logo text

CHAPTER 22

RHEA's
DINALA ako ni Clinton a.k.a. Stranger sa isang restaurant. May kotse naman kasi siya kaya mabilis lang ang naging biyahe.
"Here, you can seat here." Sabi niya bago ako pinaghila ng upuan. Napangiti naman ako nang palihim habang paupo. In fairness ah, gentleman si Stranger.
Pagkatapos noon ay umupo na rin siya sa katapat kong upuan. Pagkaraan ay Jtinaas niya ang kanang kamay niya para tawagin ang waiter habang ako naman ay pinagmasdan muna ang labas. Ang kinuha niya kasing pwesto ay banda sa gilid kaya malayang maglibot ang mata ko dahil transparent naman itong wall.
"What do you want to eat Miss?" Magalang na tanong ni Clinton sa akin kaya napabalik ang atensyon ko sa kanya.
"Same as yours, hindi naman ako mapili sa pagkain. stranger."
Napa-smirk naman ito sa sinabi ko,"Stranger huh?" Nakangisi nitong untag bago muling ibaling ang tingin sa waiter na hinihintay ang order namin.
Kinausap naman ito ni Clinton at hindi rin nagtagal ay lumakad na ito paalis. Habang ako naman, hindi alam ang gagawin kung magsasalita ba ako o hindi. Baka kasi isipin ng lalaking ito na feeling close ako sa kanya at ang malala ay baka akalain niya pang may gusto ako sa kanya. Dahil doon, tahimik akong napayuko at hinihintay siyang mag-first move.
Sandaling nanaig ang katahimikan sa pagitan naming dalawa, pero nawala iyon nang biglang magsalita si Clinton. "So...are you single?"
Napa-angat naman ako ng ulo sa tanong niya at hindi makapaniwalang napatingin. Aba't, ang bilis niya naman kumilos?
"I'm married." Pag-amin ko sabay pakita ng kamay ko na suot-suot ang wedding ring namin ni Lucas.
Nanlaki naman ang dalawang mata niya,"What? You're already married? Who's the lucky guy?"
"He's not a guy because he's gay." Nayayamot kong sagot bago uminom ng tubig.
"What the H*l-!" Hindi na natapos nito ang pagsasalita dahil tinakpan ko agad ang bibig niya.
"Manahimik ka nga at huwag kang sumigaw." Mahinang saway ko sa kanya.
Mukha namang natauhan na siya kaya inalis ko na rin ang kamay ko.
"How did that happen?" Pag-usisa niya pagkatapos tumikhim.
Napakibit-balikat naman ako,"Long story."
"I'm all ears." Pamimilit naman nito sa akin at talagang nagpa-cute pa. Akala naman niya may epekto iyon sa akin.
"Nah, Maybe some other time." Pagtanggi ko.
Napansin ko namang kukulitin pa sana ako nito kaso lang dumating na ang mga waiter bitbit ang mga pagkain namin kaya ayon, no choice siya kundi pumirmi at manahimik.
Nang makaalis ang mga waiter ay nagpatiuna na rin ako sa pagkain para hindi na siya muling magtanong about sa marriage ko kay Lucas. Mukhang napansin naman niya iyon kaya iniba niya na lang ang topic.
"What about work?"
"I don't have one, but I'm currently looking on it. Ayoko namang umasa sa bakla kong asawa dahil maghihiwalay rin kami after four months." Payak na paliwanag ko.
"Ano bang natapos mo?" Biglang pag-tagalog nito na ikinagulat ko.
"Marunong kang magtagalog?" Gulat kong tanong sa kanya.
"Yep." Nakangiting sagot nito na ikinasama ng istura ko.
"What the! Marunong ka naman pa lang magtagalog pinahirapan mo pa akong mag-english."
"You didn't ask."
"Aba't sumagot ka pa talaga!" Nangigigil kong saad sa kanya pero tinawanan niya lang ako.
"Your cute, you resemble my little sister." Mahina niyang dugtong.
"May kapatid ka?"
"Yeah, but she passed away five years ago because of cancer."
"Sorry about that." Hinging tawad ko.
"Don't be, Pasensya na rin kung feeling close ako sa iyo. You just really reminded me about my sister." Dagdag niya pa gamit ang salitang tagalog ngunit mahihimigan pa rin ang accent nito sa kanyang tono.
"Okay lang, sa totoo lang pareho rin kayo nang ugali ng kuya ko kaya medyo...alam mo iyon parang kumportable akong kausap ka kahit ngayon lang tayo nagkakilala. Like your sister, Kuya Rhed was already gone. Namatay siya kasama ng Dad ko dahil sa aksidente na kinasangkutan ng pamilya namin two years ago." Malungkot na kwento ko sa kanya sa kalagitnaan ng aming pagkain.
********
Samantala...
LUCAS'
"Babe, I heard masarap ang food dito oh. Let's try." Aya ni Cristoff at nagpatiuna nang maglakad papasok sa loob ng isang restaurant na bago sa aking paningin. Wala naman akong nagawa kundi sumunod sa kanya at sinamahan siyang maghanap ng bakanteng pwesto.
Nang makahanap ay pinaghila niya ako ng upuan kaya naupo naman ako kaagad. Habang si babe naman ay naupo sa harapan ko.
Oh diba? Sweet ng boyfie ko. Tinuturing niya talaga akong babae hindi katulad ng mga ka-fling ko dati na pineperahan lang ako. 
"Is that Rhea?" Tanong niya habang nakaturo sa likod ko kaya napalingon naman ako kaagad.
At gayon na lang ang pag-init ng ulo ko sa nasaksihan. Si Rhen may kasamang lalaki at nakikipagtawanan pa. Saan ka pa, kung makipag-landian akala mo ay walang asawa. Atsaka, akala ko ba sa hospital ang punta niya. Bakit siya nandito at nakikipag-date.
"Babe." Pagtawag sa akin ni Cristoff kaya muli akong napabaling sa kanya.
"Yes?"
"What do you want to eat?"
"Kahit ano na lang babe." Tipid na sagot ko habang nakakuyom ang kamao sa ilalim ng lamesa.
Pagkatapos noon ay tinawag niya na ang waiter. Habang ako naman ay muling lumingon pabalik sa lamesa na inakukupahan ni Rhea at ng kasama niya. Tamang-tama dahil biglang tumayo si Rhea at balak atang magpunta ng rest room.
Hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko kaya naman nagpaalam rin ako kay Cristoff na kasalukuyang kinakausap ang waiter na pupunta akong banyo. Tumango naman siya kaya umalis na rin ako kaagad.
Sinundan ko si Rhea sa restroom pero hinintay ko lang siya sa labas. Hindi rin naman nagtagal ay nakita kong gumalaw na ang seradura ng pinto at mula doon ay bumungad ang mukha ng asawa ko.
RHEA's
"L-Lucas? Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong ko kay Lucas na nakasandal sa may pader habang matalim na nakatingin sa akin.
"I should be the one asking that. Akala ko ba hospital ang punta mo pero ano itong nakikita ko? May ka-date ka pa talaga." Galit na bulyaw niya sa akin pabalik.
Napaismid naman ako. Ano naman ngayon kung may kasama ako? Bakit ba siya nagagalit gayong siya naman ang unang umiwas sa aming dalawa.
"Sa hospital naman talaga ako pumunta. Nagkataon lang na niyaya ako kumain ni Clinton. Atsaka, bakit ba kailangan kong magpaliwanag sayo! Makaalis na nga." Naiinis kong paliwanag bago lumakad paalis.
Pero hindi pa ako gaanong nakakalayo ay hinila niya naman ako at marahas na sinandal sa pader. Buti na lang at wala pang tao na dumadaan.
"Ano ba Lucas! Umalis ka nga." Taboy ko sa kanya palayo.
Hinarangan niya kasi ng dalawa niyang braso ang bawat gilid ko, kaya wala akong choice kundi labanan siya gamit ang tingin.
"Who is he? Why are you with him?" Nanliliksik ang mata niyang tanong.
"Ano bang problema mo huh? Wala kang pakialam kung sino siya kaya pwede ba, umalis ka na!" Galit na ganti ko pabalik habang pilit na tinatanggal ang kamay niya. Ngunit ayaw talaga nitong magpatinag.
"Niloloko mo ba ako Rhea? boyfriend mo ba siya ha? Tell me!" Sigaw niya na ikinangiwi ko. Medyo malapit kasi ang boses niya sa tainga ko kaya ang lakas talaga ng impact. "You're Mine, Rhea. Kasal na tayo kaya hindi ka pwedeng mag-boyfriend. Kasal ka na so don't ever forget that."
"You're being unfair!" Anya ko. "Kapag ako bawal pero kapag ikaw pwede? I can't believe you, Lucas. You know what, I'm tired of this sh*t. Let me go or else I will shout." Pananakot ko sa kanya para tumigil na siya.
Umalis naman siya sa pagkakakulong sa akin pero bago iyon ay muli ako nitong binalaan, "Umuwi ka na ngayon din or else magsisi ka."
"Huwag na huwag mo akong utusan baka nakalilimutan mo asawa lang kita sa papel. Iniiwasan mo ako hindi ba? kaya panindigan mo iyang ginagawa mo hanggang sa magsawa ka." Malamig kong sagot pabalik bago siya tuluyang talikuran.
Pagkarating ko sa lamesa ay tapos ng kumain si Clinton.
"Bakit ang tagal mo, Miss?"
"My husband is here."
Lumingon-lingon naman ito sa paligid habang hinahanap kung sino ang tinutukoy ko. Sakto namang naglakad pabalik si Lucas, marahil papunta sa lamesa na inaakupan niya. Ngunit bago tuluyang umupo ay nagbabantang tumingin muna ito sa akin bago ako tarayan.
Napatingin naman ako sa lamesang inakupahan ni Lucas nang makita ko rin si Cristoff doon.
'So dito pala naisipan ng dalawa na kumain, what a coincidence.'
"He's behind you." Bulong ko kay Clinton saka tinuro ang likod niya.
Dahan-dahan naman siyang lumingon pabalik pero hindi niya nakita ang mukha ni Lucas dahil nakatalikod na ito sa kanya. Pagkaraan ay humarap naman ito muli sa akin at ngumiti.
"Why are you smiling, Stranger?" Nagtatakang tanong ko sa kanya. Ano na naman kayang kalokohan ang pumasok sa isip nito at ngiting-aso na naman.
"Let's play." Makahulugang anya niya.
"Aalis na tayo?"
Umiling naman siya at tinuro ang pagkain ko.
"Finish your food first and after that let's date." Utos niya na may kasama pang pag-kindat sa akin.
Napa-ubo naman ako ng wala sa oras. Ano naman kaya ang binabalak nito?
"Eat slowly, okay? Alam kong gusto mo ng Mag-DATE tayo, but hindi naman ako papayag na hindi mo ubusin ang food mo." He loudly said while emphasizing the word DATE.
"What are you doing?" Mahinang tanong ko na tamang-tama lang para marinig niya.
"May gusto lang akong malaman. Just go with the flow and finish up your food, stop asking questions."
Wala na akong nagawa kundi tapusin ang pagkain ko. Mabilis rin naman akong natapos dahil kaunti na lang naman ang natira ko kanina bago ako magpaalam na mag-banyo.
"You're done? Good. Let's go." Aya niya at tumayo na kaya nagmamadaling inayos ko ang sarili ko bago siya sundan.
Nauna siyang maglakad habang ako naman ay tahimik na nakasunod sa yapak niya. Maayos lang ang lahat pero biglang hinarang ni Lucas ang paa niya at huli na nang napansin ko iyon kaya...
"Aaaahh!" Malakas na tili ko dahil alam kong mahuhulog na ako. Hindi ko akalaing gagawin nito sa akin ni Lucas at talagang sa harap pa ng maraming tao. Kahihiyan ang aabutin ko nito lalo na at restaurant 'tong kinainan namin.
Ngunit bago pa ako mahulog ay may humapit na sa akin sa may beywang dahilan para makaligtas ako sa kahihiyan.
Napa-angat ang tingin ko kay Clinton na siyang nagligtas sa akin. Gusto ko ng umiyak. Bakit ba sa akin ginagawa ni Lucas ito? Ano bang kasalanan ko sa kanya? Kung bakit gusto niya akong mapahiya, samantalang siya naman ang lumalayo?
"You should have been more careful, Miss." Anya ni Clinton bago ako dahan-dahang inalalayan patayo.
Mabilis ko namang binalanse ang sarili ko at yumuko. Ayaw kong makita ako ng tao na ganito. Nakakahiya.
"Sorry about what happen, my Miss...as you can see, she's quite clumsy but that's one of the things why I like her." Hinging paumanhin ni Clinton sa mga tao na ikinapula ng mukha ko.
Nakuha kasi namin ang atensyon nilang lahat dahil na rin sa pagtili ko. Pero ang mas nakakagulat ay iyong simabi ni Clinton. Parang ang gusto niya kasing iparating ay mag-kasintahan kaming dalawa.
"You're so sweet, what a lovely couple." Kinikilig na turan naman ng isang ginang na sinang-ayunan agad ng ibang naroon.
Magsasalita na sana ako para sabihin na hindi kami couple nang bigla kong hinapit ni Clinton palapit sa kanya at saka inakbayan.
"Really? Bagay kami?" Nakangiting tanong niya sa mga tao.
Sabay-sabay naman na tumango ang mga ito. Ako naman biglang na-estatwa sa kinatatayuan ko dahil hindi ko alam kung ano ang ire-react sa sandaling iyon.
"Kiss!" Sigaw ng kung sino mula sa hindi kalayuan, hanggang sa dumami pa ang sumunod.
Humarap naman sa akin si Clinton kaya alanganin napatingin ako sa kanya,"Paano ba yan, miss. Kiss daw, pagbigyan na natin." Malambing na turan niya sa akin at walang babalang  inilapit ang mukha sa mukha ko. Hanggang sa tuluyan nang magdikit ang bawat tungki ng ilong namin.
Hindi ko alam kung pipigilan ko siya o hindi pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na napapikit. Pero agad din naman akong napadilat nang magsigawan ang mga tao na tila may nangyayaring kaguluhan. Laking gulat ko na lang nang matagpuan ko si Clinton na nakahiga sa sahig habang nakapatong sa kanya si Lucas na pinagsusuntok siya.
"Clinton!" Sigaw ko at lumapit sa kanila para umawat.
Naglabasan na rin ang mga crew para umawat pero ayaw nilang magpatinag. Yes nila, dahil gumanti na rin pabalik si Clinton na mukhang napikon na. That's it, hindi ko alam kung anong sumapi kay Clinton at nakipagsuntukan sa loob ng restaurant gayong sa tingin ko ay kayang-kaya niya namang patigilin si Lucas dahil mas malaki ang katawan niya. But anyways, we have to stop them.
"Lucas, stop!" Awat ko saka hinawakan si Lucas nang mahigpit para tumigil.
"You f*cking bastard! That's my wife so back off!" Nanginginig sa galit na sigaw nito habang nanliliksik ang mga matang nakatingin kay Clinton.
Inis na bumitaw siya sa akin at inayos ang damit niyang nagusot. Hindi ko naman siya pinansin at mabilis na lumakad palapit kay Clinton.
"Oh my! Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ko kay Clinton na nagawa pa akong ngitian sa kabila ng suntok na natamo nito mula sa asawa kong bakla.
"So, siya pala ang bakla mong asawa." Komento niya habang pinupunasan ang dugo sa labi.
"Ano naman kung bakla ako ha!" Ani Lucas sa kanya.
Akma pa sanang susuntukin ni Lucas si Clinton pero humarang na ako kaya napahinto siya,"I SAID STOP!"
Alam kong nagtitimpi lang si Lucas dahil makikita pa rin ang pag-igting ng kanyang panga, pero galit din ako. Hanggang ngayon hindi pa rin mawala sa isip ko ang ginawa niya sa akin kanina na muntik na akong mapahiya tapos ngayon dinagdagan niya na naman. Mabuti sana kung ako lang kaso nadamay na si Clinton na wala namang kinalaman sa gulo naming dalawa.
"Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo?"  Pabalang na tanong ko sa kanya.
"That bastard is trying to kiss you so what do you think I should do? just f*cking watch you? The hell with it!" Nangagalaiting turan niya sa akin pabalik na may kasama pang pagkusot sa buhok dala ng panggigigil.
"Ma'am, Sir, huwag po kayo ritong mag-away. Nakakaabala na rin po kasi." Saway samin ng isang na lalaki na sa tingin ko ay manager ng restaurant dahil iba ang suot nitong uniform kumpara sa mga staff.
Napayuko naman ako sa hiya habang si Lucas naman ay masamang tumingin lang dito,"I don't f*cking care, I can buy this restaurant if I want to! So shut up."
Natakot naman ang manager sa inakto ni Lucas kaya wala itong nagawa kundi tumingin sa akin na animo'y nanghihingi ng tulong.
"Here, take this." Sabat ni Clinton kaya napatingin kami sa kanya na kasalukuyang hawak-hawak ang isang credit card para iabot doon sa manager. "Take this, kunin mo diyan iyong sa food namin pati na rin ng mga nasira. Just do it faster dahil aalis na rin kami." Dagdag niya pa habang dahan-dahang tumayo kaya  tinulungan ko siya.
Inabot niya sa manager ang credit card na agad naman nitong tinanggap at pumunta sa cashier para i-process ang payment namin.
"Sa akin siya sasama." Matigas na saad ni Lucas bago ako hilain sa kamay.
"No! Ako ang nagdala sa kanya rito, kaya sa akin siya sasama." Pakikipagtalo naman ni Clinton sabay kuha sa akin muli kay Lucas.
"She's my wife." Ani naman uli ni Lucas at hinatak ako ulit.
"I don't care, Asikasuhin mo na lang ang boyfriend mo na kanina pa nakatingin sayo, right Cristoff?" Nakaarkong kilay na wika ni Clinton bago pasadahan ng tingin si Cristoff na kanina pa nananahimik. Kung tutuosin, kung himdi lang siya binanggit ni Clinton baka nakalimutan kong nandito rin siya dahil sa halip na awatin niya nag boyfriend niya ay nagawa niya lang manuod sa drama naming tatlo.
Mukha namang natauhan si Lucas sa narinig dahil bigla itong namutla nang makita si Cristoff.
"See yah!" Paalam ni Clinton na may bahid na pang-a-asar bago ako hilain palabas matapos isauli sa kanya ng manager ang kanyang Credit card.
Magkakilala sila ni Cristoff?
How?
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan kaya kumportableng pumasok ako at naupo sa passenger's seat. Habang si Clinton naman ay umikit patungo sa Driver's seat. Nang makitang suot-suot ko na ang seatbelt ay pinaandar niya na paalis ang kotse nang hindi man lang nagsabi sa akin kung saan kami pupunta.
*****

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Chri Zil Licono

    very good

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Do nascimentoArthur

    maravilhosooooo, eu amei o livro

    21/02/2025

      0
  • avatar
    Maricel P. Delcastillo

    grabe Ang Ganda ng kwento ...galing mo author 👏👏👏

    29/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata