Kabanata 46

Pakanta-kanta pa si Prudence habang nagdidilig ng mga rosas. Papasinag ang araw at kasing-ganda at gaan no'n ang pakiramdam niya. Malaya niyang sinalubong ang hangin at ang araw.
Higit pa sa salitang maganda ang pwedeng ilarawan niya sa nararamdaman ng kaniyang puso. Wala sa loob na napahawak siya sa labi. Naalala niya ang nangyari kagabi sa kanila ng amo. Parang sumasayaw ang puso niya nang maalala kung gaano kalambot ang labi ng binata.
Parang baliw na napangiti ang dalaga. Marahang lumakad si Antonio habang pinagmamasdan ang tauhan.
Napapilig ang ulo niya nang makitang nakapikit ito at parang nag-iimagine ng kung ano.
"Celine," pigil na tawa ng amo.
Matulin na minulat ni Prudence ang mga mata. Agad siyang humarap kay Antonio, nakahalukipkip ito at parang sayang-saya na pinagmamasdan siya.
"S-sir."
"Naistorbo ba kita?" tanong nito habang sinisilip ang mukha niya.
"H-ha? Hindi, ano," nagkakandabulol niyang sagot at humarap sa mga bulaklak.
Pilit niyang mag-pokus sa pagdidilig ng mga rosas. Kahit na nanginginig ang kamay na may hawak na watering can.
"Ang aga mo yata," puri ni Antonio at pasimpleng tumabi sa dalaga.
Naging mailap ang mga mata ni Prudence, pilit niyang iniiwasan na magtagpo ang mata at mapaharap sa mukha ng binata.
Ngumiti si Antonio, kinuha ang gloves sa bulsa at isinuot. Namili siya ng isang rosas na pula at hinawakan ang gunting.
"Celine," tawag pansin niya rito.
Nag-ipon muna ng hangin sa dibdib ang dalaga bago humarap sa amo. Ngumiti ito sa kaniya at hinawakan siya sa kamay. Bago tumingin sa tanim na rosas.
"Tuturuan kitang mag-gupit."
Tumango siya at pinanood ang susunod na gagawin ng binata. Maingat nitong hinawakan ang stem ng isa at ginupit. Humarap ito sa kaniya at inabot.
Napatingin siya sa gwapo at fresh na mukha ng binata. Nagwawala ang puso niya nang magtama ang mga mata nila.
"Kunin mo," wika ni Antonio.
Maliit na ngiti ang sumungaw sa kaniyang labi bago tinanggap ang binibigay ng amo. Lumapit ito sa kaniya at umakbay. Iniharap siya nito sa mga taniman ng bulakalak.
"Alam mo ba kung anong ibig sabihin ng pulang rosas?" tanong ni Antonio habang prenteng nakalagay ang kamay sa balikat ng dalaga.
Clueless na humarap si Prudence sa amo. Nakangiti ito nang salubungin ang tingin niya.
"Red roses stand for desire, passion, loyalty and love."
Napakurap siya habang nanatiling magkahinang ang mga mata nilang dalawa. Sa totoo lang ngayon lang niya nalaman ang lahat ng mga ito.
"Itong thornless naman na rosas ang ibig sabihin ay love at first sight. Romance, beauty and courage."
"Talaga?" usal niya at itinuon ang atensyon sa hawak na rosas.
"Wala ka talagang alam sa mga bulaklak?"
Muli niyang binalikan ng tingin ang mukha ng amo.
"Wala. Pero sa totoo lang, marami akong gustong malaman tungkol sa flower farm ninyo."
"Magtanong ka lang," game na sagot ni Antonio.
"Seryoso?" nasasabik na tanong naman ng dalaga.
Tumango ang binata, hinigpitan ang pagkakaakbay kay Prudence. Inangat niya ang mukha para tingalain ang amo.
"Bakit flower farm ang napili mo? Ang sabi sa akin ni Teri, marami kayong iba't-ibang negosyo."
Nagbaling ito ng tingin sa 'di kalayuan at nagpakawala ng buntong hininga.
"Katulad ng sinabi ko, kay Papa talaga 'to, regalo niya kay Mama. Nang mawala silang dalawa nangako ako na aalagaan at hindi ko pababayaan ang mga bulaklak na ito."
Para namang hinaplos ang puso niya sa narinig. Mabuting anak din pala ito, simple at marunong magpahalaga.
"Simbolo rin ito ng pagmamahalan nilang dalawa," dagdag pa nito.
"Mayaman sila Papa, si Mama naman tauhan ng farm nila. Ayaw ng Lolo at Lola ko kay Mama, pero wala rin silang nagawa. Ang sabi nga iba magmahal ang mga Del Fierro," may pagmamalaking pahayag ni Antonio at ngumiti ng mayabang.
"Talaga lang ha?" panunuya naman ni Prudence at tumango-tango.
"Hindi ka naniniwala?" nagtatakang anas nito, kumalas sa pagkakaakbay at humarap sa kaniya.
Nagkibit-balikat ang dalaga at tiningnan ang hawak na rosas.
"Gusto mo ulitin ko 'yong kagabi para maniwala ka?" malalim na tonong hamon ni Antonio.
Wala sa loob na inangat ni Prudence ang mukha. Nagtama ang kumikislap na mga mata nila ng amo. Nakita niya kung paano magtuon ng atensyon nito sa kaniyang labi.
"Tu-tumigil ka nga," natatarantang saway niya rito at tumalikod.
Napangiti naman ang binata. Marahang naglakad ito at yumakap sa nakatalikod ng dalaga.
Natigilan si Prudence habang nakapalupot ang matitigas na braso ng binata sa kaniyang tiyan. Nang maramdaman ang pagdikit ng katawan nito sa kaniya ay mas lalo lamang siyang nanigas sa kinatatayuan.
Ipinatong ni Antonio ang mukha sa balikat niya. Inihilig ang ulo palapit sa isa niyang tenga.
"Ikaw, wala ka bang sasabihin sa akin?"
"Sasabihin?" ulit ng dalaga.
"Iyong tungkol naman sa iyo. Tungkol sa buhay mo."
Para namang huminto ang tibok ng puso ni Prudence sa narinig. Naramdaman niya ang mas mahigpit pang yakap nito mula sa likod.
"Gusto pa kitang makilala."
Napawi ang saya sa puso niya, oras na bang sabihin dito ang lahat ng katotohahan? Ngayon na higit na ang relasyon nila sa isang amo at tauhan?
Pero paano kung hindi nito matanggap na nagsinungaling siya sa lahat ng mga sinabi niya?
Paano kung magalit ito sa kaniya at hindi na siya patawarin?
Papaalisin siya sa farm at babalik sa gahamang si Choko?
"Celine, sabihin mo lang lahat sa akin. Pangako, makikinig ako," kumbinsi nito sa kaniya.
Hindi niya alam kung may hinala na ito sa pagkatao niya, kung mayroon man, baka matagal na siya nitong pinalayas dito.
Hinawakan ni Prudence ang kamay ng binata na nasa tiyan niya at marahang humarap dito. Tinitigan niya diretso ang mga mata nito. Naghihintay lang ang amo niya sa lalabas na salita sa bibig niya.
"S-sir, ang totoo kasi, ang totoo," hindi siya makahaligap ng tamang salita para simulan ang pagtatapat ng katotohahan.
"Ayos lang 'yan. Magsalita ka," masuyong saad naman ni Antonio habang sapo ang isang pisngi ng dalaga.
Mabigat ang pinakawalang paghinga ni Prudence at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. Sasabihin na ba niya ngayon? Paano kung maudlot agad-agad ang magandang pangyayari sa pagitan nilang dalawa. Ngayon pa lang siya nagiging masaya sa buong buhay niya. At alam niyang sa oras na magsabi siya ng totoo, iyong isang halik kagabi ay magiging alaala na lamang ng lalakeng minahal niya sa maigsing panahon.
Nagtatalo ang kalooban at puso niya.
Katotohanan o pag-ibig?
Sa oras ba na magsabi siya ng totoo ay pareho pa rin ba sila ng mararamdaman ni Antonio?
Hahayaan ba siyang manatili nito kasama ng mga bulaklak na mahal na mahal ng binata?

Komento sa Aklat (195)

  • avatar
    MendozaEduardo

    jayjay mendoza

    07/05

      0
  • avatar
    Jake Padilla

    good

    17/11

      0
  • avatar
    AugustoJay-ar

    nice

    05/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata