"Minsan na siyang nagsinungaling sa iyo." Napahinto sa paglalakad si Antonio. "Hindi ba?" dagdag pa ni Lily habang seryosong nakatingin sa nakatalikod na dating nobyo. "Malay mo this time, way niya lang ito para muling makabalik sa buhay mo." Humarap si Antonio na walang mababasang reaksyon sa mukha at mga mata. Marahas na pinunasan ni Lily ang mga luha. "How many times I should tell you that, you don't know her." "Gaano mo ba siya katagal na kakilala?" "One, two, three mon-" "Is that matter?" tanong ni Antonio. "Yeah. How could you love someone you haven't known for so long?" Napapilig ang ulo ng binata, ang akala niya matagal at kilalang-kilala na niya ang kababata. "Kung iyon ang batayan mo na dapat matagal mo ng kilala ang isang tao para mahalin, magkaiba tayo." Napakurap si Lily habang pinagmamasdan ang dismayadong hitsura ng dating nobyo. "Hindi mo ako kasing babaw." "Kung ngayon ko pa lang nakilala si Celine, gugustuhin ko pa rin manatili siya rito. Ganito pa rin ang eksaktong mararamdaman ko para sa kaniya." "Hindi mahalaga kung gaano katagal mo kilala ang isang tao para lang maging mahalaga siya sa iyo. Minsan may isang tao talaga na makakapagpabago ng pinaniniwalaan mo at si Celine ang babae na iyon para sa akin." "At sana Lily, matagpuan mo na rin ang makapagpapabago ng mababaw mong dahilan," malumanay na pahayag ni Antonio bago ipinagpatuloy ang paglalakad. Tuloy-tuloy ang pagbagsak ng mga luha ni Lily. Sana'y naman na siyang masaktan lalo na't dahil sa dating nobyo. Pero mas masakit ngayon, mas malalim at mas tumusok sa puso niya ang mga salitang iyon. Kahit na paulit-ulit na sinasabi ni Antonio na wala na silang pag-asa ay pinapaniwala niya ang sarili na baka mayroon pa, kahit kaunti. Baka naguguluhan lamang ang kababata sa nararamdaman. Baka natatakpan lang ng galit ang puso nito dahil sa pag-alis niya noon. At baka attracted lamang sa pisikal na anyo ni Prudence at hindi naman ganoon ka-seryoso sa nararamdaman. Pero matapos marinig ng klaro ang lahat. Mukhang hindi na niya mahahawakan ang kamay ni Antonio para hatakin at hindi tuluyang mahulog sa babaeng iyon. Noon pa man ay seryoso nang magmahal ang dating nobyo at mas seryoso ito ngayon. "Okay ka lang?" tanong ni Karen nang ihatid si Lily palabas ng gate ng farm. "I'm not." "Minsan hindi naman maling tanggapin na talo ka sa isang laban na ikaw na lang ang natitirang lumalaban." Muli na namang tumulo ang luha ng dalaga at humarap sa kababatang si Karen. "I love him too much to just give up on him," humahagulgol na sambit ni Lily. "Kung mahal mo siya, hindi ba dapat gugustustuhin mo ang magpapasaya sa kaniya?" "At kung hindi naman ikaw iyon, bakit mo ipagpipilitan ang sarili mo? Kung hindi ikaw ang kailangan?" Niyakap ni Karen ang kababata at hinagod ang umaalon na likod. "Doc., kumusta siya?" tanong ni Antonio nang pumasok na sa loob ng sariling kwarto. Sinulyapan niya si Celine na nakahiga sa kama at nakapikit. Maputla at mahimbing itong natutulog. "She was drug overdose." Napapikit siya, hindi siya nagkamali sa hinala. Noon pa man alam na niyang may bisyo ang kababata at talagang idinamay pa nito ang dalaga. "That's why she experienced vomiting at kung anu-ano pa." "Is she okay?" "Oo, maayos na siya. Masyadong mahina pa ang katawan niya dahil hindi niya nakayanan ang sobra-sobrang dosage ng drugs na nasa sistema niya." Napabuga ng hangin si Antonio at napahawak sa ibabang bahagi ng labi. Muli niyang tinapunan ng tingin si Celine. Kahit papaano ay unti-unti ng humhupa ang pag-aalala sa puso niya. Sa oras na tuluyang maging maayos ang lahat sa dalaga. Aasikasuhin niya ang tungkol kay Damien. Ang mga kasong kahaharapin nito, ganoon na rin ang mapang-abusong manager nito. At hindi na niya hahayaang umalis pa si Celine ng flower farm niya. Gagawin niya ang lahat para kumbinsihin itong manatili na lamang sa tabi niya. "Don't worry now, Antonio. She is fine." Tinapik siya ni Harry sa balikat, isang maliit na ngiti ang ginawa niya nang humarap dito. "I'll go ahead," paalam nito at kinuha ang maliit na bag. "Thank you, Doc.," pasasalamat ni Antonio habang sabay na naglalakad palabas ng kwarto. "No worries. Anything, kapag may problema sa kalagayan niya, just call me." "Salamat." Lumapit si Marco sa kanila. Tiningnan niya ito at tinanguan para ihatid ang doktor sa labas. Muling siyang bumalik sa napakatahimik na silid. Lumapit siya sa kama at umupo sa tabi ng dalaga. Malayang niyang pinagmasdan ang mukha nito. Kung sa ibang sitwasyon lang ay baka yakapin niya ito ng mahigpit. Ilang buwan niyang hindi nakita ang napakagandang mukha ng dalaga. At aaminin niyang nangungulila siya ng mga panahong iyon. Itinaas at inilapit ni Antonio ang kamay para marahang alisin ang ilang hibla ng buhok ni Prudence. Ibinaba niya ang mukha at banayad na inabot ng labi ang noo nito bago iginawad ang isang matagal na halik. Matapos halikan ay itinapat niya ang mukha rito at sinapo ang pisngi. Sana ay makumbinsi niya itong manatili na lang dito at huwag nang bumalik sa magulo niyang mundo sa Maynila. Nabubuhay na naman ang pag-aalala niya na baka tanggihan na naman nito ang alok niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi na niya alam ang gagawin. Paano niya ito maiingatan kung metro-metro ang layo nila sa isa't-isa? "Celine, sana piliin mo na manatili na lang dito sa flower farm kasama ako." "Huwag ka na sanang umalis." "Piliin mo sana ako, piliin mong makasama ako." Bumaba ang kamay ng binata sa kamay ni Prudence at hinawakan nang mahigpit bago muling tinitigan ang dalaga. Sana kung gaano siya kasigurado sa nararamdaman ay ganoon din ito. Kung gaano niya nais na makasama ito sa araw-araw. Sana pareho lang din sila ng nararamdaman. Sana. Para hindi na maisip nitong lumayo sa kaniya. "Apo, pwede ka bang makausap?" mahinang tanong ni Ambrose. Napalinga ang binata, nasa loob na pala ang matanda nang hindi niya namamalayan at palapit sa kanila. Maingat niyang ibinaba ang kamay ni Prudence at inayos ang kumot nito bago tumayo. "Oo naman po."
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
jayjay mendoza
07/05
0good
17/11
0nice
05/07/2025
0Tingnan Lahat