Check up ko ngayon kaya maaga din akong na gising! 9:00 am pa naman pero maaga lang akong bumangon first time ko kaseng makakasama si Xander sa check up, pag tapos din naman ng check up aalis na siya dahil ngayon din daw ang alis niya papuntang Japan I sad to hear that but i know he is working fo there company! "Hindi na ba kita sasamahan?" bungad ni tita sa akin "Hindi na po, hihintayin ko na lang po si Xander sa OB mamaya!" saad ko "Ipag drive na kita ate!" saad naman ni Jane "Cge!. Si lolo?" tanong ko "N-nag papahinga, napagod siguro sa check up kahapon!" saad ni tita cha "Bakit po pala ang dalas ni lolo sa ospital?" tanong ko ulit "Y-yung cgeck up k-kase niya kailangang araw araw na!" saad ni tita pero medyo kinakabahan yung tono niya "Okay po" Lumabas na kami ni Jane para maihatid na niya ako! Di na rin ako nag tanong kay tita. Tinext ko na rin si Xander na papunta na kami Nang naka rating kami doon ay naka tanggap ako ng message ni Xander! Malapit na daw siya "Honey" "O sige una na ako!" saad ni Jane Pumasok na kami ni Xander! Walang pasyente ngayon si Doc kaya mapapa bilis lang kami "Ms. Lop- Montenegro?" saad ni doc "Opo" "He is the father?" tanong ni doc "Opo" "Doc! ano pong gender ng baby namin?" tanong ni Xander "5 Months bago malaman ang gender!" saad ni Doc. "Wala pang 1 month ang tiyan ng girlfriend mo iho" saad pa ni Doc "Napa excited kase" bulong ko Pumasok kami sa isang silid para sa ultrasound! "Hindi pa gaanong makita ang mga part ng body ni baby pero healthy naman siya! Iwasan mo lang talagang mag pagod at ma stress, makaka sama ito sa baby mo" saad ni doc Habang tinitignan ko ang baby ko na hindi pa gaanong buo ay napa ngiti ako! Ganito pala ang feeling na may inaalagaan ka sa tiyan "Healthy naman ang baby! Tandaan mo lang ang mga bilin ko sayo, saka wag kang gaanong mag pagod" saad ni doc Nasa kotse na kami! Ihahatid muna ako ni Xander bago siya umalis. "Wag ka na kayang mag trabaho!" seryosong saad niya "Bakit naman?" tanong ko "Baka mapagod ka! Makakasama yan sa baby natin" saad niya "Okay lang naman ako, saka iingatan ko naman si baby" Hinipo ko ang aking tiyan! "Cge, basta tandaan mo ang mga bilin ni doc" "Opo" First time kong humiwalay sa kaniya! Mabilis lang naman iyon pero ngayon pa lang ay namimiss ko na siya, ganito siguro talaga pag buntis "Aalis na ako!" saad niya at muli akong hinalikan "Cge mag ingat ka!" Jane Pov. Wala nanaman kami sa bahay! Nandito kase ako ngayon sa hospital nag babantay kay lolo. Halos ilang araw ng pabalik balik si lolo dito, nag aalala na nga rin ako! Sabi naman ni tita ay hindi rin daw niya alam kung anong nangyayari kay lolo kaya rin kami pa uli uli ay tinetest si lolo para makita ang iba pa niyang sakit Alam kong mas nanghihina si lolo nitong mga nakaraang araw! Akala ko nga ay dahil lang iyon sa balik balik niya dito sa Hospital pero sabi ni tita ay lumalala na daw ang sakit ni lolo Hindi na rin namin sinabi kay ate Keith ang sakit ni lolo dahil makakasama lang iyon sa kaniya! Alam kong mahal ni ate si lolo kaya hindi niya mapipigilang mag alala at baka ma stress pa ito kaka isip, kaya hindi na muna namin sinabi. Alam kong magagalit din sa amin si ate dahil sa pag sisinungaling namin sa kaniya Alam na rin ito nila Mommy at tito, pati rin sila ay nag aalala kaso hindi pa sila maka uwi dahil marami pa silang gagawin! "Doc. ano pong resulta?" tanong ni tita sa doctor Napatayo naman ako sa kinaka upuan ko! Gusto ko rin malaman kung ano na ba talaga ang lagay ni lolo "Mas humihina ang katawan ng pasyente, at mukang ayaw na din niya itong palakasin. Mas lalong lumalala ang sakit niya habang tumatagal at na dadagdagan din iyon" Paliwanag ng doctor "Doc. M-may paraan pa po ba para gumaling si dad?" tanong ni tita Namamaga ang mga mata ni tita na tila bang tatlong araw umiyak ng walang tigil "Pasensiya na po pero kung o-operahan ko siya ay may posibilidad na hindi niya kayanin dahil sa mahina niyang katawan" malungkot na saad ng doctor Doctor ako pero hindi pa ako isang professional, hindi pa ako nakaka pag opera! Hindi mapigilan ni tita ang pag tulo ng kaniyang mga luha "Doc. wala na po bang ibang paraan?" tanong ulit ni tita "Pasensiya na po ngunit kahit po sabihin kong may paraan pa ay hindi na rin po magagamot dahil base sa pasyente ay gusto na niyang mag pahinga" saad ng doctor Halos ika iyak ko rin iyon pero pinigilan ko lang ang sarili ko! Ayaw kong mawala si lolo pero kung iyun nag ikakasaya niya ay tatanggapin ko. Alam kong na hihirapan na siya, alam kong pagod na siya kaya kung mawawala siya siguro naman ay matatanggap ko iyon. Mabuti na lng wala akong pasok ngayon at ayaw ko ring mag full time sa ospital! Ayaw ko naman talaga ang trabahong iyon kung hindi lang talaga si mom ang nag disisyon edit sana na kuha ko ang gusto kong kurso Umalis na ang doctor at wala pa rin tigil si tita sa pag iyak! Nasa room kami ni lolo, naka higa si lolo sa isang bed. Kung titignan nga si lolo ay muka na siyang matamlay at pagod "Pa Lalaban ka naman diba?" saad niya "Papa naman wag mo muna kaming iwan, kahit sana hintayin mong manganak si Keith" "Tita Cha, k-kung pagod na si lolo a-at hindi na niya k-kaya papayagan nyu na ba siyang lisanin ang mundo?" seryosong tanong ko "H-hindi ko pa kaya J-jane" Alam kong magiging malungkot kami kapag nangyari ang bagay na iyon! Pero pagod na si lolo, ang daming treatment na ang ginawa sa kaniya ang dami na niyang hinarap na pag subok siguro ay kailangan na rin niyang mag pahinga "Tita aalis po muna ako" "Cge, mag ingat ka" Ayaw kong makita ako ni tita na umiiyak! Gusto ko munang mapag isa, gusto ko munang tanggapin kung ano man ang mangyayari pero kinakabahan ako bawat minuto Nag punta ako sa isang puno na hindi rin kalayuan sa hospital! Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin at maka hinga at gusto munang mag isip isip Ang pag subok na ito ang pinakang mahirap para sa akin! Hindi ko na rin napigilan ang pag tulo ng aking luha! Bawat pag tulo nito ay katumbas ng sakit na nararamdaman ko! Ang daya naman gusto ko pang maka sama si lolo bakit naman ganoon "Kukunin mo na ba talaga ang lolo?" tanong ko Para akong tanga na nag tatanong sa langit! Ayaw ko naman dumating sa puntong ito, ayaw kong makitang umiiyak ang mga mahal ko sa buhay ayaw ko silang nakikitang nawawasak "Bat ganoon!" saad ko "Wahhh" sigaw ko pa Nakaka pagod! Ang sakit sakit si lolo ang pinakang sumuport sa akin, si lolo lang ang gusto akong supportahan pero bat kukunin na siya bat ganoon, alam ko namang hiram lang ang buhay namin pero hindi ba puwede tagalan pa Matapos kong umiyak doon ay bumalik na ako sa hospital! Nandoon na rin si mom at tita sinabi na rin nila iyun na uuwi sila "Diba doctor ka Jane? Bakit hindi na lang ikaw ang gumamot sa lolo mo?" saad nito Akala ko matapang si mom pero mali ako mayroon din siyang kahinaan! Halata kay mom ang pag pipigil ng iyak, ayaw ni mom na kinaka-awaan siya! Hindi lang ako umimik "Ate, hindi naman siya professional katulad ng ibang doctor!" saad ni tito Iyak pa rin ng iyak si tita habang nasa tabi ni lolo! Naiiyak na din si tito pero pinipigilan niya iyon dahil siya lang ang lalaking anak! Ayaw niyang maging siya ay mahina "Kaya ko nga pinag doctor iyang batang yan para magamot ang lolo niya! Sayang lahat ng pagod ko at hirap kung hindi mo naman pala magagamot ang lolo mo! Parehas lang kayo ni Keith mga walang kwenta!" sigaw niya Natameme lang ako nang naka alis si mom ay niyakap ako ni tito dahil nakita niya ang pag tulo ng luha ko! Simula nang namatay ang Tita ko ay naging ganiyan na siya, na iintindihan ko naman siya kung ayaw niyang mawalan muli "Okay lang yan! Ayaw lang ni ateng mawalan muli ng mahal sa buhay" saad ni tito Mahina si mom, kaseng kung malakas siya ay matatanggap niya kahit ang mangyari "Shhh.... okay lang yan" Habang pinapatahan ako ni tito ay na rinig ko ang sigaw ni tita cha "Pa! Papa!" sigaw nito habang umiiyak "Papa! Jane t-tumawag ka ng doctor!" sigaw ni tita Nataranta akong! Pero na katawag din agad ako ng doctor, Wala nang malay si lolo! Hindi na rin siya na hinga "Im sorry pero ginawa na po namin lahat pero ang pasyente na po mismo ang bumitaw" saad ng doctor "Karlos Lopez. Time of dead 10:30 a.m."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
dayamon
22/10/2024
0I love the story
15/09/2024
0wow
03/09/2024
0Tingnan Lahat