CHAPTER 15

XAIRINE'S POV
"Maraming salamat Luhan"
"Your welcome"
Pauwi na kami matapos ang mahabang pag uusap sa bahay ng tito niya. Inihatid niya lang ako sa bahay.
Paguwi ko sa bahay ay nagusap lang kami saglit nina Yaya mel at Mang Ben at agad narin akong pumunta sa kwarto para magbihis at magpahinga.
Parang isa ito sa pinakamahabang araw sakin. Na para bang napakaraming nangyari.
Kinuha ko ang cellphone sa bedside table at denial ang numero ni tiff.  Agad naman nitong sinagot.
"Tiff?"
"Ohh bakit?"
"San kayu nagpunta kanina?" tanong ko. Wala mn lang kasi pasabi. Hindi rin nag text o nag update mn lang.
"Pasensya na nawala kami, may urgent kasi na nagyari sa bahay kaya umuwi na ako" Ibang iba ang tono at pananalita niya ngayon.
"May problema ba?" tanong ko. Hindi to si tiffany e. Ibang iba. Ibang iba sa makulit at bibong tiffany.
"Ha? W-wala no"
"Tiffany kilala kita" Ani ko pa.
"Pagod lang ako xai, will you please let me rest?" May hindi siya sinasabi skin eh.
"Sige, magkita nalang tayo bukas sa school, goodnight" Dapat sabihin niya sakin bukas na bukas.
"Thank you, Gooddnight" tsaka nito inend call.
Kinabukasan.
"Good morning po yaya mel, mang ben"
"Good morning, masarap ba ang tulog?"
"Medyo po"
"Mag breakfast ka muna bago ka pumasok"
"Magdadala nalang po ako nitong niluto niyo dun ko nalang po kakainin" kumuha ako ng lunch box ko at nilgyan iyong ng mga niluto nito
"Sigurado ka ba? bat hindi nalang dito?"
"May kailangan pa po kasi akong ihabol" ying mga thesis papers ko.
"Ganun ba sige teka lang, ireready ko lang lunch box mo" Tsaka ko tumango at ngumiti. Ilang saglit lang iniabot na nito sakin ang baon ko. Tsaka na ako nagpaalam sa kanila. Inihatid naman ako ni mang ben sa school.
Pagkarating ko sa school ay nagtaka pa ako.  Wala si tiffany sa may field na madalas naman akong hinihintay ron para sabay na kaming umakyat sa building. Hindi ako sanay. Hindi narin ako nag abalang tawagan para tanungin kung asan siya dahil pareho lang din naman kaming nadito sa loob ng campus.
Nang makapasok sa loob ng classroom namin ay ilang minuto nagsimula narin ang klase. Natapos ang araw ko ng walang espesyal na nangyari.Isa lang iyong ordinaryong araw na dapat matagal ko ng nakasanayan.
"Ang weird" biglang singit ni luhan sa katahimikan namin habang naglalakad sa hallway.
"Bakit?"
"Wala akong nakitang aso at pusa"
"Wala namang aso at pusa dito sa campus ah" sagot ko.
"Hindi yun" dun ko lang nagets ang sinabi niya.
"Oo nga noh, nagtataka nga rin ako kanina kung bakit wala si tiff sa field"
"Ako rin kung bakit wala si luhan sa boung klase" doon ako napalingon sa kaniya.
"Hindi siya pumasok" ani nito na parang nagtanong ako pero alam naman niya yun sa ekspresiyon ko, na yun ang itatanong ko.
"Saan naman kaya yun?" ani ko.
"Nasaan silang dalawa?" sabi ko na nakatitig na sa kaniya.
"Ewan, silang dalawa lang naman ang nagkakaintindihan" ani nito saka bumuntong hininga.
Nang makarating kami sa may gate ay agad ko namang nakita si mang ben na naroon na sa harap naghihintay sakin.
"Hi mang ben!" bati ni luhan rito na may ngiti.
"Oh ijo ngayon lang uli tayo nagkita ah"tsaka tumawa. "Gumwapo ka lallo nagmana sa kapogian ko" tawa tawang dagdag ni mang ben rito.
"Kaya pala, sayo pala nanggaling tung kapogian ko mang ben" tsaka sila sabay na nagtawanan.
"E uuwi ka na ba? Sumabay kana samin" anyaya ni mang Ben dito.
"Hindi ko po tatangihan ang paanyaya galing sa pinagmanahan ng kapogian ko" ani nito saka pumasok sa loob ng van. Nanguna pa ito sa pagpasok. Tsk.
"Iuuna ka na muna naming ihahatid dahil malapit lang rin naman yung sainyu"
"Sige po"
Nagkwentuhan lang sila habang ako ay nakikinig at nakikitawa rin minsan sa usapang nasasabayan ko.
Ilang minuto ay nakarating rin agad kami sa village nila ni luhan. Inanyayahan pa nito kaming pumasok muna sa loob pero sinabihan ito ni  mang ben na naghihintay na saamin si yaya mel sa bahay kaya wala narin itong nagawa.
Pagkarating sa bahay ay agad na nalanghap ko ang ulam na niluto ni yaya mel. Kumalam agad ang sikmura ko. Kanina pa pala ako nagugutom.
"Amoy palang masarap na, kakaiba talaga magluto ang mahal" boung pagmamalaking ani ni mang ben na umiiling iling pa na may kasamang ngiti sa labi.
Matapos naming kumain ay agad narin akong umakyat para maligo at magpahinga. Nag review narin ako para sa long quiz namin bukas at recital bago ako natulog.
Hindi ko namalayan na nandito na ako sa kama ngayon at hinihila na ang diwa ko hanggang sa tuluyan na nga akong mapapikit.
Magaa naman akong nagising para maghanda na sa pagpasok.Kumain lang ako at nakipagkwentuhan saglit tsaka ako inihatid ni mang ben sa campus.
"Susunduin ba kita mamaya?" tanong ni mang ben bago ako bumaba.
"Tatawagan nalang po kita mang ben" sagot ko rito at tumango naman ito saka ito kumaway at isinara ang bintana ng van.
Pumasok na ako sa loob, at sa ikalawang pagkakataon umasa na naman akong makikita ko na si Tiffany. Pero wala, walang anino mn lang niya.
Pumasok na ako sa classroom ng walang kasabay. Nakakawalang gana. Hindi ko man lang nasilayan ang mga kaibigan ko na madalas umaga palang nakikita ko na.
Naging madali naman ang oras at sumapit na ang Lunch Break. Tinawagan ko muna si luhan pero sinabi nitong mauna nalang ako. Kaya ending mag isa rin akong pumunta sa cafeteria at nag order ng kakainin.
Naghanap ako ng bakanteng lamesa. Ilang sandali ay lumapit rin ang isang lalaking di pamilyar sakin.
"Hi"
"Hello" ani ko tsaka tipid na ngumiti.
"Hindi mo naman ako nakalimutan diba?"
"Yes"
"What's Yes?"
"She said yes, she forgot" ani ni luhan na kararating lang at may dala ng tray. Tumayo naman ang lalaking kumausap sakin tsaka nababadtrip na tiningnan si luhan. Naging hadlang ito para makausap ako na ipinagpasalamat ko naman.
"Antagal mo"
"May ipinasa pa kasi ako" sagot nito tsaka nagsimulang kumain. Hindi paman nakakalahati ang kinakain ko ay nakarinig na kami ng upuan na ibinato na gumawa ng napakalakas na ingay. Agad na namou ang bulungan at hindi na namin nakita ang nangyari dahil agad na pinalibutan ito ng mga estudyante.
"College na tayo pero isip bata parin ang mga estudyante dito kala mo mga highschool tsk" disappointed na ani ni luhan tsaka itunutok muli ang paningin sa pagkain. Halatang walang interes sa nangyayari.
"Omygod!" tilian ng mga estudyanteng nakakita sa mga nangyayari.
"What's happening?" ani ko kay luhan na kunot rin ang noo.
"So this is your guy huh!" Sigaw nung lalaki na nag echo pa. Pero mas nanlaki ang mata ko ng pamilyar ang tinig nito.
"So what!?" Ani ng babae na mas nagpaduling sakin dahil may kaboses ito. Shuta!
"Don't you find thier voices familiar?" tanong ni luhan na nakatitig na sakin.
"Yan din ang naiisip ko"
"Let's see it" Saka kami nakiusyoso sa mga nagkukumupulan na estudyante. Naabutan namin ang tatlong estudyanteng nasa gitna at parang ready ng magpatayan. Dalwang lalaki at ang isang babae ay nasa likuran nito. Nasa likuran nila kami at hindi namin nakikita ang mukha ng dalawa pa dahil ang isang lalaki ay nakaharap banda samin. Ngayon kitang kita ko na ang lalaking sumigaw kanina.
Si Jerek!
"Shit! Don't tell me that girl is?" Hindi na natuloy ni luhan ang sinasabi ng magtaas ng kamay si jerek para sampalin ang babae pero agad naman itong napigilan ng lalaking nasa unahan nito na halatang pinoprotektahan ito laban kay jerek.
"Don't you dare lay a hand on her" Nakikita ko kung paano pilipitin ng lalaki ang puluhan ni jerek dahil sa paglabas ng mga ugat nito.
"Tiffany's boyfriend is jerek, then that girl is--"
"Let's go tiffany" ani ng lalaki saka hinawakan ang pulsuhan ng babae para umalis. Nasagit nito ang tanong namin.
It's  really Tiffany!
Nagulat nalang kami ng hablutin ni jerek ang buhok ni tiffany na nagpakulo ng dugo ko. Pati kay luhan dahil agad na umigting ang panga nito.
Agad naming hinawi ang studyante at lumapit sa eksena nila.
Hindi ko hahayaang may manakit kay Tiffany. Magpapatayan talaga kami!
Pero bago ko pa man magawang patayin ang lalaking to ay agad naman na sinuntok ni gray si jerek. Siya yung humila kay Tiffany kanina.
Natumba si jerek na agad pinatungan ni gray at pinagsusuntok.
Yan! Yan ang tama sayo! Shutanginamoka!
"Gray! Tama na!" sita ni tiffany na nagpatigil sa kakasuntok kay Jerek. Agad na tumayo si jerek at pinunasan ang dumudugong bibig dahil sa pumutok na labi. Nagulat pa kami ng sinampal nito si jerek ng napakalakas tsaka ito tinuhod sa pinakamamahal na alaga.
"Ouch sakit nun" ani luhan na tawa tawa pa. Dahil dun nagtawanan ang mga nakakita.
Yan. Yan nga. Si Tiffany yan eh. Bestfriend ko.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Virna Sarmiento

    the story is beautiful

    8d

      0
  • avatar
    Angelo A. De Guzman

    faahfzfDadjKgzmgxyfykxkgdhchlxgjxkgxgkdgkxfjzjfzgkzkgzgozkfakgskystksigsgksykdykflyxkgsgjsotlgfslyslydlyeulruopufulfuldkhdhldlufludgzgmhchlfgksktdgksgmsgkdykdyisfuafjzfjzfjsfsfsjdykfyfhzjfxglydyosfjzjfdhlxkzfhzfjslhsyoskgdhkdgkdkgdtusgjzgjzgnzjfznfzfjzfkzfkzfjskgsgksgjdgkdgksfjstistisgksttistidtgjdgjdfjsjgdtuzffaeaeadDasXadCsvsvdgkdhxfucyrdyfxgdzdgzdyzyftsryzyzdyxyfzydzhgggghzfzjgsjifdftstjskyxkgsiystisyisjtssgzryzhfxdhktxktxntdmgdmgfcdffffdajxkgxhdhhgoydhrsyrshtsngdjfkhfkyrkyoydjrdddfgdfsvdx,

    29/08/2024

      0
  • avatar
    Jeric Intal

    thanks for happens

    27/08/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata