logo text

CHAPTER 36

THIRD PERSON's POV.
PAGKARATING ni Lucas ay agad niyang napansin ang asawa na nakayakap kay Rave. Dali-dali niyang hinablot ito mula sa kaibigan at mahigpit na niyakap. Mukhang nakilala naman siya nito sapagkat mas lalong dumiin pa ito sa kanya habang humahagulgol.
"Ssh...I'm here. Tahan na..." Pag-a-alo ni Lucas sa asawa.
Saglit siyang tumingin sa paligid habang nakayakap pa rin sa kanya sa Rhea. Napansin niya ang kanyang mga kaibigan na nakatingin sa kanila. At nagdilim ang mukha niya nang mapansin si Cristoff na walang malay habang nakatali.
How dare him!
Dahan-dahan siyang bumitaw sa pagkakayakap at kuyom ang kamao na lumakad sa kinahihigaan ni Cristoff para amabahan ng suntok nang biglang harangan siya ni Ruffa.
May inis na tiningnan niya ang kaibigan.
"Bakit mo ako pinipigilan? That b*st*rd deserve a punch! D*mn it!" Nanggagalaiting pahayag ni Lucas na hindi na makapagtimpi ngunit nanatiling kalmado si Ruffa.
"Stop it, okay? Kanina pa iyan nabugbog ni Rave kaya nawalan ng malay at nandito si Rhea. Do you think she'll like it? Atsaka, mas mabuti pa tumawag na lang tayo ng pulis para batas na ang bahala sa kanya." Paliwanag lang nito gamit ang seryosong tono.
"But..." Pagtanggi ni Lucas.
"He's right Lucas, it's not good if we put Justice on our hands." Segunda naman ni Kaley.
"Just comfort your wife and we'll handle everything." Turan naman ni Rave bago tumayo.
Napatingin naman siya sa asawa na nanghihinang nakatingin sa kanya at bahagyang umiling.
Napabuntong-hininga na lamang siya ng maintindihan ang sinabi nito.
Lumapit siya rito at bahagyang lumuhod para magkaharap sila.
"Are you okay?" Nag-aalala niyang tanong.
Tumango ito bago magsalita.
"I wanna go home." Payak nitong sagot.
Tiningnan niya ang mga kaibigan na parang nagpapaalam at tumango ang mga ito kaya muli siyang tumingin sa asawa.
"Okay, uuwi na tayo." Alalay ni Lucas sa asawa.
Mabilis silang umalis sa Condo para umuwi. Hindi rin nagtagal ay nakarating sila sa bahay ni Rhea na pansamantala nilang gagamitin kasama ang nanay nito. Maingat na inalalayan ni Lucas si Rhea patungo sa kanilang kwarto dahil alam niyang nais nitong magpahinga.
Nang masiguradong maayos nang nakahiga ang asawa ay lumabas siya ng kwarto saka pumunta sa terrace ng bahay.
Nilabas niya ang cellphone at dinial ang isang numero.
"Hello Sir? Mr. Villareal?" Ani ng lalaki sa kabilang linya.
"There's a person who attempted to rape my wife. I want you to do something for me." Malamig na wika ni Lucas.
"The usual?" Tanong ng lalaki.
"Yup. Cristoff Dane is the name. You know what to do. After that, make sure to put him in Jail. I want him to suffer. I'm counting on you."
"Yes Sir!" Sagot nito.
Pinatay naman ni Lucas ang tawag at dumiretso sa Sala.
******
After 4 months....
RHEA's
"Do you see that? That's the heartbeat of your baby." Turo ni Dra. Rachelle doon sa machine na hindi ko alam ang tawag basta ginagamit pang ultrasound.
Yes. You heard it right.
Masyado kasing excited tong si Lucas na malaman ang sex ni baby kaya nandito kami ngayon.
"Congratulations Mr. and Mrs. Villareal! You're going to have a baby boy. Inumin mo lang yung mga vitamins na nireseta ko sa iyo para mas maging healthy siya at maging maayos ang delivery." Masayang bati ni Dra. Rachelle, 'yung gynecologist.
"B-baby b-boy? You mean lalaki? O to the M to the G! May tatawag na sa akin na Papa. I'm so excited." Hindi makapaniwalang saad naman ni Lucas na nasa tabi ko.
Biglang humigpit ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Natagpuan ko siyang nakatingin din sa akin habang maluha-luha.
"Thank you." Sinserong wika niya at hinalikan ako sa noo.
Napapikit na lamang ako sa saya. Hindi ko inakalang makakaabot kami hanggang dito ni Lucas.
Mula ng mapalayas ako sa inuupahan ko hanggang sa makita niya akong mahimatay at lalong-lalo na ng magpanggap kaming mag-asawa. Never in my wildest dream that I am now his wife for Real and we're having a baby.
I really thank God for this kind of blessing.
"Hurry up, we need to buy baby things. It's a good thing that we're already done renovating his room." Excited niyang wika.
****
"Thank you po. Doc!" Pasasalamat ko kay Doctora ng matapos na kami.
Tumango naman ito sa akin kaya tumayo na ako. Mahirap na kung magtatagal kami, maraming mga buntis ang naghihintay rin sa labas.
Hinila ko na si Lucas palabas at gaya nga ng sinabi niya ay dumiretso kami sa Mall. Kaya heto siya ngayon seryosong-seryoso ang itsura habang kausap ang isang sales man sa babies section.
"I want that Crib and that walker. Kindly put that there, I will buy that. Then follow us after." Utos ni Lucas sa sales man bago umalis at pumunta sa mga baby wear.
"What do you think baby girl? Para sa akin mas bagay sa kanya to oh." Tanong ni Lucas habang nakahawak sa damit na sa tingin ko pang 1 year old.
Napairap na lang ako sa inaakto niya. Halatang hindi siya sanay dahil basta may makita siyang panlalaki kukunin niya agad.
Jusmiyo!
"Ahm...Sir? Pang ilang taon po ba?" Tanong nung sales man.
Nakita ko namang napakunot ang noo ni Lucas.
"Wala pang taon eh. 4 Months pa lang. Kasalukuyang nasa tiyan." Kamot-ulong sagot ni Lucas.
"Ahmm...saan ba iyong mga pang-infant sa inyo?" Tanong ko na lang.
Naintindihan naman ako nung sales man.
"This way ma'am." Guide nito sa amin at nauna na maglakad.
Sumunod naman kami ni Lucas na mukhang iritado.
"Oh bakit ganyan itsura mo?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad.
"4 months pa lang kasi siya, sobrang tagal pa ang kailangan hintayin para lumabas ang panganay natin."
"Ewan ko sa iyo Lucas." Turan ko na lang at hindi na siya pinansin.
Namili na ako ng mga damit, lampin, bigkis at kung anu-ano pa na pang baby. Bumili na rin kami ng Diapher, Milk ko at Bottle na kasama na may kasama ng tsupon.
Sinabay ko na rin iyong maternity dress ko. Matagal kaming natapos sa pamimili kaya hanggang ngayon nandito pa rin kami sa Mall habang kausap ni Lucas ang cashier pati iyong salesman.
"Here's my card. Ilagay mo na rin diyan iyong pangbayad sa delivery. Here's our address kindly deliver it." Abot ni Lucas sa cashier.
Mabilis naman nitong inasikaso ang lahat kaya nakaalis na kami. Napag-pasyahan naming kumain muna bago umalis kaya dumiretso kami sa ***restaurant.
*****
Follow, Vote, Comment & God bless
Sorry for the long wait, madami po akong inaasikaso since my mid year class kami.
Thank you for understanding.
TIP ME PLEASE🥺
Next Chapter will be the Epilogue.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Chri Zil Licono

    very good

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Do nascimentoArthur

    maravilhosooooo, eu amei o livro

    21/02/2025

      0
  • avatar
    Maricel P. Delcastillo

    grabe Ang Ganda ng kwento ...galing mo author 👏👏👏

    29/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata