PAWN

ZEUS' POV
Nang makarating na kaming apat sa VIP room ni Boss binatukan niya agad ako, sasamaan ko sana nang tingin si Boss kaya lang nakatingin din siya sa akin. Si Poseidon na lang ang sinamaan ko nang tingin na halos mapunit na ang mukha sa laki nang ngisi.
Nawala din agad ang ngisi niya sa mukha nang batukan din siya ni Boss kaya ako naman ang napa evil grin na kinasama nang panget niyang mukha. Mwahahahahahahahaha!
"Oh Zeni Kumusta na ang mga rooms na hinihingi ko sayo."
Napaayos kami nang upo nang biglang dumating sila Jaguar. As of now hindi pa nila alam na ako si Jin ang bago niyang kanang kamay.
"Still working on it."
Malamig na tugon ni Boss.
"Make it sure na bago pa maubos ang panahon na binigay ko sayo, pag-aari ko na ang 50 na rooms na yun."
Aniya sabay alis sa VIP room ni Boss. Ang dami nang problema ni Boss. Isa pa to. Bakit kasi may mga taong hindi makuntento sa kung anong meron sila? Hays.
"Kumusta na pagmamanman mo sa kanila?"
Tanong ni Boss sa akin na kinaasar ko.
"Boss paano ako makakakuha ng impomasyon sa kanila? Eh puro babae lang inaatupag nila. Ni hindi pa nga sila napapasabak sa mga gulo eh. Babae, gala at inom lang ang ginagawa nila. Kung iuutos mo sa akin ngayon na patayin sila, mabilis ko yung magagawa."
Ngumisi naman si Hades na kinabigla namin.
"Maybe they're just a mere pawn."
Sabi ni Hades sabay tingin kay Boss.
"What do you think?"
Dagdag niya pa. Napaisip naman si Boss.
"Maybe you're right. And if we can't beat those pawns then let's aim for the officials."
Tugon ni Boss. Napaisip din ako. Bakit pakiramdam ko ang official na tinutukoy nila ay si IU ? At kung si IU bakit gustong patayin ni IU si Ryle ? Eh alam naman niyang may nakakabit sa puso ni Ryle na bawal ma trigger. Tch ang gulo! Pero sinasabi nang instinct ko na may kinalaman si IU at ang mga Red Eyes kay Jaguar.
"Ang mahalaga naibigay mo na kay Ryle yung singsing."
Sabat ni Poseidon kaya napatingin sa kanya si Boss.
"Buti pinaalala mo. Isout mo din tong singsing na to."
Nakangising sabi ni Boss sabay hagis kay Poseidon nang black ring.
"Wow couple ring!"
Kunwari kinikilig kong pang-aasar sa kanya kaya pinakyuhan niya ako.
"Boss hindi ko na kailangan to palagi naman akong nakasunod kay Ryle eh kaya matik nang malalaman ko kung nasa paligid niya si IU."
Reklamo ni Poseidon. Konektado kasi ang singsing na yun sa singsing na sout Ryle ngayon. Bale kapag kasama ni Ryle si IU iilaw yung singsing na hawak ni Poseidon ngayon. Ang korni buti na lang hindi ako ang pinasout ni Boss! Hindi na kasi pwedeng magkasama sina Ryle at IU lalo na't gusto nang patayin ni IU si Ryle. Mas lalong nagiging komplikado ang sitwasyon. Magulo na nga ang buhay ni Boss mas lalo pang gumulo.
"Soutin mo pa rin yan O puputulin ko yang mga daliri mo?"
Banta ni Boss sa kanya kaya wala siyang magawa kundi ang isout yun. Nakasimangot pa ang hayop nang sinout niya ang korning singsing. Sinamaan niya pa ako ng tingin pero lalo ko pang nilakihan ang aking nakakalokong ngisi. Mas nainis siya lalo.
"Ayiiiiiiiiiiiiie!"
Pang-aasar ko sa kanya na kinasama nang tingin niya sa akin. Ningisihan ko na lang siya.

RYLE's POV
Alas dose na nang gabi hindi pa rin ako makatulog. Iniisip ko pa rin yung ginawa ko kanina kay Zeni. Damn? Bakit ko yun nagawa?
I keep on denying to myself na wala akong gusto sa kanya I mean damn she's not even my ideal type but argh! Naibato ko sa dingding nang kwarto ko ang unan ko.
"Anong problema mo?"
Napabangon ako sa gulat nang may marinig akong boses sa loob nang kwarto ko. How come na may ibang Tao dito? Sigurado akong mag-isa lang ako. Napalunok ako sa kaba. Hindi ko pa nakikita kung sino siya dahil madilim sa kwarto ko. Damn damn damn.
"Oh never mind."
Dagdag niya pa. Pamilyar sa akin ang boses niya. Parang narinig ko na siya somewhere.
Biglang nagbukas ang pinto nang kwarto ko. At may pumasok mula doon. Hindi ko pa rin sila nakikita dahil sa sobrang dilim.
"Wala din siya dito dude."
Sabi nang bagong intruder. At nawala nalang sila bigla. Mabilis kong binuksan ang ilaw sa kwarto ko. At wala na nga sila. Damn? Nilock ko ulit ang kwarto ko saka nakatulalang umupo sa gilid nang kama ko. Sino ba hinahanap nila? Ano bang kailangan nila? Sino ba sila?!
Damn damn! Ang gulo gulo na.
"Ryle?"
Nakahinga ako nang maluwang nang marinig ko ang Boses ni Kuya Rath. Agad ko siyang pinagbuksan nang pinto.
"May problema ba?"
Tanong niya agad sa akin nang makapasok siya kinwento ko naman sa kanya ang nangyari ngayon-ngayon lang.
"Oh I see. Bukas na bukas hahanap na ako nang malilipatan mo."
Nakangiting sabi ni Kuya sabay gulo sa buhok ko.
"Good night."
Aniya sabay labas sa kwarto ko. Buong gabi akong walang tulog dahil naiisip ko pa rin na baka balikan nila ako. Pero ramdam kong hindi ako ang kailangan nila.
Kinaumagahan kahit wala akong tulog pumasok pa rin ako nang school.
"Oh pre ang laki nang eyebags ah! Hindi ka siguro nakatulog sa kakaisip sa kissing scene niyo ni Zeni kahapon!"
Pang-aasar sa akin ni Ryan.
"Gwapo pa naman siguro ako kahit malaki eyebags diba?"
Nakangising sabi ko sa kanya.
"Ah hindi mo talaga tinatangging hindi ka nakatulog dahil sa kakaisip sa kissing scene niyo ni Zeni?"
Sinamaan ko siya nang tingin.
"Ulol!"
Tugon ko na lang na kinatawa niya. Hindi pa man nagsisimula ang klase , sumasakit na ang ulo ko.
"Pre clinic muna ako. Masakit talaga ulo ko"
Paalam ko kay Ryan.
"Gusto mo samahan na kita?"
Nag-aalalang tanong niya.
"Kaya ko pa naman."
Sagot ko saka nagtungo na ako sa clinic. Hindi pa man ako nakakaabot doon. Nawalan na ako nang malay sa hallway.

Komento sa Aklat (72)

  • avatar
    Joshua Iwag

    ang Ganda Ng torey

    24/11

      0
  • avatar
    CaasiJasmin

    so nice po ng story nakakabitin lang, may part 2 po ba?

    12/07/2025

      0
  • avatar
    Princess Marian

    ang gnda pero kabitin:(🥺🥺

    28/06/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata