logo text

CHAPTER 24

THIRD PERSON's POV
NAGISING si Lucas nang magaan ang pakiramdam. Pagkabangon ay agad niyang nasalo ang bimpo na nahulog mula sa kanyang noo. Nag-iinat na nilibot muna nito ang mga mata sa buong silid hanggang sa dumapo ang kanyang atensyon sa basin na may lamang tubig.
Tumayo na siya sa kanyang kama at dumiretso sa banyo para isagawa ang daily routine niya tuwing umaga. Batid niyang nasa kusina ang asawa at nagluluto dahil kahit sa kanyang kwarto ay amoy na amoy ang niluluto nito kaya nakaramdam siya ng gutom.
Nang matapos siya sa daily ritual niya ay lumakad na siya palabas ng kanyang kwarto. Pagkalabas ay agad hinanap ng mata niya ang asawa. Nang hindi ito makita sa sala ay tahimik na tinahak nito ang daan papuntang kusina. Doon ay hindi nga siya nagkamali, nakita niya ang nakatalikod na si Rhea na busy sa paghahanda ng kanilang almusal.
Lalapitan niya sana ito para alamin kung ano ang kanilang kakainin nang mag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa island table. Pasimple munang tinitigan ni Lucas si Rhea para alamin kung naramdaman nito ang pag-vibrate ng cellphone. Nang makitang hindi ito kumilos o humarap man lang ay walang paalam na kinuha ito ni Lucas.
"Nagpalitan agad sila ng number?" Inis na tanong ni Lucas sa sarili nang makita niya ang number ni Clinton na siyang mag-text sa dalaga. Kung paano niya nalaman na kay Clinton ang number? Iyon ay dahil naka-register na ito sa sim ng dalaga na may pangalang 'Mr.Stranger Clinton'.
Bagamat alam ni Lucas na mali ang bumasa ng text ng iba ay na-curious siya kaya walang alinlangan niya itong binasa.
********
From: Stranger
You can start tomorrow Miss, just go to CSM Agency. So glad to work with you.🤛🥰
********
Nalilitong binasa ni Lucas ang messages ng lalaki kaya para maintindihan kung ano ang sinasabi nito ay walang pag-a-alinlangan na binasa niya ang previous message ni Rhea sa huli.
*****12:15*****
Payag na ako Stranger na maging model. Kailan ako pwedeng mag-start?
****SENT****
Napayukom na lang siya ng kamao sa inis at napahampas nang malakas sa lamesa.
LUCAS'
"What's the meaning of this?" Nanggagalaiting tanong ko at padabog na nilapag ang cellphone ni Rhea sa lamesa na mabilis niya ring kinuha at tahimik na binasa.
Alam kong naintindihan niya ang ibig kong sabihin. Ngunit pagkatapos niyang mabasa iyon ay hindi na ito umimik at tila walang nangyari.
"I said, what's the meaning of that message? Anong payag ka ng maging model!"
"Do you really want to know?" She calmly retorted.
I hissed annoyingly. "Of course, magsisigaw ba ako dito kung hindi!" Himutok ko pa.
Common sense naman girl.
"Fine!" Malamig niyang saad at tumingin sa akin.
"I'm gonna work. He offered me a modeling job and since he badly need it, I accepted it. There, are you happy?" Paliwanag niya.
What? pumayag siya?
"Pumayag ka without even consulting me?" I asked with disbelief.
The h*ll? I am her husband for Pete's sake! Anong tingin niya sa akin palamuti lang?
"Ano bang problema mo Lucas?! Ano naman ngayon kung pumayag ako?"
Napairap ako sa tanong niya. Talagang may gana pa siyang magtanong ah.
"You're asking me what's my problem? My fucking problem is you. Why the hell you accepted his offer? Nagkulang ba ako sa iyo? Why do you need a job? Kaya ko namang ibigay sa iyo ang gusto mo! Kaya kitang buhayin!"
"Lucas, please stop! Okay? Hindi naman pwedeng umasa lang ako sa iyo palagi. I need to stand on my own. Sa tingin mo ba nakakalimutan kong pagpapanggap lang ang lahat? Sa tingin mo ba hindi ako nasasaktan?" Her eyes started forming tears while staring at me intently.
Bahagya naman akong kumalma. Bakit ba siya umiiyak? Nagtatanong lang naman ako.
"Lucas, mahal kita. It hurts me everytime to think that we are just pretending. I love you so much that it hurts here, Lucas Villareal." She said amidst her sobbing. She pointed her heart and tapped it hardly.
I gasped hard with her sudden confession.
"It's the best way for me to easily forget you and to stop this feeling. 'Cause everytime I see you, I can't help myself, not to fall and know that you're gay. It is impossible for you to love me back. I'm sorry for loving
you." Dagdag niya pa.
"You love me?" Lutang kong tanong sa kay Rhea.
Mahal niya ako?
Why?
Ano bang ginawa ko?
"Rhea, I'm a gay and you know that... How can you love me? I have a boyfriend and I love him!" Paintindi ko sa kanya. Hinilot ko ang ulo ko, gosh! Bakit ba nangyayari 'to?
Napapikit muna ito nang mariin bago sumagot. "I know, huwag mo ng ipamukha pa sa akin. Kaya nga masakit eh, dahil alam ko na agad ang resulta. Kaya nga ako kumuha ng trabaho para kahit papaano mawala itong nararamdaman ko, para hindi kita gaanong makikita at maiisip. Kaya please Lucas, just let me be. Kalimutan mo na lang ang nangyari pati ang sinabi ko." Mahina niyang saad bago ako iwan sa kusina.
"Rhea..." Nanlulumong tawag ko sa pangalan niya.
THIRD PERSON's POV.
Sa paglipas ng mga araw, matapos ang nangyari ay unti-unti nang napapalayo ang dalawa sa isa't isa, lalo na nang magsimula si Rhea sa kanyang trabaho. Dumating ang punto na halos hindi na nila makita ang mukha ng bawat isa, kahit pa sabihin na sa iisang Condo Unit lang sila nakatira.
Si Lucas naman ay naging busy rin sa trabaho nito sa kanilang kompanya, gayundin sa boyfriend nitong si Cristoff.
Ngunit kahit na ganoon ang kanilang sitwasyon ay patuloy pa rin namang ginagampanan ni Rhea ang tungkulin niya bilang asawa. Nilulutuan niya ito tuwing umaga at gabi. Kahit na hindi sila magkasabay kumain dahil gabing-gabi na umuwi si Lucas.
Hanggang sa isang gabi...
Alas-otso na nang nakauwi si Rhea galing sa trabaho. Akala ni Rhea wala pa si Lucas dahil kadalasan ay mga alas-dyis pa ito umuuwi pero laking gulat niya na lamang nang bumungad sa kanya ang apat na bakla este lima pala dahil nandoon rin ang kanyang asawa.
"Anong meron?" Nagtatakang tanong ni Rhea sa apat habang iwas ang mata kay Lucas.
"SLEEP OVER!" Masayang sigaw ng mga ito sa kanya.
"Ah! Diyan kayo matutulog sa sala?" Tumatango niyang saad sa kanila.
"Nope! Anong kayo? Tayong lahat noh, duh?!" Maarteng wika ni Nicole na siyang ikinagulat ng huli.
"Huh? Ba't kasama ako?" Turo ni Rhea sa sarili.
"Of course, asawa mo si Lucas, tinatanong pa ba iyan?" Ani naman ni Kaley.
"Ah kasi....may gagawin pa ako eh. Atsaka hindi pwede..."Mahinang pagtanggi ni Rhea sa kanila.
Nagkatinginan naman ang apat at sabay-sabay tiningnan si Rhea nang nakataas ang isang kilay.
"Stop making excuses, okay? Atsaka bakit hindi pwede? Warla (Nag-away) ba kayo ni Mareng Lucy (Lucas)?" Pag-usisa pa ni Ruffa.
"No! Hindi naman sa ganoon!" Depensa naman ng huli.
"Isn't obvious? She's running away from me." Sabat ng tahimik na si Lucas sa kanila kaya pare-pareho silang napaharap rito.
"Why naman Mars? Teenager lang ang peg niyo? Bakit ba? Anong nanyari?" Marites mode na sunod-sunod na busisa ni Nicole kay Lucas.
"Because She confe-" Hindi na naituloy ni Lucas ang sasabihin nang dali-daling tinakpan ni Rhea ang kanyang bibig.
"Ano kasi...paano ba?... Ah! ganito, away mag-asawa kasi yon kaya bawal sabihin. It's a secret. Right Luc?" Pekeng paliwanag ni Rhea saka nagbabantang tumingin sa lala-bakla.
Napairap naman ang huli sa kanya bago alisin ang kamay na nakatakip sa bibig nito.
"By the way, here take this!" Tumayo si Ruffa sa sofa saka inabot kay Rhea ang isang sobre.
"Ano ito?" Takang tanong ni Rhea pagkatanggap ng sobre.
"Sobre... Charot! Invitation iyan. Birthday ko na the day after tomorrow at pupunta tayo sa Baguio since my family own some Resorts there. Syempre kasama ka, that's why tell your boss na hindi ka muna papasok bukas dahil bukas na bukas din ang alis natin." Paliwanag nito at muling naupo.
"Bukas? Agad-agad?"
"Yup, Nakita mo ba iyon Ri?" Turo ni Rave sa mga naglalakihang maleta dahilan para mapanganga ang babae.
"Handa na ang gamit namin. Kayo na lang dalawa ni Lucas ang hindi, kaya mag-impake na kayo. 10 am ang alis natin bukas." Dagdag pa nito.
"Okay, magpapaalam ako. Teka, kumain na ba kayo?" Tanong ni Rhea sa kanilang lahat.
"Yup! Kumain na kami Ri. How about you?" Masayang sagot ni Rave.
"Not yet." Simpleng sagot ng babae na aalis na sana nang biglang tinawag ni Rave.
"Wait up!" Tawag nito kay Rhea habang patayo.
Huminto naman si Rhea at kunot-noo itong hinarap.
"What?"
"Lulutuan kita, Come on." Aya nito habang naglalakad palapit kay Rhea. "Namiss kitang pagsilbihan."
Pagkalapit ay inakbayan ito ni Rave at sabay nilang tinungo ang kusina.
Malisyosong nagkatinginan naman sina Nicole, Kaley at Ruffa.
Habang si Lucas ay napairap na lang sa nangyari.
'How dare her? She said she loves me but why the hell she's flirting with Rave. ' Isip-isip ni Lucas.
****
FOLLOW
TIP
COMMENT
GODBLESS

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Chri Zil Licono

    very good

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Do nascimentoArthur

    maravilhosooooo, eu amei o livro

    21/02/2025

      0
  • avatar
    Maricel P. Delcastillo

    grabe Ang Ganda ng kwento ...galing mo author 👏👏👏

    29/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata