Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung mapipili ba ako sa project na ito! Nag apply kase ako sa isang sikat na campony at may bago itong building project at kailangan nila ng engineer "Ms. Lopez?" "Ako po iyon" saad ko Tumayo ako at pumasok sa loob! Kahit kinakabahan ako ay nanatili pa rin akong kalmado "Your name is Keith Lopez?" tanong nito "Opo" sagot ko "Your a new graduate student?" tanong niya ulit "Opo" Habang tinitignan nito ang papers ko ay mas lalo akong kinakabahan! Lalo na sa magiging resulta nito "You passed! You can start tomorrow" saad ng lalaki mukang siya ang may ari ng company "Salamat po!" saad ko Nawala lahat ng kaba ko dahil sa narinig ko! Hindi inakalang makakapag trabaho ako sa sikat ng company Agad kong iminessage si Xander at Jane para mabalitaan. Si Xander ay nasa campany na nila at si Jane ay nandito pa rin sa Philippines! Dapat talaga pag ka graduate ni Jane ay aalis na siya pero na bago iyon ni Gray Kahapon nang hinatid ako ni Xander sa bahay ay nag punta doon si Dad at Mom para i congrats ako! Nangumusta rin sila sa akin, binigyan din nila ako ng 100k. Nagulat din ako doon dahil sa akin lang iyon iba pa ang kay lolo! Kaya ayon todo pasalamat si lolo at ganoon din ako Alam ko namang mayaman ang pamilya ko pero hindi ko pa alam kung gaano kayaman! Ni hindi ko pa nga kilala si lolo siya daw kase yung mafia ba yon, basta iyon ang sabi ni lolo Naka tanggap din ako ng sagot sa kanila at pag bati ang natanggap ko! Nag pasalamat din ako, sinabi ko na rin may Jane na uuwi na ako. Sinabi din ni Jane na kailangan naming mag celebrate Family Bonding muna kami "Im Home!" sigaw ko Natahimik naman ako ng walang sumagot! Akala ko ba nandito sila, wala rin naman na banggit si Jane na aalis sila Nag patuloy ako sa pag lalakad ay nag tungo sa kitchen para uminon ng tubig! Pero hindi pa lang ako nakakarating doon ay biglang sumigaw si Jane "Surprise!" sigaw nito Hawak ni tita ang cellphone at nasa screen si tito habang si lolo naman ay naka upo na! "Congrats!" saad nila "Dapat talaga mag celebrate tayo!" saad ni tita cha "Oo kailangan yan!" saad din ni tito "Cge ate, may trabaho pa rin ako nag excuse lang ako saglit para batiin si Keith" saad ni tito "Congrats ulit Keith, pag butihan mo iyang trabaho mo" "Salamat tito" Pag ka end ng call ay kumain na kami ng mga hinanda nila para sa akin! "Salamat dito" saad ko "Wala iyon apo!" saad ni lolo "Kwento ka naman ate!" saad ni Jane "Wala naman gaanong nangyari. Nag tanong lang siya at tinignan ang details ko! At siguro na kita niya ang nagawa naming project kaya ayon na tanggap agad" paliwanag ko "Galit ate ahh!" saad niya "Sana dito na lang din ako!" saad pa nito "Alam mo naman si ate Jane, hindi namin siya mapipigilan" saad ni tita cha "Hayaan mo na iyon apo! Gusto lang ng mama mo na magkaroon ka ng magandang trabaho" saad ni lolo "Cge po" saad ni Jane at na pabuga sa hangin Tinuloy namin ang pag kain! Marami din ang hinanda nila. Mayroong salad, spaghetti, pancit, at cake! Mayroon din mga ulam at iba pang putahe. Lahat ng iyon ay masasarap! Lalo na yung spaghetti na gawa ni tita cha "Hmm busog!" saad ko Sinabi ko na rin sa kanila na bukas na ang simula ng trabaho ko! Eto namang si Jane ay nangungulit na pumunta daw kami nila lolo sa mall para maka pag bonding bago ako mag trabaho dahil baka hindi na daw namin iyon magaw! Baka daw kase umalis na siya, Kaya na papayag ako ni Jane "Mag bibihis lang ako" saad ni Jane Pari rin sila lolo ay nag bihis din! Kung sa bagay totoo ang sinabi ni Jane. Minsan na lang talaga magagawa ang masasayang araw na kasama ang pamilya dahil may puntong kailangan na talaga niyang lumisan "Tara na!" Nang natapos silang mag bihis ay agad kaming inaya ni Jane. Si tita ang driver namin, Sa passenger seat ako naka upo at sa likod naman si lolo at jane 1-5 minutes ay nandito na kami sa Mall! Ito kase ang gusto puntahan ni Jane kase marami daw puedeng gawin dito! Ewan ko ba doon, ang daming alam. "Pumunta muna tayo sa isang photo shoot dito! puede doong mag pictures saka mura din ang bayad" saad niya Pumayag naman kami dahil kailangan namin ng memory mag kakasama! Nag picture na kami at ipina print na iyon "Kuya puede pong ipa-frame ito?" tanong ko "Opo mam" Ipina frame ko ang isang pictures na kung saad naka ngiti at maayos ang kuha ni kuya "Eto po mam" Pag ka tapos naman doon ay nag pubta kami sa isang palaruan! Kahit malaki na si Jane ay enjoy na enjoy pa rin niya ang mga palaro dito Akala ko nga ay ma iiinip kami sa kahihintay sa kaniya! pero mukang kahit kami ni tita cha ay nag eenjoy pati na rin si lolo "Happy ka lolo!" saad ni Jane "Oo naman apo!" Saad nito Habang na tagal kami doon ay napapagod na kami dahil halos lahat ata ng palaro dito ay naitry nanamin kaya nag ayaan na lang kami sa Milktea shop tutal mahilig din ako doon Bumili ako at inorderan ko na rin sila! Nakahanap sila ng upuan malapit ito sa bintana ng shop Hinitay namin ang order na dumting! Mabilis din silang naka pag serve sa amin ng order. Mabuti na lang at kaunti ang tao dito "Enjoy no!" saad ni Jane "Oo naman" sagot ko "Kahit ako ay nag enjoy!" saad ni tita Nag tawanan naman kami! Matagal na nga nung huli kaming nag bonding bonding! Kadalas din kami nag babonding pag free time namin Alam ko ay kasama namin si tito ng huli naming bonding "Mayroon pa ba kayong gustong puntahan?" tanong ni lolo "Ewan ko lo! kay Jane, baka may destination pa yan" saad ko "Last na lang, Nuod tayo ng sunset! may malapit na pacific dito!" saad niya "Cge tara na!" Mag gagabi na nga! 6:20 pm na at malapit ng mag sunset, maganda nga ang sunset ngayon dahil maaraw kanina "Ganda" saad namin Habang bumaba ang maganda araw! Minsan ko lang masilayan ang pag baba nito kasama ang pamilya ko! Alam ko maraming pag kakataon kaso nga lang hindi ko alam kung kailan pa ulit mangyayari ito. Gusto ko na lang manatili sa masayang alaala sa buhay ko dahil hindi ko alam kung saan papunta ang storyang ito Habang bumababa ang araw ay nakangiti kami dahil sa aking ganda ng tanawin "Sabi ko na maganda yon" saad ni Jane Papa uwi na kami at hinihintay na lang si Tita kase kinukuha pa niya ang kotse kung saan nag parking kanina. Masaya ang araw na ito at isa ito sa memorable na araw sa buhay ko sana maulit uli ito! At sana hindi na matapos ang kaligayahan sa buhay ko "Tara na!" saad ni tita Tinulungan kong makapasok si lolo sa kotse, Tiniklop ko rin ang wheelchair niya at inilagay sa likod ng sasakyan at pag ka tapos ay sumakay na rin ako Binuksan ko ang cellphone ko at natanggap ako ng message mula kay Xander. Hindi mapigilan ng labi ko na ngumiti, alam ko hindi pa kami pero kinikilig talaga ako tuwing naririnig ang pangalan niya 'Kumusta ang bonding ninyo' -Xander 'Ayun enjoy! ikaw kumusta ka?' -Me 'Medyo busy pero okay lang naman Honey ko' -Xander Napangiti na lang ako 'Cge na' -Me 'Cge bye love you po' -Xander "Nako ate halos mapunit ata yang labi mo sa kakangiti" singit ni Jane "At with blush pa!" dagdag pa niya "Hayaan mo na nga siya Jane! Inlove lang ang ate mo!" saad ni tita "Tita naman" maktul ko "Nako tumigil na nga kayo, hayaan nyu na nga si Keith matanda na iyan kaya normal na sa kaniya iyan!" saad ni lolo "Cge na" Nang nakarating kami ng bahay ay madilim na kaya naman nag bukas na ng ilaw si tita at kami naman ay tinulungan si lolo para makapag pahinga na. Pag ka tapos noon ay pumunta na ako sa kwarto para makapag pahinga na din, nag shower muna ako bago tuluyang mag pa hinga Pag ka tapos kong mag shower ay naka tanggap nanaman ako ng message, ang akala ko galing ito kay Xander pero na tanggal ang ngiti ko sa labi ng mabasa ko ang text at kinabahan din ako 'Get ready for my revenge' from unknown Bigla akong kinabahan sa text na iyon! Tumaas din ang balahibo ko dahil naka ramdam ako ng kakaiba at ang weird din ng text pero hinayaan ko na lang baka wrong send lang Pero ewan ko hindi mawala sa isipan ko ang text na iyon! pero inisip ko na lang na wrong send iyon! Humiga na rin ako at tuluyang nakatulog
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
dayamon
22/10/2024
0I love the story
15/09/2024
0wow
03/09/2024
0Tingnan Lahat