CHAPTER 26

EPILOGUE
Napabalik na sa Korea si Lucy at pina banned na siya sa Philippines airlines ni Mr. Robert. Kaya hindi na makakabalik sa Pilipinas ang pamilya nito kabilang si Lucy.
Si Shine naman ay naging secretary na ni Justine. Bagamat parehong natotorpe sa isa't- isa ay naging M.U sila. Madalas silang magkaroon ng issue sa trabaho. Pero wala silang pakialam as long as si Justine ang president ng company, walang makakapigil sa kanilang ka- sweetan. Sila yung literal na sweet pero walang Label.
Nag simula na rin namang ma open ang company sa Baguio. At si Jonathan ulit ang kinuha nilang President, at si Raffy naman ang manager, while si Gladies ay nakapasa na sa board exam at naging isang ganap na Flight stewardes. Napag isip-isip niyang sayang ang gandang babae niya kung di niya ito magagamit. Nag pakababae na talaga siya ng husto, sa kilos, salita at pananamit.
Si Attorney naman ay naging  Jowa ni Jonathan. At dahil kakaiba si Attorney, isang simpleng babae at NBSB (No Boyfriend Since Birth), ay natuto na si Jonathan na maging seryoso sa babae. Iniisip na rin niyang napag iiwanan na siya ng mga ka batch niya. Siya ang kilalang chickboy sa campus noon. Pero siya lang ang tila hindi pa nakakapag asawa sa kanila. Kaya  naging tampulan na siya ng tukso sa group chat. At ngayon ay pursigido na siyang patunayan kay Attorney na seryoso na siya para dito.
Si Donya Feliciana naman ay nagkaroon na ng bagong libangan. Mula ng matuto siyang maglaro ng binggo dahil kay shine, ay halos araw araw na nilang libangan na mag binggo sa mansyon, kasama si Madam Choi, at Mr. Martinez. Kung minsan ay nadadamay pa ang mga nananahimik na mga kasambahay ng mansyon. Pati sila ay game na game din sa pag bibinggo. Kaya naman botong- boto sila kay Shine para kay Justine, dahil marami silang natututunang mga nakakatuwang kabulastugan kay Shine.
Nakabalik na rin sa Palawan si Robert at Jovy. Nakakuha na rin sila ng bagong Event Coordinator. Ang bunsong kapatid ni Micheal na si Mika. Napag desisyunan nilang dalawa ni Robert at Jovy na sa Palawan muna sila hangga't wala pa ang kabuwanan ni Jovy. Since mas gusto ni Jovy ang ambience ng Lugar sa palawan. Hindi mausok, walang masyadong ingay at sariwa pa ang mga gulay na nakakain nila.
Si Shine muna ang pansamantalang care taker sa bahay nila sa Maynila na regalo pa ni Mr. Martinez kay Jovy at Robert ng kasal nila. Since nasa Manila si Shine, ay dito muna siya tumutuloy.
******
Gabi na at maganda ang mood ni Jovy.  Hanggang ngayon ay napapangiti pa rin siya sa tuwing makakapa niya ang singsing na naka kwintas sa kanyang leeg.
Dinampot na niya ang tray na may lamang gatas at sandwich para sa kanilang dalawa ni Robert. Dinala na niya ito sa may Gazebo na naka pwesto sa garden ng Hotel. Pribado ang gazebo na ito, at sila lang ang pwedeng gumamit nito.
Pag dating niya ay nandoon na si Robert, nakaupo at nakangisi sa kanya habang papalapit siya. Kumunot noo lang si Jovy. Nagtataka lang siya kung bakit ang tahimik ng atmosphere at tila naglaho na ang mga tao sa pool na kanina lang ay mga nagsisigawan pa.
Pag lapag ni Jovy ng tray sa ibabaw ng table, ay kaagad siyang hinawakan sa kamay ni Robert. Nang mapalingon siya kay Robert ay biglang abot sa kanya ni Robert ng isang bouquet ng red roses.
"I know this is my first time na binigyan kita ng flowers. I know, flowers doesn't matter to you. Kung bibigyan man kita nito o hindi. Alam ko kasi na mas mapapasaya kita sa shawarma at siopao na bola-bola. Sobrang spoiled mo na nga sakin eh, ikaw na ang palaging nasusunod. But this time, ako naman ang mag de decide kung ano ang ibibigay ko sayo.Gusto ko lang na mapasaya kita jovy, sa paraan na gusto ko." Sabi niya sabay akbay sa nakangiti na si Jovy.
"Bakit parang kinakabahan ka Robert? Natatae ka ba?" Tanong ni Jovy nang mapansin niyang parang maya't maya ang taas baba ng adams apple ni Robert dahil sa pag lunok ng lumalapot nitong laway.
Napahinga ng malalim si Robert at ngumiti. Hinawakan sa kamay si Jovy at dinala niya si Jovy sa gitna ng garden sa tapat ng malaking fountain. Umupo silang dalawa don. "First time ko lang kasing gawin to Jovy, so bare with me. Please wag kang tumawa kundi hahalikan kita dito!" Pag babanta niya.
Tumawa lang si Jovy sabay hampas sa braso ni Robert.
"Ay gusto talagang mahalikan eh." Nakanunot noo na sabi ni Robert.
Tumigil si Jovy sa pag tawa, "ang wierd mo kasi eh. Ano ba kasi ang gagawin mo?" Tanong ni Jovy.
Tinuro ni Robert ang malawak na pool sa bandang mababang bahagi ng lugar na natatanaw mula sa pwesto nila ni Jovy. Naka pwesto ito  sa hindi kalayuan sa kanila. Napaangat naman ng isang kilay si Jovy habang naka tingin sa pool.
Maya-maya pa ay biglang tumugtog ang orchestra, na nagmumula sa ika apat na palapag ng hotel. Akmang lilingon sana doon si Jovy, para tingnan kung bakit may ganung tunog, pero pinigilan ni Robert ang pisngi niya at binalik ang tingin sa pool. "Wag kang masyadong chismosa. Diyan ka lang tumingin sa pool." Sabi ni Robert.
Napakunot noo lang si Jovy. Unti unti na siyang naguguluhan sa nangyayari. "A-anong meron Robert?" Tanong niya.
"Shhhh... Wag kana maingay dyan. Manood ka nalang." Sabi ni Robert sabay turo sa pool.
Maya-maya pa ay isa isang naglabasan ang mga babae na naka pila sa magkabilang hagdan ng malaking pool. Mga nakasuot sila ng pare parehong one piece bathing suit na kulay neon purple. At kitang kita ito sa gabi at bumagay sa tema ng resort na galaxy. Nag mukha silang mga left over gas mula sa supernova explosions. Ito yung mga kulay purple na makikita sa galaxy. Mga nakapaa lang sila at may nga suot na goggles, at mga naka pusod ng maayos ang kanilang mga buhok. Pare pareho sila ng hieght at sukat ng katawan pati ang mga kulay ng kanilang balat ay pantay pantay. Halatang pinili ng mabuti ang mga kalahok para maging uniform sa event. 
Isa isa silang lumublob sa tubig at nag simulang mag bago ang tunog ng orchestra.
Unti unti na itong sinabayan ng mga synchronized swimmer o mga water ballet dancer. Sila yung mga sumasayaw sa tubig at nag pe perform ng mga synchronized routine of elaborate moves, kasabay ng tunog ng music.
Napangiti si Jovy sa mga napanood niya. Hindi na niya nagawa pang magtanong kay Robert at dito nalang natuon ang atensyon niya. Napapangiti naman si Robert na tinitingnan siya.
Tumagal din ng mga anim na minuto ang pag perform ng mga synchronized swimmer. Isa isang lumubog ang kanilang mga paa, at unti unting umahon ang kanilang mga ulo na nakangiti at nag bow. Pag ahon nila sa pool at pumalakpak si Jovy habang nakangiti.
Pagkatapos ay isa isang tumunog ang nagliparan na qutis fireworks, na nagmumula sa di kalayuan sa bandang likuran nila, at napalingon kaagad si Jovy doon.
Sunod sunod na nagputukan ang makulay na fireworks sa rooftop ng hotel.
Namimilog ang mga mata ni Jovy habang pinapanood ito. Umakbay naman sa kanya si Robert. "Wag mong alisin ang paningin mo ah." Sabi niya.
Biglang lumiwanag ang buong hotel at lumadlad ang malaking tarpauline mula sa rooftop. Hindi naman ito sobrang laki at hindi rin maliit. Sapat lang upang mabasa ang nakasulat na MARRY ME AGAIN JOVY.
Napatakip si Jovy sa kanyang bibig at nanlalaki ang mga matang lumingon kay Robert, na ngayon ay naglalabas na ng singsing sa kanyang bulsa, at lumuhod sa harap ni Jovy. "Will you marry me again Jovy?" Tanong niya.
Napasinghap pa si Jovy ng isang maliwanag na ilaw ng spotlight ang nag mumula sa ika apat na palapag ng hotel ang tumama sa kanila. Mabilis niyang tinayo si Robert mula sa pagkakaluhod nito.
"Yes!Oo Robert! Magpapa kasal ako sayo ulit." Sabi niya habang nakangiti.
Abot tenga naman ang ngiti ni Robert at maluha-luha na niyakap si Jovy.
At unti unting nagpalakpakan ang mga tao sa paligid nila na kanina ay wala naman doon. Pati ang mga tao sa rooftop at mga terrace ng hotel na nanonood sa kanila ay pumapalakpak din. Ang iba ay nag video pa at nag picture sa kanila.
Nakangiti si Jovy habang nag pupunas ng luha na humarap kay Robert. "Hindi mo naman kailangan gawin to." Sabi niya.
Umiling si Robert at humawak sa magkabilang pisngi ni Jovy. "Deserve mo lahat ng ito Jovy. Hayaan mo na akong makabawi sayo. Kinasal tayong dalawa ng biglaan at never mong naranasan ang isang magandang proposal. Kaya hayaan mo akong ligawan ka at pakasalan ng paulit-ulit." Sabi niya.
Tumango lang si Jovy habang nakangiti. "Kung saan ka masaya Robert, gawin mo lang at yon din ang makakapag pasaya sakin. Alam kong first time mo rin naman gawin ang ganito ka effort na proposal eh." Nakangiti niyang sabi.
"At kung di dahil sayo Jovy, hindi ko mararanasan lahat ng to. Ang mag effort sa isang bagay na gusto ko. Ikaw lang ang nagturo sa akin na magsumikap sa mga bagay na gusto kong makuha ng hindi ko binibili ng pera. Ang matutong makontento at maging masaya sa mga bagay na meron ako. Hindi ko na kailangan pang makipag kompitensya kay kuya para lang malamangan ko siya.  Ang maging akin ka Jovy, sobrang achievement na sakin yon." Seryoso niyang sabi.
Ngumiti lang si Jovy at yumakap kay Robert. "I love you, Robert." Bulong niya kay Robert.
"I love you too Jovy, with all of my heart." Sincere na tugon ni Robert.
Tumawa silang pareho at mas lalong humigpit ang yakap nila sa isa't isa. Bigla na namang tumugtog ang orchestra. Isang musika na bumabagay sa eksena nilang dalawa.
"And 52 weeks being with you is not enough. Kaya magpakasal tayo ulit kaagad. Sa lalong madaling panahon." Sabi ni Robert habang naka ngiti at nakapaloob parin sa kanyang mga braso ang nakapikit na si Jovy habang ninanamnam ang init ng yakap ng kanyang asawa.
*Wakas!*
******

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Chelsie Bautista

    getting

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Minardo

    oh i see

    05/01/2025

      0
  • avatar
    Jiben Perang

    yyggghh

    31/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo