Kabanata 92

"Look, Celine or whoever you are!" sigaw ni Lily nang makitang naroon ang dalaga.
"Look the mess you've cause!" galit na dugtong ng dating nobya ng binata.
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Prudence. Parang natutunaw siya sa hiya dahil sa sinabi ni Lily.
"Bakit siya ang sinisisi mo?" nagtatakang tanong ni Antonio.
"Sino ba dapat? Sino bang sumisira sa ating lahat?"
"Wala siyang sinira dahil noon pa man matagal na tayong sira!"
Natameme naman si Lily at tiningan ng diretso sa mga mata ang dating nobyo. Tila nakangiti dahil sa inis ang binata habang pinagmamasdan siya.
"Kaya pwede ba, huwag kang manisi. Pareho-pareho tayong may mali, hindi natin pinahalagahan ang relasyon nating magkababata."
"Pero labas ang isyu na iyon dito. At walang magbabago sa desisyon na kakasuhan si Damien dahil sa pagtatangka niya kay Celine," muling tumalim ang tingin ni Antonio nang pagtuunan ng pansin si Damien.
"At gagawin ko ang lahat para makulong siya."
"Gago ka Antonio!" Akmang lalapit si Damien pero agad na humarang si Marco.
"Tara na, Sir Damien," Pwersahang sinaklit ng tauhan ang braso nito at kinaladkad palabas ng gate.
Isang nakamamatay na tingin muna ang iniwan ni Lily kay Prudence at Antonio bago umikot at sinundan ang dalawang binata.
Nagpakawala ng marahas na paghinga si Antonio at pinunasan ang mahapding sulok ng labi. Hindi niya alam kung nananadya ba ang dating nobya na papuntahin pa rito ang kababata nila. Kahit na sinabihan niya na ito noong una pa lamang.
Nag-ipon ng hangin sa dibdib ang binata bago humarap kay Prudence. Nagtama ang mga mata nila.
"A-ayos ka lang?" mahinang tanong ng dalaga.
"A-ayos lang ako," sagot niya habang may alinlangan pa ang mga mata na nakikipagtitigan dito.
Alam niya na galit o baka may tampo ang dating tauhan dahil sa nangyari kahapon. Hindi rin ito natulog sa kwarto niya.
Dahan-dahan itinatapak ni Prudence ang mga paa palapit sa binatang may dugo ang sulok ng labi. Alam niyang desidido ito na panagutin ang mga taong nagtangka ng masama sa kaniya, kaya bakit siya na mismo pinagtangkaan ay hindi lumalaban?
Nang mapatapat ang dalaga sa tapat ni Antonio, siya na mismo ang banayad na yumakap sa dating tauhan. Naramdaman niya ang pagkapit ng mga kamay nito sa likod niya kaya't napapikit siya.
Kahit isang gabi lamang niya ito hindi makatabi ay pakiramdam niya ay agad siyang nangulila rito. Siguro hindi lang dahil basta araw ang nabubuo ni Celine pati na rin ang minu-minuto sa buhay niya.
"A-aray," mabilis na inilayo ni Antonio ang mukha na hawak ni Prudence.
Naibaba niya ang kamay na may hawak na bulak at tinitigan ang binata. Kasalukuyan niyang ginagamot ang labi nitong may sugat.
"Pasensiya ka na."
"Para na naman saan?" may bahid na inis na tanong nito.
"Dito, nagkasugat ka pa-"
"Hindi ikaw ang sumuntok sa akin kaya huwag kang mag-sorry," kaswal ngunit seryosong salansala nito.
"Pero dahil sa akin-"
"Celine," agap agad nito.
Iniharap ang katawan at mukha niya bago tinitigan sa mga mata.
"Wala kang kasalanan. In fact, ikaw ang biktima."
Maliit na pagtango lamang ang ginawa niya. Muli niyang ipinagpatuloy ang paglalagay ng gamot sa sulok ng labi ng binata. May pagkakataong palihim niya itong tinitingnan sa mga mata.
"Masakit pa?"
"Hindi na."
Muling ibinaba ni Prudence ang kamay at huminga ng malalim. Buo na ang desisyon niya, kung gaano ito ka-pursigidong kasuhan si Damien at si Choko, dapat ganoon rin siya.
Nakangiwi pa si Antonio dahil sa sakit nang mahuling nakatitig ng seryoso ang dalaga sa kaniya. Bigla tuloy siyang nakadama ng hiya.
"Ba-bakit ganiyan ka makatingin?"
"Antonio, payag na ako na kasuhan si Damien ganoon na rin ang manager ko."
Pinapanood lamang ni Prudence ang dating amo habang naglalakad sa harapan niya at may kausap sa cellphone. Kausap nito ang abogadong si Marasigan para tuluyan ng makapagdemanda.
Habang pinapanood niya ang binata ay naalala niya noong tauhan pa lamang siya nito sa farm. Kasalukuyan siya noong nagtatago sa mga halaman para lang tanawin ito na makasakay sa golf cart habang papalubog ang araw.
Ngayon, mas malapit na siya kay Antonio. Hindi na lang niya basta tinatanaw, pwede niya na rin mahawakan.
Hindi niya akalaing na bumababa pala ang tala at pwedeng abutin.
"Alright. Thank you, Attorney," Ibinaba ni Antonio ang cellphone at agad na lumipad ang tingin sa dalagang nakaupo sa sofa.
"Okay na, Atty. Marasigan will take care of everything."
"Salamat," tipid niyang pasasalamat.
Lumapit ang binata sa kaniyang harapan, bumaba ito at tumingkayad para magtapat ang mga mukha nila.
"No. Ako dapat ang magpasalamat."
"Bakit naman?"
"Kasi pinagkakatiwalaan mo ako sa ganitong bagay. Pinakikinggan at naiintindihan mo ako."
Munting ngiti lamang ang saglit na gumuhit sa labi ni Prudence. Kung wala ito, paano na siya?
Walang taong magpo-protekta at tatayo para sa kaniya.
"Pasensiya na rin at hindi agad ako nakapagdesisyon tungkol kay Choko."
"Sa tototoo lang, pinag-isipan ko ito kagabi kaya sa kwarto muna ako nila Teri natulog," nahihiyang paliwanag niya
Hinawakan ni Antonio ang mga kamay niya bago muling inangat ang mukha.
"Naiintindihan kita, hindi ito madali."
"Pero sana, ngayong gabi sa tabi ko na-"
"Oo naman," alertong agap niya na nagpangiti nang malawak sa binata.
Tumindig ang binata habang hawak pa rin ang kamay ni Prudence. Tumayo na rin siya at nginitian ang dating amo na pinagmamasdan lamang ang mukha niya.
"H-hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ang ingay nila Teri," nagkakandautal na paliwanag niya kahit medyo huli na.
"Hindi naman ako nanghihingi ng paliwanag mo," nakalolokong anito habang naglalakad.
"Baka kasi, isipin mo na gusto na ulit kitang makatabi," patuloy na katwiran ni Prudence habang maingat na hinihila ni Antonio papasok sa loob.
"Hindi ko iniisip iyan ha?!"
Kahit nakatalikod ito sa kaniya ay rinig na rinig niya ang pagtawa ng binata.
"Sus, alam kong iyan ang nasa isip mo!" patuloy niya.

Komento sa Aklat (196)

  • avatar
    LimareRose

    good

    8h

      0
  • avatar
    MendozaEduardo

    jayjay mendoza

    07/05

      0
  • avatar
    Jake Padilla

    good

    17/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata