" Nalilito kong tanong sa kaniya.
Bahagya siyang tumawa pero hindi ko kita ang pag ngiti niya dahil nakasuot din siya nang mask.
" Here's the menu ma'am. You can order whatever you want for free. Wala ka pong babayaran." May inabot siya sa'king menu na kaagad ko namang kinuha.
Ba't parang ang saya naman ata niya para sa isang labanan na kakatapos pa lamang? Right, hindi pala masiyadong malala dito kumpara doon sa paaralan na sira-sira na ang mga building pati ang mga daanan.
" Sigurado ka po kuya?" Baka mamaya scam na naman 'to, tapos dagdag na naman ito sa problema ko.
" Free po talaga iyan ma'am for our customers na bago pa lang nakakain dito." Panigurado niya pa.
Muli kong tiningnan ang menu ngunit nalula ako dahil sa dami nito kaya kaagad ko na lamang ibinalik sa waitress.
" Uhmm... Kahit ano na lang po kuya basta wala pong shrimp. Or 'yung best seller niyo na lang po na walang shrimp." Sabi ko sa kaniya.
" Marami po kaming-" Pinutol ko siya kasi masiyado nang mahaba ang pag-uusap naming dalawa.
" Kahit ano nalang po talaga kuya. Hindi naman po ako mapili. Basta siguraduhin niyo lang na walang shrimp po huh!"
" Okay ma'am. Noted!" Masigla niyang sagot sa akin.
" Salamat po." Pahabol kong sabi sa kaniya bago siya umalis.
I heave a sigh. Everything is a mess again because of me. I feel guilty dahil sa mga nangyari. I know to myself that I am also a victim but, I am also responsible for the death of their love ones. Ako ang puno't dulo nang digmaan ngunit wala man lang kahit isang nilalang dito na nagpaliwanag sa'kin kung bakit ako.
Bakit nga ba ako? Bakit?
Sana pala ibinigay ko na lamang ang gusto ng bruha na iyon para wala nang buhay ang nakalas. Ano bang meron sa kwentas na 'yun? Anong bang meron sa'kin na wala ang iba? Ano ba ako? Suno ba ako?
Sa puntong ito, hindi na mawala sa aking isipan ang pagtawag sa'kin ni Ziphora nang anak. Papaano kong totoong anak niya talaga ako at nakikita niya ang kwentas dahil ibinigay niya sa'kin ito nang mawalay ako sa kaniya? Paano nalang iyon?
Kasi sa labing siyam kong pamumuhay sa mundo ay ni hindi ko man lang nakita o inasam man lang na makita at hanapin ang mga magulang ko na nagabanduna sa akin.
Now I wonder... Anong parusa kaya ang naghihintay sa'kin kapag nagpakita uli ako sa kanila? Lahat ata ng nawalan nang mahal sa buhay ay nagpo-protesta na ngayon sa kaharian para mabigyan ako nang parusa. Nakakatawa lang kasi imbis na si Ziphora ang dapat nilang hanapin at parusahan ay ako pa talaga ang pinagtutuunan nila.
" Ma'am here's your order. Its our best seller this week."
" Its name is... Uhmm... What is it again? Ah! Dairy Queen Chicken Strip Basket. 'Yun po ang pangalan niya." Dugtong niya pa.
Dairy Queen Chicken Strip Basket? Sounds good but the sight of the food is even better.
" Thank you." Simpleng sagot ko sa kaniya.
" Enjoy..." Huling wika niya bago ako iniwan.
Nagsimula na kaagad akong kumain. Hindi na naman kasi ako nakakain kanina dahil nga wala ako sa aking sarili. Ngunit ngayon ay napagtanto ko na kailangan ko munang kumain para makapag-isip ako nang maayos.
Matapos kong kumain ay kaagad na akong umalis sa fastfood chain na iyon. Pinagtitinginan pa nga ako ng mga tao kasi kumakain ako kanina habang may panyo na nakatakip sa mukha ko.
Naisipan ko na lang na maglibot-libot. Sa paglilibot ko ay narating ko ang lugar kung saan kami umupo ni Supremo noon. Umupo ako doon.
I sigh at tsaka tumingala sa kalangitan. Maraming mga bituin sa langit na sinamahan pa nang buwan. Seeing this beautiful sky made me think of my old days noong kasama ko pa si lola. Gusto ko nalang bumalik sa nakaraan ko. 'Yung tipong mga bully at angry issue ko lang 'yung pinoproblema ko.
" Beautiful isn't it?"
Napabaling ako sa lalakeng nagsalita sa aking tabi na hindi ko man lang namalayan na tumabi na pala sa'kin. Nakita ko na nakatingala din siya sa kalangitan. Hindi ko siya mamukhaan kasi nakasuot din siya nang mask na panyo. Normal lang siguro sa kanila dito na mag mask.
He's wearing a gray jacket and a gray hat with matching gray pants and shoes. Why is he all wearing gray?
" Aren't you scared?" Tanong niya ng hindi nakatingin sa'kin.
" Why would I?" Ibinalik ko ang paningin sa kalangitan.
" Because you're wondering around in this late night. Katatapos lang nang madugong labanan." I get his point.
Wala kasing masiyadong babae na gumagala ngayon. Tanging mga lalake lang at kung meron man ay may kasama naman din itong lalake.
" I'm not a baby nor a kid. I'm a grown woman now." Tumawa naman siya sa sinabi ko.
Kunot-noo ko siyang nilingon, " Why are you laughing?"
" Because you're funny?"
" Seriously..." I said it him coldly kaya tumigil kaagad siya sa kakatawa.
" Sorry..." Kaagad niyang paumanhin sa'kin.
Namayani ang katahimikan sa'ming dalawa at parehas lang kaming nakatingin sa kalangitan. I don't know him but his presence didn't bother me at all. Usually kasi kapag gabi ay hindi ako masiyadong gumagala noon kaya naiilang ako minsan kapag may tumabi sa'kin na hindi ko kakilala.
" Sorry... I need to go." Bigla niyang sabi sa'kin sabay tayo.
Ba't siya nagpapaalam e hindi ko naman siya kailangan! Umalis ka kung gusto mong umalis! 'La naman akong pake sa'yo.
Pero pinigilan ko kaagad siya nang may makita akong isang puting panyo na nahulog galing sa kaniya. Mabilis ko iyong pinulot at dali-dali siyang pinigilan.
" Wait lang... 'Yung panyo mo nahulog." Lumingon naman siya sa'kin.
Hinabol ko siya at iniabot sa kaniya ang panyo. Nahagip nang mata ko ang nakalagay sa panyo. It's a letter 'G' na may pakpak din nang anghel sa bawat gilid. Naalala ko ang panyo na pinahiram sa'kin ni Yasmen nang makita ko ang nasa panyo niya.
Ganito pala panyo nila dito. May initial ata ng names nila. 'G' din pala first letter nang name niya.
" Salamat." Maikli niyang sagot sa'kin at tumalikod na at nagpatuloy sa paglalakad niya.
•••••••••••••••••••••••
𝚂𝚌𝚊𝚛𝚕𝚎𝚝'𝚜 𝙿𝙾𝚅
Naka-upo ako ngayon sa kama ni Grey. 'To naman kasi, masiyadong nagpapabaya sa sarili. Nakakabanas! Ako pa tuloy pinababantay ni Dad!
" Ang ingay! Kainis!"
Paano ba naman kasi. Nagpoprotesta sa labas nang kaharian ang mga taong wala namang nai-ambag sa lipunan.
FYI po sa inyo! Nanunungkulan po nang tapat ang inyong mga mahal sa buhay at nangakong isusugal ang sariling buhay para maprotektsyunan ang buong sambayanan tapos mag ra-rally kayo dito ngayon kasi namatay sila? Sinisi niyo pa talaga si Sam na wala namang kaalam-alam sa lugar na'to! Tsk!
Sarap sabihin sa kanila nang ganon ngunit ayokong gawin kasi alam ko ang limitasyon ko bilang isang Royale. Naawa ako kay Sam ngunit naiinis din ako sa kaniya sa hindi ko malamang dahilan.
" Scarlet..." Napabaling ako kay Grey nang tinawag niya ako.
" Why?" Mahinahon ko lang na sambit sa kaniya.
" Where is Sam?" Namamaos niyang tanong sa akin. Mabilis na nagsalubong ang aking kilay.
Ghad Grey! Wala ka na bang ibang hahanapin kundi si Sam! Tsk! I'm sick of all this 'Sam'! Lahat nalang ata ay si Sam dito, si Sam doon ang mga naririnig ko sa loob ng palasyo.
" She's not here so please... Pretty please stop asking me about her! I don't even know where is she for pete's sake!" Naiinis kong sagot sa kaniya.
Simula kasi nang makaalis si Samantha, ay hindi na namin siya nakitang bumalik sa ceremonial. Hindi din naman iyon alam ni Grey kasi hindi siya nakadalo nang dahil hindi pa siya nagkamalay sa oras na iyon.
It's exactly 8 in the evening at kaninang 5 pm pa lamang siya nagising ngunit matamlay pa din siya kasi nabinat siya. Tigasin din kasi ang gag*! Well, hindi ko naman siya masisisi.
" Why are you yelling at me?" Nahimigan ko ang pagtataka sa boses niya. Tinitigan ko lamang siya habang tumatayo siya mula sa pagkakahiga.
" Because you're annoying! Pangsampung tanong mo na 'yan sa'kin!" I answered.
" Because you're answer doesn't make sense." Sabi niya pa sa'kin.
I rolled my eyes sa sinabi niya.
" Alangan namang sabihin ko sa'yo na alam ko e kahit hindi ko naman talaga alam!" Naiinis ko nang sabi sa kaniya. Isa pa't tutustahin talaga kita, Grey.
" But you're---" Grey.
" Grey!"
Napabaling ako sa likod. Nagsalubong kaagad ang kilay ko nang patakbong lumapit si Fallonia kay Grey at kaagad na yumakap.
The bully is here... Prinsesa sa palasyo pero bully naman sa paaralan. Spoiled brat nga naman. I rolled my eyes again nang makita ko ang ginawa niya. Nandidiri ako sa kaniya, sobra... Dinaganan niya pa ang isa kong paa na nakapatong sa kama ni Grey.
Tinulak ko siya nang medyo malakas. Yes, sinasadya ko. Paki nyo ba, parang linta 'tong babaeng 'to, tas ang OA pa kapag nasa harapan na ni Grey.
" Dinaganan mo 'yung paa ko." Inis kung turan sa kaniya.
" Sorry sister."
Ew! Hearing her call me sister all the time, makes me feel to vomit. She's not even my sister, duh! Well, maybe soon but I wont allow her to call me sister 'cause it made me sick.
" What are you doing here?" Malamig na sabi ng aking kapatid kay Fallonia.
Even my brother doesn't like her. Hindi ba niya 'yun nakikita? Kung hindi lang siguro siya bully malamang nagustuhan ko na siya nang kunti. Kunti lang talaga.
" I'm here to visit you. What kind of question is that?" Fallonia.
" Well, you don't need to." Sagot naman ni Grey.
" How did you enter the room? You know the rules right? Dad won't not allow you to enter Grey's room." Singit ko sa usapan nila.
" Well, mom did!" Nahimigan ko ang pangpaplastik niya sa'kin.
Go mo lang 'yan. I'm glad at hindi ka pala tanga.
" You're mom?" I asked kahit na alam ko naman na si mommy talaga ang tinutukoy niya. Arghh! It made me sick!
" No... Our mom." She correct me and emphasize the word 'our'
" Don't be a full of yourself. We all know that it is just an agreement and dad didn't sign it."
Nasa loob siya nang pamamahay namin kaya may karapatan akong tarayan siya kahit na siya pa ang anak nang hari at ang susunod na magiging tagapagmana ng kaharian. But I really wish na ngayong era na lalabas ang itinakdang tagapagmana ng kaharian para hindi siya ang maging reyna ng kaharian. It would be a great disaster if ever na maka-upo man siya sa trono.
" Grey? Hindi mo ba susuwayin ang kapatid mo? Look what she said to me? Isn't it disrespectful?" I gave her my death glared.
She used my weakness. Pasalamat siya at nagaalala ako kay kuya. Awayin na niya ako kung gusto niya basta't wag lang niyang pahirapan si Grey by telling mommy na inaway ko siya at hindi ako sinita ni Grey.
" Scarlet---" Tawag sa'kin ni Grey.
" Shut up! I don't want to go out." Manigas siya. Sosolohin niya kapatid ko?
No... Never when I'm around b*tch!
" I hope you learn your lesson today, sister." She said it sweetly to me.
" No... I don't need to. I'm not dumb and you know that, Fallonia. " I calmly answered but a little bit sarcastic.
" I'm fine Thea. You can now go home." Salita ni Grey in a serious tone.
Oww! He's pissed. Not on me but on that noisy girl that can't even act like a woman. She's just 18 years old and I am one year older than her. That's why I hate her kasi para siyang bata. Hindi ata niya alam ang salitang mature.
" But this is also my home?" Umirap ako dahil sa sagot niya kay Grey. Nanatili pa din akong nakatayo at pinagmamasdan sila.
" I said I'm---" Grey.
" I'm not just here to visit you. Dad told me to question you about that Samantha girl." The way she said Samantha sounds like, she's disgusted.
Namuo ang galit ko sa katawan nang marinig ko iyon mula sa kaniya. Calm down Scarlet, don't let your cool ruin nang dahil lang sa maarte na babaeng iyan.
" What about her? Is it because of that rally?" Walang emosyong tanong ni Grey.
" No... It's about the necklace. You saw it right?" Napasersyoso ako nang marinig ko ang pagkakaseryoso sa boses ni Fallonia.
Anong klaseng kwentas ba talaga ang pinag-aagawan nila? It must be unique , right?
" Yes." Maikling sagot ni Grey.
" Why didn't you tell the king?" Fallonia.
" Why would I. Malay ko bang may something pala sa kwentas ni Sam." Grey.
" Sam?" Gulat na tanong nang bruha.
" Sam and Samantha are one?" She scoff in disbelief.
" I suppose it's a yes." Singit ko.
Akala niya ata lalake si Sam dahil sa palayaw nito. *Laugh in mind* Naunahan ka na Fallonia.
She diverted her eyes on me at bahagya niya akong sinamaan nang tingin. Tinaasan ko naman siya nang kilay na animo'y nagtatanong ngunit may halong pang-aasar.
" So... Where is the necklace? Mom is so upset because that girl told mom that even if she show the necklace ay wala daw iyong saysay it is because hindi daw ito nakikita ng iba." Mahaba niyang paliwanag.
Bahagya akong napakunot nang noo. She's talking nonsense.
" Then let us confirm it." Sabi ni Grey at tumayo paalis sa kama.
I immediately stop him, " Grey... You can't."
He look at me, " I can. At maayos na ako. Wala na 'tong halong biro, Scarlet."
Alam ko naman iyon e. Pero natatakot ako kasi pagagalitan na naman siya ni mommy.
" But how about---"
" I can accompany him, Scarlet. Papayag si mom kapag kasama ako." Tumaas ang sulok ng labi ko sa sinabi sa'kin ni Fallonia.
In your dreams!
" No... Sasama ako. Inatasan ako ni Dad na bantayan siya kaya sasama ako sa ayaw at sa gusto mo!"
Matapos ko iyong sabihin ay puma-una na akong maglakad sa kanila. Sumunod naman din sila kaagad.
* At Enchanted Village, house of the king*
Pagpasok namin sa bahay ng hari ay sumalubong kaagad sa'min si Principal Gil at si Marco. Saglit na nagtama ang mata namin ni Marco at nakita ko na ngumiti siya ngunit iniwas ko kaagad ang paningin ko sa kaniya.
" Magandang gabi po sa inyo." Sabi ko sabay yuko nang makita ko na pababa na ang hari sa hagdan.
" Maupo kayo." Utos nang hari na kaagad ko namang sinunod. Uupo na sana ko sa tabi ni Grey ngunit kaagad akong hinila ni Marco kaya napaupo ako sa tabi niya.
Pinandilatan ko siya nang mata dahil sa kaniyang ginawa. This immature! Sinisimulan na naman niya ako.
" Hehehe! Sorry..." Hagikhik niya pero sakto lang para marinig ko.
Nakaupo na ang hari at bigla nalang siyang tumingin saming dalawa ni Marco kaya mabilis kong binawi ang aking kamay sa kaniya. Parang baliw naman 'to si Marco. Nasa harapan namin ama niya. Baka kung ano pang isipin ng hari kapag nakita niya iyon.
" Grey... What are you doing here this late night?" Tanong ni principal Gil or I must say uncle Gil kay Grey.
" To explain to you about the necklace." He coldly answered.
" So it's true? And you lied to me?" Hindi makapaniwalang sambit ni uncle. Nangunot na din ang noo ko sa sinabi ni uncle kay Grey.
Grey never lied to uncle. I'm a bit shock on that.
" Kumusta ka na?" Bulong nang katabi ko na siyang ikina-irita ko. Binalingan ko nang tingin si Marco and gave him my death glare.
" Tumahimik ka! Nakikinig ako!" Asik ko sa kaniya.
" Sagutin mo muna tanong ko." Pangungulit niya pa sa mahinang boses. Sapat lang para madinig ko.
" Marco!" Mapagbanta kong tawag sa kaniya.
" Because Samantha insisted." Dinig kong sagot ni Grey.
" And you lied because she said so?" Fallonia.
" Kasi ayokong sirain 'yung karapatan niya. Ayokong isipin niya na masama akong presidente." Grey reasoned out.
Kinalabit ako ni Marco na hindi ko naman pinansin. Nanatili lang akong nakikinig sa kanila.
" Nasaan na ba ang kwentas na iyon? Ang alam ko ay naiwala daw niya ito. Nangangamba ako dahil baka nakuha ito ni Ziphora." Sabi naman ng hari.
Kinalabit na naman ako ni Marco sa aking kamay. Isa pa at tutustahin ko siya. He attempt to hold my hands. Ang harot niya, nakakainis!
" Don't you dare lie again Grey!" Mapagbanta ang boses ni Uncle nang marinig ko iyon.
Kinalabit na naman ako ni Marco sa pangatlong pagkakataon kaya mabilis kong kinuha ang kamay niya. Kaagad kong pinainit ang aking kamay para mapaso siya.
Bigla naman siyang sumigaw dahilan kung bakit napalingon silang lahat sa gawi namin.
" Ahhh!"
" Marco!" Sabi ng hari.
Buti nga sa'yo. Nagpipigil ako ng tawa nang masama niya akong tiningnan. Ang kulit kasi.
" Paumanhin ama. M-may kumagat lang sa'kin na lamok. A-lam niyo na ayoko nang lamok." Natatawa ako sa kaniyang paliwanag.
Pfff! Para siyang bata na nahuli sa akto hahaha!
" Let's continue the discussion. So... Asan na nga tayo?" Sabi nang hari na nailing pa kay Marco.
" Where is the necklace." Sagot ni Fallonia sa hari.
" You really don't see it." Sabi ni Grey. But it is not a question.
" What do you mean by that?" Sabi pa nang hari.
" Wag mong sabihin na suot mo ito ngayon Mr. Pres.?" Salita naman ng katabi ko. Aba! Himala at nagtino.
" No... It's in my hands all the time. I thought you see it. Here..." Again, he coldly said it bago niya inilahad ang kamay niya sa amin na wala namang laman.
" You ain't joking right?" Fallonia.
Himala at hindi siya humaharot ngayon sa kuya ko ah.
" Its a pendant that is in a medium size and it's like a stone but it is not. Its color is mix pero nangingibabaw ang kulay lila." Paliwanag ni Grey sa'min.
Nakita ko ang pagkabigla nang hari. Nasa harapan ko lang kasi siya kaya napapansin ko kaagad ang mga galaw niya. I am sure that he's a bit shock bago niya ibinalik ang resting face niya.
" Hindi pa rin ba kayo naniniwala sa akin?" Tanong pa ni Grey.
Pinagmasdan ko ang galaw nang hari. I think he knew something about that pendant that Grey explained.
" Mr. Hendrix... Can I talk to you in private?" Tawag ng hari kay uncle. Kumunot naman ang noo ko sa tinuran ng hari.
I'm sure that there's something on that pendant?"
" Sure your highness." Matapos iyong sabihin ni uncle ay umalis na sila kaagad.
I want to follow them kasi gusto kong malaman ang patungkol sa kwentas but I can't. Saglit na namayani ang katahimikan sa amin. Tiningnan ko si Marco and his facial expression are serious.
Did he read his father's thoughts?
" By the way Marco." Napalingon ako kay Grey. Ganon din si Marco.
Seryoso naman na sumagot si Marco, "Bakit?"
Tsk! Parang kanina lang nangungulit siya e. Hindi ako sanay kung seryoso siya kapag katabi ako.
" Is Samantha here? Wala kasi siya sa'min e." Namilog ang mata ko sa sinabi ni Grey.
Hanggang dito ba naman Grey si Sam pa din hanap mo? Ginayuma ka ba ng babaeng 'yun? The f*ck! Wala ka naman pake sa kahit sinong babae ah! Anong klaseng tao ba si Sam? Nakakamangha na nakakainis kasi e.
" Ba't mo ba hinahanap ang babaeng 'yun? Nandito naman ako ah." Reklamo ni Fallonia na inirapan ko naman. Arte!
" Kasi may itatanong ako sa kaniya na siya lang ang makakasagot. Naiintindihan mo ba?" Magalang ngunit may halong inis sa tono ni Grey ang narinig ko.
" She's not here. We don't know kung saan siya nagpunta. No one knows where is she right now." Sagot naman ni Marco sa seryosong boses.
Sana hindi nalang niya sinabi. Aalis na naman 'to pag nagkataon eh!
" Anong ibig mong sabihin?" Grey.
" In short tumakas siya kasi naduduwag siya! Naduduwag siyang harapin ang parusa sa kaniya nang taong sambayanan!" Somehow, I agree to Fallonia.
Bakit kasi siya umalis nang ganon? Parang pinapatunayan lang niya na nagkasala siya sa ginagawa niya.
" Scarlet!" Napapitlag ako " Bakit hindi mo ito sinabi sa'kin?" Wika ni Grey sa'kin.
" H-hindi ka naman nagtanong!" Mataray kong sagot sa kaniya.
" I need to go. Gabi na oh! Paano na lang kung mapahamak siya?" Galit niya iyong sinabi habang tumatayo siya mula sa pagkakaupo. Kaagad ko naman siyang sinundan.
" Thea! Tinawag ka ni dad." Dinig kong salita ni Marco nang magtangkang sumunod si Fallonia sa'min. Tsk! Buti nga sa'yo.
Humabol pa ako kay Grey kasi ang bilis niyang maglakad na para bang tumatakbo na siya. Anong klaseng paglalakad ba 'yang natutunan niya?
" Grey! Hayaan mo na lang si Sam. I think gusto lang niyang mapag-isa." Salita ko habang hinahabol pa din siya.
" Shut up, Red!" Napatakom ako nang bibig nang tinawag niya ako sa aking palayaw.
First warning from my great cold brother. Pero hindi pwede, kailangan ko siyang pigilan para hindi ako mapagalitan ni mom.
" Pero Grey si---"
" I said shut up, RED!" Napahinto na ako sa pagsunod sa kaniya nang singhalan niya ako.
Nakakainis! He gave me no option! I hate this day!
" Okay... Sasamahan na lang kita!" Mataray ko na sabi sa kaniya at sumunod na lamang.
Hindi naman niya ako sinagot pagkatapos no'n. Bahala ka na Grey kay mommy. Sigurado akong tatalakan ka na naman nang dahil hinanap mo si Sam. Tsk!
𝚃𝚘 𝚋𝚎 𝚌𝚘𝚗𝚝𝚒𝚗𝚞𝚎𝚍...

Komento sa Aklat (76)

  • avatar
    RodriguezElla

    Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺

    24/01

      0
  • avatar
    Krizza C Arcas

    gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe

    08/07/2025

      0
  • avatar
    Jenre Yarag

    my book 2 po ba?

    04/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata