ETHAN

"Uy prez graduation na natin wala ka pa rin bang balak lapitan si Jane?" saad ni Drake
kay napatingin ako kay Jane na nakapila sa gilid, para sa mga tatawagin.
umiling nalang ako. Dahil baka i ignore niya lang ako
"Ang torpe mo naman insan"
"Tch. ikaw kaya" saad ko nakapag sungit na naman tuloy ako
"Graduation na natin ng Highschool sungit mo Ethan" tinawanan ko nalang sya.
"Jane Lim" tinawag na ang kaniyang pangalan kaya pinalakpakan namin siya
pero segundo ang itinagal ay walang parents na umakyat sa stage, kaya nag taka din kami. At hindi siya mapakali at parang nahihiya.
"Asan magulang nya??" tanong sa akin ni Drake, umiling din ako. Dahil hindi ko din naman alam.
bigla nalang nag bulungan sa paligid at nag ingay.
kaya bago pa mahuli ang pahat tumayo ako.
"Saan ka pupunta Ethan?" tanong ni Drake
"Sa stage" saad ko saka tumakbo at mabilis na tumakbo papunta stage
nagulat naman si Jane nang makita ako, gayundin ang mga teachers
"Boyfriend niya po ako, pwede po ako" saad ko, nagulat naman si Jane sa sinabi ko. Kaya nginitian ko sya, parang sumang ayon.
"Yes sure" nakangiting saad sakin ng principal. I know nakakahiya itong ginawa ko, pero maiintindihan naman siguro nya
"Jane Lim, first honor!"
wow ang talino nya, nag palakpakan ang lahat at ako ang nag lagay ng medal sa kaniya, nginitian naman nya ako. Kaya sobrang saya ko.
yes I like here, crush ko sya. At hindi ko inaasahan na magagawa ko ito.
kinuha na din nya ang certificate at bumaba kami ng stage
"Uhmmmm thank you" saad nya at parang nahihiya pa
"Wala iyun, balik na ako sa upuan ko" saad ko saka ako kumaway sa kaniya, dahil hindi ko na mapigilan itong kilig ko.
"wow insan nagawa mo yun??? sa madaming tao???"
"Maliit na bagay" saad ko, oo nag bubuhat ako ng bangko. Kayang kaya ko para sa kaniya.
-
"Inuman tayo insan mamaya"
"Pass ako, bonding namin ni mama mamaya" saad ko, I want to spend this day para kay mama dahil nakatapos ako ng highschool.
"Ang panget mo talaga kabonding insan"
"Kayo nalang, enjoy!" saad ko saka nag lakad na ako palabas ng school.
"Uhmm.. Hi?" napatingil ako nang biglang lumapit si Jane at hindi ko inaakala iyun
"Ahh hi, Jane tama?" saad ko, kunyare hindi ko alam.
"Yes, thank you pala ulit kanina. Wala kase parents ko buisy sila kaya hindi ako nasamahan ngayong graduation ko" she said, at napansin ko ang kalungkutan sa mga mata nya.
"Wala iyun maliit na bagay" saad ko saka ako ngumiti sa kaniya
"To thank you, Here sa iyo na ito" she said at may ibinigay syang box, kaya binuksan ko iyun
perfume? at mukhang mamahalin pa
"That is my gift for my dad, kaso hindi sila pumunta so I decide to gave it to you, pasasalamat ko" she said
"Ganun ba? pwede mo naman ito ibigay sa daddy mo pag uwi mo' saad ko, at iniabot ulit sa kaniya pero hindi niya tinanggap.
"No, it's okay I can buy it again. Thank you ult" saad nya saka sya umalis agad.
napangiti nalang ako, ang cute nya talaga kahit kailan.
I checked the perfume ang bango nito, bagay saakin yung amoy, gagamitin ko na ito araw araw dahil ito yung pinaka unang natanggao kong regalo ngayong graduation ko.
-
"Akala ko dito mag aaral si Jane? mukhang wala na sya dito"
napatahimik nalang ako, dahil this year wala dito si Jane baka lumipat ng school
last year kase, narinig ko kausap niya yung bakla nyang kaibigan kung hindi ako nag kakamali na dito parin siya mag college.
pero wala siya dito.
Bigla ako nakaramdam ng lungkot, hindi ko na sya makikita. Saan ko sya hahanapin?
-
AFTER 4 YEARS
"Insan, saan mo balak mag trabaho?" tanong sa aking ni Drake
"Hindi ko pa alam, ikaw ba saan?"
"Hmm baka sa restaurant trip ko e" saad nya, ako kase ewan ko din kung saan ako mag trabaho
masaya si mama na naka graduate ako ng college, at mag nag hahanap na ako ng trabaho para makatulong din kay mama.
"sige una na ako Insan" tumango ako saka sya umalis.
mag hahanap din ng trabaho si Drake, kaya ayun umalis na.
nag lakad na ako, para makapag hanap ng trabaho ko. Habang nag lalakad ako may biglang ibinigay yung babae na fliers kaya tinanggap ko.
tinginan ko iyun, at bigla ako napahinto
"Jane?" nagulat nalang ako bakit sya nandito??
model sya ng mga products??? I don't know, dahil wala naman akong balita sa kaniya
what the?? model na sya ngayon???
at ang ganda nya dito, sya pa din yung Jane na nakilala ko.
tatakbo na sana ako ng may makita akong papel na nakadikit sa poste, maliit lang sya bond paper size kaya nilipitan ko ito
'We are hiring for secretary to Mrs. Jane Lim'
contact this number: 09********3
napangiti ako nanng makita itong hiring, may pag asa ako na makita ko si Jane
pero bakit nilagay name ni Jane dito? hindi ko alam pero alam ko bawal ito.
pero never mind, mag aaply ako sana makapasok ako
makikita ulit kita Jane ang tagal kitang hinanap.
*the book 2 will realease soon*

Komento sa Aklat (27)

  • avatar
    Jhandie Morillo

    ang ganda and nakaka iyakkk kaso lang walang part 2 . need ko part 2 HUHUHU

    11/08/2022

      0
  • avatar
    Lagrana Marky

    nice

    20/08/2024

      0
  • avatar
    SarabiAnangkarma

    you like me

    18/07/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo