Chapter Two

TOMORROW WITH YOU
CHAPTER TWO
RIE'S POV
Maaga ako nakarating ng school today, kaya mabilis ako pumasok sa classroom namin ngayon maingat na ako nag lakad kasi baka may bago na naman akong mabangga trouble na naman.
Nagulat naman ako kasi bumungad siya saakin, nakaupo siya sa teacher's desk habang pinag lalaruan yung bola niya.
Hindi ko nalang siya pinansin at dumiretso sa upuan ko, inopen ko lang bag ko at ichechek ko kung may nakalimutan akong homework kaya kinuha ko ang isang libro sabay binuklat ko ito.
Naramdaman ko na nasa harap ko siya kaya naibaba ko agad yung librong hawak ko na nakatakip sa mukha ko, walang lumalabas na mga boses mula sa bibig namin magkatitigan lang kami, poker face lang ang binigay niya saaking tingin at yung mukha niya mabilis na inilapit sa mukha ko kaya napapikit ako sabay napaatras ang ulo ko.
"Well, maganda ka pala?" Rinig kong sabi niya nakinadilat ko.
Nagulat ako sa sinabi niya, inilayo niya naman mukha niya saakin at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngiti. Ang lakas talaga mang trip nitong isang to.
"Huh?" nag tatakang tanong ko sakanya.
Tapos nakita naming pumasok sila Dolly, kaya lumayo siya saakin at umupo na sa upuan niya na parang walang nangyareng kahit ano.
(A/N: "Ano ba Rie wala naman talagang nag yare sainyo assuming ka ghorl? 😂)
Mabilis naman lumapit saakin sila Dolly, napansin ko naman sa peripheral vision ko na tumingin sila sa may gawi ni Rewd kasi nakatingin ako ngayon sa gawi nito.
"Inaway ka na naman nun?" mabilis na tanong saakin ni Krypton habang turo niya kay Rewd habang gamit niya ang ulo niya sabay napasinghot at nakapamewang pa.
Umiling ako "Ah? Hindi! Nagtanong lang kung may homework" palusot ko sakanya.
"Bago yun kay Rewd if ever?" sabi ni Cheesey habang nakatingin siya sa salamin ng compact mirror niya at nakaupo na kasi siya sa tabi ko.
"Balita ko today half day lang tayo kaya let's go to the mall later?" aya saamin ni Dolly habang ibinababa na yung gamit niya sa desk.
"Bet! Go lang!" excited na sabi ni Cheesey.
"Okay" approved ni Krypton na nakangiti tas bigla silang tumingin saakin kasi hindi pa ako nag sasabi kung sasama ako.
"Ano kasi eh? O-okay" nag okay nalang ako kasi ang sama na ng timpla ng mukha nila.
"Perfect! Don't worry kami bahala sayo, diba mga bes?" Sabi ni Dolly.
At sumangayon naman sila Krypton at Cheesey.
~~
Mall.
Nakarating na kami sa mall, nag uber kami para mas mabilis marami silang pinag kukwentuhan na hindi ako masyado makarelate kasi about to sa mga fashion at mga milktea store hindi naman ako masyadong pamilyar sa mga ganon hindi naman kasi ako nakakapasyal.
Gawa ng puro school at bahay lang ako. Pag dating namin pumasok agad sila sa deparment store at nag ikot na.
Napagod ako kakaikot sakanila, marami silang napamili ako wala ayoko gumastos mahirap na baka maubos ang budget allowance ko na ibigay ni Kuya Seiji.
Nasa isang milktea store na kami nag memeryenda na, nag selfie lang kami kasi si Cheesey mag popost daw sa instagram niya.
"Sana lagi tayo mag bonding ng ganto." Sabi ni Krypton
"Yes, so trueee" sabi ni Cheesey habang nakatingin sa phone niya, nag ttype siguro ng caption.
"Edi every sunday, tutal wala tayong sched nun para may bonding tayo" sabi ni Dolly
Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong friends? Well takot ako makipag friends o makipag halubilo sa ibang tao buti ngayon na conquer ang fear ko.
Natapos din yung gala namin at umuwi na kami sa kanya kanya naming bahay.
~~
BAHAY.
"Rie!" tawag saakin ni Kuya Seiji galing sa pinto ng kwarto ko kaya pinagbuksan ko siya.
"Bakit kuya?" tanong ko.
"Hindi na ako nakapaggrocery nag mamadali na kasi ako papasok na ako sa trabaho ito pera bumili ka nalang ng pagkain mo mamaya bye!" sabi saakin ni kuya at abot saakin nung pera.
"Sige kuya ingat ka" sabi ko sakanya at umalis na.
Habang nag checheck ako ng messages at nag rereply sa group chat namin nila Dolly narinig ko tyan ko na tumunog kaya napag desisyunan ko pumunta nalang sa mamihan na lagi naming kinakainan ni kuya kapag hindi siya nakakaluto ng pagkain.
Nakita ko naman si Nanay, yung nag titinda dito sa mamihan napansin niya agad ako kahit maraming tao.
"Nako! Andito na naman ang maganda kong customer, pumasok na kuya mo?" Masigla niyang tanong saakin.
"Opo pumasok na po si kuya nanay" sabi ko habang busy siya mag serve ng pagkain
"Sayo iha mami?" tanong saakin ni nanay habang sabay kaming lumapit sa counter mag isa kasi siya kaya siya lahat gumagawa dito sa tindahan niya pero kahit ganon maliksi siya kumilos.
"Opo, dito na din po ako kakain" nakangiting sabi ko sakanya
"Osya umupo ka na doon sa bakante baka maunahan ka pa mamaya hatid ko na sayo pagkain mo" dahil sa sinabi niyang yun umupo agad ako sa bakanteng upuan na iisa nalang.
Habang nag aantay ako nag cecellphone lang ako pang tanggal boredom
Lumapit na din saakin si nanay na dala yung tray ng pagkain ko.
"Oh ayan iha dinagdagan ko pa yan ng extra laman at dahon ng sibuyas" bulong saakin ni nanay
"Ay! Salamat po" sabi kong nakangiti
"Kumain ka dyan at magpakabusog" at nag madali siyang pumunta sa counter kasi may bagong customer.
Matagal kasi ako kumain bali pinapalamig ko muna pagkain ko bago ako kumain.
Naubos ang customer tapos na din ako maraming kalat ang naiwan kaya tinulungan ko na din si nanay mag ligpit at mag huhugas pa kasi siya ng mga hugasin.
Nung nag pupunas na ako ng mga lamesa at unti unti nililinis ang mga kalat, may naramdaman akong papalapit kaya napatingin ako dito.
Nag katinginan naman kami at nag salita siya "sarado na ba?" curious niyang tanong.
Sa tanong niya na yun mabilis akong sumagot "Ay hindi po sir, nag lilinis lang po ako ang dami kasing tao kanina. Diretso ka nalang po sa counter para makapili ka po ng pagkain" sabi ko sakanya na aligaga.
Nginitian niya naman ako at tahimik na pumunta sa counter, sinalubong naman siya ni Nanay at naririnig kong nag bibiruan sila.
Ngayon ko lang narealize na pogi pala siya,katamtaman ang tangkad, fair skin kissable lips, ang neat tignan basta gwapo! Ngayon lang talaga ako napahanga sa lalaki.
"Pares,Rice then mountain dew" order niya, rinig kong sabi niya kay nanay.
"Dine in or take out iho?" Tanong ulit sakanya
"Dine in" mabilis niyang sabi
"Fifty seven lahat iho" at abot niya kay nanay ng pera. "Wait mo nalang sa mesa mo yung order tas hatid ko nalang kapag ready na." sabi sakanya at mabilis naman siya nakapili ng table niya at nilabas niya phone niya siguro para malibang din siya.
Siya lang talaga customer ngayon natapos na din ako linisin yung mga kalat, mabilis din na prepare yung order niya.
"Ako na po mag abot para matapos niyo na po gawain niyo" at binigay saakin ni nanay yung tray.
"Salamat iha" ngiti niya saakin at bumalik na sa may lababo.
Mabilis ko naman hinatid sa lamesa ng customer yung order niya. "Thank you" sabi niya nung nilapag ko order niya tatalikod na ako nung tawagin niya ako ulit.
"Bakit parang dalawa lang kayo dito?" Tanong niya saakin.
"Ay hindi po sir, customer din ako dito tinutulungan ko lang si nanay" sabi ko natuwa siya sa sinabi ko at bumalik na ako sa pwesto ko at nag laro sa phone ko hobby ko talaga tumambay dito minsan kaya sanay na si nanay saakin.
Napansin ko natapos naman na siya kumain, at nilinis niya pa yung pinagkainan niya wow ang generous naman nito at lumapit saakin kasama kalat niya mabilis ko naman ito inabot.
"Nako iho, dapat di niyo na ginawa yun trabaho ko yan" sabi ni nanay
"Okay lang po yun nay ng makabawas sa trabahuin niyo po" sabi niya ang bait naman nito.
"Nanay! Uwi na po ako" paalam ko sakanya.
"Saglit lang iha, pagdalhan mo si Kuya mo ng paborito niya" sabi niya saakin
"Nay wag na po" sabi ko
"Saglit lang pag babalot ko si kuya mo" sabi ni nanay.
Bandang huli pumayag ako sa kulit ni nanay. Nag katinginan kami nung lalaki at napaiwas ako sakanya ng tingin.
"Pamilyar ka saakin nag aaral ka ba sa B.A?" Biglang tanong niya saakin out of nowhere.
"Yes sir," takang sagot ko.
"Wag mo na akong tawaging sir nag mumukha akong matanda, call me Asul" pag papakilala niya saakin at lahad ng kamay niya.
Napapunas muna ako ng kamay ko sa pants ko at shake hands sakanya "Rie" pakilala ko sabay bitaw namin ng kamay.
"Ehem! Iha ito na yung pinagbalot ko para kay kuya mo" at abot ni nanay saakin nung plastic
"Salamat po ng marami nay" sabi ko sakanya na may kasamang ngiti
"Rie!" Tawag saakin ni Krypton kaya napalingon ako sakanila at lumingon din si Asul sakanila.
"Asul?" Gulat nilang tawag sakanyang pangalan, nagtaka naman ako sakanilang lahat kasi mag kakakilala sila.
"Magkakakilala kayo?" Takang tanong ko habang turo ko sakanila.
"Si Asul, senior natin siya sa B.A class IV-A" paliwanag ni Dolly.
"Ginagawa mo dito?" Pag tataray sakanya ni Cheesey sabay crossed arms nito.
"Nagugutom ako kaya I just stoped by. Well, I have to go~ see yah around Rie" ngiti niya saakin.
Tinignan lang namin siya pumasok sa kotse niya at nag drive na.
"Kyyyaahh! Ang gwapo talaga!" Tili ni Cheesey.
"Pero kung sungitan mo kanina wagas?" Sabi ko at umupo kami sa isang table dito.
Ang weird ah? Kanina tinarayan niya ngayon head over heels siya doon kay Asul ano ba talaga?

Komento sa Aklat (282)

  • avatar
    Thea Thea Bagacina

    good

    15/12

      0
  • avatar
    Rafol VicenteMarylou

    good story

    13/07/2025

      0
  • avatar
    Lìztïñø Jñ

    like it

    12/07/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata