CHAPTER 24

******
Mula ng mawala ang singsing ay saka lamang sinuot ni Robert ang wedding ring. Mabuti na lamang at hindi na yon masyadong napansin ni Jovy.
2 MONTHS LATER
Bumisita na si Robert at Jovy sa mansyon dala ang isang magandang balita, kasama si Shine. Nag pumilit kasi itong sumama sa manila dahil never pa siyang nakaluwas dito.
Pag dating sa mansyon, mainit silang tinanggap doon at may pa party pang ginawa ang daddy ni Robert.
Nag mistula na namang family reunion ang kaganapan sa mansyon dahil sa pag babalik ni Robert at Jovy. Naroon lahat ng mga pinsan nila sa side ng daddy niya. Including micheal at ang iba pang malayo nilang pinsan. But this time, medyo okey na si Robert at micheal at nagkausap na rin sila. Magkakasama pa sila sa isang table habang nag kukwentuhan at umiinom ng wine.
Sa kabilang table naman ay ang mga pinsan nilang girls na may mga sariling circle. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ka close.
"Robert, sobrang mis na mis namin kayo ni Jovy. Sana bumalik na kayo sa bahay niyo dito sa manila. Para naman mas madali namin kayong napapasyalan." Sabi ni Donya Feliciana.
Ngumiti lang si Robert. "Lola gusto rin naman po namin. Kaya lang wala pong mag aasikaso ng milky way sa palawan." Sabi ni Robert.
"Why don't you leave it to Shine. Nakikita ko naman na magaling siyang mag handle ng mga events. Even the appointments and schedules are very organized. Alam ko na mapag kakatiwalaan niyo siya sa Resort nyo Robert." Sabat naman ni Mr. Martinez.
Kaagad naman na tumayo si Justine sa upuan at nakatingin kay Shine. "But dad, may usapan na kasi kami tungkol kay Shine po eh." Sabi niya.
"Yes dad, si Shine po ay kinukuha na ni Justine, bilang secretary niya. Since dito na gustong mag stay ni Shine sa Maynila. Gusto rin naman ni Shine kaya wala rin naman kaming choice kundi ang payagan siya." Paliwanag ni Robert.
"Maybe i can help you guys. Remember, president yata ako ng company niyo dati sa Baguio." Sabat ni Jonathan habang nakangiti.
"So ikaw pala ang President don? Kaya pala nagsarado eh." Biro ni Gladies.
Nagtawanan lang ang lahat at napakamot naman sa batok si Jonathan. "No it's not my fault. Alam niyong lahat ang tungkol don." Seryoso niyang sabi.
Mabilis naman na yumuko si Robert. " Wag na lang natin sigurong ungkatin ang nakaraan. What's past is past." Sabi niya.
Kumunot noo naman si Raffy. "Sayang lang talaga ang relationship ng family ni Lucy at ng ng Family natin. Kaya lang... No comment nalang ako." Sabi niya.
Tumingin si Jovy kay Robert na may kasamang pag tataka. "Anong kinalaman ng family ni Lucy sa pag bagsak ng company niyo sa Baguio?" Tanong niya na may kasamang pag seselos.
Huminga lang ng malalim si Robert.
"Robert i think kailangan din malaman ng asawa mo ang nangyari sa Baguio." Sabi ni Donya Feliciana.
"Mas maganda siguro si Dad ang magsabi tungkol dyan." Sabi ni Robert.
Huminga muna ng malalim si Mr. Martinez, bago mag simulang mag kwento. "Ang pamilya ni Lucy ay nag nakaw ng malaking halaga sa company. Dahil business partner namin ang family niya, malaya silang gumawa ng mga transaksyon sa loob ng establishment. Nung una'y 1 million lamang ang nawawala sa kompanya hanggang sa umabot na ng billion. So tinanggal namin ang maraming empleyado sa pag aakalang sila ang magnanakaw sa likod nito. Hanggang sa lumabas din ang totoo, nung time na bumagsak na ang company at tuluyan itong nag sarado, supposedly, dapat ay lugmok na rin ang pamilya ni Lucy dahil wala naman silang kakayahan sa buhay. Pero dumating ang araw na biglaan nalang silang umalis at lumipad sa Korea ng walang pasabi. At nabalitaan namin na nakabili sila ng malaking lupa sa Korea at nakapag patayo doon ng malaking negosyo. Hanggang sa pina imbestigahan kong mabuti ang mga nawalang pera ng company sa Baguio. At napag alaman kong lahat ng pumapasok na pera na supposed to be sa account ng business papasok, ay naka direct pala sa account ng daddy ni Lucy." Naka tiim bagang na kwento ni Mr. Martinez.
"Ang pamilya ni Lucy ay walang utang na loob sa pamilya namin."  Sabat pa ni Donya Feliciana.
"Eh mamu bakit po tinatanggap niyo pa rin si Lucy dito sa mansyon sa tuwing pupunta siya dito?" Tanong ni Jovy.
"Hija. Si Lucy ay halos dito na lumaki sa mansyon, kasama ang mga apo ko. Malambot ang puso namin sa lahat ng mga taong lumalapit sa pamilya namin. Kaya kahit paulit-ulit nila kaming biguin, ay nagpapatawad kami at umuunawa. Pero ibang usapan ang ginawa ng magulang ni Lucy.  Si Lucy ay nadamay lang sa kasalanan ng kanyang mga magulang. Kaya hindi namin magawang kagalitan ang batang yon. Kahit minsan ay nawawala na ang respeto niya sa pamilya namin." Paliwanag ni Donya Feliciana.
Ngayon ay malinaw na kay Jovy kung bakit parang pamilya pa rin nila kung ituring si Lucy.
"Donya Feliciana. May gusto pong kumausap sa inyo. Si attorney Loreto po, nasa labas po siya ngayon." Singit ng isa nilang kasambahay sa mansyon.
"Papasukin siya." Utos ng matanda.
Pag pasok sa loob ni Attorney Loreto ay nakayuko ito at hindi makatingin ng diretso.
"Maupo ka attorney. Anong sadya mo at naparito ka?" Tanong ni Donya Feliciana.
"Magandang hapon po sa inyo." Nanatili siyang nakayuko. "K-kasi po... Napanood ko sa balita dalawang buwan na ang nakalipas, na pinapahanap niyo daw po ang diamond ring na pagmamay ari ni Robert? " Tanong niya.
"Yes. Why? May alam ka ba kung nasaan ito." Nakakunot noo na tanong ni Donya Feliciana.
Tumango lang si Attorney. "Honestly, medyo matagal ko na pong alam kung nasaan ito. Sa pag aakala kong simpleng wedding ring lang ito ni Robert, ay hinayaan ko na lang. At nung nalaman kong nagkaka halaga po ito ng milyones ay hindi na ako pinatulog ng konsensya ko. Sasabihin ko na po sa inyo. Si Lucy po ang kumuha ng singsing." Sabi niya.
Napatayo naman kaagad sa upuan si  Jovy. "Nasan si Lucy. Kakalbuhin ko talaga ang babaeng yon-"
Mabilis naman siyang pinigilan ni Robert at hinila pabalik sa upuan. "Huminahon ka nga. Baka makasama sa baby natin." Sabi niya.
At ang simpleng sorpresa sana nila ni Jovy na ibabalita sa mansyon ay naging isang biglaang sorpresa na kahit si Robert ay hindi inaasahan na masasabi niya ito kaagad.
Lahat ng tao na naroon sa harap nila ay kapwa mga nagulat.
"So totoo na talaga yan?" Nakangisi na sabi ni Shine na may kasamang kilig.
Ngumiti si Robert at tumango with excitement in his eyes. "Yes! Buntis si Jovy ng 3months. This time, totoo na to, mamu, dad, mom! Look! My patunay kaming dala." Sabi niya sabay labas ng ultrasound result ni Jovy. "Here! Tingnan niyo mamu. Yan daw ang baby namin, yung maliit na bilog na puti na yan. Ang cute diba? Egg yolk palang siya."  Nakangisi niyang sabi.
Wala namang pag sidlan ang ngiti sa mukha ni Donya Feliciana at Mr. Martinez, habang nakakunot noo si Madam Choi na hindi maintindihan ang nangyayari. "Young-ae!  Jovy is pregnant!" Nakangiti na sabi ni Mr. Martinez sa naguguluhan na si madam Choi.
Mabilis naman na tumayo sa upuan ang mommy ni Robert at nakangiting yumakap kay Jovy. "Congratulations Jovy!" Sabi niya sabay tingin sa nakalahad na ultrasound result sa kamay ni Robert.
Isa isa namang nag congrats sa kanila ang mga pinsan nila kabilang si Justine, mamu at Mr. Martinez. Maging si Attorney Loreto ay masaya rin para sa kanila.
Maliban kay Jovy na ang nasa isip ay ang singsing na ninakaw ni Lucy.
"Attorney Loreto. Hindi ako maka kampante, hangga't hindi nababawi ang singsing na hawak ni Lucy. It's supposed to be mine. Diba Robert? Bakit nasa kanya??" Masungit niyang tanong.
"I- I don't know. Maybe atty is right. Ninakaw niya sakin ang singsing. Hindi ko lang alam kung paano." Paliwanag niya sa nagagalit na si Jovy.
Mabilis naman na naging masungit ang mukha ni Donya Feliciana at tumayo sa upuan. "Let's go to the police station right now!!!"

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Chelsie Bautista

    getting

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Minardo

    oh i see

    05/01/2025

      0
  • avatar
    Jiben Perang

    yyggghh

    31/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata