CHAPTER 20

Umalis na si Robert at Jovy sa bahay nila, pagkatapos mismo ng pag uusap nila ng mga parents ni Robert.
Nagpakalayo-layo silang dalawa at namuhay silang dalawa na masaya. Walang ibang tao sa mundo nila kundi sila lang.
Mabuti na lamang at masyadong independent itong si Jovy at sanay sa hirap ng buhay. Kahit papano ay natutulungan niya si Robert na mag adjust sa lifestyle na hindi naman nito nakasanayan.
Nakapag simula na rin silang makapundar ng malaking lupa na pinatayuan nila ng hotel resort na pinangalanan nilang MILKY WAY RESORT Dahil sa mga palamuti nito na ispired sa galaxy, at agaw pansin tuwing sasapit ang gabi. Naging isa ito sa pinaka sikat na atraksyon sa buong pilipinas. At talaga namang dinagsa ito ng maraming tao at ang ilan ay mula pa sa malayong lugar at ibang bansa. Kaya naman unti unti silang nakabawi. At nakapag pundar ng maraming lupa at ari-arian.
******
AFTER 52 WEEKS / ONE YEAR
Gabi.
Pansamantala na sinarado ang Milky Way Resort dahil may nag renta na isang kilalang tao. Para sa gaganapin nitong ika 60th birthday.
At sa sobrang busy ni Robert at Jovy ay hindi na nila inaalam pa kung sino-sino ang mga nag rerenta sa Resort nila. Ang mahalaga sa kanila ay makapag lingkod sila ng maayos sa mga kliyente nila.
-------
Samantala habang minimake-upan si Donya Feliciana at Madam Choi para sa gaganapin na ika 60th birthday ni Donya Feliciana, ay kinausap naman ni Mr. Martinez ang pinaka head coordinator ng event na si Shine Garcia. Ang pinsan ni Jovy.
"I really like the view of this Resort. Open ba sa franchise itong hotel/resort?" Tanong niya habang naka pamewang. Ang tindig niya ay tulad na tulad kay Robert.
"Sir. Madami na po ang gustong mag franchise dito, since patok nga po sa mga turista ang resort. But unfortunately, lahat po ay tinanggihan ng pinaka boss." Sagot ni Shine.
Tumango si Mr. Martinez. "Wise mind! But, maybe i can talk to him. Malaking halaga ang i offer ko sa kanya. At kung pumayag siya, ito ang aking calling card." Sabi pa nito.
Napangiti naman si Shine. Lalo pa ng mabasa ang pangalan ni Mr. Martinez. "Aba! What a coincident. Pareho pa po kayo ng surname ng boss namin. At hindi rin po sa pambobola, magkasing gwapo po kayong dalawa. Para po kayong mag ama." Nakangiti na sabi ni Shine.
Parang lumakas naman ang pintig ng puso ni Mr. Martinez. "Oh really? Pwede ko ba siyang makita? o makausap? Can i???" Tanong niya na may bahid ng pag asa, na baka ang tinutukoy ng coordinator ay ang kanyang bunsong anak na mahigit isang taon na niyang hindi nakita. At hanggang ngayon ay wala silang balita dito.
Tumango si Shine. "Okey po. Kakausapin ko po siya kapag bakante na po ang oras nila ni Mam Jovy." Sabi ni Shine.
Mas lalong lumakas ang kutob ni Mr. Martinez. "Jovy?" Gulat na tanong niya.
Tumango si Shine. At biglang nag ring ang phone nito. "excuse me sir." Sabi niya sabay talikod kay Mr. Martinez para sagutin ang tawag.
After ng ilang minuto na pag uusap ay nakangiti na humarap si Shine kay Mr. Martinez. "Sir good news po, pupunta daw po sila ngayon dito sa event. Since nakatanggap daw po sila ng invitation from your son." Sabi ni Shine.
Napakunot noo naman si Mr. Martinez. Medyo naguluhan siya pero minabuti niyang tumango. "Okey good. Thank you." Sabi niya habang naka smile.
*******
Nag start na ang party sa mismong Hotel. Ang iba ay nag su swimming na kabilang si Gladies, Raffy at Jonathan. Kasama ang mga chicks nila.
Si Lucy at Justine ay mag kashare sa table, habang si Justine ay abala sa kanyang cellphone.
Maya maya pa ay tinawag na si Justine para mag salita sa harap.
Mabilis na lumakad patungo sa stage si Justine. Napaka gwapo nito sa suot niyang Long sleeve top na maroon at itim na jeans.
"Happy birthday Mamu! I know na hindi kompleto ang birthday mo ngayon kasi may kulang. And you know what? I have a special gift for you. I know, you will be the most happier birthday Celebrant tonight." Nakangiti niyang sabi habang naka hawak sa kamay ng kanyang Mamu sa gitna ng stage.
Lumabas ang isang video clip sa isang malaking screen. Kaagad na bumungad si Robert kasama si Jovy. Mas naging maaliwalas ang mukha ng mag asawa. Para bang masaya talaga sila kung ano man ang meron sila ngayon.
"Hi mamu! Happy birthday! See you soon." Nakangiti na wika ni Robert habang naka akbay sa nakangiti at nahihiya na si Jovy. "Hey! Don't be shy. Bumati kana kay mamu." Sabi ni Robert sabay pisil sa pisngi ni Jovy.
"Hello po. Happy birthday po. Hehe." Nahihiya niyang sabi. Na naging dahilan para matawa ang ilang mga bisita sa event.
Samantalang si Lucy ay tila binuhusan ng malamig na tubig. Lalong naging malalim ang galit niya kay Jovy ng sandaling yon. Nakakuyom ang kanyang kamao habang nanlilisik ang mga mata na nanonood ng video clips.
Si Mr. Martinez at Madam Choi naman ay hindi na napigilan umiyak, ng malaman na nasa mabuting kalagayan ang bunso nilang anak.
Hindi naman makapaniwala si Donya Feliciana at umiiyak na ito nung lumingon kay Justine. "So alam mo kung nasaan si Robert?" Tanong niya.
Ngumisi si Justine. "Hinanap ko po talaga siya para matupad lang ang birthday wish mo mamu." Nakangiti na sabi ni Justine.
"Kung ganun, nasan siya? Papasukin mo dito dalian mo. He is very welcome sa party ko." Sabi ni Madam Feliciana.
Maya maya pa ay lumapit na si Shine kay Justine. "Sir, nandito na po sila." Sabi pa nito.
Tumango lang si Justine. "Sige papasukin mo na sila." Utos niya.
Unang dumungaw si Robert. Nakakapit lang si Jovy sa likuran niya. Habang pareho silang kabang kaba na hahakbang palabas sa pintuan.
Bago pa man sila maka hakbang sa red carpet papunta kay mamu, humarap muna si Robert kay Jovy. "Wag kang matakot Jovy. Ikaw ang pinaka maganda dito. Kaya dapat lakasan mo ang loob mo okey?" Sabi niya sabay halik sa noo ni Jovy.
Tumango lang si Jovy at inayos ang suot niyang glittery gold na backless na dress. Hubog na hubog ang ganda ng kanyang katawan sa suot niya. Naka ponytail ang kanyang mahaba at tuwid na buhok. Mukha siyang barbie doll sa suot niya.
Si Robert naman ay simpleng naka laglag lang ang kanyang korean bangs. Sobrang gwapo niya sa suot niyang black suit. Umakbay na siya kay Jovy at hinila niya na ito palabas sa pintuan at nag simulang lumakad sa kahabaan ng isle.
Nagmistulang sila ang bida sa event dahil ang lahat ng mga mata ay nakatuon sa kanilang dalawa. At nang makalapit sila kay Donya Feliciana ay mabilis din na lumapit sa kanila si Mr. Martinez at Madam Choi.
Pagka lapit ni Robert kay mamu ay kaagad siyang nagmano dito. Nanibago naman sa kanya ang matanda dahil hindi naman ito gawain ni Robert noon. "Happy birthday mamu." Nakangiti niyang sabi, pagkatapos yumakap kay mamu ay napalingon siya sa kanyang mommy at daddy, at ang kanyang mga ngiti ay napalitan ng lungkot.
"Dad? Mom?"
"Robert, mag usap tayo, after ng party ng iyong mamu." Matalim ang tingin ng kanyang mga mata, na nag nasasalitan kay Robert at Jovy.
Nag simula na rin kumain ang ilang mga bisita. At ang ilan ay nagkanya kanya ng kwentuhan.
Maya-maya pa ay lumapit si Lucy kay Jovy at hinila ito sa braso. "Ang kapal ng mukha mong magpakita dito? Pagkatapos ng lahat mg kahihiyang ginawa mo sa pamilya ni Robert!" Sigaw niya.
Bagamat nabigla si Jovy ng konti, ay binawi pa rin niya ang kanyang braso kay Lucy na hindi nawawala ang kanyang poise.
"Lucy, hanggang ngayon desperada ka pa rin. Pwede bang lumayo ka sakin? Baka sabihin ng mga bisita na friend kita." Sabi niya sa mahinahong tono.
Lalo pang nag init ang ulo ni Lucy na lumingon kay Donya Feliciana. "Mamu! Bakit pinayagan niyo pong makapasok ang babaeng yan dito? She's not even invited here. Hindi na siya part ng family niyo diba? GUARD!!! Pakilabas ng hampaslupang to!!!" Sigaw niya sa mga gwardya na naka helera sa stage at sa entrance ng venue. Pero mas lalo siyang nainis ng hindi siya pinansin ng mga guard.
"Come on Lucy, wag kang gumawa ng eskandalo dito. Hindi man ako maging parte ng pamilya nila, hindi naman kita ka level. So please don't push me to my limit. Mapapahiya ka lang dito." Mahinahon ulit na sabi ni Jovy.
Nag salubong ang mga kilay ni Lucy at akmang hahablutin ang buhok ni Jovy ng bigla siyang pigilan sa kamay ni Justine. "Lucy, tumigil kana. Nakakahiya sa mga bisita. Birthday ngayon ni Mamu, please wag kang gumawa ng eksena dito." Sabi ni Justine habang naka kunot noo.
"No! Bitawan mo ako at tuturuan ko ng leksyon ang babaeng to!" Sigaw ni Lucy habang nagpupumiglas.
Napailing nalang si Jovy at pasimpleng sumenyas sa mga gwardiya na ilabas si Lucy sa venue. Mabilis naman na sumunod ang mga guard.
Binitbit ng dalawang guard si Lucy sa magkabilang braso palabas ng resort. Halos lahat ng bisita at mga tao na naroon ay nakatingin kay Lucy. "No!!! You can't do this to me!! No!!!!" Sigaw niya.
Napahalukipkip nalang si Jovy habang nakatingin kay Justine. "Okey ka lang?" Tanong ni Justine.
Tumango lang si Jovy at lumapit sa kanya si Shine bitbit ang calling card na inabot sa kanya kanina ni Mr. Martinez. "Mam Jovy-" sumenyas ng stop si Jovy at tumigil ito sa sasabihin.
"I told you not to call me ma'am diba? Shine naman eh! Ate Jovy ang itawag mo sa akin. Paulit-ulit nalang tayo." Seryoso niyang sabi.
"Sorry po ate Jovy. Ito po pala ang calling card na-" Naputol na naman ang sasabihin ni Shine dahil nagkatinginan sila ni Mr. Martinez na nakatayo lang sa di kalayuan.
"Diba ikaw yung head coordinator ng event?" Tanong sa kanya ni Mr. Martinez.
Napangiti naman si Shine. "Ay sir. Kayo po pala. Tamang tama po!" Tumingin si Shine kay Robert. "Sir, siya po ang client na sinasabi ko po sa inyo." Sabi niya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Mr. Martinez at napalingon kay Robert. "It means, ikaw ang may ari nitong Milky way Resort?" Tanong niya.

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Chelsie Bautista

    getting

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Minardo

    oh i see

    05/01/2025

      0
  • avatar
    Jiben Perang

    yyggghh

    31/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata