Tahimik na pinunasan ni Rhea ang mga mata gamit ang tisyu habang nagpapatuloy ang pelikula. Namamaga at mapula ang kanyang mga mata, ngunit sapat pa rin ang talas ng tingin niya para mapansin ang kakaibang tigas ng postura ni Lucas sa tabi niya. “Ano?” tanong ni Lucas, mas mababa at mas paos ang boses kaysa sa nakasanayan. May kung anong lambing at init sa tono nito na tila nang-aakit. “Okay ka lang ba?” Namamaos ang tanong ni Rhea, ramdam ang gaspang ng kanyang lalamunan dahil sa kakaiyak. Napakurap si Lucas, halatang nabigla. “Ha? Oo. Ayos lang ako.” Pagkasabi niya nito ay napalunok siya at umusog palayo kay Rhea. Hinatak niya ang kwelyo ng suot niyang top na para bang biglang sumikip. May init na gumapang sa balat niya, at pakiramdam niya ay masyadong malapit ang lampara sa kanila. Kumunot ang noo ni Rhea. “Namumula ka. At bakit biglang nagbago ang boses mo? Nasaan na yung girly tone mo?” Dumampi sa dibdib ni Rhea ang kakaibang pag-igting nang marinig ang bagong boses ni Lucas. Masyadong mababa. Masyadong nakakaapekto. Ano ba iyon? Normal ba iyon? Pag nalalasing ba ang mga bakla nagiging husky voiced heartthrob? “It is the wine,” sagot agad ni Lucas habang hindi makatingin kay Rhea. “Malakas pala.” “Talaga? Eh kalahati pa lang ang nainom mo.” “Oo nga. Lightweight ako,” sagot ni Lucas na pilit pinapakalma ang sarili. Hindi kumbinsido si Rhea. Tumingin siya sa bote ng wine at muling tumitig kay Lucas. “Iyan ba yung galing kay Don Lucio?” Piliting tumawa si Lucas. “Oo. Kung anu anong gift ang pinapadala nun.” Mas lalong nagduda si Rhea. “Anong klase ng wine iyan at parang naging lalaki ka bigla? Saka yung mukha mo, ang pula sobra. Look, your red down to your neck.” “Fuck!” Mabilis na napamura si Lucas nang lumapit si Rhea. Masyado na siyang malapit sa katotohanan. Nararamdaman niya ang pagkahilo, ang pagbilis ng tibok ng puso, pati ang amoy ni Rhea na parang umaakyat sa utak niya. Napatakip siya sa mukha at kunwari’y nagrelax. “Ayos lang ako, Rhea. Manood ka na lang diyan at umusog ka. Nasisikipan ako,” taboy ni Lucas sa kanya. “Ganito talaga ako pag nalalasing.” Napasimangot si Rhea at bahagyang umusog palayo. “Lasing ka nga pero ang arte mo pa rin. By the way, may tubig ka ba diyan? Nauuhaw ako.” “Wala,” matipid na sagot ni Lucas. Napabuntong hininga si Rhea. Ayaw sana niyang bumaba pero wala siyang magawa. Tumayo siya, parang puyat na sundalong napilitang maglakad pababa. Pagdating sa kusina, kinuha niya ang malamig na tumbler at uminom nang diretso. Halos ubusin niya ang laman, hinahayaan ang lamig na patayin ang kirot sa lalamunan. Pagkababa niya ng tumbler ay muntik na siyang mapatalon. “Lucas?!” Napasigaw siya sa gulat. Nakatayo si Lucas sa bungad, nakasandal sa pinto, at nakatitig sa kanya nang matagal. Hindi man lang niya narinig itong bumaba. “Alam mo,” sabi ni Lucas, mababa pa rin ang boses. “Nagbago isip ko.” Napakunot ang noo ni Rhea. “Tungkol saan?” Lumapit si Lucas nang mabagal, sinasadya ang bawat hakbang. Bago pa maunawaan ni Rhea ang nangyayari, ilang pulgada na lang ang pagitan nila. Wala siyang matakbuhan. Wala siyang matanggihan. Ramdam niya ang sarili niyang tibok sa tenga. “I changed my mind, Rhea dear,” bulong ni Lucas. “Let’s have our honeymoon tonight.” Hindi pa siya nakakasagot nang bigla siyang halikan ni Lucas. Una’y banayad, ngunit puno ng malinaw na hangarin. Nanlaki ang mata ni Rhea. Ano? Honeymoon? Hindi dapat. Hindi pwede. Hindi nila usapan ito. Tatalikod sana siya pero sinundan ni Lucas ang labi niya at mas pinalalim ang halik. Lumapat ang kamay nito sa batok niya. Nang kinagat nito ang ibabang labi niya ay napasinghap siya. Doon na nagsimulang mabura ang pagtutol niya. Hindi niya alam kung paano nangyari pero sa sumunod na sandali ay nasa ibabaw na siya ng countertop, hinahalikan si Lucas na parang matagal na niya itong hinintay. Inangat nito ang mga binti niya palibot sa baywang at binuhat siya papunta sa elevator, hinahalikan ang leeg habang naglalakad. Pagdating sa kwartong inihanda ni Don Lucio, binuksan lang saglit ni Lucas ang pinto saka siya inihagis sa waterbed. Pagsadsad pa lang niya sa malambot na kutson ay sumunod si Lucas, walang bakas ng pagdadalawang isip. At doon, sa gabing tahimik, nasuko ang matagal niyang pinanghahawakan. Hindi nila alam na nilagyan ni Don Lucio ng pampagana ang wine, dahilan kaya naging iba ang kilos ni Lucas. Isang tahimik na plano na nakabalot sa inosenteng regalo. Samantala, nasa sariling bahay si Don Lucio, nakahiga sa tabi ng natutulog na asawa, at nakangising parang batang nagtagumpay sa kalokohan. Kinabukasan… “AAAAAAAAAH!” Nagulat si Rhea sa malakas na sigaw kaya napabangon siya agad. Nanginginig ang dibdib niya sa kaba habang nakatingin sa kisame na hindi niya nakilala. Mainit ang araw, malamig ang hangin, at ang kumot sa katawan niya ay… Hubad siya. Napatili si Lucas sa tabi niya. “Ikaw!” sigaw nito, napasandal sabay takip ng mata. “Ay! Ang virgin eyes ko!” Mabilis na hinila ni Rhea ang kumot at tinakpan ang sarili. Nanginginig ang kamay niya at namumula ang mukha. “Ano nangyari?” halos hindi niya maitanong. Pagtingin niya kay Lucas ay nakaupo ito, gusot ang buhok at namumutla. Itinuro siya ni Lucas. “You! Inakit mo ako! Tinukso mo ako. Inalis mo ang inosente kong pagkatao!” Nanggigil si Rhea. “Ano? Ikaw ang unang humalik. Ikaw ang bumaba at sinundan ako at ikaw ang nagsabi na nagbago ang isip mo!” Napatanga si Lucas. “What? Sinabi ko yun?” “Oo. Dramatic pa at nanunggab ka agad.” Napatakip si Lucas ng mukha. “Hindi ako makapaniwala. Paano ko ipapaliwanag sa mga kaibigan ko na kumain ako ng tahong? At bakit hindi mo ako pinigilan? Alam mong lasing ako. Wala ako sa wisyo!” “Sinubukan ko pero mapilit ka!” depensa ni Rhea. Sasagot pa sana si Lucas nang tumunog ang cellphone niya. Pagtingin niya sa caller, agad niya itong sinagot. “Hello, Grandpa?” “How was the baby making? Successful ba?” masayang tanong ni Don Lucio. “Po? Ano pong sinasabi ninyo?” nanikip ang panga ni Lucas. “Huwag ka nang magdrama. Malakas ang instinct ko. Alam kong may nangyari sa tono pa lang ng boses mo. Kailan ko makikita ang great-grandchild ko?” “Grandpa. Did you plan this?” “Kaunting tulong lang para mapadali. Hindi naman agad nawawala ang pagiging bakla, alam ko naman yun, pero gusto ko ng apo kaya tumulong ako. Kumusta ang pakiramdam ng asawa mo?” Nanlamig si Lucas. “Hindi ako makapaniwala, Grandpa. I am hanging up.” Pagharap niya kay Rhea ay nanlilisik ang mata nito. “So,” sabi ni Rhea, “iyong lolo mo pala ang may kasalanan.” Tumango si Lucas, pagod at napapikit. “Oo. May nilagay siya sa wine kaya pala pinipilit niya akong painumin kagabi.” Tahimik na bumagsak ang bigat ng katotohanan sa pagitan nila. Hindi dapat nangyari ang lahat. Pero nangyari. At walang makakabura niyon. Nagpangabot pa sila sa kumot, parehong ayaw bumitaw. “Give me the blanket,” Mariing utos ni Rhea. “No. Gagamitin ko rin ito. Nag-iisa lang,” sagot ni Lucas. “Wala akong pakialam. Akin na. Babae ako at bakla ka,” hila ni Rhea. “Anong kinalaman nun? Atsaka nakita ko na lahat kagabi. Bakla ako, hindi naman magre-reac—” Nagpanting ang tenga ni Rhea at binato si Lucas ng unan bago pa matapos nito ang sinasabi. “Ayan! iyan ang pangtakip mo. Ang sakit na nga ng katawan ko tapos nang-aasar ka pa?” Sinunggaban niya ang kumot at binalot ang sarili bago tumayo at mabagal na lumakad papuntang banyo. Wala nang nagawa si Lucas kundi tumawa nang makita kung paano ito naglakad nang dahan dahan bago sinarado nang malakas ang pinto. Napailing siya sa ginawa ng kanyang lolo bago nag ayos ng sarili. Pagkatapos maligo si Rhea ay dahan dahan siyang lumabas para bumaba. Naabutan niyang may attendant na naghahanda ng pagkain habang si Lucas ay nakaupo sa upuan, nakatingin sa mesa na para bang hindi sigurado kung dapat ba siyang kumain. Pagkaalis ng attendant ay pumasok si Rhea sa kusina para magtimpla ng kape. “So, what happens now?” seryosong tanong ni Rhea. “Well… I do not know,” maingat na sagot ni Lucas. “Are we just going to pretend it did not happen?” tanong ni Rhea habang umuupo sa tapat niya. “The deed has been done. I underestimated Grandpa.” “Yeah. We did.” Huminga nang malalim si Lucas. “Anyway, last night was my fault. Sorry. Hindi ko inakalang magagawa iyon ni Grandpa. I hope you will not tell my friends about this.” “I will not. Sinong matinong babaeng magkukuwento ng sex life nila,” sagot ni Rhea bago sumimsim sa kape. Pagkatapos mag-almusal ay nagpahinga muna ang mag asawa bago nagpasiyang mag ikot sa beach. Habang bumibiyahe ay agad nakatulog si Lucas, samantalang si Rhea ay gising na gising at masayang pinagmamasdan ang tanawin sa labas ng sasakyan. Pagdating nila ay marahas niyang ginising ang baklang asawa, “Lucas, wake up. Nandito na tayo.” Inalog niya ito hanggang magising, at bago pa makapagsalita si Lucas ay tumakbo na si Rhea patungo sa dalampasigan na parang batang nakawala sa hawla. Tinatamad na sumunod si Lucas habang abalang kumukuha ng litrato. “We are leaving the day after tomorrow. Kaya sulitin mo na,” sabi niya, at doon nagsimula ang araw na para bang wala silang problema sa mundo. Naglaro sila sa alon hanggang mabasa ang damit, at sumubok ng mga water at air activities. Sa araw na iyon, para silang nakalimot sa lahat at naka-bakasyon lang. Habang naglalakad sa isla ay napansin ni Rhea ang isang stall na nagbebenta ng mga souvenir. “Lucas, halika. Bilhin mo iyon. Ang cute.” Tuwang tuwa niyang tinuro ang isang pendant. “Stop acting like a child,” Saway ni Lucas bago tumingin sa tinuturo niya. “Sige na please. Wala akong dalang Korean won kaya ikaw na ang bumili.” Nagmamakaawa siya habang naka puppy eyes. “Ako pa ang may kasalanang hindi ka nagdala ng Korean money?” taas kilay na tanong ni Lucas. Plano niya sanang asarin pa sana si Rhea ngunit tila tinotoo nito ang tampo. “Ang kuripot mo. Kainis ka. Bahala ka diyan.” Inis na saad ni Rhea bago umalis at iniwan si Lucas sa harap ng stall. Napakamot na lang si Lucas bago bilhin ang pendant na gusto ni Rhea. Matapos ipa ukit at magbayad ay naglakad siya para hanapin ang pikunin niyang asawa. Nakita niya itong nakaupo sa isang bench. Lalapitan na sana niya ito nang biglang may lumapit na banyagang lalaki sa kinauupuan ni Rhea. “Hi, Miss, can I have your name? I am Dea…” Hindi na natapos ang pagpapakilala dahil sumingit si Lucas. “Dude, she is married. Back off.” Taboy ni Lucas sa lalaki kahit aminado siyang gwapo ito. “At ikaw, halika na dito at tom jones na me.” Hinila niya si Rhea palayo. Umangat ang kilay ni Rhea sa sinabi ni Lucas pero hindi na niya iyon pinansin. Ilang minuto pa ng paglalakad at may nakita silang seafood restaurant. Hindi matao kaya napagpasyahan nilang doon magtanghalian. Pagkaupo ay agad napansin ni Rhea ang waitress na panay ang tingin kay Lucas na para bang wala itong kasama. Nainis siya. Kinuha ang cellphone at nag Google Translate. “Agassi, bogo gyesin geu namja… je nampyeonieyo. Geureoni deoneun barabojianassseumyeon haeyo.” Malamig niyang binasa ang Korean translation ng ibig niyang sabihin: Miss, that man you keep looking at is my husband. I would appreciate it if you stopped looking at him. Nanlaki ang mata ni Lucas. “You can speak the Korean language?” Inismiran lang siya ni Rhea bago ipinakita ang cellphone kung saan naka open ang translation app. Napamulagat ang waitress, nag bow nang mabilis at umalis kaagad sa hiya. Kinagabihan, habang naglalakad sila sa tabing dagat, pareho silang tahimik. Ramdam ni Lucas na may tampo pa rin si Rhea kaya napagpasyahan niyang ilabas ang binili niyang regalo. “Here, take this.” Inabot niya ang maliit na box kay Rhea. “What is this? Peace offering?” tanong ni Rhea bago ito buksan. Hindi sumagot si Lucas, nakatitig lang habang inaangat niya ang takip. Pagbukas ni Rhea ay napasinghap siya at natakip ang bibig. Halos manluha siyang tumingin kay Lucas bago maingat na kinuha ang shell pendant na kanina pa niya gusto. Nang itaas niya ito ay saka niya napansin ang nakaukit. “Mrs. Villarreal,” mahina niyang basa. “Yup and here is mine, Mr. Villarreal.” Inangat ni Lucas ang isa pang pendant para ipakita ang pair nito. “Thank you. I love it.” mabilis na niyakap ni Rhea si Lucas. Hindi mapigilan ang tuwa na parang sumabog sa dibdib niya. “Great. Kaya tigilan mo na ang tampururot mo. Hindi bagay sa iyo,” sabi ni Lucas. “Para maalala mo rin na kasal ka na. At huwag kang basta basta nakikipag usap sa mga lalaki. Pero okay lang kung irereto mo ako. Char!” Ngumuso si Rhea bago kumalas. “Ikaw din. Mapa-babae man o lalaki.” “Fine. Tiis muna ako sa tingin-tingin.” Malungkot na sabi ni Lucas na may kasama pang maliit na padyak ng paa. Naglakad sila pabalik sa dalampasigan, magkadikit ang mga balikat. Sa ilalim ng papalubog na araw ay tila naghalo ang linya sa pagitan ng kasinungalingan at katotohanan. At sa gitna ng katahimikan, pareho nilang alam ang isang bagay. May bago nang nangyayari sa pagitan nila, at hindi iyon basta mawawala.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
very good
18/05/2025
0maravilhosooooo, eu amei o livro
21/02/2025
0grabe Ang Ganda ng kwento ...galing mo author 👏👏👏
29/12/2024
0Tingnan Lahat