Homepage/ENCHANTED ACADEMY:The Crown Princess/
WAR-I
THIRTY-FOUR...
Samantha's POV
Naglalakad kami ngayon habang suot ko ang damit na ibinigay sakin ni Scarlet kanina. Hindi siya katulad ng iba na pandigma. It's like a fighting suit na nakikita ko lang sa TV noon. Ngayon suot-suot ko na.
" Hindi ka ba titigil sa kakangiti mo diyan?" Nahimigan ko ang pagkaka-irita sa boses ni Scarlet.
Natutuwa kasi ako sa ibinigay niyang damit. At nagpapasalamat ako kasi hindi 'yung mabibigat na armor ang kaniyang ibinigay. Nagmala assasin ako sa aking isinusuot ngayon.
" Salamat sa damit. Akin na ba 'to?" Masaya kong turan sa kaniya. Nainis naman siya. Well, kailan ba 'to hindi nainis sa'kin?
" Stop smiling! Hindi ka ba nababahala sa nalalapit na labanan at hindi ka nag seseryoso diyaan?"
Nawala kaagad ang ngiti sa labi ko nang sinabi niya iyon. Tama siya, saglit kong naiwala sa isip ko ang nalalapit na labanan. Sumunod na lamang ako sa kaniya matapos kong humingi nang tawad sa kaniya.
Narating namin ang kingdom hall at ang lahat ay nakahelera na sa kaniya kaniya nilang linya. Nakita ko si Julia na kinakawayan ako sa 'di kalayuan.
" Doon ka na. Pupunta na ako kila dad." Seryoso na wika sa'kin ni Scarlet bago siya umalis.
Sinalubong ko naman kaagad si Julia. Bahagya ko pang sinipat ang kaniyang kasuotan at masasabi ko na parang magkatulad lang kami ng suot.
" Ganda ng suot mo." Sabi ni Julia sa'kin na nginitian ko na lamang. Nakita ko naman na sumulpot sa likuran niya si Lucas na pinasadahan ako nang tingin at muli ding binalik ang tingin niya sa unahan.
Problema non?
" Young lady..." Isang napakaseryosong boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
" Liam? Kamusta... Okay ka lang ba?" Kaagad ko na tanong nang makita siya.
Nakita ko kasi kanina sa labanan nila Ziphora na tumilapon siya.
" Bakit ka nandito?" Ani niya sa seryosong boses. Kumunot ang noo ko sa kaniyang sinabi.
" 'No bang pinagsasabi mo?"
" Dapat nagpapahinga ka ngayon at hindi nakatayo dito." Nagulat ako sa kaniyang sinabi. Hindi naman siya ganito ka seryoso noon.
Hindi pa nga ako naka recover sa sinabi niya nang bigla na namang may nagsalita at napalingon na naman kami doon.
" Samantha, right?" It's Yasmen. Seryoso niya din akong tinanong.
Okay, I get it that this situation is serious pero bakit ganito sila kung makapagsalita sa'kin? Mukha ba talaga akong hindi seryoso?
" B-bakit?" Sagot ko sa tanong niya.
" Pinabibigay pala ni... Mr. President." Isang supot na may lamang pagkain ang nakita ko sa kamay niya na kaagad niyang inilahad sa'kin.
" Aanhin ko 'yan?" Takang tanong ko. Tumaas naman ang sulok ng kaniyang kilay.
" Obviously, kakainin? Alangan namang itapon diba! Kunin mo na, nangangalay na kamay ko!" Iritado niyang sambit sa'kin.
Kukuhanin ko na sana iyon nang hinablot kaagad iyon ni Liam. Nakita ko pa na sinamaan niya nang tingin si Yasmen.
" What?" Inis na wika niya kay Liam.
Nagpapalitan lang sila nang masamang titig na ikinainis ko. Mabilis kong hinablot ang pagkain sa kamay ni Liam at nang matigil na sila sa kakatitig.
" I need to go. Bye!" Malamig na turan ni Yasmen sa'min. Umalis siya kaagad na nakapamulsa pa. Parang walang nangyari na titigan ha!
" Tsk!" Dinig kong wika nang isa dito na si Liam. May problema ata ang dalawang 'to.
" Kainin mo na 'yan habang wala pa ang hari." Wika niya sa'kin.
Tiningnan ko kung ano ang laman ng supot at isa itong cheese burger na medyo malaki. Kaagad ko naman na inilibot ang paningin sa paligid. Dito ko ba 'to kakainin? Alam kong gutom ako kasi hindi ako nakapag breakfast pero ayoko naman na kumain dito.
Baka pagsabihan pa ako na walang paki-alam sa nalalapit na labanan kapag kinain ko ito dito sa kinatatayuan ko ngayon.
Bigla naman na bumalik si Yasmen pero kasama na niya si Kristoff. Lumapit sila sa'kin pati na din si Lucas na inilipat pa si Julia sa kaniyang kabila para kami 'yung magkakatabi. Bigla nalang nila akong pinalibutan na ikinataka ko.
" Kainin mo na 'yan. Wag kang mag-aalala... sa posisyon namin wala nang makakakita pa sa'yo." Biglang salita ni Lucas sa tabi ko.
" Utos ni Supremo." Sabay pang wika nilang apat.
Dumungaw pa si Julia sa'kin ngunit hinila siya kaagad ni Lucas kaya hindi ko nagawang magtanong man lang. Nakakapagtaka naman. Parang hindi naman ata si Supremo ang nag-utos nito e.
" 'Yung totoo? Sino talaga nag-utos?" Seryoso kong tanong sa kanila.
" Wag ka na lang magtanong malady! Just eat that na lang." Sagot sa'kin ni Liam.
Nagtataka man ay kaagad ko na lang itong kinain. Hiyang-hiya pa ako kasi sa tuwing may daraan na tao ay tinatabunan nila ako na siyang ikina-ilang ko. I get that he likes me, kahit na hindi niya pa sinasabi. Pero parang over naman ata siya ngayon. Hindi ba?
" Tapos na. Pwede na kayong umalis sa pwesto ninyo." Nahihiya kong wika sa kanila.
" That was fast Samantha! Oh eto tubig." Bigay ni Julia na bigla nalang sumulpot sa tabi ko. Ngumiti naman ako sa kaniya nang pilyo.
" Over protective naman 'yang pagpapabantay ni Mr. President sa'yo. Wala ka na naman sa school campus." Mahinang wika niya sa'kin habang ako naman ay iniinom ang tubig na ibinigay niya.
Nagsi- alisan na sina Kristoff at Yasmen na hindi ko na lamang pinansin pa.
" Nagmamagandang loob lang siguro Julia. Niligtas ko kasi siya kaninang umaga." Pagpapaliwanag ko sa kaniya habang nagtatakip ng iniinom kong tubig kanina.
Bigla naman na nagsikilos ang lahat na animo'y may dumating na maharlika. Napagtanto ko na meron naman talaga at ito ang hari ng Enchanted Kingdom. Umayos naman kami nang tayo ni Julia at humarap na sa direksyon ng hari.
" Magbigay pugay sa ating hari!" Sabi ng isang knight na nakatayo sa gilid ng malaking pintuan kung saan lumabas ang hari. Lahat naman kami ay nagbigay pugay.
Matapos gawin iyon ay isinawalat na ng hari ang plano. Malayo sa kinaroroonan ko ang hari kaya hindi ko masiyadong makita ang kaniyang mukha. Mahigit isang oras ang pakikinig namin sa hari at nang matapos ay kaagad na nagsikilos ang lahat. Sabi ng hari ay ang iba ay sa bayan pupunta upang masigurado na walang masasaktan na sibilyan kung sakali man na nagtatago ang iba sa bayan at nagaanyong tao.
Dugtong pa nang hari ay isa sa kakayahan ng mga kampon ni Ziphora ay ang mag-anyong tao. Mga taong namatay na ang kanilang ginagaya dahil sa paraan lang na iyon nagagamit ang pagaanyong tao nila. Namangha ako ngunit nababahala din dahil baka isa sa mga nakasalamuha ko o di kaya'y kasama namin ngayon dito ay nagbabalat-kayo.
Sa paglalakad namin patungo sa sasakyan namin papuntang Academy ay nadapa ako bigla dahil sa ibang tao na matatangkad sa'kin na binabangga lang ako.
Nagulat naman ako dahil kaagad na sumulpot sa harapan ko ang dalawa. Si Liam at Lucas. Inalalayan nila akong tumayo na seryoso ang mga mukha. Ni hindi man lang sila nagsalita matapos nila akong tulungan.
Dahil din sa pagkakabilga ko ay hindi ako nakapagsalita kaagad. Tiningnan ko na lamang silang umalis sa aking harapan at sa pangalawang pagkakataon ay nagulat na naman ako dahil nandon din pala sa likuran ko sina Kristoff at Yasmen na bahagya pa akong sinipat mula ulo hanggang paa at kaagad na iniwas ang paningin nang mahuli nila akong nakatingin din sa kanila.
Ang weird na talaga nila. Parang ayoko na uli pumunta dito sa palasyo. May sumpa ata mga tao dito na dapat seryoso lang. Nakakakilabot masiyado.
" Halika ka na Sam. Sabay na tayo doon." Tawag sa'kin ni Julia. Pero hindi pa nga ako nakaka hakbang ay may pumigil na naman sa akin.
Sino na naman 'to! Paglingon ko ay si Yumi ito. Nasa likod niya sina Diana at Cheska ata 'yun na nakabusangot pa at masamang nakatingin sa'kin.
" Bakit na naman?" Iritado 'kong sambit.
" Ba't ka galit?" Sabat ni Julia na hindi ko pinansin.
" Doon ka na daw sa sasak-"
Pinutol ko kaagad ang sinasabi sa'kin ni Yumi, " Si Supremo na naman ba!" Inis kong turan sa kanila.
Medyo napalakas ang boses ko kaya may iba na nagtitinginan sa'kin. Bahagya akong nahiya sa aking ginawa ngunit hindi pa din nawawala ang aking inis. Nakita ko din ang pagkagulat sa mukha ni Yumi.
" Ah... Hind! Si ano lang, si principal Gil, ayun oh." Turo niya kay sir na nakatingin sa'kin sa 'di kalayuan.
" Akala ko si Supremo na naman e. Pasensya na." Sambit ko sa kanila.
" Sumama ka na lang kay Yumi, Julia."
"Okay. Basta mag-ingat ka ha! Kung sakali man na hindi tayo mag kita doon." Wika niya sa'kin.
" Ikaw din." Sagot ko.
Mabilis na akong naglakad patungo kay principal Gil. Nakakahiya naman kasi at naghihintay pa sa'kin. Nang malapit na ako sa kaniya ay suminyas siya na pumasok na ako sa SUV nila at tsaka siya puma-unang pumasok.
Nagmamadali naman akong pumasok pagkarating ko sa sasakyan ni principal Gil. Pagbukas ko ng pintuan sa likod ay kaagad akong pumasok. Nag seatbelt muna ako bago ko hinarap si principal Gil.
" Glad you're here. What took you so long!" Isang pamilyar na boses ang narinig ko sa aking tabi.
" Grey!" Hindi ko makapaniwalang sambit sa kaniya. He just stared at me coldly.
" Grey?" Nahimigan ko ang pagkakabigla sa boses ni principal Gil nang sinabi niya iyon. Nasa driver seat siya ngayon kaya tanaw ko siya sa salamin sa sasakyan niya.
" Huh?" Ang tanging lumabas sa aking bibig dahil sa na realize ko ang aking sinabi.
" Samantha... Okay ka na ba?" Napukaw kaagad ang atensyon ko nang marinig ko ang boses ni ma'am Aurora.
" Ah... Ma'am andiyan ho pala kayo. Magandang hapon po." Magalang kong sambit para mawala na sa isip ni principal Gil ang nasabi ko kanina.
" Okay ka na ba kako?" Pag-uulit pa ni ma'am sa kaniyang tanong.
" Opo...Kaya ko na pong makipaglaban." Magalang kong sagot.
" Inanyayahan kita dito kasi sabi sa'kin ni Grey na ikaw daw ang habol ng Ziphora na 'yun. Tama ba Samantha?"
" Po?"
Saglit akong napalingon kay Grey dahil sa tinuran ni principal Gil sa'kin. Bakit niya sinabi? Pero sabagay totoo naman kasi.
" Opo. Siya po 'yung babae na nakita ko po sa panaginip ko." Sagot ko.
Naramdaman ko naman na umandar na ang sasakyan kaya inakala ko na hindi na magtatanong si Principal Gil dahil nagmamaneho na siya. Pero mali na naman ako.
" Anong kwentas ba ang hinahanap niya sa'yo?" Namilog ang mata ko sa kaniyang itinanong.
" Ho? A-anong kwentas ho?" Kinakabahan kong tanong.
" 'Yung sinasabi ni Grey na kwentas na suot mo raw. Asan na ba?" Muling tanong sa'kin ni principal Gil.
" W-wala naman po e. B-baka nagkamali lang si Supremo kasi nga diba may sakit siya non." Paliwanag ko kay Sir habang ang paningin ko ay nakatingin kay Grey na ngayon ay namilog ang mata sa gulat.
Pinandilatan ko si Supremo na pinapahiwatig na makisakay ka.
" Sigurado ka hija?" Paniniguro ni principal Gil.
" Opo!" Mabilis kong sagot.
Tinangka pang magsalita ni Supremo ngunit inilagay ko ang kamay ko sa kaniyang hita at bahagya iyong kinurot ng aking kuko nang hindi nakatingin sa kaniya.
" Totoo ba 'yun Mr. President?" Tanong ni ma'am Aurora kay Grey.
*What the f*ck Samantha! Your hands!'* dinig kong wika ni Grey sa'kin gamit ang telepathy.
*Sabihin mo na wala kang nakita!* mariin kong wika sa kaniya gamit din ang telepathy.
*Why would I— Sh*t stop it!* itinaas ko nang bahagya ang aking kamay na nasa hita niya at pinisil ito nang napakalakas.
*Sabihin mo na kasi!* Pangungulit ko.
" Grey?" Muling wika ni Ma'am Aurora.
" Ah... Y-yes, maybe I-it's just my hallucinations. You know me right uncle, kapag nilalagnat ako." Utal na wika ni Grey. He even called principal Gil uncle na hindi ko inaasahan.
" Hmm..." Sagot ni principal Gil na tumatango-tango pa.
Nakahinga ako nang maluwag nang kumagat sila sa inihain ni Grey na dahilan. Saglit na namayani ang katahimikan sa loob. Nabasag na naman ito nang magtanong na naman si ma'am Aurora.
" May iba pa bang nakaka-alam na ikaw ang habol ni Ziphora maliban sa'ming tatlo?"
Napaisip ako saglit sa itinanong ni ma'am sa'kin. Meron nga ba? Sa tingin ko naman wala. Hindi ko na ito nasabi pa kay Julia e dahil sa bilis nang pangyayari.
" Wala na po bukod sa inyong tatlo." Magalang kong sagot.
" Mabuti naman kung ganon. Hindi pa kasi 'to alam ng hari maski na din ang pagkawala ng libro nitong nakaraang buwan." Tumaas ang isang sulok ng aking kilay sa narinig ko.
Walang kaalam-alam ang hari sa pagkawala ng banal na libro? Tama ba 'yung narinig ko?
Kung gano'n, sinong nagbigay nang parusa sa'kin. Hindi ba ang hari? Gusto ko 'yang isatinig sa kanila ngunit isasantabi ko muna ito dahil may problema pa kaming kinakaharap ngayon.
*You're hand Samantha. Get rid of it!* Namilog ang mata ko nang marinig ko ang sinabi sa'kin ni Grey gamit ang telepathy.
Mabilis ko naman na tinanggal ang aking kamay sa kanyang hita. Nakalimutan ko na nakahawak pala ako doon.
*Ba't n-ngayon mo lang sinabi!* nahihiya kong sagot sa kaniya.
*Seems like you're enjoying it.* nahimigan ko ang ang pang-aasar sa tono ng kaniyang boses.
*I'm not so shut up!* sagot ko naman.
Muli akong napahawak sa hita niya nang biglang pumreno si sir. Napapikit pa ako para ihanda ang sarili ko kung sakali man na mauntog ako ngunit isang mainit na kamay ang nararamdaman ng aking noo.
Pagdilat ko ay nakita ko ang kamay ni Supremo sa aking noo. Naramdaman ko din ang kaniyang kamay na nakahawak sa kamay ko na nasa hita niya.
Binalingan ko nang tingin si Grey ngunit hindi siya nakatingin sa'kin at sa daanan lang ang kaniyang tingin.
" What the f*ck is that?" Dinig kong bulalas ni principal Gil.
" They're here..." Seryoso na wika ni Ma'am Aurora.
Tiningnan ko ang tinitingnan nila at napagtanto na nasa bayan na pala kami. Maraming sasakyan ang nagkalat sa unahan namin at ang iba ay umuusok pa. Sa di kalayuan ay may nakita akong naglalaban. Sumeryoso kaagad ang mukha ko sa aking nasaksihan.
Nagsisimula na ang labanan.
" Wala bang naka lagpas dito? Sino na ang nakarating sa paaralan?" Nag-aalalang tanong ni principal Gil.
" Selena..." Bulalas ni ma'am na animo'y tinatawag si ma'am Selena gamit ang telepathy.
" Meron na daw na iilan. Kasama niya sina Mr. Boress at Mr. Alvarez. at ang ilang member ng councils."
May nakita akong pamilyar na sasakyan sa unahan. Namilog ang mata kong nang maalala na 'yun pala ang sinasakyan nila Julia at Yumi kanina. Nakataob ito nang pabaliktad sa sahig kaya naman bigla akong kinabahan.
Nakita ko na nagsilabasan sila sir at ma'am. Kaya naman mabilis kong binitawan ang kamay ni Grey at nagmamadaling lumabas. Pagkalabas ko pa ay walang pasabi akong tumakbo papunta sa nakataob na sasakyan. Narinig ko na sumigaw silang tatlo sa'kin.
" Samantha!"
" Samantha No!"
Ngunit huli na dahil naramdaman ko na ang kuryente na nagpatilapon sa'kin pabalik sa nilalakaran ko. Hindi ko naramdaman na bumagsak ako sa sahig. Doon ko lang napagtanto na ginamit pala ni ma'am Aurora ang kaniyang kakayahan para pigilan ang pwersa na nagpatilapon sa'kin upang hindi ako masaktan.
Nakita ko naman na patakbong lumapit sa'kin si Supremo. Nang pagbaba ko sa ere ay napadaing ako nang bahagya ng may maramdaman pa akong kuryente sa aking katawan.
" Are you okay?" Alalang tanong sa'kin ni Grey, sumunod naman si Ma'am Aurora sa pagtanong.
" Hindi ka ba nasaktan?" Tanging iling lang ang aking naisagot sa kanila.
" Ano ba 'yan? Barrier?" Hinihingal kong tanong sa kanila matapos akong makatayo nang maayos.
" Parang ganon na nga. Pero may paraan naman para makalagpas tayo diyaan." Ang sagot ni principal Gil sa'min.
Lumingon siya sa aming likuran kaya naman ay napalingon din kami doon. Laking gulat ko dahil napakahaba na nang pila ng mga sasakyan na nasa likuran namin. Naglabasan na din sila at ang iba pa ay kaniya-kaniyang diskarte upang makalagpas lang sa barrier na ito. 'Yung iba ay lumilipad na at may iba naman na hindi ko maintindihan kung anong pinaggagawa nila.
" Grey..." Tawag ni principal Gil kay Grey na nasa tabi ko ngayon.
" I can't... Masiyadong dilikado 'yun!" Agaran niyang sagot na nagpakunot ng noo ko.
" You can handle her and I'll handle Ms. Aurora. We don't have enough time Grey." Ma-awtoridad na wika ni principal Gil.
Tumingin ako kay Grey ngunit nakatingin lang siya sa'kin na naka ekis ang kilay. Nakita ko ang pagdadalawang isip sa kaniyang mga mata.
" Bakit? Ano bang gagawin mo?" Takang tanong ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at nanatili lang na nakatitig sa'kin. Tsaka ibinalik niya kaagad ang paningin kay principal Gil.
" Okay..." Parang walang choice niyang sambit.
Biglaan niya akong niyakap na ikinapitlag ko. Bago niya ginawa sa'kin 'yun ay nakita ko pa na magkahawak na nang kamay sina principal Gil at si ma'am Aurora habang bumebwelo upang tumakbo papunta sa barrier na gawa sa kuryente.
" Anong ginagawa mo?" Tanong ko kay Grey habang iniangat ko ang mukha ko sa kaniya pero nakayakap pa din ang dalawa niyang kamay sa likod ko.
Medyo matangkad kasi siya sa'kin kaya ang mukha ko ay nasa bandang dibdib niya na malapit na sa leeg niya.
" I'm gonna do this to ease the pain that you'll feel kapag pumasok na tayo sa barrier na 'yan." Malumanay niyang paliwanag sa akin.
" How? E tumilapon nga ako kanina eh."
" I'm a lightning, Ms. Astrea!" Huling wika niya at naramdaman ko na lang na nagslide kami papunta doon sa barrier.
Nalaman ko nalang na may ice pala ang dinaanan namin kaya pala ang smooth nang pag slides namin. Nang pagpasok namin sa barrier ay naramdaman ko nga ang kuryente. Katulad nang naramdaman ko nong una akong makuryente sa Westwood Village noong kinulong kami ng hari.
Dahil sa sakit na aking naramdaman ay nakagat ko ang dibdib ni Grey at narinig ko naman siyang dumaing dahil sa aking ginawa. Kaagad naman na nawala ang sakit na dulot ng kuryente.
" Damn it, Samantha! Tinutulungan ka na nga ganiyan ka pa!" Maktol niya at kaagad akong tinulak nang padabog.
Nabigla naman ako sa pagtulak niya kaya naman medyo na out of balance ako pero kaagad naman niya akong nahawakan sa braso.
Pagtingin ko pa sa kaniya ay masama na siyang nakatingin sa'kin. Nakagat ko 'yung dibdib niya kasi hindi siya nakabihis nong pandigma. Mukhang ginaya niya ang suot ko at kay Scarlet.
" Sorry naman." Paghihingi ko nang tawad.
Umirap siya sa'kin at puma-una nang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya. Huminto naman siya uli at muli akong hinarap. May kinuha siya sa bulsa niya at isa itong panyo. Lumapit siya sa'kin at tinitingnan ko lang ang paglapit niya sa'kin.
Bigla niyang tinupi ang panyo nang makahinto siya sa harap ko. Kumunot naman ang noo ko sa kaniyang ginawa.
" Anong gagawin mo diy—" nahinto ako nang lumapit pa siya at isinuot niya sa mukha ko ang panyo na para bang ginawa niyang mask sa'kin.
Naistatwa ako sa kaniyang ginawa. Tinitigan ko lamang ang mukha niya habang ginagawa niya iyon sa'kin. Ang buhok niyang kulay abo ay inaanod ng hangin na lalong nag-udyok sa'kin na titigan siya.
" Kailangan mo 'yan para hindi makilala ni Ziphora. Don't worry, it's not an ordinary handkerchief. Ginawa 'yan para hindi ka makilala nang taong naghahanap sa'yo." Bigla niyang salita na nagpabalik sa'kin sa realidad.
" Don't lose that! Nag-iisa lang 'yan sa mundong 'to." Dugtong niya pa.
Namilog ang mata ko sa gulat sa sinabi niya. Tatanggalin ko na sana ito upang ibalik sa kaniya kasi baka mawala ko ito ng may isang lalake sa likuran ni Grey na tinangka siyang pana-in ng nagliliyab na pana.
Mabilis akong kumilos at ipinatilapon kaagad ang lalake na nasa likod ni Grey.
" Thank you!" Ang huli kong sinabi kay Grey tapos puma-una sa kaniya at nilabanan na ang iba pang patungo sa'min.
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot . Iingatan ko na lamang itong ibinigay niya sa'kin.
To be continued...I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (76)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Ang Ganda huhuhu gawa ka pa Po plsssssssssssss🥺
24/01
0gnda ng story nanalo tlga nag love between justice hehe
08/07/2025
0my book 2 po ba?
04/12/2024
0Tingnan Lahat