Homepage/52 WEEKS WITH YOU/
CHAPTER 10
You know what? This is my first time that i'm talking to someone until 4 am." Wika ni Robert sabay tungga ng in can beer habang nakaupo sa mataas na upuan sa tabi ng lababo.
Naka helera pa ng maayos sa countertop ng lababo ang mga lata ng beer na walang laman na tila nasa sampung piraso na. At halos si Robert lang lahat ang uminom non, dahil naka dalawang lata palang naman si Jovy.
"Natatawa lang ako sa sarili ko kasi wala pa akong naka inumang babae sa buong buhay ko kundi ikaw lang." Dagdag pa ni Robert. Seryoso ang mukha niya habang nangangalo-mata dahil sa pinaghalong antok at kalasingan.
Ngumiti lang si Jovy habang naka upo sa countertop ng lababo na gawa sa kulay itim na marmol. Nakalaglag sa ere ang kanyang mga paa habang siya ay nagkukuyakoy sa tapat ni Robert. Kapwa sila mga naka pantulog na ni Robert, pero hindi na sila nakatulog pa dahil sa kanilang pag uusap.
Alam ni Jovy na marami ng nainom si Robert at mukhang tinamaan na talaga ito ng kalasingan. Kaya hinayaan na lang niya ito sa mga sinasabi nito sa kanya. In fact, kanina pa talaga ito nag da drama. Hindi naman ito sobrang lasing na lasing talaga na parang nagiging zombie na sa sobrang sabog. Chill pa rin naman ang itsura nito at pananalita. Talagang mahahalata mo lang na lasing siya dahil sa mga mata niya na namumungay na. At kahit ganun pa man, hindi pa rin nabubura ang kagwapuhan sa itsura niya.
Hindi rin naman sigurado si Jovy kung totoo pa ba ang mga sinasabi ni Robert sa kanya o dala nalang yon ng kalasingan ni Robert. Pero ayaw niyang umasa, kaya mas pinili niyang paniwalaan na talagang lasing lang si Robert.
"Alam mo? mas masaya ka pala kausap kapag lasing no? Ngayon lang ako hindi na buysit sayo eh. Sana lagi ka nalang lasing no?" Pang aasar ni Jovy kay Robert.
Kanina pa rin kasi si Robert nag lalambing sa kanya na parang bata. At hindi talaga ito normal para kay Jovy, pero nilubos-lubos na lang ni Jovy, dahil bihira lang kay Robert ang maging ganito.
Naipaliwanag na rin naman ni Jovy kay Robert kung bakit sila magkasama ni Justine kanina, at kung bakit hindi niya nasagot ang mga message at tawag ni Robert. Bagamat inis pa rin si Robert dahil don, pero napilitan itong tanggapin ang sorry ni Jovy nung yumakap na ito sakanya, at umiyak.
"Oo nga pala, ano bang nilibre sayo ni kuya kanina?" Nakasimangot na tanong ni Robert habang nakatingala kay Jovy. Para itong bata na nagtatampo dahil hindi nabilhan ng laruan. Hawak pa rin niya ang beer sa mga kamay niya.
Napaismid naman si Jovy dahil walang katapusan ang mga tanong ni Robert tungkol sa pagsama ni Justine sa kanya kanina. Kung tutuusin ay wala naman talaga na dapat pakialam si Robert don dahil nagpapanggap lang naman sila ni Jovy. Pero nahuhuli na lang din ni Jovy ang sarili niya na nagpapa liwanag kay Robert.
"Shawarma lang yon." Sagot ni Jovy habang seryoso siyang nakatingin pabalik kay Robert.
Ngumiti lang si Robert at hinawakan niya si Jovy sa kamay. Hindi naman tumanggi si Jovy. "Sorry kung ang dami kong tanong sayo ah. Gusto ko lang malaman kasi eh." Sabi ni Robert nung makitang sumeryoso ang mukha ni Jovy.
"Okey lang. Shawarma lang naman ang nilibre niya sakin. Tinanong kasi niya ako kung ano daw ang paborito kong pagkain eh. Sinabi ko lang naman na shawarma, tapos nagulat nalang ako nilibre na niya ako." Kwento ni Jovy sabay bagsak ng kanyang paningin sa nagkukuyakoy niyang mga paa. Bahagya siyang napangiti ng maalala niya ang ka sweetan ni Justine kanina.
Umismid lang si Robert kay Jovy at hinila niya ang kanyang upuan palapit kay Jovy, dahilan upang mapatigil si Jovy sa pagkukuyakoy ng kanyang mga paa.
At ngayon ay sobrang lapit na ni Robert sa mga hita ni Jovy. Buti na lamang at naka pajama si Jovy, kundi ay nagmistula na siyang merengue na sinapaw sa sinaing, dahil sa sobrang hiya. Nung una ay nanlaki ang mga mata ni Jovy sa gulat, at muntik na niyang masipa sa mukha si Robert palayo sa kanya.
Kaso naisip niyang lasing ito at hindi na siguro nito alam ang mga ginagawa. O kung alam man ito ni Robert, ay wala na ito sa loob niya dahil mas nangingibabaw ang antok ni Robert.
'wala naman sigurong gagawing hindi maganda sakin to.' Pag aalinlangan ng isip ni Jovy. Tumingala si Robert sa kanya at tumitig ito sa mga mata niya, na siya namang dahilan ng pag bilis ng pintig ng puso ni Jovy. Pero nag patay-malisya siya kunyari ay hindi siya apektado sa mga titig ni Robert. Pinilit niyang ngumiti kahit na kinakabahan siya.
Bahagyang napangisi si Robert at binaling ang tingin sa sahig. "Ang saya mo ah!" Sabi niya sabay iling ng isang beses. "Sa susunod ayokong nag papalibre ka ng pagkain kung kani kanino ha! Ako lang ang pwedeng maglibre sayo ng shawarma. Kahit ilan pa gusto mong kainin bibilhan kita. Ayoko lang malaman na nagpapalibre ka sa iba lalo na kay kuya." Seryoso niyang sabi.
Mabilis naman na natawa si Jovy, at nahuli nalang niya ang sarili na hinawi pataas ang itim na itim at bagsak na buhok ni Robert sa noo. "Okey sabi mo eh." Sagot niya habang nakangisi. Medyo natigilan siya nung una pero nag patay-malisya na naman siya.
Kaagad naman na gumuhit ang ngiti sa labi ni Robert. Hindi dahil sa sagot ni Jovy, kundi dahil sa paghawi ni Jovy sa buhok niya. Kaagad naman niyang hiniga ang kanyang ulo sa mga hita ni Jovy.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Jovy sa ginawa ni Robert at maging si Robert din ay nagulat sa ginawa niya. Masyado siyang na carried away.
Nahihiya man silang pareho ay kapwa sila nag patay malisya. Ang kabang nararamdaman nila ay may hatid din naman na tuwa sa mga puso nila.
Kaya naman kung anong oras babangon si Robert mula sa pag kakayakap sa kanlungan ni Jovy, ay saka lang din sila makaka hinga ng maluwag.
Pinilit ni Jovy na kumilos ng normal kahit pa pakiramdam niya ay abnormal na ang tibok ng puso niya. Ganun din naman si Robert. Pinanindigan na rin niya ang Pag higa sa kanlungan ni Jovy kahit hiyang-hiya siya. Pero Kanina pa talaga niya gustong gawin yon kaya wala siyang pinag sisihan.
At lalo pang gumapang ang malakas na boltahe sa katawan ni Jovy ng hawakan ni Robert ang kanyang kamay at nilagay sa ulo nito.
"P-pwede mo bang kamutin ang ulo ko? Pang patulog lang." Utos ni Robert kay Jovy. Namamaos pa ang boses niya ng sabihin niya yun.
Nung una'y ayaw pa sanang gawin ni Jovy yon, kaso pinagbigyan nalang niya si Robert since kanina pa ito nagiging clingy sa kanya. Isa pa kahit na kinakabahan siya dahil kay Robert, ay may kung anong saya pa rin sa damdamin niya, dahilan upang hindi siya tumanggi kay Robert.
Huminga siya ng malalim at sinimulan niyang suyurin ng kanyang mga daliri na may katamtamang haba ng kuko ang anit ni Robert. Napapapikit na si Robert sa ginagawang pag kamot ni Jovy sa ulo niya. At hindi na nila namalayan pareho na nakakatulog na pala sila sa ganung posisyon.
Dahan-dahan na napasandal si Jovy sa pader ng lababo at tuluyan ng nakatulog. Napabitaw na rin siya sa buhok ng tulog na tulog na rin na si Robert.
------
Pag dilat ng mga mata ni Robert ay natagpuan nalang niya ang sarili na nakayakap sa bewang ni Jovy habang naka unan sa kanlungan nito. Naramdaman niya ang pag slide ng kamay ni Jovy pababa mula sa kanyang ulo.
Bigla niyang naalala na nakainom sila pareho ni Jovy. Nung una'y parang ayaw pa sana niyang bumitaw kay Jovy pero dahil wala na ang tama ng beer ay gumana na naman ang kasungitan niya.
Mabilis siyang bumangon mula sa kanlungan ni Jovy habang naka kunot noo. Tinapik niya si Jovy sa hita. "Hoy gising na!" Sabi niya. "Ummmmm..." Ungol ni Jovy sabay baling sa kaliwa at tuluyan na itong napahiga sa lababo. Kitang kita na antok na antok pa siya at parang wala pang balak gumising.
Namewang si Robert sa harap ni Jovy at saglit niyan itong pinag masdan. Huminga siya ng malalim ng maisip kung gaano kalamig ang marmol ng countertop. Umiling na lamang siya habang naka kunot noo na inangat ang batok at mga hita ni Jovy. Kinarga niya ito patungo sa kwarto niya.
At napaangat ang kanyang labi ng mailatag na niya ito sa kanyang kama. Muli na naman siyang nakaisip ng kapilyuhan. At dahil malalim ang tulog ni Jovy ay pagkakataon niya na gawin ang binabalak niya.
Habang tulog si Jovy ay minadali niyang ilipat ang kanyang mga damit sa kwarto ni Jovy. At ang mga gamit ni Jovy ay nilipat niya sa kwarto niya.
Ngayon ay napag palit na niya ang mga kwarto nila ni Jovy. Abot tenga ang kanyang mga ngiti na binagsak ang kanyang katawan sa malaking kama ng master's bedroom. Huminga siya ng maluwag at ninamnam ng kanyang paningin ang kaluwagan ng malaking kwarto.
Ilang sandali pa ay nag ring ang kanyang cellphone. Inabot niya ito mula sa side table ng higaan, katabi ng air humidifier. Napakunot noo pa siya ng makita ang hindi pamilyar na numero ng tumatawag sa phone niya. Kahit hindi sigurado ay sinagot pa rin niya ito.
"Hello. Who's this?" Tanong niya habang nakakunot noo.
"Oppa! Guess who? hahaha!" Magiliw na bati sa kanya ng babae na nasa kabilang linya.
Napabangon sa higaan si Robert at napakunot noo. Sa boses palang nito na matinis at maliit ay alam na alam na agad niya kung sino ito. Pakiramdam niya ay nanumbalik siya sa nakaraan niya.
"Lucy?" Kunot noo niyang tanong.
"Akala ko nakalimutan mo na ako ehh." Pabebeng sabi nito.
Napabuntong hininga si Robert at kaagad na napasimangot. "S-syempre naman hindi." Seryoso niyang sabi.
"Talaga? Hmmm... Mamu said na may asawa ka na daw. Nandito ako ngayon sa mansyon niyo." Malungkot na sabi nito.
Parang may kumurot naman sa puso ni Robert ng marinig ang sinabi ni Lucy. Mas lalo pa siyang nalungkot ng maramdaman ang lungkot sa boses nito.
Si Lucy ang first love ni Robert. Naging masaya ang kanilang samahan noon hanggang sa naging official silang magkasintahan. Maganda naman ang takbo ng kanilang relasyon hanggang sa dumating ang time na kinailangan ni Lucy magtungo sa korea kasama ng parents nito for good.
Ang mga magulang nila ni Lucy ay magkakaibigan, dahil ang kanilang mga ina ay magkababata. Kaya naman naging malapit sila sa isa't isa. Simula pa ng mga bata pa sila ay kalaro na nila ni Justine si Lucy. Si Lucy ay pure korean. Dito lamang sila namuhay sa pilipinas ng higit Labing walong taon.
Ang parents ni Lucy ay ka business partner ng mga magulang ni Robert sa isa pa nilang kompanya, na nakapwesto naman sa baguio. Ngunit unti-unti itong bumagsak at nalugi, hanggang sa nagsarado ito pitong taon na ang lumipas.
At nung makabili ng malaking lupa sa korea ang parents ni Lucy ay nag decide sila na doon na magpatayo ng sariling negosyo at unti-unti na rin naman silang nakabangon. Yun din ang dahilan kung bakit nagkahiwalay si Robert at Lucy.
Mahal na mahal ni Robert si Lucy at sa pag aakala ni Lucy na hindi na sila makakabalik ng pilipinas ay nakipag hiwalay nalang siya kay Robert para hindi na ito umasang babalik pa siya.
Ngunit sadyang mapaglaro ang kapalaran. Dahil kung kailan nakakalimot na si Robert sa sakit ng nakaraan na dinulot sa kanya ni Lucy, ay saka pa ito nag balik. At ngayon, muli na namang naguluhan ang damdamin niya. Hindi na rin niya nagawa pang sagutin ang tanong ni Lucy tungkol sa pag aasawa niya. Binabaan niya na ito ng cellphone.
******
Kinabukasan.
Walang ganang bumaba si Robert sa hagdan at napahinto siya ng maabutan si Jovy na nakaupo sa sala. Nakatalikod ito sa kanya habang nakaharap sa nakaupong si Lucy.
Mabilis na tumayo sa upuan si Lucy ng makita si Robert. "Oppa!" Seryoso ang kanyang mukha.
Ang singkit na mga mata ni Lucy ay punong-puno ng kalungkutan. Habang ang mga ngiti sa maganda niyang labi ay mahahalata talaga na napipilitan lang.
Kaagad naman na lumingon si Jovy kay Robert. "Ahmm... Buti nagising kana. K-kanina pa kasi nandito si Lucy eh." Nanginginig pa ang mga labi ni Jovy ng sabihin niya yon, habang napipilitan ngumiti.
Walang reaksyon ang mukha ni Robert na nakatingin kay Jovy. Agad naman na lumapit si Jovy kay Robert. "Ang sabi ni Lucy sakin, kababata mo raw siya? Bakit di mo sinabi kaagad sakin na may bestfriend ka palaQ? Edi sana nakilala ko rin siya." Dagdag pa niya.
Nanatiling malagkit ang mga tingin ni Robert kay Jovy. "Ex girlfriend ko siya." Walang paligoy-ligoy niyang sinabi.
Ilang saglit din na natigilan si Jovy. "Ahh- oo nga! Nabanggit niya nga sakin kanina." Sagot ni Jovy habang tumatango at napipilitan ngumiti.
Tumikhim naman si Lucy, dahilan upang lingunin siya ni Jovy at Robert. "Pasensya kana Jovy ha? Sana wag kang mag seselos sa akin. Si Robert ay hindi na iba sakin. At ganun din ako sa kanya at sa pamilya niya." Paliwanag ni Lucy habang nakatayo sa tapat ng sofa. Magkadaup ang kanyang mga palad sa harapan niya habang pinipigilan ang sarili na huwag umiyak, dahil nasasaktan siya sa mga nakikita niya.
Ang akala niya ay okey na siya. Ang akala niya ay nakalimutan na niya ang feelings niya para kay Robert. Hindi niya alam na masasaktan pala siya kapag nakita niya itong malapit sa ibang babae.
Nasanay kasi siya na, siya lang ang nag iisang queen ni Robert. At walang ibang babaeng nakakalapit dito kundi siya lang.
Ngumiti lang si Jovy habang nakalingon sa nakasimangot na si Lucy. "H-hindi naman. Naiintindihan ko naman yon. Kaya wag kang mag alala." Sabi niya.
Huminga ng maluwag si Robert at hinawakan sa braso si Jovy, dahilan upang mapaharap sa kanya si Jovy. "Pwede ba muna kaming mag usap ni Lucy? Pwede mo ba muna kaming iwan dito?" Mahinahon na tanong ni Robert.
Parang biglang nanikip ang dibdib ni Jovy, pero tumango siya. "O-oo naman. Excuse me." Sabi lang niya sabay bawi ng braso niya kay Robert at mabilis na humakbang paakyat sa hagdan.
Hinatid siya ng paningin ni Robert hanggang sa maka liko na siya sa hallway ng second floor. Pagkatapos ay lumakad si Robert palapit sa nakasimangot na si Lucy.
Sandali niyang tinitigan sa mga mata si Lucy. Ang mukha nito ay walang pinagbago. Mukha siyang manika na gawa sa porselana. Ang kutis nito ay parang labanos. Ang petite na pangangatawan ay ganun pa rin. Magkasing tangkad pa rin sila at tila buhok lamang ni Lucy ang nabago sa kanya. Kung ang dati na mahaba at layered ang itim at bagsak nitong buhok, ngayon ay wavy at kulay mahogany na ito.
Ang singkit at natural na malungkutin na mga mata ni Lucy ngayon, ay may nangingilid ng mga luha habang nakatingin kay Robert. "Oppa... Hindi mo ba ako namimis?" Tanong niya.
Napasimangot si Robert sa tanong ni Lucy. Sa loob ng pitong taon nilang nagka hiwalay ni Lucy, tanging si Lucy lamang ang hinahanap hanap ng puso niya. At ito rin ang dahilan kung bakit naging aloft siya sa ibang babae. Si Lucy lang ang minahal niya ng higit pa sa sarili niya.
Parang reyna niya ito kung ituring noon. Never niya itong na sigawan o napag sungitan. Hinding hindi niya magagawa kay Lucy ang mga bagay na yon. Ganun niya kamahal si Lucy at sa tingin niya ay walang nagbago sa pagtingin niya para dito.
Malungkot ang mga mata ni Robert na nakatitig sa umiiyak na si Lucy. Tila hindi niya matagalan sa ganung sitwasyon ang minamahal na babae. Kaya kahit gustuhin man niyang tiisin ito na umiiyak ay hindi niya ginawa. Dahan dahan niyang hinawakan sa batok si Lucy, at marahan niya itong isinandal sa kanyang dibdib at ikinulong sa kanyang mga bisig.
------
Nagmistulang korean drama ang tanawin ni Jovy mula sa taas. Hindi niya matiis na magkasama si Robert at Lucy na wala siya. Kaya minabuti niyang bumalik sa koridor at silipin sa railings nito kung ano ang pag uusapan ng dalawa. At ito ang nadatnan niya. Kitang kita kasi mula sa koridor ng second floor ang buong sala ng bahay.
Hindi niya magawang mag reklamo dahil wala namang totoong namamagitan sa kanila ni Robert. Ngunit sa kabilang banda ay hindi niya maitatanggi na nakakaramdam siya ng pagseselos kay Lucy.
Bumagsak ang tingin niya sa singsing na suot niya. At bigla siyang nakaramdam ng magkahalong saya at lungkot. Masaya siya dahil siya ngayon ang asawa ni Robert at kahit nandiyan si Lucy ay hindi na magbabago yun. Na siya na ang asawa ni Robert. Ngunit napasimangot siya ng maalalang hindi totoo ang pagsasama nila ni Robert. At pagkatapos ng isang buong taon, ay hihiwalayan na rin siya ni Robert at sigurado siyang si Lucy na ang pakakasalan nito.
Kung kaya't ang damdamin niya ay hindi magka humayaw sa lungkot. Gusto niyang lapitan si Robert at hilain palayo kay Lucy, at sabihing pag mamay ari niya ang lalaking ito. Ngunit paano niya gagawin yon? gayung naka kontrata lamang ang lahat ng tungkol sa kanila. Kahit mamatay pa siya sa pagseselos, ang puso ni Robert ay hinding hindi mapapa-sakanya.
Napabitaw naman si Lucy sa pagkakayakap kay Robert ng mapa angat ang tingin niya kay Jovy. Kapwa sila nagka gulatan ni Jovy. Maging si Jovy ay napa atras din ng isang hakbang habang pinapahid ang mga luhang hindi na napigilan pang pumatak.
Mabilis naman na lumingon sa itaas si Robert, upang tingnan kung ano ang nakita ni Lucy. Saktong pag lingon niya ay mabilis na tumalikod si Jovy at tumakbo patungo sa hallway. Tanging mahabang buhok na lamang ni Jovy ang nahagip ng paningin ni Robert. Ganun pa man, alam na alam niyang buhok iyon ni Jovy.
Akmang susundan na sana ni Robert si Jovy ng pigilan siya sa kamay ni Lucy. "Oppa. Sorry kung naabala ko kayong dalawa ng asawa mo. Pero sana kahit may asawa kana, at magkaroon ng sariling pamilya, sana huwag magbabago ang pag tingin mo sa akin ha? Gusto ko ako pa rin ang nag iisang reyna mo." Mahinahon niyang sabi.
Malungkot ang mukha ni Robert na lumingon sa kanya. Huminga siya ng malalim at tsaka tumango.
Kaagad naman na ngumiti si Lucy sa kanya. "Hindi na rin ako magtatagal pa. Nagpahatid lang ako dito kanina kay kuya Justine. Ayaw niya pa nga sana eh. Kaso pinilit ko siya. Hindi pa rin nagbabago ang kuya mo. Ang sungit pa rin niya sakin." Nakanguso niyang sabi sabay tawa.
Pinilit ni Robert na ngumiti, naguguluhan na siya ngayon kung anong gagawin. Gusto niyang masigurado na okey lang si Jovy at hindi ito nagtatampo sa kanya. Pero hindi niya naman kayang iwan si Lucy para lang mapuntahan niya si Jovy.
Parang sasabog na ang utak niya sa pagkalito. "Mauna na rin ako ha? Magkita nalang tayo sa grand opening ng bagong branch ng luxury shop sa baguio. Congratulations sa family mo. Mag bubukas na ulit ito by next week." Sabi niya habang nakangiti.
Napakunot noo naman si Robert. Hindi siya updated tungkol don. O sinadya na naman ni Justine na hindi ipaalam sa kanya ang tungkol don. Mabilis na nagkuyom ang kanyang kamao. Kasabay ng pag halik ni Lucy sa pisngi niya para mag goodbye.
Napatulala na lang si Robert na sumunod ng tingin kay Lucy, habang humahakbang palabas ng pintuan ng bahay. Hindi pa rin nagbabago ang porma ni Lucy. Mahilig pa rin itong mag sneakers at maikling shorts at mahabang cardigan.
Nang maka labas na si Lucy ay mabilis na tinakbo ni Robert paakyat ang hagdan at nag tungo sa kwarto niya, kung saan si Jovy na ngayon ang gumagamit. Hindi pa rin sila nakakapag usap ni Jovy tungkol don. Kaya hanggang ngayon ay sa kanya pa rin ang master's bedroom.
Kinatok niya ang kwarto ni Jovy dahil naka locked ito. "Jovy! Buksan mo to."
Mabilis naman na bumukas ang pintuan nito at bumungad sa kanya ang naka bihis at naka ayos na si Jovy. Muli na naman siyang napatulala. "San ka pupunta?" Tanong niya habang naka kunot noo.
Ngumisi sa kanya si Jovy. "Tumawag sakin si Justine. Niyaya niya akong mag dinner eh." Sagot niya.
Mabilis nag salubong ang mga kilay ni Robert. "Tapos ano? Pumayag ka naman?" Galit niyang tanong.
Napakunot noo si Jovy habang tumatango. "Oo." Sabi niya.
Hindi na naman maipinta ang mukha ni Robert. "Ano??? At bakit ka pumayag?" Sigaw niya.
"Bakit naman hindi? Eh nagugutom ako eh." Sagot niya sabay irap habang naka simangot.
Mabilis na umiling si Robert sabay hawak sa braso ni Jovy. "Hindi! Hindi ka aalis." Utos niya.
Napaangat naman ng isang kilay si Jovy. "Bakit ba? Gusto kong kumain sa labas eh! Kung gusto mo sumama ka!" Sigaw ni Jovy sabay bawi ng kanyang braso kay Robert.
At kaagad naman na napaangat ang gilid ng labi ni Robert. Napa sampal naman si Jovy sa sarili niyang noo. Napag tanto niya na mukhang nakakuha ng ideya si Robert sa sinabi niya. Mukhang hindi magiging maganda ang dinner date nila ni Justine ngayon, dahil sa mala-demonyong ngisi ni Robert sa kanya.
"Okey sige. Hintayin mo ako dyan at magbibihis lang ako." Nakangising sabi ni Robert kay Jovy. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (43)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
getting
26/02/2025
0oh i see
05/01/2025
0yyggghh
31/10/2024
0Tingnan Lahat