"Today I hope you will enjoy this first welcome party of my wife, and also my great great friend." Mr. Stark–Kuya EM said in front. "The event will start tonight, see you there everyone." Akala ko ang welcome party na ito ay para lang sa kanyang asawa. Ngunit may kasama din pala at ang matalik daw na kaibigan. Ang tanong, sino ang taong iyon? Pasaglit na dumapo ang gilid ng mata ko sa pwesto nila Sir Lino. Habang busy naman sa pag iikot si Kuya EM, isa isa nitong pinuntahan sa table ang mga pumunta ngayon sa welcome party. Hindi kaya ang katabi ni Trex ang tinutukoy nitong matalik na kaibigan? Ngunit walang binanggit na pangalan si Mr. Stark–Kuya EM sa gitna. "Zi, have some drink. You should enjoy today! Sayang ang ganda mo `oh." Inabot sakin ni Donalyn ang wine. Nasa akin ang kanyang paningin. Ayun na naman ang mga titig nitong iba ang datingan para sakin. "Bakit? Anong meron?" Umasim ang mukha niya. "Beh, ewan ko na talaga sa'yo at anong gawin ko. Nakakaloka kana!" Humarap nalang siya muli kina Jojo at Rea para doon makisama sa usapan. Itinuon ko nalang ang paningin sa wine glass. Pinaglalaruan ko ang kamay paikot sa ilalim ng hawakan. May sariling isip ata ang mga daliri ko dahil imbes na iinom ako, ngunit ibinaba ang wine glass ulit sa table. I want to try the wine but my fingers won't allow me. Nakaramdam ako ng frustasyon. Nakakailang labas na ako ng hangin mula sa katawan. Para bang may mabigat akong dinadala sa loob ko, animo'y nanatili pading mabigat ang dibdib ko. Nawalan nalang ako ng gana sa di malamang dahilan. Siguro, umandar na naman ang mood kong ganito. "Mamayang gabi! Sigurado akong makakabingwit ako!" Pinitik ni Donalyn sa ere ang kanyang daliri habang nagsasalita. "Anong silbi ng outfit nating gandang datingan? Kung wala tayong mabibingwit kahit isa o dalawa!" Ang dalawa na nakikinig ay natawa. Ako naman na nasa tabi lang ni Donalyn ay hindi man lang maibuka ang bibig ko. Patuloy sa tawanan at chikahan ang tatlong kasama ko sa iisang table. "Hello guys!" Naiangat ko ang tingin sa taong kakarating lang sa table namin. Si Kuya EM lang naman ang nandito. "Hello Mr. Stark!" "Hi Mr. Stark! Congratulations!" Bumati ang dalawa na si Jojo at Rea. Habang huling nagsalita si Donalyn sa kanila na itinaas pa ang wine glass niya. "Cheers to Mr. Stark! Congratulations again, this welcome party went smooth!" She smile like a food and take a sip of her wine. "Mag e-enjoy kami ngayon, Mr. Stark! Don't worry about us!" Natawa si Kuya EM. "I think you will, thank you." Nakita ko ang pagsiko ni Jojo kay Rea. Nakita ko ang pagiging alerto ni Rea at ngumiti. "Sir, pasensya kana po kay Ma'am Donalyn! Mukhang lasing na nga po!" Patago akong natawa. Ganyan lang talaga si Donalyn. Hindi naman siya lasing sadyang medyo may tama na. I heard Kuya EM hide his little laugh. "It's okay, it's no big deal to me." Tapos na ata itong pumunta sa bawat table. Ngayon, dito na ang susunod na punta ni Kuya EM. Bumalik sa pag-uusap ang tatlo kong kasama sa table. Bumaling sakin ang pansin ni Kuya EM, inangat ko pa ang paningin upang makita ito. He looked at me with a serious face. Kumunot ang noo ko sa titig na gano'n ni Kuya EM, hindi ako nasanay. Dahil nasanay ako sa madaldal at kahit anong pinaggagawa ng isang Estevan Minuel Stark. Kinabahan nalang ako bigla. Akala ko ay mananatiling gano'n ang awra ni Kuya EM—nagulat na lamang ako dahil bigla itong natawa. Pinagtitripan lang ata ako kanina. "W-wait! Haha! I'm just joking, Ziah! I didn't mean to scare you but—I can't stop laughing because of your reaction!" Tumatawang anito habang nakahawak sa tiyan niya. So ganon pala, pinagtitripan lang talaga ako kanina ni Kuya EM. Na akala ko tuloy ay may nagawa akong mali kahit wala naman. "Kuya EM, nakakatakot ka kaya kanina! Mapapaisip tuloy ako sa ginawa mo kung may nagawa ba akong mali." Napapailing kong sagot. Kita sa gilid nang mata ko ang paglingon sakin ng tatlo. With big eyes, kahit nasa gilid ang paningin ko ay hindi nakatakas ang reaksyon ni Donalyn. "Kuya EM?!" Sabay-sabay na sabi nang tatlo. Nagugulat talaga sila sa narinig mula sa akin. Lumapit sa tabi ko si Kuya EM at inilagay ang kamay nito sa likod ng upuan ko. Bali kung ang posisyon namin ngayon, nasa tabi ko lang ito at ang isang kamay naman niya nasa table. Muli akong napailing. Another scene na naman ang mangyayari sa araw na ito. "Yes, I told her to call me Kuya instead of Mr. Stark," Pag explain nito sa tatlo na mas lalong ikinaawang ng bibig nila. "It's no big deal to me, you can also call me Kuya EM instead of Mr. Stark, why not, right?" Umiwas ng tingin si Jojo, habang inabot naman ni Rea ang baso na may lamang tubig. Kanya kanyang kilos ang tatlo. Lalo na si Donalyn na mabilisan ang paglagok ng inumin nito sa wine glass niya na puno pa kanina, ngayon wala nang laman. "They look weird, today." Bulong ni Kuya EM sakin na ikinatawa ko. Ngumisi ako at may naisip. "Siguro daw, subukan mo kahit mag salita ng tagalog, Kuya EM." Suggest ko sa kanya, nakakasakit sa tenga halos english nalang. Ang kanyang noo ay kumunot. "Why? Masakit ba sa tenga english ko?" "Nope, hindi naman sa ganon. Diba? Wala tayo sa business world kaya allow na allow kang mag tagalog." Dagdag ko pa. Tumango siya ng paulit-ulit bago lumingon sa tatlo na nasa amin ulit ang titig. Pero agad din silang nag iwasan nang bumaling sa kanila ang atensyon ni Kuya EM. Pinipigilan ko lang talaga ang hindi matawa ng malakas. Kung nakikita mo lang ng iba ang reaksyon ng tatlo, sigurado akong mas may malakas pang ikakatawa ang iba kesa sakin. "Pwede niyo akong tawagin na Kuya. Sige, maiiwan ko na kayo!" Paalam ni Kuya EM bago umalis sa table namin at pumunta sa ibang table naman. Nagkibit balikat ako ng tinignan ako ni Donalyn. Akmang kakausapin niya ako ng umiwas ako sa kanya. Baka madami na naman itong sasabihin tungkol sa nangyari. Wag dito, wala ako sa mood mag-explain ng bongga sa kanya ngayo'ng araw. Ilang oras na kaming nandito sa table at panay inom, kain, usap ang naganap sa table namin. Medyo iilang bote na ng wine ang nasa table nailagay. Palaging humihingi nang isa pa si Donalyn at ako naman itong umaawat minsan sa kanya. Pero ayaw magpa-awat. Ang tatlo kong kasama sa table ay mapupula na ang mukha. I sighed. Wala akong magagawa sa kanila, bale tapos na ang ilang speech na naganap kanina at ngayon lang. Inabot ko muli ang inumin ko at sumipsip nang kunti. Ang lalamunan ko ay nag-uumpisang manuyo kaya kailangan kong uminom ng kaunti nito. Magpapaalam sana ako sa kanilang tatlo nang maramdaman ko na may humila sa damit ko pababa. Napatingin ako sa tabi ko. And there she is, little Gesha. She's pulling down my dress. "A-ate pretty.." She said with her low tone cute voice. Naibaba ko kaagad ang hawak na wine para ibaling kay little Gesha ang atensyon. Kusa kong kinilos ang kamay para ilagay sa gilid ang maliit nitong buhok na medyo nakatakip sa mukha niya. "What are you doing here, little Gesha?" I asked her with a low tone too. Itinaas ko ang tingin sa pwesto ni Draison at nakita ko itong nakatingin sa gawi namin. He speak without a voice. Pinaparating sakin ang salitang 'she wants to go with you' ayon ang nabasa ko mula sa bibig ni DM. Tumango nalang ako at binuhat paupo sa lap ko si Gesha. "You stay here with me," Nakangiti kong sabi. Ngumiti lang sakin si Gesha. Hindi nakatakas ang pagtigil nang tatlo kong kasama. Alam ko na ang susunod na mangyayari, nahulaan ko na. "Young miss Gesha?!" Gusto ko takpan ang dalawang tenga sa sabay na sigaw ng tatlo. "Pwede bang pakihinaan ang boses niyo?! Nakakabasag ng tenga!" Awat ko sa kanila sa nanggigigil na paraan. "S-sorry! Nagulat lang kami Ma'am Ziah!" Halata naman sa mukha ni Rea. "Miss Ziah? Bakit nandito si young miss Gesha?" Tanong ni Jojo. "Oo nga po, Ma'am Ziah. Diba? Nasa table siya nila Sir DM at Mr. Stark, ngayon.." Nagugulat parin ang mukha ni Rea. Napailing ako na nangingiti. "Little Gesha, meet my friends. This is Kuya Jojo and Ate Rea.." Itinuro ko ang dalawa na gulat talaga. Parang bago lang ito sakin, sino ba ang hindi magugulat? Gesha is a special person, because she's the little sister of the Stark brother's great friend and Sir Lino. "And this woman beside me, she's my best friend. Donalyn Cruz, my great partner." Pakilala ko sa nakaawang na labi ni Donalyn. Gusto ko matawa sa itsyura ng tatlo. Para talaga silang nakakita ng multo sa harapan. Mukhang na sober up agad sila nang makita si Gesha na nakaupo sa lap ko. Wala na kasing pwesto at apat lang talaga ang upuan na meron sa table. "Should I request one chair for you, little Gesha?" Maging ang pagtawag ko kay Gesha ay normal lang. Na para bang close kami gayong kahapon lang naman kami nagkakilala. Umiling si Gesha at inangat ang tingin sakin na nakanguso. "I d-dont want to, Ate p-pretty.." Matapos 'yon, she looked at them and say a word with her cute voice. "N-nice to meet you p-po..A-ate Don, Kuya J-jojo, Ate Rea.." I smiled. Habang na kay Gesha ang paningin ko, ang laman ng isip ko naman ay natutuwa sa narinig. Nag improved na ang kanyang pananalita kunti. Hindi katulad noong unang kita namin na medyo hirap talaga niya'ng ilabas ang ilang salita sa bibig. But seeing little Gesha right now made my heart waves in happiness. Sa araw na nakilala ko ang batang ito may parte sa akin na gusto itong alagaan. May parte sakin na makita itong maayos ang kanyang kalagayan. Maybe somehow, I remember someone in this kind of situation. Noong minsan na akong napadaan sa bahay ampunan. Meron din sa sitwasyon ni Gesha ang nakita roon. Maraming bata ang nakaranas ng isang trauma, samo't saring sakit at pait ang dinaranas nila. Na maging ang ugat ay ang di makapagsalita nang maayos. I don't want little Gesha to stayed in her traumatic situation. I want to hear her talk with happiness and leave the fear inside her. "Hey, young miss Gesha, why Sir DM is so worried about you?" Tanong muli ni Jojo. Kanina pa sila nag-uusap. Sinasali na nila sa usapan si Gesha. Habang tahimik naman si Donalyn na nakikinig lang sa tabi-tabi. "Yeah, you're really special to them. They are scared that might something bad happened to you," Sigunda ni Rea. I rolled my eyes. "Ano ba kayong dalawa? Bata ang kausap niyo, ginagawa niyo atang interviewer 'to." Sita ko sa kanila na ikinatigil nila. "Sorry, Ma'am Ziah.." "Hayaan niyo nalang muna ang bata, okay ba 'yun?" Napapailing kong sabi. Tumango ang dalawa at iniba ang usapan. Napansin ko ang pagkalabit sakin ni Donalyn. Sinilip ko siya sa gilid at may isenenyas sakin. "Mag-uusap tayo." Iyon ang lumabas sa bibig niya na nakangiti ng tipid. Oh no, dapat kabahan na ako. Kaso nga lang, mas kinakabahan ata ako kapag hindi ako nagsabi. May sign na kill on the spot pa sa leeg ang g*ga! Sinong hindi kakabahan? Pag-uusap lang ba talaga ang gagawin namin o kakatayin niya ako? I clenched my dress silently down in the table. Mamaya pa naman kami mag-uusap kaya may oras pa. "What's the name of your brother, Young Gesha?" Nakangiting singit ni Donalyn. Nakaawang ang bibig ko kunti. Na para bang wala itong isenenyas sakin kanina. She's comfortable asking those questions to Gesha! Ang g*ga na 'to. "M-my big bro?" Little Gesha said and happily claps her hand. "My big bro name, Ghery!" Nagsimula ang kakaibang tibok sa puso ko. I don't know, kusa nalang tumibok iyon sakin. The name sound familiar to me. Like did I heard it before? Kaso wala akong maalala pero familiar ang pangalan pag ibanggit. Little Gesha looks happy while saying the name of her big brother. Maybe that's because she love him that much. But it's really strange to me. May mga strange feeling na akong nararamdam these weeks and these days. Ano ba ito? Some kind of unknown guessing thingy ba? "Ghery?" Hindi nakatakas sa paningin ko ang titig ni Donalyn sakin. Bumaling lang tingin ni Don kay Gesha na inosenti pading nakikipag usap sa kanila. "Why are you calling him, Ghery? If you don't mind young Gesha.." Another question came out to Don. Gusto ko itong pigilan sa gagawin kaso may pumipigil sakin. Wala na akong maintindihan sa nararamdam ko ngayon. Pabilis ng pabilis ang tibok sa loob ko. "B-because when we're in s-states everyone c-call him Ghery. It's s-sound a gay b-but my big bro is a man!" Gesha keeps talking. "Just like my first name, it's also start from 'G' and it's Gesha! H-he made that for me!" Rea claps her hand. "Wow! Young miss Gesha, you're big brother really loves you!" "Yes, big bro l-loves me.. everyone a-around him l-loves Gesha too.." Gesha talking about here big brother friends. Na guess ko na ang Stark brother's at Sir Lino, parte din sila na mahal si Gesha. Masaya na ako doon. "Is your big brother here?" Donalyn continue. Little Gesha nodded. "Y-yes, he was out somewhere..but he told me t-that he won't come h-here today, t-tonight will surely show himself." Walang bahid na lungkot sa boses ni Gesha. Sanay na ata itong wala ang kanyang nakakatandang kapatid? "Are you used to being alone?" Ayaw talagang tumigil ni Donalyn sa kakatanong. Naiinis na ako. Parang siya ang magiging dead on spot saming dalawa ngayon! Naramdaman ko ang pag-iling ni Gesha. "I'm n-not used to being a-alone.. I'm afraid. Y-you see Ate, I can't even speak s-straight." Gesha sighed. "But I have t-to be. My big b-bro won't let me stay alone, I have n-nanny to look for m-me hired by him." Napangiti ako sa simpleng kwento ni Gesha. Gano'n talaga kaimportanti kapag bunsong kapatid ang pag-uusapan. "H-hes busy dealing with t-the companies h-he owned. That's f-for our future, I u-understand. If he have s-some event to a-attend, big bro bring me there too." Gesha continue to share some talks. "Ghery is the n-name he use when it's b-business. I don't h-have the right to t-tell you ate and kuya about his real n-name." Naunawaan ko agad ang sinasabi ni Gesha. Pero nag-iwan iyon ng pagtataka kina Jojo at Rea. Sigurado naman akong nakuha ni Donalyn iyon. Meron talaga sa part kagaya ng business man ang itinatago ang ilang parte sa pagkatao nila. Kung gusto nila ng privacy, exactly. Little Gesha said have sense. Sa batang edad nito at sa naranasan nakikita ko talaga na maayos at mabuti siya pinalaki ng magulang niya at kapatid. Kahit may karapatan naman talaga itong sabihin ang totoo, ngunit inerespeto padin ni Gesha ang privacy nang kanyang Kuya. Nag-iwan nga ng confused thing ang sinabi nito. Pero sapat na sakin ang makaalam ng kunting detalyi. "Okay, okay, tama na muna ang kakatanong. Pagpahingahin muna natin si Gesha, ha?" Awat ko sa tatlo. "Pero Zia—" "Donalyn! Kakasabi ko lang, wag kanang aangal." Pinalakihan ko ng mata itong g*ga. Inikot nito ang mga mata at inirapan ako. "Fine! Titigil na ako, wala talaga akong laban sa'yong g*ga ka." Umiling ako at nakita ang paghikab ni Gesha. Inaantok na siya. "You can sleep here with me, little Gesha.." Malambing na sabi ko rito. Walang pagdalawan isip ay ipinilig ng bata ang ulo sa balikat ko. Bali ang kanyang ulo ang nakatalikod sa balikat ko. At ilang minuto lang, naramdaman ko ang malalim nitong paghinga. Alam kong tulog na si Gesha. Malamang, napagod ata sa pagchichika nila. Mabuti nalang at nakakain si Gesha nang pagkain na pinahanda ko pa sa waiter. Para naman makatulog ito na may laman ang tiyan at hindi gutom. It makes me calm for a moment. Pagkatapos nang ilang oras. Muli kong inangat ang paningin sa kanila. Titig na titig ang mga ito na animo'y isa na akong may pamilya para sa kanila. "What?" Tinaasan ko sila ng kilay. Tumikhim bigla si Donalyn at mula sa gilid nang mata ko, kitang-kita ko kung paano ito tumitig sakin. "Girl, the young miss Gesha is close to you. Babysitter kana n'yan?" Pang-aasar niya kahit totohanan naman ang sinasabi ni Don. "Hinayaan lang ni Sir Draison na mapalapit sa'yo si young miss Gesha, Ma'am Ziah. " Segunda naman ni Rea na nangingiti pa sakin sa mangha. "How? I mean, nakakapagtaka lang. Hindi naman basta basta lumalapit sa stranger ang bata, napansin ko iyon, Zi. Pero bakit sa'yo? I see it in my own eyes." Tinuro ni Donalyn ang natutulog na bata sa akin. "I can see that she's comfortable to you. Kahit kahapon lang kayo nagkakilala." Muli kong pinakiramdaman si Gesha na natutulog sa bisig ko. She is. She's not really that type of kid, na lalapit sa isang stranger lang na tulad ko. But I'm not bad either. "Hindi ko alam." Iyon nalang ang nasagot ko sa kanila. Magaan lang talaga ang pakiramdam ko kay Gesha. Matagal ko ng gusto magkaroon nang kapatid kahit imposible mangyari. Gusto ko lang na may kasama, maranasan ang bilang isang ate. Okay nadin kahit kaming dalawa lang ni Mama. Kahit may kulang akong hinahanap ay sapat na rin sakin ang nandyan sa tabi ang ina ko. "Ang pangalan ng kapatid ni young miss Gesha, familiar sakin ang tunog." Uminom ulit ng alak sa baso niya si Donalyn. "Ghery, diba? Familiar lang sakin. Pero, minsan nakikita ko ang pangalan na 'yan sa top news in google." "Ako din Ma'am Donalyn. Naalala ko na pala, Sir Ghery is the top known business man in the states and other countries as well din po." Jojo explained while putting his finger down. "Minsan ko na rin naririnig sa tabi ang pangalan na 'yan. Private person lang siya, no photos na nakuha. Na curious lang ako at lalo na ang iba sa totoo nitong itsyura." Napa-isip ako ulit. Kung ganon na isang private na tao ang kapatid ni Gesha, bakit ang kapatid nito ay pinakita niya sa public gayong siya naman hindi? Hinahayaan niya lang ang bunsong kapatid. Nag-uusapan muli ang tatlo tungkol sa kapatid ni Gesha. Hindi namin namalayan ang oras at nasa alas tres na pala. Tumigil lang sila sa pag-uusap at uminom saglit, ako naman ay nakikinig lang sa kanila at minsan lang kikibo. Tulog padin sa mga bisig ko si Gesha. Ilang oras na itong nagpapahinga sa katawan ko. Kaya dahan dahan lang ang kilos ko upang hindi ito magising. "Ziah, can I have her now?" Agad akong napalingon sa nagsalita sa gilid ko. Si Draison na nakangiti sa gilid ko ang nandito. Nakabukas ang mga palad nito na handa nang kunin mula sakin si Gesha. Napakamot agad siya sa kanyang ulo at mas lumaki pa ang ngiti sa mukha. D*mn this man. He really has a kind of look that makes my seatmates shout in silent. Sinong hindi kikiligin? Halos masugatan na ang paa ko sa ilalim dahil sa gigil ni Donalyn! "Sorry about that. Kanina ko pa talaga gustong kunin si Gesha sa'yo, but I have something emergency to do..so ngayon lang ako bakanti." Paliwanag niya sakin. "It's okay, DM." Nakangiti kong sabi. Napapansin ko na paminsan-minsan ay di mapakali ang mata ni Draison. "Okay, let me have her then." Kinuha niya sakin si Gesha ng dahan-dahan. Sakto naman nang ibigay ko si Gesha sa kanya ay may chansa akong tumingin sa tinignan niya. Pasilip lang ang ginawa ko at napansin ko ang isang tao sa di kalayuan. Isang pamilyar na bulto sa unahan, ngunit may suot itong shades at sombrero. Pero malakas ang pintig ng puso ko. "Hey, I need to bring here in the hotel room to rest. Hinahanap na siya nang kapatid niya." Napaiwas lang ako nang tingin dahil kay Draison. Tipid akong ngumiti rito. "Thank you, ingatan mo nalang si Gesha." "I will always take care of this kid." Aniya at tumalikod na sakin. Pinakawalan ko na ang buntong hininga ko, tapos muling sumilip sa kinaroroonan nung pamilyar na bulto. Ngunit wala na ang taong 'yon don. Umupo nalang ulit ako pabalik. Kaso wala pading tigil sa kakaibang tibok ang puso ko. Another question that made me think and can't make an answer to my own. Kailangan ko na talagang magpatingin sa doctor. Kahit may alam na akong sagot pero nagdadalawang-isip parin ako. Na para bang may koneksyon ang lahat maging ang tibok nang puso ko at sa nakikita ko.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
hello
26/12/2024
0so good l like this story
30/11/2024
0😘😘
20/09/2024
0Tingnan Lahat