Homepage/52 WEEKS WITH YOU/
CHAPTER 25
AT THE POLICE STATION.
"I didn't know that the ring's cost a million. Akala ko'y simpleng wedding ring lang ito." Paliwanag ni Lucy.
"Please umamin kana Lucy. Alam mo na may malaking halaga ang singsing. Magkasama tayo ng mapanood natin sa balita ang tungkol sa pag hahanap ni Donya Feliciana ng singsing!" Sigaw sa kanya ni Attorney.
Tiningnan siya ng masama ni Lucy. "Bakit ba nangengealam ka pa dito? Masyado kang mapapel attorney Loreto. Wala kang proweba attorney.!!" Sigaw sa kanya ni Lucy.
"Meron!" Sabi ni attorney. Sabay labas ng recorder. At narecord doon ang mga sinabi ni Lucy.
VOICE RECORD
"Girl, hindi na tama to. Isoli mo na yang singsing." Sabi ni Attorney.
Tumawa lang si Lucy. "No way! Nung simpleng wedding ring palang ang tingin ko sa singsing na to, hindi ko magawang isoli. Ngayon pa kayang nalaman ko na malaki ang halaga ng singsing na to? This ring is supposed to be mine!!! Ako lang mahal ni Robert! Ako lang! Kaya hinding hindi nila makukuha sakin ang singsing na to." Sabi ni Lucy.
"Anong gagawin mo dyan sa singsing? Hindi mo naman magagamit yan dahil pinapahanap na yan ni Donya Feliciana. For sure, marami ng nakakakilala sa singsing na yan. Mapapahamak ka lang." Sabi ni attorney.
"No way!!! This is mine now!!! Kung hindi ko man ito magagamit dito sa Philippines, sa korea ay mapapakinabangan ko to ng husto. And i'm sure, magiging mayaman na rin kami ng family ko. After that, Goodbye na sa family Martinez. I don't need them anymore para maka angat sa buhay!!! Pamilya sila ng mga mata pobre." Sabi niya.
END OF VOICE RECORD
"Lucy, awang-awa na talaga ako sa kalagayan mo. Kaya please lang ilabas mo na ang singsing. Bago pa mag init ang ulo naming lahat sayo." Seryosong sabi ni Jovy. Medyo nagiging masungit na rin siya dala ng pag bubuntis niya.
Kaagad naman na inakbayan ni Robert si Jovy. "Halika na muna sa kotse? Baka mastress ka dito eh." Sabi ni Robert sabay himas sa tiyan ni Jovy.
Huminga lang malalim si Jovy at umirap kay Lucy. "Okey. " Sagot niya.
"Mamu, daddy. Kayo na po ang bahala dito ni Attorney. Lalabas lang muna kami ni Jovy." Paalam niya.
Tumango lang si Mr. Martinez at Mamu. "Mag iingat kayong dalawa." Bilin ni Donya Feliciana.
Pag dating nila sa kotse, naka simangot na si Jovy at naka halukipkip. "Nagtatampo na naman yan?" Tanong ni Robert sabay pisil sa pisngi ni Jovy.
Pinahid lang ni Jovy ng palad niya ang kanyang pisngi. "Ikaw kasi ehh. Dapat kasi pag katapos ng kasal natin sinuot mo na agad sa daliri ko ang singsing eh! Naagaw pa tuloy ni Lucy. Naiinis talaga ako." Nakasimangot niyang sabi.
Bahagya naman na ngumiti si Robert, Lumapit siya kay Jovy at niyakap ito. "Sorry na. Hindi ko naman alam na mauuwi sa seryoso tong pagsasama natin eh. Ikaw ba alam mo bang magkaka totoo tong pag papanggap natin non?" Sabi niya.
Pero nakasimangot pa rin si Jovy.
"Hon? Smile ka na. Gusto mo ng shawarma?" Nakangiti niyang tanong.
Huminga ng malalim si Jovy habang nagpipigil ng ngiti. "Ayaw! Gusto ko kunin mo ang singsing kay Lucy." Sabi niya.
Ngumisi lang si Robert sabay kiss sa pisngi ni Jovy. Pero nakasimangot pa rin si Jovy at hindi pa rin matanggap na ayaw ibalik ni Lucy ang singsing na dapat siya ang may suot.
Huminga ng malalim si Robert at humawak sa kamay ni Jovy. "Don't worry, mababawi ni mamu kay Lucy yon. Para namang hindi mo kilala si Mamu. She's undefeated!" Natatawa na sabi ni Robert.
Napangiti naman ng bahagya si Jovy, sabay irap kay Robert. "Basta naiinis talaga ako sayo. Mabuti pang nawala nalang talaga yon eh. Ang kinaiinisan ko lang talaga kasi, bakit si Lucy ang may hawak non. Dapat ako diba?" Sabi ni Jovy na may kasamang pag seselos.
"Sayo ko naman talaga ibibigay yon eh. Jovy naman... Wag kana masyadong mastress kawawa naman ang baby natin eh." Nakasimangot na sabi ni Robert.
Huminga ng malalim si Jovy. "Hindi ko lang talaga mapigilan na hindi magtampo eh." Sabi niya.
Napakagat naman sa ilalim ng labi si Robert. "Hmm..." Tumingin siya kay Jovy. "May joke ako sayo." Sabi niya.
Kaagad naman na umirap si Jovy. "Yan na naman tayo sa ka kornihan mo eh." Sabi ni Jovy sabay halukipkip.
Tumawa lang si Robert sabay yakap kay Jovy. "Hindi na to pick up lines ano kaba. Nakakatawa na to promise." Sabi niya.
Tumango lang si Jovy.
"Jovy, bakit nilalangaw ang tae?" Tanong ni Robert.
Napa ismid naman si Jovy sabay hampas sa hita ni Robert. "Ano ba namang tanong yan Robert!" Sabi niya sabay irap.
Tumatawa lang si Robert. "Sagutin mo na lang kasi." Sabi ni Robert.
"Kasi mabaho?" Sagot ni Jovy.
Kaagad namang tumawa si Robert. "Mali!" Sabi niya.
"Bakit?"
"Kasi walang takip!" Sabi ni Robert sabay tawa ng malakas.
Napairap naman si Jovy. "Tama na nga! mas lalong naging korni eh. Mag pick up lines ka na lang ulit. " Masungit nitong sabi.
Ngumisi lang si Robert. "Uy gusto niyang kiligin ulit." Pang aasar niya kay Jovy.
Ngumiti lang si Jovy. "Sige na kasi." Pabebe niyang sabi.
"Okey okey. Jovy, alam mo bang pinilit kong gawing bakal ang puso ko? Pero hindi mo naman sinabi na gawa pala sa magnet ang puso mo." Seryosong sabi ni Robert.
Ngumisi lang si Jovy. "Pick up line na ba yan?" Tanong niya.
Seryoso pa rin ang mukha ni Robert. "No! Seyoso ako Jovy." Sabi niya, habang nakadapo kay Jovy ang mga titig niyang nakakatunaw.
Muli na namang tumibok ng mabilis ang puso ni Jovy. "pinapakaba mo na naman sa mga tinginan m-"
Hindi na natapos ni Jovy ang sasabihin niya ng bigla siyang halikan sa labi ni Robert. Napapikit na lamang si Jovy at tinanggap ang mainit na pagsuyo ng mga labi ni Robert. Ramdam na ramdam na naman niya ang mapusok na mga halik nito, na kahit nagdudulot ng kaba sa kanya ay nag iiwan pa rin ng mainit na sensasyon sa kanyang katawan. Ilang beses man nilang ulit-ulitin ay hindi nakakasawa. Pakiramdam nila, ay palagi silang bago sa ganitong eksena. Na kahit ilang beses na nilang ginawa, ang nga kaba sa dibdib nila ay tila ba hindi pa rin nasanay. Ganun pa man, ang kabang hatid nila sa isa't isa, ay nagdudulot ng matinding tuwa sa kanilang mga puso.
Kung kaya't ang mainit na pagmamahalan ay hindi natatapos sa pagitan nilang dalawa, kahit lumipas man ang maraming araw na sila'y magkasama.
Tahimik ang atmosphere, tanging tunog lamang ng kanilang mga hininga, na nag uunahan sa pag singhap ang namumutawi sa loob ng kotse. At kung kailan sila unti-unting naging mapusok, ay biglang tumunog ang cellphone ni Robert. Dahilan upang mabalik sila sa kanilang mga diwa. Mabilis na pinatay ni Robert ang tawag sa kanyang cellphone.
"I'm sorry. H-hindi ko napigilan na halikan ka dito." Sabi ni Robert ng mapagtanto niyang nasa kotse nga pala sila.
Napalunok naman si Jovy at kumurap-kurap. "It's... It's okey...Mag asawa naman tayo eh kaya... Normal lang naman ang ginawa natin diba?" Nahihiya niyang tanong.
Bahagyang natawa si Robert. "Yeah! It's... Just a kiss. Nakabuo na nga tayo ng baby eh." Sabi niya sabay punas ng lumagpas na lipstick sa gilid ng labi ni Jovy, gamit ang kanyang hintuturo. "May natira pang lipstick sa labi mo. Gusto mo bang burahin ko na ng tuluyan?" Tanong niya habang nakangisi.
Napangiti naman si Jovy sabay hampas sa balikat ni Robert. "Loko ka!" Sabi niya.
Napa angat lang ang gilid ng labi ni Robert. "Buburahin ko ng daliri ko. Hindi pa nga ako tapos eh." Pang aasar niya.
Napa halakhak naman si Jovy. "Ewan ko sayo!" Kinikilig niyang sabi.
Ngumiti lang sa kanya si Robert at saka siya nito inakbayan. "Yan ganyan dapat lagi ka nakangiti." Sabi niya.
At bigla na naman nag ring ang phone ni Robert. This time ay sinagot na niya ito.
"Yes mamu?" Sabi niya.
"Binigay na rin ni Lucy ang singsing sa amin, Dios Mio por pabor! Pinahirapan pa niya kami bago niya ibalik. Nag mamakaawa siyang wag namin siyang ipakulong. Ano bang gagawin namin sa batang to? Nalulungkot lang ako na makita siyang umiiyak." Sabi ni Donya Feliciana sa kabilang linya. Parang apo na rin niya kasi kung ituring si Lucy.
Huminga lang malalim si Robert. "Wag niyo na po ipakulong mamu, kung labag po sa loob niyo. Kahit papano ay naging malapit din naman tayong lahat kay Lucy. Mas maganda po na pabalikin na lang siya sa korea at wag na pabalikin pa dito kahit kailan." Sabi ni Robert.
Sumang ayon naman si Donya Feliciana sa sinabi ni Robert. After nilang mag usap ay napakunot noo na naman si Jovy. "Bruha talaga yang EX mo!!!" Galit niyang sabi.
Naka loud speaker kasi ang phone ni Robert kanina kaya naririnig niya ang usapan nila ni donya Feliciana.
Napangisi naman si Robert. "Selos na naman yan?" Tanong niya sabay pisil sa pisngi ni Jovy.
"Ako? Magseselos?" Napahalakhak si Jovy. "Oo! Kaya kunin mo na ang singsing kay Lucy at pabalikin mo na sa korea ang babaeng yon. " Sabi niya.
Ngumisi lang si Robert sabay lapit ng nguso kay Jovy at dumapo ito sa pisngi ng nakasimangot na si Jovy. "Oo na... Mamaya lang ay ikaw na ang may suot ng singsing na yon. Okey? Wag kana malungkot dyan." Sabi niya.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (43)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
getting
26/02/2025
0oh i see
05/01/2025
0yyggghh
31/10/2024
0Tingnan Lahat