Chapter 18

Pagdating sa bahay ay agad kong inayos ang muka ko para hindi halata na umiyak ako kanina.
Pagkapasok ko pa lang ay agad kong namataan si Venice na nasa sofa habang nakatutok sa laptop. Nang mapansin ako ay agad siyang tumayo.
"So? Pangit pa rin ba si Felice?" Bungad niyang tanong.
"Sobrang ganda nga eh" sagot ko at aalis na sana ng pigilan niya ulit ako.
"Did she ask for me?" Kumunot ang noo ko at naguguluhan sa tanong niya.
"No. Hindi ko naman sinabing ikaw ang magulang ko" bahagya siyang natigilan sa sinabi ko at napaangat ang kilay.
"At diba sabi niyo magkaaway kayo?" Sunod kong tanong.
"Psh. Just go" pagtaboy niya saakin at bumalik ulit sa pag-upo.
Umakyat ako sa kuwarto ko at mabilis na nagbihis.
Tinignan ko ang cellphone ko at nagbabasakaling may makitang message pero wala.
Days passed at kahit isang text ay wala akong nakuha kay Leonardo. Hindi naman akong nag expect dahil alam ko naman kung ano ang ginawa ko.
"Amaryliss!" Agad akong napalingon at nakita si Ted na kumakaway. Nandito kasi ako ngayon sa tindahan at nagbabantay.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko sakanya. Hinihingal pa siyang lumapit saakin.
"Punta tayong plaza! Naglalaro sina Hugo, Leonardo, Marc at Ysmael at kalaban nila iyong taga kabilang bayan!"
Medyo nagulat ako sa sinabi niya pero agad ko ring ibinalik ang atensiyon ko sa pagsusulat ng mga tinda.
"Ayoko. Hindi naman sila artista" Naramamdaman ko ang nagtatakang tingin ni Ted saakin dahil sa sinabi ko.
"Ayaw mo bang i support si Leonardo? Diba siya ang pinili mo?" Napakamot ako sa batok ko at tinignan siya. Anong sinasabi niya?
"Wala akong pinili ok?" Diin kong sabi.
"What?! Ang choosy mo naman." Aniya habang nakabusangot ang muka.
"Tara na kasi samahan mo'ko! Alam mo bang palagi ko na lang nakikita si Morgana kasama si Leonardo. Baka maagaw na talaga niya ang Leonardo mo"
Natigilan ako sa sinabi niya at agad nabitawan ang ballpen.
Diba ito naman talaga ang gusto ko? Ang maging sila ni Morgana.
"Nandiyan naman si Gorio na nagbabantay eh" saad ni Ted at kinuha ang braso ko para hilahin.
Huminga ako ng malalim at nag-isip. Hindi talaga ako tatantanan ng isang to.
"Fineee" bored kong sabi at tumayo. Pero kumuha muna ako ng bottled water dahil baka mauhaw ako mamaya. Pumalakpak pa si Ted dahil pumayag ako at agad nagpaalam kay Gorio.
Ng papalapit na kami sa plaza ay agad kong narinig ang hiyawan ng mga tao.
Hinihila pa ako ni Ted dahil napakabagal kong maglakad.
Ng makapasok sa plaza ay naglalaro na sila. Taga ibang bayan nga ang naglalaro dahil hindi ko kilala ang mga ito. Agad nahagip ng mata ko si Leonardo na tumatakbo habang sinusubukang kunin ang bola. Kakampi pala sila ni Hugo, Marc, Ysmael at isa pang lalaki sa eskwelahan namin.
Agad natigilan si Leonardo ng makita ako pero agad din niyang iniwas ang tingin na para bang hindi niya ako kilala.
Pagkatapos ay lumipat ang tingin niya kay Ted.
Right. Hindi nga pala nila alam na sirena 'to.
I saw how he rolled his eyes and went back playing. Napatingin ako kay Hugo na kahit isang tingin ay walang ibinigay saakin.
Hinila ako ni Ted sa isang bakanteng upuan. Sa tapat ay naroon si Morgana habang may dala-dalang bottled water. Siguro para kay Leonardo. Nang makita kami ay kinawayan niya kami kaya ganun din ang ginawa namin.
Napuno ng hiyawan ang plaza at palagi kong naririnig ang pangalan nila Hugo at Leonardo. Ako naman ay tahimik lang habang si Ted ay sinisigaw ang pangalan ng kabilang team kaya mahina ko siyang sinapak.
"Taga saan ka ba at sakanila ka nagchi-cheer?" Tanong ko.
"Eh ikaw? Hindi ka naman nagchi-cheer sa mga baby boys mo ah. Tignan mo nga si Morgana parang napapaos na" napatingin ako kay Morgana na sumisigaw. She's clapping her hands while looking at Leonardo.
"Wala akong baby boys. At hindi ko sila baby boys" diin kong sabi habang ipinabalik-balik ang tingin kay Morgana at Leonardo.
"Umamin ka na nga. Kayo na ni Leonardo no?" Tanong niya at itinaas baba pa ang kilay.
"Boba ka ba? Kung kami ni Leonardo eh bakit sabi mo magkasama sila ni Morgana?" Agad naman siyang napaisip sa sinabi ko. Psh.
"Ay oo nga no pero baka nag-away lang kayo. Nag-away ba kayo? LQ? O baka naghiwalay kayo?" Sunod-sunod niyang tanong. Hays. Boba talaga to.
"Paano kami maghihiwalay eh walang kami?" Tanong ko pabalik.
"Eh bakit walang kayo? Eh gusto ka naman ni Leonardo ah" napahilot ako sa sintido ko dahil sa kakulitan ni Ted.
"Maraming masasaktan kapag naging kami Ted" uminom ng tubig matapos sabihin iyon. Napatingin ako sa direksiyon ni Leonardo at nahuli siyang nakatingin saakin. Muntik ko pang mailuwa ang tubig pero buti nalang at hindi.
"Oh my gosh ano ka ba? Number one fan niyo akong dalawa. Kung pwede nga ay gawan ko kayo ng fanpage eh" sinapak ko siya ulit. Napakadaldal talaga ng lalaking to.
"Sinasabi ko sayo kapag si Leonardo naagaw ni Morgana huwag kang iiyak ha? Kundi ako talaga sasapak sayo" pagbabanta niya.
"Tss. Oo na po"
Ibinalik ko ang tingin ko sa laro at lamang sina Marc ng 2 points at halatang nahihirapan sa kalaban. Magagaling din pala ang taga kabilang bayan.
Palagi rin na nakakashoot sina Leonardo. Magaling din pala siyang maglaro? Ano pa ba ang hindi niya kayang gawin?
Nang mag break time ay sinundan ko ng tingin si Leonardo na pumunta kung saan nakaupo si Morgana. Ibinigay ni Morgana ang tubig kay Leonardo at agad naman niya itong ininom.
Sabi niya hindi niya susundin ang sinabi ko na si Morgana nalang ang gustuhin niya? Pero ano bang karapatan ko para makaramdam ng selos? Ako naman ang nagtulak sakanya palayo.
"Ay may girlfriend na ata" rinig kong sabi ng babae na nasa likod ko patungkol kina Leonardo at Morgana.
Bakas ang pagkabigo sa boses niya.
"Ang ganda ng girlfriend. Bagay sila no?" Tanong naman ng isang kaibigan nito. Agad napuno ng selos ang buo kong katawan pero agad ko ring piniligilan.
Wala akong karapatang magselos.
"What's up mga Tol!" Napatingin ako kay Marc na papalapit habang sa likod niya ay si Hugo. Break time na pala.
"Uy Tol!" Saad naman ni Ted na ikinatawa ko. Lalaking-lalaki ah.
Napatingin si Hugo kay Ted habang nakakunot ang noo. Si Ted naman ay pasikreto akong kinurot at halatang kinikilig dahil sa lapit ni Hugo saamin.
Maharot tong baklang 'to.
"May tubig ba kayo?" Tanong ni Marc.
"Nainuman ko na eh" sabi ko. Si Hugo naman ay nakaupo na pero hindi siya tumitingin sa paligid. He's sweating a lot and his skin was shining because of his sweat. Napakunot ang noo ko nang makitang wala siyang dala kahit panyo man lang.
"Nauuhaw ata si Hugo eh." Agad napaangat ang tingin ni Hugo kay Marc dahil sa sinabi nito.
Tumayo si Ted at nakipag-usap kay Marc. I took the opportunity to look at Hugo and offer him my water.
"N-nauuhaw ka ba Hugo?" Tanong ko. Agad lumipat ang tingin ni Hugo saakin pero hindi siya sumagot. I know he's avoiding me pero exception na siguro to dahil mukang uhaw na uhaw talaga siya. Hindi naman kami naririnig ni Ted at Marc dahil nakatayo na ngayon ang dalawa at nilalaro ang bola.
"Hindi naman masyado" he answered after seconds of silence.  Kinuha ko ang bottled water ko at iniabot sakanya. Kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata pero nang hindi ko ibinaba ang bottled water.
"G-gusto mo? Kaya lang nainuman ko na eh"
He just looked at me then after a second he took the bottled water from  me and drank all of it.
Medyo hinihingal pa siya nang matapos inumin iyon.
'Hindi pala nauuhaw ha'
Gusto ko sanang sabihin pero naalala ko na hindi kami masyadong nagpapansinan.
I wander my eyes and I accidentally stopped my sight at Leonardo and I felt numb when I saw him staring at us with an emotionless face.
Agad kumabog ang dibdib ko dahil sa mga titig niya kahit wala naman iyong ipinapakitang emosyon.
Morgana was talking to him pero muka naman siyang hindi nakikinig. Agad kong iniwas ang tingin ko at ibinalik ang atenisyon kina Marc at Ted na naglalaro.
"Thanks" saad ni Hugo at ibinalik ang bottled water saakin na walang laman.
Nang bumalik ang laro ay medyo naging tagilid ang score. Hindi na masyadong nakaka shoot si Leonardo at mukang nag-aagawan pa sila ng bola ni Hugo.
Eh magkakampi sila!
"Girl, imaginin mo ikaw ang bola" hagikhik ni Ted. Marahan ko siyang siniko dahilan para mapadaing siya.
"Tignan mo yung may apelyido na San Francisco gwapo rin no?" I glared at Ted. Kung ano-ano nalang talaga ang sinasabi nito.
"Ok lang naman" ani ko. 
"SAN FRANCISCO GO DAW SABI NG FRIEND KO!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinigaw ni Ted. Dahil sa lakas ng sigaw niya ay bahagyang natigil ang laro at napatingin saakin ang mga tao. Nakaturo pa ba naman kasi ang kamay ni Ted saakin! Malakas kong sinampal ang kamay niya at tinabunan ang muka ko.
Kakahiya!!!!!
"Amaryliss itago mo'ko. Papatayin ako ni Leonardo" napaangat ang tingin ko kay Ted at hinanap si Leonardo. Seryoso nga itong nakatingin sakanya.
"Bahala ka diyan. Pinahiya mo pa ako" inis kong sabi.
"Eh sorry na. Ayaw mo kasi kay Leonardo at Hugo baka lang naman na gusto mo yung San Francisco ang apelyido" nirolyohan ko siya ng mata.
Sinabi ko bang ayaw ko?
"Amaryliss! Sagutin mo'ko. May gusto ba si Leonardo saakin dahil seryoso siyang nakatingin saakin o gusto niya akong suntukin?" Natawa ako sa sinabi niya at napatingin kay Leonardo na makatingin nga kay Ted ng seryoso pero nang mapansin niya ako kay agad siyang nag-iwas ng tingin.
"Baka patayin ka pa" ani ko at tumingin ulit sa laro.
Malapit ng matapos ang laro ng mapagpasiyahan kong umalis dahil tinext ako ni Gorio na aalis muna siya.
"Amaryliss huwag mo kong iwan at baka mapuno ako ng bugbog mamaya"
"Walang tao sa tindahan eh" ani ko.
"Ok fine but let's take a picture first. Isasali ko yung si San Francisco" aniya at kinuha ang phone niya. Napailing nalang ako at tumabi sakanya.
Naghintay pa kami na mahagip iyong si San Francisco bago kami nagpicture. Eh ang pangit naman ng kuha kasi tumatakbo ang lalaki dahil naglalaro pa pero nagulat ako ng medyo naka smile ang lalaki at nakatingin sa direksyon namin.
"Oh my gosh! Tignan mo Amaryliss!" Niyuyugyog pa ako ni Ted habang pinapakita saakin ang litrato.
"Tumigil ka nga. Aalis na ako" pagpaalam ko at tumayo na. Sumulyap ako sa naglalaro pero ngayon kahit isang tingin ay wala akong nakuha galing kay Leonardo.
Nang makarating sa tindahan ay wala na nga si Gorio at habang wala pang bumibili ay tinignan ko ang messenger ko. Sinend pala ni Ted ang picture namin. Mahilig kasi aka sa mga memories kaya sinave ko iyon at pagkatapos ay pumunta ako sa gallery ko para mag scroll ng pictures.
Napakunot ang noo ko ng makita ang litrato na pinicturan ko roon sa closet ni Venice. Nang makita ko ang picture ay napasinghap ako.
Mama pala ni Leonardo ang kasama ni Venice! Kaya pala familiar!
Ano kaya ang nangyari at bakit magkaaway sila?
Hanggang sa makauwi ay nasa isip ko pa rin ang picture ni Venice at ng Mama ni Leonardo. Pagkapasok ko pa lang ay agad kong narinig ang boses ni Venice na mukang badtrip dahil sinisigawan niya ang mga katulong
"Mga bobo ba kayo? Sinabi kong linisin ang kusina hindi mangbasag kayo diyan!"
"S-sorry po Maam. Nadulas ho kasi ang kamay ko" rinig kong paumanhin ni Ate Clara.
"Nadulas? Ang sabihin mo tanga ka!"
Napailing ako at agad pumasok. Lumapit ako kay Ate at tinulungan siyang linisin ang mga bubog.
Agad kong narinig ang pagtawa ni Venice.
"Wow ang bait naman" sarkastiko niyang sabi. Iniangat ko ang tingin ko sakanya at nakita siyang may bitbit na alak.
So she's drunk.
"O ano na? Nakuha mo na ba ang loob ni Hugo?" Bigla niyang tanong. Tumayo ako at kumuha ng walis para walisan ang tiles. Para kasing wala sa sarili si Ate Clara dahil natatakot siya kay Venice.
"Magkaibigan lang po talaga kami" kalmado kong sabi.
"Tanginang kaibigan lang na yan! Lagi na lang ganiyang ang sinasabi mo! Hindi ba yan uussad?!" Napaiktad ako sa pagsigaw niya.
"Hindi niyo po mapipilit ang isang tao kung sino ang gugustuhin niya. Tsaka bakit ba gustong-gusto niyo si Hugo para saakin? Wala naman kayong makukuha sa kanya" seryoso kong sabi at bumalik sa pagwawalis.
"Bobo ka rin pala eh. Anong walang makukuha? Koneksiyon Amaryliss! Iyon ang makukuha ko. Tsaka ba't ako? Ba't ko napilit ang sarili ko kay Simon?" Marahan akong napapikit at sinubukang pakalmahin ang sarili ko.
"Hindi ko po alam kung paano niya nakayang pumili ng hindi niyo gusto. Pero maswerte pa rin kayo kay Daddy dahil mabait siya at minahal niya kayo."
Bumuntong hininga siya ng malakas at biglang tumawa. Napailing-iling ako.
She's wasted.
"So? Kaya mo rin gawin yun. Ayaw mo nun? Susundan mo ang yapak ko?"
Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang sarili na mag walk out.
"Hindi niyo po ako anak kaya hindi ako susunod sa yapak niyo" matigas kong sabi. Ang matalim niyang mga mata ay nakatitig na ngayon saakin.
"Bakit? May nagugustihan kang iba? Yun bang anak ni Felice?" Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at hindi nakasagot.
"Hahahahahaha oh my gosh! Anak ni Felice ang nagugustuhan mo?" Tumawa lang siya ng tumawa. Aalis na sana ako ng bigla siyang huminto sa pagtawa at tinawag ako.
"Hindi nga kita anak pero konektado pa rin ang nangyayari noon at sa ngayon" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin?" Hindi siya sumagot bagkos ay nakatulala na siya ngayon.
Huminga ako ng malalim bago ko kinuha ang cellphone ko at tinignan ang picture ni Venice at ng Mama ni Leonardo.
"Anong konek nito sa sinasabi mo?" Tanong ko at ipinakita sa kaniya ang litrato. Nanlaki ang mga mata niya at sinubukang kunin ang cellphone pero agad ko itong inilayo.
"Saan mo nakuha yan?!"
"Nakita ko sa kuwarto mo ng mag-arrange ako"
"Pakialamera ka talaga! Burahin mo yan!"
"Anong konek nito sa sinasabi mo?" Tanong ko ulit.
"Pakialamera katulad ni Ren" Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
"Sinong Ren?" Takang tanong ko.
"Iyang babaeng pakialamaera na nasa picture" saad niya at tinuro ang picture. Tinignan ko ang phone ko at tinignan ang babae na tinupi ni Venice.
Nang ibinalik ko ang tingin kay Venice ay nakatulog na siya sa sofa.
Lumapit ako kay Manang at nagtanong.
"Kilala niyo ba siya?" Tanong ko at ipinakita ang litrato ng babae. Matagal na kasi rito si Manang at baka alam niya ang nangyari kay Venice noon.
"Ah eh. Baka magalit si Mam Amaryliss eh"
"Sige na po. Hindi ko naman sasabihin"
Bumuntong hininga siya bago ako hinila palabas.
Kinuha niya ang litrato at pinatitigan itong mabuti.
"Narinig ko lang din ang storyang ito noon eh. Pero magkaibigan silang tatlo" panimula niya.
"Halos hindi na nga mapaghiwalay eh. Kaya lang may dumating na isang lalaki na nagngangalang Jacob. Nahulog si Venice sa lalaki at naging sila. Kaya lang nahulog din si Felice." Napaawang ang bibig ko.
Diba si Jacob ang Papa ni Leonardo?
Siya ba ang pinag-awayan nila?
"Inagaw po ba ni Tita Felice ang lalaki kay Venice?" Tanong ko. Agad umiling si Manang.
"Hindi. Pagkaraan kasi ng isang buwan naghiwalay ang lalaki at si Venice"
"Dahil po ba sa ugali ni Venice kung bakit siya hiniwalayan?" Tanong ko. Bahagyang napatawa si Manang sa tanong ko.
"Siguro" aniya.
"Tapos po?"
"Tapos si Felice na naman ang niligawan ng lalaki at akala ni Venice ay inagaw ni Felice ang nobyo niya. At pagkaraan ng isang buwan ay nabuntis si Felice. Napuno ng galit si Venice at sinugod si Felice. Muntik ng makunan si Felice ng panahon na iyon at mabuti nalang at hindi."
Muntik na palang mawala si Leonardo. Alam kaya niya ang nangyari noon?
"Yung Ren po? Bakit sinabi niyang katulad ako ni Ren na pakialamaera?"
"Kasi gustong makipagbalikan ni Jacob kay Venice pero kinausap ni Ren si Jacob at sinabihan na pumunta muna sila sa ibang lugar. May anak na kasi sila ni Felice at kailangan niyang ituon ang pansin doon. Si Ren ang tumulong para makaalis na kaagad ng bansa sina Felice."
Kaya pala galit si Leonardo sa Papa niya dahil babaero pa rin ito. Hindi ma kontento sa isa. Mabuti nalang at hindi ganoon si Leonardo. Hindi ba?
"Pero mukang wala na namang pakialam si Mam Venice kay Mam Felice dahil palagi na namang umuuwi si Mam Felice rito pero wala namang ginagawang masama si Mam Venice sakanya. Siguro alam ni Mam Venice na hindi naman talaga mahal ni Jacob si Mam Felice at nambabae pa nga ito sa abroad. Iyon ata ang dahilan kung bakit medyo nalugi ang negosyo nila"
Natahimik ako. Kaya ba sabi ni Venice na konektado ang nakaraan at sa ngayon? Dahil ba anak ni Jacob si Leonardo? At g-gusto ko si Leonardo?
"Sige Amaryliss ha at baka magising pa si Mam"
"Sige po Manang. Salamat"
Knagabihan ay parang ang bigat ng ulo ko kakasip sa nangyari ngayong araw.
I opened my Istagram but I wished i didn't open it.
Morgana posted a picture of Leonardo and her and the caption is 'My player'
Malakas ang kabog ng dibdib ko habang tinitignan ang comments.
Nakita ko ang comment ng Mama ni Leonardo na mas lalong nagpasikip ng dibdib ko.
@Felice
Awww ang cute ng mga anak ko
@PaulaSanJuan
Omo girl! Kayo na ba?!
@LilaMontana
Napaka bagay niyo!
Marami pa akong nabasa na comments patungkol sakanilang dalawa. Nag heart ako sa picture at agad nag scroll.
"This is what you want Amaryliss kaya magtiis ka" bulong ko sa sarili ko.
Maya-maya pa ay may nag pop-up na notification.
@SuperTed tagged you in a post
I clicked the notification and saw the picture of me and Ted habang nasa likod ay iyong basketball player.
May caption pa na... 'Nakasilip si Mr. Basketball player sa future niya'
#Sino ang sinisilip niya?
Napasapo ako sa noo ko. Inulan kaagad ito ng mga komento at minention pa nila ako. Baka kapag nakita nung lalaki ang picture baka isipin ng lalaki na gusto ko siya!
Imemessage ko sana si Ted para sabihing I delete niya pero napahinto ako ngnakatanggap ng notification.
@LeonardoValencia liked the post you are tagged in
Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakatitig sa notification. Nakita niya at nag react pa siya!
Tsaka ano naman kung nag react siya?
Naagaw ng atensiyon ko ang isang comment
@MaraSalmonte
Diba si Paulo yan? May girlfriend ata yan
Nanlaki ang mga mata ko at agad minessage si Ted.
"Ted idelete mo yung post mo dali. May girlfriend yung tao. Kapag ako nasabunutan ng taga ibang bayan malalagot ka sakin!"
Maya-maya pa ay nag reply siya.
[Ay may girlfriend ba? O sige idedelete ko kapag chinat niya ako hehe]
"Huwag ka ngang magbiro diyan. Bilisan mo na"
[Oo na oo na. Ang atat mo ha. Nakita na nga ni Leonardo eh"
Hindi ako nakapag reply sa tinext niya. Muka namang walang pakialam si Leonardo. Nag react pa nga siya ng heart. Pero bakit hindi siya nagreact sa post ni Morgana? Tsaka ano bang pakialam ko? Pinagtabuyan ko na siya.
Napasabunot ako ng buhok ko dahil sa naguguluhan kong isipan. Maya-maya pa ay hindi na ako nakatanggap ng notifications dahil nadelete na ni Ted ang post niya.
Pero maya-maya rin ay may nakita akong post na nagpahinto sa buong pagkatao ko.
Leonardo posted a photo. It was a photo of me but my face cannot be seen. Picture iyon doon sa dagat at against the light kasi kaya figure ko lang na itim ang nakikita pero alam kong ako yun.
And the caption made my tears escape from my eyes
I hope you will be back soon.
I don't know how chaos I am will be if we stay like this.
But I will wait. I will wait until you decide to be happy.... With me
No one commented on the photo dahil in-off comment ni Leonardo.
I  stared at the photo for minutes.
Oh Leonardo. You made me fall harder at hindi ko alam kung makakabangon ako.

Komento sa Aklat (39)

  • avatar
    JM Gosion Tzy

    need 18000

    19/10

      1
  • avatar
    MedranoDaniel

    i love it

    14/10/2024

      0
  • avatar
    ROSE FAVILA

    Babe I’m

    05/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo