CHAPTER 19

"Basta pag tinanong ka sa office kung buntis ka, oo ka lang ng oo ha? Kasi yun ang dinahilan ko kung bakit lagi akong absent sa office last time ehh." Sabi ni Robert. Bago niya isama ulit sa trabaho si Jovy ay kailangan niya muna itong ma-briefing ng maayos.
Tumango lang si Jovy habang may pag aalinlangan sa kanyang mga ngiti. "Robert, inaalala ko lang kasi si mamu, ang mommy at daddy mo. Mas makakabuti siguro kung sabihin na natin sa kanila ang totoo." Sabi ni Jovy.
Huminga ng malalim si Robert. "Ako na ang bahala na kumausap sa kanila. Sigurado akong pag nalaman nila ang totoo ay pag hihiwalayin nila tayo." Nakasimangot na sabi ni Robert.
"Sasamahan kita. Dalawa tayong nagsinungaling sa kanila diba? Kung ano man ang maging consequences non, harapin natin yon ng sabay. Hindi kita iiwan Robert. Promise." Nakangiting sabi ni Jovy.
Tumango lang si Robert. Inayos na ni Jovy ang necktie ni Robert at dinampot na niya ang kanyang bag at humakbang na sila palabas ng pinto habang mag kaakbay.
-------
Pag bukas ni Robert ng pinto ay bigla siyang napahinto.
"Nasaan ang peke mong asawa!!!" Galit na sigaw ni Donya Feliciana. Nakatayo sa likod ng matanda si Mr. Martinez at madam Choi na kapwa dismayado ang mga itsura.
Mabilis na gumapang ang kaba sa dibdib ni Jovy. Napakapit siya sa braso ni Robert habang nakasimangot.
"Mamu?  Ano po bang problema?" Tanong ni Robert.
Pumasok sa loob ng pinto si Donya Feliciana at matalim na tumitig kay Jovy.
"Alam ko na ang lahat. Kaya ngayon palang, umalis ka na dito. At ikaw Robert, bumalik ka na sa mansyon. Hiwalayan mo ang babaeng to!"
Mabilis din na lumapit si Madam Choi kay Jovy at hinila niya ito palayo kay Robert. "Jovy, you know how much i want you for my son. It's pain on me to know about the truth." Kumurap-kurap ito at yumuko ng hindi niya mapigilan umiyak. "Jovy, please i'm begging you. Stay away from my son. Leave! Go wherever you want, just leave my son alone!"  Sabi niya habang humihikbi.
Kaagad naman na napakunot noo si Robert at hinila si Jovy sa braso palapit sa kanya. "Mom! That's too much!" Lumingon siya kay Donya Feliciana. "Mamu, hindi niyo po kami pwedeng paghiwalayin. Mahal ko po si Jovy." Sabi niya.
At natigilan si Donya Feliciana. "Robert! Don't be so stubborn!! " Galit niyang sabi sabay lingon kay Jovy. Kitang kita sa mukha ng matanda ang matinding disappointment. "Hindi pa ako naniniwala na pera ang habol mo sa apo ko Hija. Hindi ko pa rin kayang tanggapin na magagawa mo yon. Kaya umalis ka nalang habang hindi pa ako galit na galit sayo. Nakikiusap ako umalis ka na dito." Naiiyak niyang sabi.
Hindi na napigilan ni Jovy ang sarili niyang mapahagulhol. Marahan siyang lumapit kay Donya Feliciana at lumuhod. "Patawarin niyo po ako mamu..." Sabi niya habang humihikbi. "Inaamin ko po na nagkamali kami ni Robert. Patawarin niyo po kaming dalawa kung nag sinungaling po kami sa inyo. Pero mahal po namin ang isa't isa at hindi po pera ang habol ko sa kanya mamu. Hindi ko po kayang iwan ang apo niyo." Umiiyak niyang sabi.
Napahikbi naman si Madam Choi habang nakatingin kay Jovy at nakakapit sa braso ni Mr. Martinez.
Bagamat nasasaktan ang damdamin ni Mr. Martinez ay minabuti niyang hindi umiyak sa harap ng lahat. "Jovy, tumayo ka na diyan. Minsan na kaming nagtiwala sayo. Hindi mo alam kung gaano  mo kami nabigo." Walang emosyon niyang sabi.
Mabilis na dinampot ni Robert ang kamay ni Jovy at hinila ito patayo. "Tumayo ka nga dyan!" Sabi niya sabay pagpag ng mga tuhod ni Jovy. Hinawakan niya sa magkabilang pisngi si Jovy at pinahid ang mga luha nito sa pisngi gamit ang dalawang hinlalaki. "Wag kana umiyak." Sabi niya.
Humikbi-hikbi si Jovy at lumingon kay Mr. Martinez. "Daddy? I'm so-"
"Don't call me daddy. Hindi ka na magiging parte ng pamilya namin." Malungkot nitong sabi.
Napahagulhol si Jovy at binaling ang tingin sa nakasimangot na si Madam Choi. Inalis niya ang tingin kay Jovy at binaling sa kawalan. Parang sumisikip na ang dibdib ni Jovy dahil sa matinding kalungkutan. Muli siyang lumingon kay Donya Feliciana.
"Mamu, sorry po." Sabi niya.
Pero hindi na siya nito pinansin. Tinalikuran siya nito at nag walked out na parang walang narinig. Ganun din si Madam Choi ay tinalikuran si Jovy. Ngunit si Mr. Martinez ay nanatiling nakatayo. Malungkot ang mga mata at habang nakatiim bagang.
"Hindi ko na hahabulin itong bahay na pinangalan ko sayo Jovy. Pero hiwalayan mo ang anak ko-"
Pero mabilis na umapila si Robert. "No dad! Mahal ko si Jovy at hindi ko hahayaan na ilayo niyo siya sakin!!" Sabi ni Robert.
"Masyado ka nang spoiled Robert!! Kung ang company building lamang sa Baguio ang habol mo kung bakit kailangan magpanggap na buntis ni Jovy, ibibigay ko sayo yun. Basta hiwalayan mo lang si Jovy, at magiging okey tayo." Sabi ni Mr. Martinez.
Hindi na kaagad nakapag salita si Robert, kaya tumalikod na si Mr. Martinez.  At nakaka tatlong hakbang palang ito ng biglang magsalita si Robert.
"I don't need it!!! Wala na akong pakialam kung ipamana niyo lahat ng ari-arian niyo at mga negosyo kay Kuya! Siya naman ang mas magaling kesa sakin diba? Kaya nga siya ang ginawa mong President ng company eh. Tulad ng lagi mong sinasabi dad, hindi ko mapapantayan si kuya. At sa tingin ko, hindi ko na kailangan pang ipilit ang sarili ko sa kompanyang hindi naman magiging akin." Seryoso niyang sabi sabay hawak sa kamay ni Jovy, "pero si Jovy, ilalaban ko pa rin hanggang sa siya nalang ang matira sa akin." Sabi niya.
Naningkit ang mga mata ni Mr. Martinez. Ngayon lang nagsalita ng ganito ang bunso niyang anak.  All this time, napaka bagito nito pag dating sa lahat ng bagay. Tila ba tanging pag ibig lang ang nakapag pabago dito. Kung bakit bigla nalang itong natutong manindigan at hindi na kailangan pang dumipende sa desisyon ng kanyang ina.
Ganun pa man, tutol pa rin ang ama ni Robert  kay Jovy. Dahil sa mga paninira ni Lucy kay Jovy.
"Panindigan mo ang sinabi mo Robert. Kung hindi ka makikipag hiwalay kay Jovy, kalimutan mo na kami. Mamuhay ka kasama si Jovy. Umalis ka sa company at maghahanap ako ng ibang manager na ipapalit sayo. Tumayo ka sa sarili mong mga paa. At tingnan natin kung hanggang saan ka kayang panindigan ni Jovy. " Sabi ni Mr. Martinez sabay lakad palayo.

Komento sa Aklat (43)

  • avatar
    Chelsie Bautista

    getting

    26/02/2025

      0
  • avatar
    Jr Minardo

    oh i see

    05/01/2025

      0
  • avatar
    Jiben Perang

    yyggghh

    31/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata