Kabanata 66

Matamis na nakangiti si Prudence habang nakatayo at binibigyan ng isang ka-eksenang lalake ng bouquet ng iba't-ibang kulay ng rosas. Nakangiti pa rin siya nang pinagsalikop ang magkabilang kamay at buong pagmamahal na sinalubong ang tingin ng ka-eksena.
Kunyaring nagkakamot ito ng batok at nahihiyang tumabi sa kaniya. Ang ginawa naman niya ay hinatak niya ito sa kamay dahilan para magbanggaan ang balikat nila.
Kahit nagsisimula na siya sa eksena ng ads ay naging malikot pa rin ang mga mata ng dalaga. Alerto siyang tumitingin sa bawat taong nanonood sa ginagawa nilang eksena sa loob ng shop.
Lihim siyang nakahihinga ng maayos sa tuwing na sisigurong wala si Antonio sa paligid. Kaya agad niyang ginagalingan para hindi maka-ilang takes.
Nang humarap siya sa co-actor niya ay ginagawa na nito ang susunod na eksena. Ilalapit ang mukha at siya naman ay hinihintayin lang ang gagawin nitong paglapit bahagya ng labi. Walang kissing scene ito dahil doon din tatapusin ang video.
Tahimik ang lahat ng nanood habang nangyayari na ang eksena. Wala sa loob na napatingin si Prudence sa nakahalerang tao sa gilid na pinanood sila. At mariing napahawak siya sa bouquet na hawak niya nang magtagpo ang mga mata nila ni Antonio.
Marami man itong katabi ay angat-angat ang hitsura nito. Madilim ang mukha habang pinagmamasdan siya. Halos ilang segundo siyang nakipagtitigan dito hangagang sa pakiramdam niya ay dumadaloy ang kakaibang tensyon sa buo niyang katawan. Kinakabahang binawi niya ang tingin at napalayo ng ilang dipa sa ka-eksena.
Tila napansin naman ng videographer at ng mga nanonood ang ginawa niya.
"May problema ba, Miss Prudence?" tanong ng videographer at tumayo ng diretso.
Nagbulong-bulungan naman ang nasa paligid habang tinititigan lang ang namumutlang dalaga. Hindi namam alam ni Prudence ang isasagot, ang alam niya lang ay nanghihina siya ngayon.
"Cut muna natin," saad naman ni Michael sa kaibigan.
"Are you okay, Miss Prudence. Namumutla ka?" agad na lumapit si Jellie sa kaniya.
Inalalayan siya nito sa braso at hinawakan sa likod. Lumapit din si Michael at Choko sa kaniya.
"Hoy, ayos ka lang? Bakit ka namumutla?" tanong din ni Choko sa dalaga.
"Take rest muna, Miss Prudence. Jellie, please, samahan mo muna siya sa office mo," suhestiyon ni Michael sa asawa.
"Sige, sige. Let's go?" tanong naman nito kay Prudence at iginaya para maglakad.
Kitang-kita ni Antonio kung paano alalayan ng asawa ng kaibigan at ng isang lalake si Prudence papasok ng office. Nahalata niya rin ang reaksyong nito nang makita siya. Pasimple siyang lumapit kay Michael.
"Antonio," bati nito.
"Anong nangyari sa kaniya?" walang paligoy-ligoy niyang tanong at tinanaw ang tatlo na papasok sa isang kwarto.
"A, si Miss Prudence. She look pale and shaken. Actually, kanina pa iyan noong dumating siya, parang balisa siya."
Nagdugtong ang makakapal na kilay ni Antonio. Naiinis siyang isipin na hindi na maganda ang pakiramdam ng dalaga pero heto at nagtatrabaho pa rin.
"Maybe she's sick," dagdag pa ni Michael.
Nayukom tuloy ni Antonio ang magkabilang kamao. Sa unang tingin pa lang niya ay parang malaki na agad ang nabawas sa timbang nito. Mukhang kulang sa tulog at hindi nakakakain ng maayos.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jellie nang iuupo si Prudence sa silya.
Napilitan siyang tumango para lang mabawasan ang pag-aalala nito. Saglit itong nagpaalam para lumabas at kumuha ng tubig. At kinuha naman ni Choko ang pagkakataon na dalawa lamang sila para dumaldal ng walang humpay.
"Ano na namang acting-an iyan? Alalahanin mo ang oras natin. Pagkatapos nito ay pupunta tayo sa DTV Network para pag-usapan iyong tungkol sa project mo," gigil ngunit mahinang sermon sa kaniya ng manager.
"Choko, i-cancel kaya natin 'to-"
"Gaga! Bakit hindi mo na lang tapusin. For sure, magiging busy ka na sa paghahanda mo sa teleserye mong gagawin."
"Pero hindi talaga maganda ang pakiramdam ko," nagsusumamong sambit ni Prudence.
Sa totoo lang, para siyang lalagnatin dahil sa pagtatagpo nila ng mga mata ng amo. Kahit noon pa man ay kakaiba na talaga ang epekto sa kaniya ng presensiya nito kahit ilang beses siyang magkaila.
At alam niyang may galit sa mukha nito. Ibig sabihin lang no'n ay nanatiling galit pa rin ito sa kaniya at hindi pa talaga siya napatatawad.
"Lagyan mo lang ng lipstick iyang labi mo. Huling eksena na ang kukunan, ipikit mo lang ang mga mata mo at sa oras na marinig mo ang cut, tapos na."
"Kaya heto," dire-diretsong litanya ni Choko habang nilalagyan na siya ng lipstick sa labi.
Animo'y wala itong pakialam sa mga sinasabi niya lalo na sa hindi magandang nararamdaman. Paano niya ngayon magagawa ang trabaho habang pinapanood siya ni Antonio?
"Okay na ba siya?" tanong ni Antonio nang ilang minuto lang lumabas si Jellie para bigyan sa loob ng malamig na tubig ang dalaga.
"Okay na. Nagre-retouch lang, palabas na rin sila."
"Itutuloy nila 'yong shoot?" usisa naman ni Michael habang nakaakbay sa asawang si Jellie.
"I told them na kung hindi kaya ni Miss Prudence, huwag pilitin kaso iyong manager ang mapilit. May ibang commitments pa raw sila kaya kailangan tapusin ngayong araw dahil magiging busy na si Miss Prudence.
Muli na namang lumalim ang gitla sa noo ni Antonio. Hindi na talaga siya natutuwa sa mga naririnig. May nararamdaman siyang hindi maganda sa manager ni Celine.
Natigilan lang ang pag-igting ng mga panga niya nang bumukas ang pinto. Unang lumabas ang manager ng dalaga at halos pigil ang hininga niya nang lumabas si Celine.
Kahit nabawasan ng timbang ay hindi naman nabawasan ang ganda nito na paulit-ulit siyang binibighani. Sa tantiya niya ay mas lalo pa itong gumanda sa suot na bestida at sa ayos ng buhok.
"Miss Prudence, are you okay to continue this? Ayos lang naman sa amin kung hindi mo kaya. I mean, don't force yourself-"
Hindi pa man natatapos ang sasabihin ni Michael ay agad na pinutol iyon ni Choko.
"Naku, Mr. Borromeo, ayos lang iyang alaga ko. Pareho kaming ipinaglihi niyan sa kalabaw kaya basic lamang iyan sa kaniya."
"Itutuloy niya ang ads, hindi ba?" sa tono ng boses ng manager niya ay tila gusto siya nitong sang-ayunan.
"Hindi ba kung masama ang pakiramdam niya, mas mabuting pagpahingahin mo na lang siya."
Mabilis na napasulyap si Prudence sa amo. Pero nang ituon ang mga mata nito sa kaniya ay agad niyang iniwasan.
"Sorry, Mr.?" magalang na tanong ni Choko.
Gusto niyang batukan ang manager sa galang nito. Palibhasa gwapo ang amo niya kaya ganito itarato ng mahadera niyang manager. Kung hindi ay baka sininghalan at sinungitan na ito ni Choko.

Komento sa Aklat (195)

  • avatar
    MendozaEduardo

    jayjay mendoza

    07/05

      0
  • avatar
    Jake Padilla

    good

    17/11

      0
  • avatar
    AugustoJay-ar

    nice

    05/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata