logo text

Chapter Twenty Four

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER TWENTY FOUR
RIE'S POV
Dahil sa nangyare kanina pumunta na lang ako sa office namin kung saan busy si Dolly sa harap ng laptop niya.
Pag upo ko sa may couch huminga na lang ako ng malalim. Sabay hiniga ang sarili ko sa may couch at ipinatong ang forearm ko sa ibabaw ng aking noo.
"Anong problema, Rie?" rinig kong tanong sa akin ni Dolly.
"Hindi lang talaga maganda ang araw ko" sabi ko na nangingiyak pero hindi ko nilingon ang ulo ko sa kanya naka-steady pa din ako sa posisyon ko.
"Gusto mo bang ishare sa akin?" tanong niya ulit sa akin.
Pero sinagot ko lang siya ng iling bilang sagot ko tapos nag umpisa na lang ako humikbi at tuloy tuloy na ngang lumabas ang mga luha ko.
"Sige, ilabas mo lang yan. Mas makakatulong yan sa nararamdaman mo ngayon" malumanay na sabi sa akin ni Dolly.
Sa pag kakasabi niyang yun mas lalo ng lumabas yung mga luha ko.
Wala akong narinig sa kanya na kahit ano mang salita binabayaan niya lang ako sa gusto kong gawin.
--
"Rie, gising na late na oh" bulong sa akin.
Kaya na padilat ako sabay na paupo sa may couch at na patingin sa phone ko kung anong oras na.
10pm na pala at ang dami ng missed calls sa akin ni Rewd. Nakatulog pala ako sa kakaiyak ko kanina.
"Gusto mo sabay ka na sa akin?" Offer sa akin ni Krypton.
"Sige bes, hinahanap na din ako ni Rewd para mabilis din ako makauwi" payag ko sa offer niya.
--
Mabilis din naman kaming nakapunta sa pinagtutuluyan namin ni Rewd.
Nag paalam lang ako kay Krypton nag pasalamat at nag sabi ng ingat sa pag mamaneho dahil nga nakamotor siya.
Pag pasok ko nakita ko agad si Rewd nakaupo sa couch at may hawak na bote ng beer na kinagulat ko naman dahil nag quite na siya uminom simula naging kami at occasional na lang siya nakakatikim ng alak.
"Why you took so long?" Tanong niya sa akin yung tono niya lasing na.
"Nakatulog ako sa store" sabay baba ko ng bag ko sa couch.
Nakita kong nag smirk siya na kinataka ko. "Nakatulog? O you're just having fun with my brother?!" Pagalit niyang tono.
Dahil sa sinabi niya na pataas ang kilay ko, hindi na nga maganda ang araw ko at mukhang mag aaway pa kami.
"I think lasing ka lang, mag usap tayo bukas" sabi ko sa kanya at dampot ko ulit nung bag ko aakyat na sana ako papuntang kwarto nung higitin niya ako.
Dahil doon na patingin ako sa kanya.
"Ano no?!" Sabay tapat niya sa akin ng screen ng phone niya.
Kaya kinuha ko to at inislide yung mga pictures.
Mga pictures namin ni Asul kanina mag kasama at meron pang nakayakap.
"Nag kakamali ka ng iniisip" sabi ko at balik ko sa kanya ng phone niya.
"Anong mali?! Ayan na oh! Nakapictures na!" Galit na galit na sabi niya sa akin.
"It's just a dumb pictures, Rewd! Misunderstanding lang yan!" pikon na pikon na sabi ko. Dahil ayaw niya akong mapaniwalan.
"Are you fckin' my brother?!" Dahil sa sinabi niyang yun.
Sinampal ko siya ng malakas dahil sa galit. At sa sampal na yun hindi niya agad na ibalik ang pag lingon niya sa akin.
"Ang tagal natin mag kasama rewd! Kilala mo ko! Dahil sa pesteng pictures na yan aawayin mo ko. Walang kami ni Asul, matagal na kaming tapos in fact nga yung yakap na litrato na yan tinulak ko pa siya papalayo sa akin nag away kami kasi ayaw niya ako tantanan. Sa tinagal tagal natin wala ka pa din palang tiwala sa akin Rewd! Ang unfair mo naman!" Naiiyak kong sabi sa kanya.
Sabay akyat ko sa may kwarto kinuha ko yung mga damit ko at pinasok sa malaki kong bag. At bumaba na ulit nakita ko siyang nakaupo.
"Baby, I'm sorry" lapit niya sa akin at hawak ng kamay ko.
"Mag isip isip ka muna kay Kuya muna ako uuwi" sabi ko sa kanya habang buhat ang bag ko.
"Let's talk about this, huwag mo naman ako layasan. Hindi ko kaya mawala ka sa akin, please..." sabay luhod sa akin ni Rewd.
"You need to think, Rewd. Just let me go" dahil sa sinabi kong yun binitawan niya kamay ko.
Kay kuya muna ako mag sstay at baka ano pang mang yare sa relasyon namin ni Rewd.
--
Pag dating ko sa apartment ni Kuya mabilis ako kumatok sa pintuan.
Mabilis naman niya akong pinag bukasan
"Rie?!" Gulat na sabi sa akin ni Kuya hindi ako nag salita niyakap ko lang siya habang umiiyak.
Naramdaman ko din naman yung mahigpit niyang yakap.
"Pumasok muna tayo sa loob" sabi niya sa akin.
--
Habang nasa sala ako nakaupo lumapit saakin si Kuya Seiji na may dalang baso ng tubig at inabot sa akin.
Mabilis ko naman ito ininom.
"Gusto mo kausapin ko yan si Rewd?" Tanong niya sa akin.
"Kuya away namin to kailangan kami makaresolba nito" sabi ko sa kanya.
"Hindi naman tama yung sinabi niya sayo. Andoon na tayo sa selos pero sobra naman ata yung akusasyon niya sayo. Hindi naman kita pinalaki ng ganon" asar na sabi ni Kuya Seiji.
"Kuya.." sabi ko pero pinulot niya.
"Tumigil ka! Kilala kita Rie, pag tatanggol mo na naman yang boyfriend mo. Huwag mong pag tatanggol sa akin yun! Makita ko lang mukha niyan basag sa akin yan" inis na inis niyang sabi kaya na painom din siya ng tubig.
"Dito muna ako kuya habang hindi pa kami ayos" request ko sa kanya.
"Hanggang kailan gusto mo welcome ka dito" sabi niya sa akin.
Kaya niyakap ko siya ng mahigpit "Thank you kuya"
"Hindi kita pinalaki para paiyakin lang ng kahit sino" rinig kong sabi niya at haplos niya ng likod ko.
--
Ilang linggong nakalipas may narinig akong sumisigaw sa baba ng apartment parang boses ni Kuya kaya napatakbo ako pababa ng hagdan.
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo para mag pakita dito! Pag tapos mong sabihan yung kapatid ko ng ganon ah!" Sabay sapak niya kay Rewd.
Hindi lumalaban si Rewd "Kuya, nag sisi naman ako alam ko mali ako. Hinihiling ko lang makausap ko lang si Rie" pag mamakaawa ni Rewd.
Na pumutok na yung labi niya dahil sa ginawa ng kuya sa kanya.
"Diba?! Sabi ko wag na wag mong papaiyakin ang kapatid ko!" Pasigaw na sabi sa kanya at susuntukin ulit siya ni Kuya
Kaya na pasigaw na ako "KUYA! TAMA NA!" Awat ko sa kanya sabay takbo ko papunta sa kanila.
At pinuntahan ko si Rewd na nakaupo sa semento kasi binitawan siya ni Kuya mula sa pag kakakwelyo sa kanya.
"Okay ka lang ba?!" Tanong ko sa kanya habang nakayakap ako sa kanya at tinatayo siya.
Bigla niya ako niyakap ng mahigpit "Rie, umuwi ka na. I'm sorry. I didn't mean it, nag seselos lang ako at lasing ako that time. Uwi ka na, my life was a living hell without you please baby. Come back home" rinig kong sabi niya habang nakasiksik siya sa may leeg ko at umiiyak.
Napatingin naman ako kay kuya na nakapamewang sa akin at umiiling.
Inalis ko naman siya sa pag kakayakap niya sa akin at tinignan yung mukha niyang bugbog sarado na.
"Okay, stop na. Uuwi na ako kukunin ko lang mga gamit ko" sabi ko sakanya dahil after all mahal na mahal ko siya at naawa ako sa ginawa ni Kuya sa kanya.
"Thank you, Baby." At yakap niya sa aking mahigpit.
--
Habang inaayos ko ang mga gamit ko nakita kong pumasok si Kuya sa kwarto.
"Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Tanong niya sa akin.
"Mahal ko siya kuya, alam mo naman pag dating sa kanya ang hina ko diba?" Sabi ko kay kuya na naiiyak.
"Ingatan mo sarili mo rie, ayoko babalik ka na naman dito dahil pinaiyak ka nung kumag na yun ah. Kapag need mo ng tulong lagi lang ang Kuya andito" at yakap niya sa akin ng mahigpit.

Komento sa Aklat (282)

  • avatar
    Thea Thea Bagacina

    good

    15/12

      0
  • avatar
    Rafol VicenteMarylou

    good story

    13/07/2025

      0
  • avatar
    Lìztïñø Jñ

    like it

    12/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata