CHAPTER 21

"I didn't expect that you can go, this far Robert. I'm- i'm so proud of you son." Seryoso na sabi ni Mr. Martinez habang nakahawak sa balikat ni Robert.
Namutawi naman ang tuwa sa puso ni Robert ng sandaling yon. Lumingon siya kay Donya Feliciana at Madam Choi na kapwa mga nakangiti habang nakatingin sa kanya.
Para bang kahapon lang ay isa lamang si Robert, sa sakit ng ulo ng kanyang pamilya. Bagamat bunsong anak ay na spoiled siya ng husto at lumaking matigas ang ulo. At ngayon niya napagtanto na binago na talaga siya ng husto ni Jovy sa magandang paraan. At First time lang sa buong buhay niya na naging proud sa kanya ang kanyang ama. At isa itong karangalan para sa kanya. Ang patunayan ang sarili sa harap ng kanyang pamilya. Na hindi man niya napantayan ang kanyang kuya, ay kaya naman niya itong higitan.
Ganun pa man, wala naman siyang sama ng loob kay Justine, dahil all this time ito ang naging karamay nila ni Jovy, simula ng lumayo siya sa kanyang pamilya, at mas pinili na mamuhay kasama si Jovy. Tanging si Justine lamang ang naka intindi sa kanya, at nag tiwala sa kanila ni Jovy.
******
BALIK TANAW SA NAKARAAN
"Nakikiusap ako sayo kuya. Alam kong madami tayong hindi napag kasunduan na mga bagay. Pero ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Please, kahit para nalang kay Jovy, wag mong sasabihin kila daddy kung nasaan kami." Pakiusap ni Robert kay Justine, sa mahinahon na tono.
Umangat ang gilid ng labi ni Justine. "Nakikita kong mahal na mahal mo talaga si Jovy at... Nagawa mong isuko ang lahat ng mga bagay, na pinag hihirapan mo noong maipanalo laban sa akin. Ang company, ang posisyon, ang mana, lahat! Nalulungkot ako dahil wala ng makikipag kompetensya sa akin. Pero, kung buo na ang desisyon mong panindigan ang pag layo mo, hindi kita pipigilan. Alam kong kahit hindi ako pumayag, ay ikaw pa rin naman ang masusunod eh." Natatawa niyang sabi.
Natawa lang din si Robert. "You know that kuya! Pag ginusto ko, ipaglalaban ko." Pang aasar niya kay Justine.
Tumawa lang si Justine at tsaka tinapik sa balikat si Robert. "Such a spoiled!" Sabi niya at nagtawanan sila pareho.
Huminga ng malalim si Justine bago ilapag ang hawak niyang in can beer. "Si Jovy ay... Hindi mahirap mahalin. Kaya naiintindihan kita Robert, kung bakit mo ginagawa to. Sana ngayon natuto ka na, wag padalos- dalos sa mga bagay para lang masabi mong ikaw ang nanalo. I know na, hindi mo rin expected na mamahalin mo siya diba? I know you, hindi siya ang mga tipo mo." Pang aasar ni Justine.
Tumawa lang si Robert. "Wala eh! Tinamaan ako eh..." Tumawa siya sabay  tungga ng beer . "And you know what? Hindi ako nagsisisi sa ginawa kong yon. Ito lang yung kasalanan ko na naging proud pa ako kuya." Sabi niya.
Ngumiti lang si Justine. "Pansin ko nga eh. At masaya ako para sa inyong dalawa ni Jovy. Hindi ko man siya na agaw sayo, masaya pa rin akong malaman na mahal na mahal niyo ang isa't isa. Dahil don, magiging komportable na akong makita na ikaw ang makakasama niya habang buhay. Gusto ko lang makitang masaya si Jovy, at magiging masaya na rin ako. Kaya ipangako mo sakin na hinding hindi mo siya sasaktan. Kundi, ako ang makakalaban mo." Seryoso niyang sabi sabay angat ng gilid ng kanyang labi.
Bahagya namang natawa si Robert. "Tss... Sinuko ko na ang lahat ng mga bagay, na pinag aagawan natin sa trabaho kuya. Si Jovy nalang ang meron ako ngayon, sa tingin mo ba... Papayag akong mapunta siya sayo? Dadaan ka muna sa namumutok kong mga muscles kuya." Biro niya sabay tawa. Tumawa nalang din si Justine.
"Good! So take this money."  Sabi ni Justine, sabay abot ng cheque kay Robert. "Take that Robert. Gamitin niyo yan ni Jovy para makapag simula kayong dalawa. I know... The life you choose will be very hard for you. Pero naniniwala ako kay Jovy na matutulungan ka niyang lagpasan to." Nakangiti niyang sabi.
Natigilan naman si Robert, bago tanggapin ang cheque na inaabot sa kanya ni Justine. At nagkaka halaga ito ng limang milyon.
"Sure ka ba kuya?  Savings mo pa yata to."  Tanong ni Robert habang nakakunot noo.
Ngumiti lang si Justine. "Alang-alang sa pagmamahal ko kay Jovy, tutulungan ko kayong makabangon. So take this Robert, makakaipon naman ako ulit eh. Pero ikaw, babalik ka sa simula. Kaya wag mo akong isipin, isipin mo ang sarili mo at si Jovy." Sabi niya.
Maluha-luha na yumakap si Robert kay Justine. "Salamat kuya. Don't worry, pag ako naman ang nagka pera, ibabalik ko rin sayo to ng doble. " Sabi niya sabay tawa. 
Tinapik lang ni Justine ang likod ni Robert habang nakangiti. Sa buong buhay nilang magkasama, ngayon lang sila naging okey at nagkausap ng ganito.
------
Kung si Robert lamang ay hindi niya alam ang gagawin sa pera. Since buong buhay niya ang alam lamang niya sa pera ay pang gastos. Yun lang ang halaga ng pera para sa kanya. Ang bayaran ang mga bagay na gusto niya para makuha niya ito. Marahil barya lang ito para kay Robert dahil lumaki siya sa karangyaan, naiisip pa rin niya na ang perang barya lang sa paningin niya, ay hindi rin magtatagal kung siya ang hahawak. Kaya ipinag katiwala niya ang pera kay Jovy.
At dahil ang limang milyon ay hindi naman mapupulot ni Jovy sa daan ng ganun lang ka simple. Buong buhay niya, ang bawat halaga ng perang nahahawakan niya, ay pinag hihirapan niya pa ng husto. Kaya alam niya kung paano ito gastusin ng hindi mauubos.
At ito ang perang ginamit nila ni Robert, kaya nabuo ang MILKY WAY RESORT.
Dahil pareho silang may backround sa field ng  business ay naging madali sa kanila ang pagpapatakbo nito.
END OF FLASHBACK
******
"T-thank you dad. F-for being proud of me." Nanginginig pa ang labi ni Robert nang ngumiti siya, pagkatapos ay lumingon siya sa gawi ni Justine. "Ang totoo po niyan. Wala ang lahat ng ito kung hindi po dahil kay kuya. Kung hindi po dahil sa perang binigay niya sa amin ni Jovy." Sabi niya.
Ngumiti lang si Justine at tinapik sa balikat si Robet. "No Robert. Kay Jovy ka magpa salamat. Siya ang dahilan kung bakit narating mo ang lahat ng to." Sabi niya.
Mabilis naman na lumingon si Robert kay Jovy. "Of course! Si Jovy ang puno't dulo  ng lahat ng ito."  Kaagad niyang hinawakan ang kamay ni Jovy, at hinila palapit sa harap ni Mr. Martinez. "Kung hindi ko siya pinili dad, hindi ko magagawa ang lahat ng to.  At kung wala ang tulong ni Jovy, baka ako pa rin ang dating Robert na walang ginawa kundi ang makipag agawan ng mana kay kuya." Natawa siya sa sinabi niya. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim. "Nalulungkot pa rin ako dad. At hindi niyo nakilala ng husto si Jovy." Nakasimangot na sabi ni Robert.
Si Jovy ay nanatili lang na nakayuko sa harap ni Mr. Martinez. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula sa sasabihin niya. Ang alam niya ay galit ito sa kanya. Ganun pa man, wala siyang sama ng loob sa pamilya ni Robert. Ang alam niya pa nga ay siya ang may malaking kasalanan sa pamilya nito dahil sa disappointment na binigay niya dito.
Biglang umakbay si Robert kay Jovy at bumulong na tanging si Jovy lang ang nakakarinig. "Kausapin mo na si daddy. Diba?  Nung isang araw ka pa nag praktis sa salamin kung anong sasabi- ARAY!!!!" Malakas na sigaw ni Robert, nang pasimplehan siya ng kurot ni Jovy sa tagiliran.
"Baka marinig ka nakakahiya." Bulong ni Jovy kay Robert na nagkakamot ng kurot sa tagiliran.
"What's happened?" Nakakunot noo na tanong ni Mr. Martinez. Mabilis naman na lumapit si Madam Choi at Donya Feliciana kay Robert.
Napilitan ngumiti si Robert sa harap nila habang kinakamot ang gilid. "Ahmm.... M-may kumagat pong langgam sa akin. Tingnan niyo nga po." Sabi niya sabay angat ng  damit niya at pinakita ang tagiliran sa kanyang mamu.
"Ay oo! Pulang pula. Baka malaki ang ulo ng langgam na kumagat sayo." Sabi ni Donya Feliciana habang naka ngiti. At napawi ang kanyang ngiti ng magkatinginan sila ni Jovy.
Huminga ng malalim si Jovy habang nakasimangot. "Donya-"
"Mamu." Pag putol niya sa sasabihin ni Jovy. "Mamu ang itawag mo sakin Hija." Sabi ni Donya Feliciana.
Biglang humapdi ang mga mata ni Jovy, at sa tingin niya ay tears of joy ito kung sakali man na umiyak sya sa harap ni Donya Feliciana.
"Hija. Alam kong marami akong nasabing hindi maganda sayo. Nahusgahan ka namin kaagad. Nabigla lang kami at masyado naming dinibdib ang mga nalaman namin. Alam ni Robert kung gaano kami kasabik sa apo. At nabigo kami ng malaman na hindi pala totoo ang pagbubutis mo at kontrata lang ang kasal niyo ni Robert. Pero matagal na kitang pinatawad Jovy. Matagal na naming lahat tinanggap ang katotohanan." Kumurap-kurap si Donya Feliciana at nag pahid ng luha at tsaka humawak sa kamay ng umiiyak na si Jovy. "Nagsisisi ako kung bakit ako nakinig kay Lucy. Kung bakit hindi ko pinakinggan ang dahilan niyo ni Robert.  Saka lang namin nalaman ang totoo. Sinabi na sa amin lahat ni attorney Loreto." Sabi niya.
Hindi na nakapag salita pa si Jovy ay yumakap na siya ng mahigpit kay Donya Feliciana. Lumapit naman si Madam Choi kay Jovy at naki yakap nalang din kahit hindi naman niya naintindihan ang pinag usapan ni Jovy at ni Donya Feliciana.
Pag katapos nilang mag yakapan ay lumapit si Mr. Martinez kay Jovy at naglahad ng kamay. "Welcome back Jovy. Welcome back sa family Martinez.

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Chelsie Bautista

    getting

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Minardo

    oh i see

    05/01/2025

      0
  • avatar
    Jiben Perang

    yyggghh

    31/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata