Kabanata 95

"Ihatid ko lang sila," magaang paalam ni Prudence kay Antonio na kahawak kamay na naglalakad palapit sa entrada ng flower farm.
Bahagyang tumango lamang ito at marahang bumitaw sa kamay niya. Sinundan niya ang dalawang bisita na nauunang maglakad.
"Maraming salamat sa panahon na bisitahin ako."
Huminto sina Silver at ang manager nito sa tapat ng van. Saglit pang tinanaw ni Silver si Antonio na nakatingin sa kanila bago muling itinuon ang mga mata sa dalaga.
"About the offer, Prudence."
Hinawakan ni Miss Ty ang kamay niya at pinisil. Matamis din itong nakangiti sa kaniya na para bang gusto-gustong siya nitong mapapayag sa inaalok na kontrata.
"Sana makapagdesisyon ka nang mas maaga. The management have so much work for you and Silver. Gagawan namin kayo ng teleserye at kayong dalawa ang magiging lead characters."
"Salamat po, Miss Ty," tanging nasagot niya.
Nauna na itong pumasok sa loob ng van at naiwan naman si Silver. Sinalubong ni Prudence ang tingin nito.
"Siya 'yon 'no?" mahinang saad ng binata at nginuso ang dati niyang amo na nasa likuran.
"Huwag mo na nga ituro," pigil na galit at singhal niya at binigyan ito ng bantang tingin.
"Hay, kaya naman pala dedma ka sa feelings ko para sa iyo," kunyaring nagtatampo pa ang boses nito kasabay ng paghalukipikip.
Bahagyang nilingon niya si Antonio na nakatayo pa rin at nakatanaw sa kanila. Muli niyang binato ng tingin ang dating katrabaho.
"Oo, siya nga 'yon kaya pwede ba!"
"Gwapo nga kaso mukhang suplado. Hindi niya nga tinanggap ang pakikipag-kamay ko. And tingnan mo, salubong na salubong ang kilay na nakatanaw rito o!" litanya ni Silver habang tinitingan sa malayo ang binata.
"Huwag mo nga siyang pakeealamanan," pagtatanggol naman niya.
"Kidding aside, I am truly happy for you, Prudence."
Itinaas niya ang mukha at mula sa pang-aasar na hitsura ay naging seryoso na ang mukha ni Silver. Titig na titig din ito sa mga mata niya.
"As I see, he really likes you."
Sumeryoso naman ang dalaga at napatindig ng tuwid. Napalabi rin siya at itinuon ang mga mata sa 'di kalayuan. Hindi niya alam kung dapat ba siya matuwa o mahiya sa sinabi ni Silver. Natutuwa siya na iyon ang interpretasyon nito sa nararamdaman ng binata para sa kaniya pero nahihiya rin dahil baka hindi naman gano'n ang pagtingin nito sa kaniya.
Lalo na't hindi naman niya mismo narinig ang mga salitang iyon mula sa bibig ni Antonio.
"He cares for you. I mean, hindi naman siya magbabantay riyan kung hindi 'di ba?" Nakangising dagdag pa ni Silver.
"Honestly, nag-aalala talaga ako sa iyo. When I heard about you and Choko. Naalala ko kasi iyong sinabi mo noon."
"Alin doon?" takang tanong ni Prudence.
"Iyong sabi mo na si Choko lang ang mayroon ka. Pero mukhang mali ka roon, sa nakikita ko may tao pa na nariyan para sa iyo," seryosong pahayag nito habang nakangiti ng malungkot at sumulyap sa likuran.
"Anyways, the offer is still hanging. Maganda ang management namin. They really and truly care to their talents. Sa oras na nakapagdesisyon ka na, sa akin ka unang tumawag."
Inabot ni Silver ang isang calling card sa dalaga. Kumaway pa ito kay Antonio bago sumakay ng itim na van.
Napahilig ang batok ni Antonio matapos kumaway sa kaniya ang bisitang binata ni Celine. Parang biglang sumakit ang batok niya at umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya dahil sa inis.
Halos isang minuto na itong nagpaalam sa dalaga bago tuluyang umalis. Dahil may kalayuan ay hindi niya marinig at kahit matiim na nakatitig sa mukha nito ay hindi niya mabasa ang binubuka ng bibig ng bisita.
Napabilog ang kamao niya dahil sa nagtitimping galit. Ngunit nang makitang palapit si Celine ay itinago niya ang mga kamao.
"Nasaan na ba si Antonio?" tanong ni Ambrose habang naghahanda ng pagkain sa lamesa sa labas ng bahay.
"Titingan ko po Ma'am Ambrose," boluntaryong sabat ni Marco at patakabong tinungo ang hagdan.
Marahan namang inilalagay ni Prudence ang mga plato sa lamesa at napatingala sa taas ng silid ng binata. Kanina pa ito hindi lumalabas simula nang maihatid nila ang mga bisita. Hindi rin ito nakihalubilo sa kanila nang naghanda sila ng hapunan.
"Antonio!" tawag ng matanda nang matanaw na pababa sa hagdan ang apo kasunod ang kaibigan na si Marco.
Habang pinapanood niya itong palapit ay mukhang walang itong gana sa paglalakad. At hilaw ang ngiting ipinakita sa matanda.
"Kakain na tayo," anunsyo ni Ambrose sa mga tauhan ng farm.
Isa-isa na silang umupo sa mga silya. Lumapit si Prudence sa bakanteng silya na katabi ni Antonio. Saglit siya nitong tiningala at bahagyang inurong ang kaniyang uupuan.
"Magpasalamat tayo sa ilang farmers na nag-ani ng mga sariwang gulay na ito mula sa bukid," masayang panimula ni Ambrose.
"Kay Mang Isidro po ba galing ito?" tanong naman ni Antonio habang nilalagyan si Prudence ng pagkain sa plato.
"Oo. Maganda kasi ang ani ng taniman natin kaya noong dumalaw ako ay nagbilin ako sa kanila na sa oras na mag-ani, padalahan ako rito."
Napatango naman ang binata at saglit na tinusok-tusok gamit ng tinidor ang ilang gulay sa plato para bang pinag-aaralan ito.
Habang masayang kumakain at nagkwe-kwentuhan ay napalibot ang mga mata ni Prudence. Mukhang tama si Silver sa sinabi nito kanina. Hindi lamang si Choko ang mayroon siya.
Mayroon siyang Karen, na kahit hindi maganda ang pagsisimula nila ay narito pa rin at sinusubukan na maging maayos sila. Si Teri, noon pa man ay naging mabuti sa kaniya. Si Marco, ang among si Ambrose. Parang instant lola niya na rin ang matanda dahil sa mga payo at pangaral nito.
Huminto ang mga mata ni Prudence sa katabing binata. Napakurap siya at malayang tinitigan ito sa malapitan.
At siyempre, si Antonio.
Mayroon siyang katulad ni Antonio sa buhay.
Kung handa talaga itong maging parte ng magulong mundo niya. Siya ba ay handa nang madamay ito sa buhay na mayroon siya?
Ano kaya, kung piliin niya ang kontrata na inaalok nila Silver. Baka makapagsimula siyang muli at masanay na lang sa buhay pag-aartista.
Pero siguradong hindi siya sasaya sa oras na pinili niya iyon dahil maiiwan sa flower farm na ito ang tunay na nagpapasaya ng puso niya.

Komento sa Aklat (196)

  • avatar
    LimareRose

    good

    7h

      0
  • avatar
    MendozaEduardo

    jayjay mendoza

    07/05

      0
  • avatar
    Jake Padilla

    good

    17/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata