CHANGES

a/n: Boss Z and Lord X ay iisa.
Ryle's POV
Halos mabingi ako sa sinabi ng lalaking may edad. Hindi ko alam kung matatakot ba ako dahil dinukot na naman ako o matatawa kasi pakiramdam ko ay nagbibiro siya.
"You gotta be kidding me."
Tugon ko saka tinitigan nang gusto ang kanyang mukha. Hindi kami magkahawig.
"Believe it or not."
Tugon niya saka biglang bumukas ang isa pang van sa tapat namin at niluwa roon si Kuya Rath na papalapit na sa akin.
"He is definitely our Dad."
Nakangiting segunda ni Kuya. Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
"So be it. Then tell me everything."
Sinabi sa akin ni Kuya ang lahat. At si Lord X na owner ng black building ay ang Dad namin. Si Zeni naman napag-utusan lang ni Dad na bantayan ako kaya pala ganun siya kung makapilit sa akin na maging girlfriend ko. Wala akong masabi. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Wala akong panahon para isipin ang lahat. Para bang iaabsorb ko na lang ang mga nakalatag na revelations ngayong araw. Sumasakit man ang aking ulo pero pinilit kong mag sync in lahat para kahit papano ay hindi ako mapag-iwanan. Ni wala akong oras para magtanong at magtampo. Basta ba tinanggap ko na lang lahat dahil nawalan ako ng karapatan para umangal o kuwestiyunin lahat.
"Lads and Gents meet my Two biological sons. Ryle and Rath."
Anunsiyo ni Lord X. Napansin ko ang pag-ubo ni Zeus at hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin at umiwas naman siya agad. Mukhang kahit close sila ni Zeni ay wala rin silang Clue sa mga nangyayari. Hindi rin nila ata alam ito.
"And one more thing tungkol pala sa Tiny Bomb na nakaplant sa puso ni Ryle. We have already removed it. So there's nothing more to worry about it Zeni. At wala na rin si Jaguar."
Dagdag pa ni Lord X. Sinulyapan ko si Zeni, blangko ang mga matang tumango siya kay Lord X.
"Okay Boss."
Tugon niya. Bakit parang malungkot siya? Whatever but what bothered me the most ay si IU. She's my adopted sister. So kung alam na niyang anak ako ni Lord X why the hell she's flirting with me? Bakit ginawa niya lahat ng yun sa akin?
"Let's eat."
Natapos ang hapunan na yun wala masyadong nagsasalita. Tho doon ko rin nalaman na si Midnight guy ay ang kapatid ni Zeni si Zenon Ynfluencia. He's the sole owner of the underground part of black building. And Zeni is working for my Dad, Lord X. So all this time she's been lying to me. How unforgiving. Gusto kong magpaliwanag siya sa akin pero alam kong hindi niya iyon gagawin. Kahit sa huli maniniwala at magtitiwala pa rin ako sa kanya.
But who cares? At least ngayon may alam na ako sa mga nangyayari. I guess?
"Lilipat ka na sa Mansion ko Ryle. Doon ka na titira. And from now on call me Dad."
Sabi sa akin ni Lord X habang nasa loob kami nang Elevator. Nauna na pala sila Zeni. Tumango lang ako.
"Dad. I still want Zeni at my side. Can you do something about that?"
Wala sa sariling naitanong ko iyon sa kanya. Napatingin sina IU at Kuya sa akin dahil doon. Sinabi rin kasi ni Lord kanina na pwede nang wag ako bantayan ni Zeni since may bago nang magbabantay sa akin. And to be honest I totally disagree pero hindi ko lang masabi. Gusto ko rin itanong kung bakit kailangan akong bantayan pero kailangan ko lang gamitin ang common sense ko para masagot ang aking sariling tanong. Sa linya ng negosyo niya ay hindi na ako magtataka kung lalagpas ng sampu ang bodyguards ko.
"Sure."
Tugon niya. I grinned. It's my turn to play with you Zenith Ynfluencia.
Ryle's POV
"Where's Zeni?"
Tanong ko agad kay Zeus ng makarating ako sa old school gym. Trip talaga nila ang tumambay dito.
"Nasa likod mo"
Napalingon agad ako at nakasunod nga siya sa akin. Kailan pa? Hindi ko siya napansin. Kakarating lang din niya yata? Lumapit agad ako sa kanya saka hinalikan siya sa labi.
"How's your day Darling?"
Bulong ko sa kanya. Sinamaan niya ako ng tingin saka nilagpasan lang. Damn? Hindi niya ako kakausapin?
"Sabi ni Dad sa bahay ka na namin titira hanggat gusto ko. Kung maboboringan ka dalhin mo na din yang tatlong alalay mo"
Asar kong sabi sa kanila.
"Okay"
Tipid lang na sagot ni Zeni. Damn what's wrong with her ?
"Aren't you glad to hear that?"
Pang-aasar kong tanong sa kanya.
"No"
Tipid niyang sagot. Anong problema nila? Kahit sila Zeus. Hindi sila ganito. Whatever.
"Sabay tayong uuwi mamaya. "
Yun na lang sinabi ko saka iniwan ko na sila doon. Damn kabadtrip.
WEEK LATER
Nang mag dismiss na last subject namin lumabas agad ako ng room. Eh? Anong ginagawa ni Zeni sa labas ng classroom namin? Is she waiting for me? Kasama niya yung tatlo.
"Babe!"
Masaya kong tawag sa kanya. Hindi niya ako pinansin.
"Babe."
Ulit ko ng makalapit ako sa kanya.
"What now?"
Inakbayan ko siya. Nasaan na ang Zeni na jerk na nakilala ko?
"Namiss mo ko?"
Bulong ko sa kanya saka hinalikan ang tenga niya.
"Nope"
Inipit ko ang leeg niya dahil sa sagot niya.
"Bad girl."
Nakanguso kong tugon na kinataas ng isang kilay niya.
"Ah really?"
Nakangising sabi niya. Oh she's grinning again.
"Nakakabitter naman kayong dalawa."
Biglang sabat ni Zeus. Tumawa naman ni si Poseidon.
"Inggit ka Zeus?"
Tanong ni Poseidon.
"Tara sa Sogo. Pwede naman ata pumasok doon by group."
Dagdag niya pa na kinatawa namin maliban kay Zeni at Hades. Well, I am not surprised.
"Quit that. Uwi na tayo."
Awat ni Zeni sa amin.
"Gotta go."
Nabigla ako ng sabihin iyon ni Hades.
"Wait saan ka pupunta? Sa amin kayo uuwi"
Taka kong tanong sa kanya.
"Hell. Are you coming with me?"
He smirked saka iniwan na kami.
"Hayaan mo muna yan pre. Mambababae lang siguro yun."
Biro ni Zeus sa akin. I don't think so.
"Whatever."
Tugon ko saka umuwi na kaming lahat.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Joshua Iwag

    ang Ganda Ng torey

    24/11

      0
  • avatar
    CaasiJasmin

    so nice po ng story nakakabitin lang, may part 2 po ba?

    12/07/2025

      0
  • avatar
    Princess Marian

    ang gnda pero kabitin:(🥺🥺

    28/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata