logo text

CHAPTER 11

Pagkaalis ni Rhea, agad na tumingin si Lucas kay Ravy, halatang sabik mang-usisa. Hindi niya kayang palampasin ang nakita. Kitang-kita niya kung paano nagkatinginan sina Rhea at Ravy, na para bang may ibig sabihin. Obvious na may pinagsamahan ang dalawa. Pero ano kaya iyon? Bakit ganoon na lang ang gulat ni Rhea nang makita si Ravy? Alam ni Lucas na hindi naman bakla si Ravy noon, ngunit parang may tensyon sa pagitan nila. Posible kayang magkakilala na sila dati?
“Ano yun, Ravy?” tanong ni Lucas nang diretsahan. Napatingin sa kanya si Ravy na para bang nagulat na natawag.
“Yeah, Mare! May tinatago ka ba sa amin?” sabat ni Nicole, halatang kuryoso. Siyempre, sumunod agad ang iba. Magkakaibigan silang lahat at aminado silang mahilig sa chismis.
“This is outrageous!” sigaw ni Ruffa habang tumabi kay Ravy. “Ano meron? Bakit mo siya tinawag na Ri? Magkakilala kayo? Spill the tea, please!” halos tumatalon pa sa tuwa.
Sa halip na sumagot, tumingin si Ravy kay Kaley na kanina pa tahimik. Parang umaasa siyang ito na ang magsasalita, ngunit itinaas lang ni Kaley ang dalawang kamay.
“My God, sila lang ang chismosa dito, okay? Don’t look at me,” sabi ni Kaley habang itinuro ang tatlo. “Besides, ayokong magsayang ng laway. Alam mo na, Ravy. Magkwento ka na lang. Hindi titigil ang mga yan hangga’t di mo sinasabi.”
“Oh please, kunwari kang walang pake, pero nakikinig ka rin naman,” balik ni Nicole.
“At least ako lowkey,” biro ni Kaley sabay labas ng dila na parang bata.
Napailing si Lucas at sumabat. “Pwede bang manahimik muna kayo? Magpapaliwanag na si Ravy.”
Wala nang nagawa si Ravy kundi huminga nang malalim. “Siya yon…” panimula niya. Napasinghap agad ang grupo. “Siya ang first love ko, ang TOTGA ko, ang ex ko, at ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon.” Bumaba ang tingin niya, at biglang tumahimik ang lahat.
Ang liit talaga ng mundo, naisip ni Lucas. Ang fiancée ko pala ay ex ni Ravy. Sa tagal nilang magkaibigan, ni minsan ay hindi nabanggit ni Ravy ang tungkol sa past relationship niya. At ngayon, nalaman niyang may kwento pala iyon—at babae pa.
“Aigoo! Pero bakit kayo naghiwalay?” tanong ni Nicole, unang nakabawi sa gulat.
Ngumiti si Ravy nang mapait at kumibit ng balikat. “Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam. Tinawag niya akong lumabas noong araw na yon, tapos kinagabihan, nakipag-break siya.”
“Mars, gaano na katagal mula nang iwan ka niya?” tanong ni Ruffa habang iniaabot ang baso ng juice.
Tahimik lang si Lucas at pinatong ang kamay sa balikat ni Ravy. Kita sa mga mata nito na may kirot pa rin sa puso. Naiintindihan niya—kung siya ang nasa sitwasyon ni Ravy, siguradong ganoon din mararamdaman niya.
“Dalawang taon na,” sagot ni Ravy bago uminom ng juice.
Dalawang taon, inulit ni Lucas sa isip. Baka may kinalaman iyon sa aksidenteng nangyari kay Rhea noon. Kilala ko siya, kaya posible.
“Mars, gusto mo ng alak? Baka mas okay kung lasingin na lang natin tong sakit,” biro ni Nicole, ngunit napaigik siya nang paluin ni Kaley sa ulo.
“Ang bilis mong nagyayaya, pero ikaw din unang bumabagsak. Huwag mo akong idamay, hindi kita bubuhatin pauwi,” sagot ni Kaley, dahilan para matawa ang lahat.
“Come on, Mars, kwento pa. Huwag mo kaming bitinin. Alam naming sasabihin mo rin yan,” giit ni Nicole.
Napangiti nang mapait si Ravy bago nagsimula ulit.
FLASHBACK (Dalawang taon na ang nakalipas)
Alas-tres ng hapon, huminto si Rave sa pagbabasa ng brochure nang biglang tumunog ang cellphone niya. Agad niyang sinagot nang makita ang pangalan ng girlfriend niya.
“Hey, Ri, miss mo na agad ako?” pabirong tanong niya.
“R-Rave… labas tayo. Nandito ako sa Circle,” sagot ni Rhea, halatang may pag-aalinlangan.
Kumunot ang noo ni Rave. “May problema ba? Parang iba tono mo.”
“W-wala naman. Hintayin mo lang ako ha? See you, Rave. I love you,” sabi ni Rhea bago ibaba ang tawag.
Ngumiti si Rave. “I love you too. Wait for me, okay? I’ll be there fast.”
Mabilis siyang nag-ayos at umalis. Dahil magaan ang trapiko, nakarating siya agad.
Pagdating niya, nakita niyang nakaupo si Rhea sa swing, nakayuko at parang malalim ang iniisip. Lumapit siya at hinalikan ito sa noo.
“Hi, love, nainip ka ba?” bati niya.
“Hindi naman. Tara, date tayo,” sagot ni Rhea sabay hawak sa kamay niya.
Maghapong naglibot ang dalawa, at nang magdilim, nagyaya si Rhea na maglakad-lakad ulit. Masaya pa rin si Rave hanggang biglang nagsalita ang dalaga.
“Rave… maghiwalay na tayo,” mahina pero malinaw ang boses ni Rhea.
“Ha? Ano’ng sabi mo?” halos hindi makapaniwala si Rave.
“Hindi ako nagbibiro. Kailangan ko ‘to gawin. Hindi ako buo ngayon, at ayokong masaktan ka pa. Kaya please, pakawalan mo na ako.”
“Rhea, please, ayusin natin ‘to. Mahal na mahal kita,” halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Rave.
Umiling si Rhea, nanginginig ang tinig. “Mahal din kita, pero hindi ko kaya. Ingatan mo sarili mo, ha?”
Hinalikan niya si Rave sa huling pagkakataon bago tumakbo palayo. Naiwan si Rave, tulala, habang unti-unting tumulo ang luha.
Ang unang babaeng minahal niya, siya rin ang unang bumasag ng puso niya.
PRESENT TIME
“So, meaning, wala kayong closure?” tanong ni Nicole.
“Obvious ba? Kita mo naman kung gaano sila ka-awkward kanina,” sabat ni Kaley.
Tahimik lang si Ravy. Sa isip ni Lucas, para silang nasa telenovela. Buti na lang hindi ako in love. Hindi ko kakayanin ang ganitong drama.
“Ang lungkot naman, Baks. Buti na lang talaga hindi ako na-in love sa babae,” sabi ni Ruffa.
“Well, hindi mo nga pinatulan ang kapatid ko kahit siya pa ang nanligaw sa’yo,” biro ni Lucas.
“Tarantado ka. Ibebenta kita sa mga babae,” balik ni Ruffa, at nagtawanan silang lahat.
Habang nagkakasiyahan, napansin ni Lucas si Ravy na tahimik lang, nakatitig sa baso. Para bang may malalim na iniisip.
“Ravy,” tawag ni Lucas.
“Hmm?”
“Naka-move on ka na ba sa kanya?” seryosong tanong ni Lucas.
Napayuko si Ravy bago pilit na ngumiti. “Of course! What are you talking about? Member na ako ng federation. Hindi na ako iibig sa babae. Once is enough.”
“Good. Kasi—” sabat ni Ruffa, ngunit naputol nang magsalita ulit si Ravy.
“By the way, bakit nga pala nandito si Rhea? Paano niyo siya kilala?” tanong nito.
Tahimik ang lahat. Lahat ng mata ay napunta kay Lucas.
Napabuntong-hininga si Lucas. “Si Rhea... fiancée ko siya.”
“WHAT?!” napasigaw si Ravy at napatayo. “H-how come?”
“Wow, grabe reaction! Akala ko nakamove-on ka na?” sabat ni Ruffa.
“Yeah, Ravy!” dagdag ni Nicole.
Tinitigan lang ni Ravy si Lucas. “Magpapakasal ka? Mahal mo siya? Mahal ka rin ba niya? Pero… hindi ba bakla ka?”
“Of course not! Hindi ako magpapakasal ng totoo. Six months lang ‘to. Pag nakuha ko na ang mana ko, hiwalay na kami,” paliwanag ni Lucas.
“When’s the wedding?” tanong ni Ravy.
“Next month. Syempre, invited kayong lahat. Dito sa Pilipinas gaganapin para hindi malaman ng lolo ko,” sagot ni Lucas.
“Ahh, so fake lang pala. Akala ko naging lesbian ka na,” biro ni Ravy, kaya nagtawanan ulit ang lahat.
Maya-maya, napunta na sa ibang usapan ang grupo. Tumayo si Lucas at pumunta sa kwarto ni Rhea.
Hindi naka-lock ang pinto, kaya pumasok siya. Nakatalikod si Rhea, may hawak na larawan. Nang lumapit siya, nakita niya kung ano iyon—picture nila ni Ravy.
So, hindi pa talaga nakakamove on ang bruha, naisip ni Lucas.
“Hey,” bulong niya sa tainga ni Rhea. Napatalon ito at mabilis na itinago ang litrato.
Ngumiti si Lucas. “No need to hide it. I already saw. Don’t you think it’s time to talk to Ravy and get closure?”
“I don’t know,” mahina ang boses ni Rhea, halatang kakaiyak lang.
Hinawakan siya ni Lucas sa balikat. “Do you still love him?”
Umiling si Rhea. “Hindi ko alam. Akala ko nakalimutan ko na, pero nang makita ko siya ulit, bumalik lahat ng sakit.”
“I think you need to talk to him. He’s my best friend,” sabi ni Lucas.
“Iniisip ko na rin yan. Gusto ko siyang kausapin bukas, sa lugar kung saan kami naghiwalay,” sagot ni Rhea.
“Good. Magpahinga ka muna. Ako na bahala kay Ravy.”
Paglabas niya, abala pa rin ang grupo sa panonood ng TV.
“Ravy,” tawag ni Lucas.
“Hmm?”
“Gusto kang makausap ni Rhea bukas. Sa lugar kung saan kayo nag-break.”
“N-niyaya niya ako?” gulat na tanong ni Ravy.
“Yes. Bakit mo inuulit?” sagot ni Lucas, halatang inis.
Tahimik ang paligid, ngunit nagkatinginan sina Ruffa, Kaley, at Nicole.
“Oh my God,” pabulong ni Nicole. “Someone’s jealous.”
Sabay silang tumango nina Ruffa at Kaley, habang si Lucas ay clueless pa rin.

Komento sa Aklat (41)

  • avatar
    Chri Zil Licono

    very good

    18/05/2025

      0
  • avatar
    Do nascimentoArthur

    maravilhosooooo, eu amei o livro

    21/02/2025

      0
  • avatar
    Maricel P. Delcastillo

    grabe Ang Ganda ng kwento ...galing mo author 👏👏👏

    29/12/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata