Homepage/When she found the flowers/
Kabanata 98
"Flight ko na tommorow," saad ni Lily nang kumalas sa pagkayapos kay Antonio.
"Mag-ingat ka."
Tumango lamang ang dalaga at ngumiti. Saglit na sinulyapan si Prudence.
"Bye," maikling paalam nito bago tumalikod at naglakad palayo habang pinupunasan ang ilang luha.
Napalinga si Antonio sa katabing nobya. Tinatanaw nito si Lily habang umiiyak. Lumapit siya rito at niyakap ang dalaga.
"Dalian mo na!" Hatak-hatak ni Karen at Teri ang dalawang braso ni Prudence paakyat ng silid.
"Bakit ba?!"
"Ano bang mayroon?!' naguguluhan niyang tanong habang walang magawa kung 'di magpahatak sa mga kaibigan.
"Aayusan ka namin!"
"Aayusan?! Bakit hindi ba maayos ang hitsura ko?!' patuloy niyang tanong.
Nang makarating sa terrace ay nagpabigat siya para hindi tuluyang mahatak ng mga kaibigan.
"Sandali!" pigil ni Prudence at pilit kumawala sa pagkakahawak ni Karen at Teri.
"Ano bang ginagawa ninyo?"
"Kailangan mo na nga mag-ayos!" sagot ni Karen.
"Para saan?!"
Nagkatinginan ng makahulugang ang dalawa bago muling itinuon sa kaniya ang atensyon. Nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa pagtataka. Maghapon na atubili ang mga tao sa flower farm at si Antonio.
Simula ng umaga ay hindi na niya ito nakita. Sa tuwing tinatanong niya kung nasaan ang binata ay walang sumasagot sa kaniya.
Nanabik na rin siya rito dahil noong nakaraang linggo pa ay nasa Maynila ang nobyo kasama si Marco. Inaasikaso rin nito ang kaso kay Damien at Choko. Nang iurong nila ang kaso ay ganoon na lamang ang pasasalamat ni Choko sa kaniya nang makausap niya ito sa telepono.
Alam niyang napilitan lang din si Antonio, alang-alang kay Damien. Nangako na lang ang dating manager niya na hinding-hindi na lalapit o magpapakita man lang sa kaniya.
"Tara na!"
Dahil sa malalim ang iniisip ni Prudence ay wala na siyang nagawa kung 'di muling magpadala sa hatak ng mga kaibigan papasok sa loob ng silid.
Napangiti siya habang nakakunotnoo, nilalakaran niya ngayon ang 'di mabilang na talulot ng pulang rosas. Nakasabog ito sa daan patungo sa isang lugar sa farm. Sinundan niya iyon kahit na may pagtataka hanggang sapitin niya ang taniman ng pulang rosas.
Tumalon ang puso ni Prudence nang makita ang napakagandang hitsura no'n. May ilang fairy lights na nakapalibot sa isang lamesa at dalawang bakanteng silya. At sa paligid ay may mga talulot pa rin ng mga rosas.
Naroon nakatayo sina Ambrose, Marco, Karen at Teri. Nakangiti at pinagmamasdan ang dalagang mangiyak-iyak dahil sa nakikita.
Ipinagpatuloy ni Prudence ang paglalakad hanggang sapitin ang tapat ng lamesa. Mula roon ay lumabas si Antonio, napakagandang lalake sa suot na long sleeved na polong puti, hawak ang pumpun ng magaganda at pulang-pulang mga rosas.
Pinanonood lamang niya ito habang palapit sa kaniya. Sa nakikita niya ay nahihiya ito pero nananatiling nakangiti.
"P-para sa 'yo," Abot nito ng napakaraming rosas.
"S-salamat," tanging tugon ni Prudence kasabay nang pagtanggap.
"Yihee!" sabay-sabay at kinikilig na sigaw ng mga kasamahan nila sa farm.
Napailing na lang si Antonio at binalikan ng tingin ang dalaga. Nahigit niya ang paghinga nang magsalubong ang mga mata nila.
"Hindi ko naman birthday ha?" natatawang saad nito.
"Alam ko!"
"Para saan 'to?" tanong ni Prudence at sumulyap sa lamesa na romantikong nakaayos.
"I just want to celebrate every seconds that I am with you."
"Sus!" Itinago ng dalaga ang kilig na naramdaman dahil sa sinabi nito.
Lumunok si Antonio at pumormal. Ilang araw lang na hindi niya ito nakita dahil sa mga inaasikaso ay talagang nanabik siya rito. Lumapit siya sa nobya, sandaling kinuha muli ang mga rosas at ipinatong sa ibabaw ng mesa.
Napatingin si Prudence nang hawakan nito ang dalawang kamay niya at seryosong sinalubong ang tingin niya.
"Hindi ko na makita ang sarili ko na wala ka."
Napakurap siya at nangilid ang mga luha. Habang nakatitig siya sa mga mata nito ay parang unti-unting natutunaw ang puso niya dahil sa sobrang saya.
"Sa lahat nang mayroon ako sa buhay, Celine. Ikaw ang pinakamahalaga," masuyong dugtong nito at pinunasan ang isang luha na tumulo sa kaniyang pisngi.
Huminga ng malalim si Antonio at halos himatayin si Prudence nang lumuhod sa kaniyang harapan ang binata. Sandaling binitawan ang kamay niya at may dinukot sa bulsa.
"Samahan mo ako sa habang-buhay, Celine."
"Pakasalan mo ako," alok ng kasal nito habang tumutulo ang mga luha at nakatingala sa nobya.
Kung may pinakamaganda man narinig si Prudence sa buong buhay niya ay ito iyon. Ang alukin na makasama siya habang-buhay ng lalakeng pinakamamahal niya.
Umiiyak na inalalayan niyang tumayo si Antonio. At nang tumindig ay agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ng nobyo at ginawaran ng matamis na halik sa labi.
Nagsigawan naman sina Ambrose, Marco, Karen, Teri at ang mga kasamahan nila na kasalukuyang nanonood sa dalawa.
"C-celine," kahit ayaw ni Antonio ilayo ang labi at putulin ang paghalik sa kaniya ng dalaga ay kailangan niyang marinig ang matamis nitong 'oo'.
"Pakakasalan mo ba ako?" hinihingal niyang tanong.
"Hindi mo na kailangang itanong iyan, Antonio."
"Pakiusap, gusto kong marinig mula sa iyo," pagsusumamo nito.
Sinulyapan ni Celine ang kumikinang na singsing na hawak ng nobyo bago muling tiningan ang napakaamong mukha ng binata.
"Oo. Kahit saan at kahit kailan."
Gumuhit ang hindi matatawarang ngiti sa labi ni Antonio. May ilang luha sa pisngi nang isuot niya sa daliri ni Celine ang singsing. At nang matapos ay agad niya itong siniil ng halik.
Tinugunan naman niya iyon ng mas marubdob na halik at buong pagmamahal. Ikinawit niya ang mga braso sa leeg ng nobyo habang patuloy na ninanamnam ang labi nito.
Hinapit naman ni Antonio ang bewang ng nobya at kinabig pa palapit sa sariling katawan. Hanggang sa marahang silang huminto at nagkatitigan.
"Mahal na mahal kita, Celine."
"Mas Mahal kita, Antonio."
"Nang matagpuan ko ang mga bulaklak ay alam ng puso ko na natagpuan ko na rin ang lalakeng mamahalin ko habang-buhay."
"Katulad ng pagmamahal ko sa mga bulaklak ay mamahalin at iingatan kita, Celine."
At muli na naman nagtagpo ang labi ng dalawa. Ipinagpatuloy ng mga labi nila ang mga salitang hindi na nila kaya pang sabihin.
Hindi lamang ang mga mahal nila sa buhay ang patunay sa wagas nilang pagmamahalan. Ganoon na rin ang mga bulaklak na noon pa man ay saksi at parte na ng kanilang pag-ibig.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (196)
Share
Tapusin
Mga rekomendasyon para sa iyo
good
8h
0jayjay mendoza
07/05
0good
17/11
0Tingnan Lahat