Kabanata 94

Ngumiti si Prudence nang maabutan si Antonio sa taniman ng pulang mga rosas. Sandaling pinagmasdan niya ang taniman na talagang pinanabikan niya ng ilang buwan.
Marami tuloy siya naalalang mga nangyari rito. Lalo na ang gabi na hinalikan siya ng amo. Iyon na yata ang hinding-hindi niya makalilimutang pangyayari sa buhay niya.
"Magandang umaga," Nakangiting bati ng dalaga sa sa binata nang tuluyang makalapit.
Saglit na nag-arko ang mga kilay niya nang wala man lang siyang narinig na sagot mula rito. At ipinagpatuloy lang ang paggugupit ng oras.
Kagabi pa niya napapansin ang pagiging tahimik nito at malamig sa kaniya. Nang magising siya ay wala na ito sa tabi niya at hindi na rin niya na kasabay mag-agahan.
Napakagat sa ibabang bahagi ng labi si Prudence habang pinagmamasdan lang ang mukha ng dating amo. Wala siyang mabasang reaksyon dito.
"Antonio," tawag niya.
Nagpakawala ng mabigat na hangin ito bago siya nilinga. Nang magsalubong ang tingin nila ay siya naman ang natameme.
"Bakit?" tanong ni Antonio.
"M-may problema ba?" halos hindi ito lumabas sa bibig ng dalaga.
Umiwas ng tingin ang binata at lumipad ang tingin sa taniman. Mabigat talaga ang loob niya dahil sa sinabi ng dalaga noong naghahapunan sila.
"Iyong tungkol sa sinabi mo."
Napakurap naman si Prudence, hindi nga siya nagkamali. Mukhang nagalit ito sa sinabi niyang babalik na lamang siya ng Maynila.
Muling ibinalik ni Antonio ang mga mata sa dating tauhan. Ilang segundo silang nagtitigan bago siya huminga ng malalim.
"Hindi ko alam kung bakit ka pa babalik ng Maynila."
"Ayaw ko lang na madamay kayo sa gulo-"
"Hindi ko gustong umalis ka!" malakas na sambit nito.
Napayuko si Prudence at naramdamanan ang tila pag-init ng sulok ng mga mata.
"Kaya hindi kita maintindihan ngayon. Bakit pinipili mong lumayo sa akin?" mapait na tanong ng binata habang bumabaha ang kalungkutan sa mukha.
"Lagi ka na lang nag-aalala na madadamay ako at ang buong flower farm ko. Kung hindi ko gusto madamay sa magulo mong buhay, matagal na kitang hinayaang umalis."
"Hindi na sana kita sinundan sa Maynila."
"Pero hindi ko kayang ipagsawalang bahala na malayo ka. Umarte na wala akong pakealam, hindi ko kayang gawin 'yon, Celine."
"Sir!" Umaalingawngaw ang boses ni Marco mula sa 'di kalayuan.
"May bisita po kayo ni Celine!" dagdag pa nito.
Saglit na lumalim ang gitla sa noo ni Antonio habang paakyat sa hagdan. Naaninag niya ang isang babae at lalake na nakaupo sa sofa kaharap ang kaniyang lola.
"Apo," Awtomatikong tumayo si Ambrose nang makita ang binata. Ganoon na rin ang mga kaharap nitong mga bisita.
Nginitian niya ito bago binalingan ng tingin ang dalawang kaharap. Tumaas ang isang kilay niya nang makilala ang pamilyar na mukha ng binatang bisita. Hindi siya pwedeng magkamali, ito ang aristang inuugnay noon sa dalaga.
"Good morning, Mr. Del Fierro," bati nito.
Walang tugon mula kay Antonio at seryosong nakikipagtitigan kay Silver.
"Apo, kaibigan daw siya ni Celine. At ito naman ang manager niya, si Miss Ty."
"I'm Silver, Prudence' s friend. I'm with my manager and she wanted to talk to Prudence about a contract with our management."
Para namang pinana ang puso niya dahil sa narinig. Mukhang may dahilan na talaga si Celine para bumalik sa Maynila.
"Silver," bahagyang nagulat pa si Prudence nang maabutan ang binata kasama ang manager nito.
Lumipad ang tingin ng dalaga kay Antonio na nakatayo at tila madilim ang anyo. Mabilis siyang lumapit dito, inabot at hinawakan ang kamay.
Nang humarap ito sa kaniya ay tipid niya itong nginitian bago itinuon ang mga mata sa dalawang kaharap. Napansin niya ang paglaki ng mga mata ni Silver habang halos hindi kumukurap sa pagtitig sa magkahawak nilang kamay ni Antonio.
"Hi, Prudence. Nice to meet you," bati ni Mis Ty ang manager ni Silver.
"Hello, Miss Ty."
"Umupo muna tayo at dadalhan ko kayo ng meryenda," boluntaryong sabat ni Ambrose.
Nang umupo sila sabay-sabay ay nagpaalam ang matanda at umalis. Naiwan silang apat na magkakaharap. Habang nanatiling kahawak-kamay ang binata.
"Miss Ty, Silver, bakit kayo nabisita? Atsaka, paano ninyo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Prudence.
"Kay Choko, kukumustahin ka rin sana namin."
"Narinig namin ang nangyari. At tama lamang ang ginawa mo. Hindi naging mabuting manager si Choko sa iyo kaya dapat niya iyong pagbayaran," mahabang litanya ni Silver at bakas ang pag-sang ayon sa desisyon niya.
"Salamat sa suporta."
Sinulyapan ni Prudence si Antonio na tahimik lang na nakikinig. Blanko pa rin ang emosyon nito habang nakatitig kay Silver.
"Nga pala, Antonio, si Silver. Si Silver, nakatrabaho ko siya sa isang project noong nakaraan lamang," pakilala niya.
"At si Miss Ty, manager niya."
Nag-abot ng kamay ang babaeng manager na tinanggap naman ng dating amo. Hindi naman na nagtakang mag-abot ng kamay si Silver dahil kanina lang ay hindi na nito tinanggap ang pakikipag-kamay niya.
Ilang minuto silang nagkwentuhan. Minsan-minsan lang sumasali sa usapan ang binata, kung tatanungin lang tungkol sa farm ng manager ni Silver. Ganoon pa man ay hindi naman ito bumibitaw sa kamay ng dalaga at hindi rin umaalis.
"Kaya kami narito ay nabanggit sa akin ni Silver na gusto mo nang umalis sa pagma-manage ni Choko."
Natigilan si Prudence, mukhang nagsisimula nang sabihin ni Miss Ty ang totoong sadya sa kaniya rito. Napatango siya at maingat na pinakinggan ang susunod pang sasabihin nito.
"I'm offering you a contract with our management."

Komento sa Aklat (196)

  • avatar
    LimareRose

    good

    8h

      0
  • avatar
    MendozaEduardo

    jayjay mendoza

    07/05

      0
  • avatar
    Jake Padilla

    good

    17/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata