Homepage/The Big Boss Eye's/
CHAPTER 8
King's Point of view..
Nakamasid lang ako kay trina habang nagsusulat ito, ibang iba na talaga sya.
Hindi mo iisiping ganito ang itsura nya non.
Bulong ko sa sarili ko saka ko tinignan ang nag iisang larawan namin non.
Kuha namin iyon ng first date namin sa rooftop.
Napangiti ako nang maalala yon, maya maya pa ay tumingin ako kay trina na kasalukuyang hawak ang cellphone at tila may binabasa.
Pagkatapos non, tumayo ito at humarap sa akin para magpaalam.
''sir may kakausapin lang po ako sa ibaba.'' sabi nito saka tumalikod.
Hindi manlang hinantay ang magiging sagot ko, kainiz.
Nang tuluyan na itong lumabas ay agad din naman akong sumunod dito, nakita ko itong nagmamadali sa pag lakad hanggang bumaba ito sa lobby at sinalubong ang papalapit ding si max.
Tama si max agad itong yumakap kay trina at humalik sa labi.
''Letche...''napalakas na sabi ko, na buti nalang ay di narinig, pwera na nga lang kay nicolo na sinundan pala ako hanggang dito.
''para kang tanga boss!'' sabi nito na ikina batok ko dito.
''tinawag mo pa akong boss kung tatawagin mo lang din pala akong tanga.'' sabi ko dito na ikinangisi nito.
''eh kasi naman boss, kung tutuusin kayang kaya mong maPaibig ulit si miss trina.'' sabi nito sa akin habang nakangiti.
''pano ko nga gagawin yon eh, galit nga ito sa akin diba?''
''kaya nyo yan sir, gamitin nyo yang dimples nyo, yung killer smile nyo at ala song joong ki nyong itsura, tignan nyo bibigay yan agad sa inyo.'' sabi parin nito sa akin na ikinailing ko nalang.
''puro ka talaga kalokohan nicolo.'' nasabi ko nalang dito saka ako napailing.
Napatingin ako kay max habang nagbibigay ito ng paper bag kay trina..
''isang tanong lang boss sino bang mas gwapo sa inyo nung lalake na yan?'' tanong nito na agad ko namang sinagot.
''syempre ako, bakit ikaw sino ba sa tingin mo mas gwapo sa amin?'' tanong ko dito na ikinangiti nito.
''syempre kung ako si trina, mahihirapan ako kasi gwapo rin naman itong isa, matangkad, parang si teka lang sir may picture ako kung sino kamukha nya eh. Wait lang sir.'' sabi nito saka nito kinuha ang wallet sa may likuran nya at dukot ng isang laminated picture ni.

''eto sir oh! May pangalan Pa yan si jang geum suk. oh diba sir walang tulak kabigin sa inyo? Parehas kayong gwapo?'' sabi nito na ikinasimangot ko.
''kakampi ba kita o kalaban? Lumayas kana nga sa harapan ko baka maisipan kong tanggalin ka sa trabaho mo..'' sabi ko dito na ikinanguso nito.
''ikaw naman boss para binibiro ka lang eh,, syempre boss ikaw ang manok ko. Hirap kayang mag hanap ng trabaho..'' sabi nito na ikina iling kong muli.
Sira talaga ulo ng kaibigan kong ito.
Ewan ko ba bkit naging close kami nito, parang kilalang kilala kasï ako nito kung pano ako palamigin pag mainit na ang ulo ko.
''bumalik ka nalang nga sa trabaho mo!'' sabi ko nalang dito na agad naman nitong sinunod. Pero bago umalis bumulong muna ito sa akin.
''kaya mo yan sir... Aja aja...'' sabi nito sa akin na kina tango ko nalang.
Nang tuluyan na itong naka alis at nakalayo sa akin ay si trina na ulit ang tinignan ko.
Nagpapa alam na ang mga ito sa isat isa hanggang sa tuluyan ng umakyat si trina bitbit ang paper bag.
Sumunod agad ako dito hanggang sa maabutan kona ito.
Trina's Point of view...
Titxt ako ni max na dinalan daw nya ako ng paburito kong ginataang bilo bilo kaya nasa ibaba daw sya ng kumpanyang pinapasukan ko.
Agad akong nagpaalam kay sir king na may kakausapin lang ako saka ako agad na bumaba.
Nadatnan ko ito na naghihintay sa may lobby, agad itong lumapit sa akin at humalik sa akin.
Inabot nito sa akin ang medyo mainit init pang ginataan.
''salamat! The best ka talaga.'' nasabi ko dito.
Ang totoo nyan mayaman si max, kung tutuusin pwedemg pwedeng bumili nalang sya, pero hindi ito ganun, lahat ng alam nyang Paburito ko ay ito mismo ang gumagawa at nagluluto.
''syempre naman the best karin naman kaya daPat ganun din ako. Baka kasi ma agaw kapa sakin ng iba mahirap na..'' sabi nito na ikinatawa ko.
''sira ka talaga, sino naman magkakagusto sa akin, eh ikaw nga lang itong nabilog ko.'' sabi ko dito na inilingan nito.
''ano kaba? Hanggang ngayon ba naman wala kaparing tiwala sa itsura mo? Maganda ka trina, mas maganda kapa sa kahit na kanino.'' sabi nito saka nito hinawakan ang kamay ko.
''ikaw talaga lumalaki talaga ulo ko Pag ikaw ang kasama ko.'' sabi ko dito sabay tawa.
Mga ilang minuto Pa kami nagusap bago ako nito pinagtulakan ng muli na pumasok na..
''babye!!''paalam nito sa akin kaya tumalikod na ako at naglakad papaakyat.
Hindi kasi ito aalis hanggat hindi nya ako nakikitang okay lang...hanggang sa nasa tapat na ako ng elevator.
Pinindot ko ang 8th floor kung san naron ang office namin ni king.
At ng bumukas na ito biglang may humawak sa kamay ko papasok ng elevator.
Pag tingin ko si king.
agad na pinindot pasara ang elevator at saka ako hinarap.
''diba sabi ko sayo makipag hiwalay ka sa kanya?'' sabi nito na kinaTaas ko ng kilay.
''boss kita Oo pero wala kang karapatang pang himasukan ang pakikipag relasyon ko.'' sabi ko dito na nag paumid ng dila nito.
''pero gusto kita at nag seselos ako kay max.'' sabi nito na tinawanan ko lang.
Yung tawang hindi naniniwala.
''alam mo sir hindi na po ako kagaya ng dati na pag sinabihan nyong gusto nyo eh magkukumahog akong magpauto sa inyo, dala na ako.'' sabi ko na tuluyan nagpatahimik dito, kaya naman ng bumukas na ang elevator ay nagmadali na agad ako sa pag labas.
Ayoko ng maniwala sa mga kasinungalingan nito, tingin ba nya porket dito ako nagtratrabaho ay hawak na nya ang damdamin ko? Nagkakamali sya hindi na ako ang dating trina na nagpauto sa kanya.
Bulong ko sasarili ko. Saka ako pumasok sa opisina.
Agad akong umupo at tumingin sa mga papel na kailangan kong mabasa at maipa aprubahan kay king.
Dito ko nangalang ibubuhos ang oras ko.
tumingin narin ako sa relo ko at nakita ko dalawang oras pa ang bubunuin ko bago ako makauwi.
parang ang Tagal naman kasi ng oras.
Nakakainis ... Naibulong ko sa sarili ko.
Mayamaya pa bumukas na ang pinto at pumasok na si king..
Tahimik lang ito, pero madalas nahuhuli ko itong nakatingin sa akin.
Haisst... Kailangan ko pang ipa pirma ang mga ito.
Kaya tumayo na ako at ibinigay dito ang ilang mga kailangan nyang pirmahan.
Kinuha naman nya iyon at pagkatapos ay binasa muna bago pinirmahan.
Bumalik muna ako sa lamesa ko at tinignan ang laman ng paper bag na ibinigay ni max sa akin..
amoy pandan ang bango naibulong ko ng biglang nagsalita si king.
Nasa harapan kona pala ito...
''alam din pala nya ang paburito mo ano? Alam din ba nya na may weird kang pagkain na kinakain?'' tanong nito sa akin na nagpakunot ng noo ko.
''kung ang tinutukoy mo ay ang pagkain ko ng lugaw na halos puro suka at paminta ang sahog.
Wag kang mag alala alam din nya yon.'' sabi ko dito na ikina ngiti nito.
''pati ba ang pagkain mo ng kakanin na nilagyan ng catsup alam nya?'' tanong nito sa akin na nagpatahimik dito.
Ito kasi ang may favorite non at sa kanya ko lang din yon natikman, at aaminin ko nagustuhan ko rin iyon at di nagtagal ay naadik ako sa lasa...
Pero tinigil kona iyon mula ng matuklasan kong niloko lang pala ako nito.
''hindi ko yon gusto.''sagot ko dito. Saka ko muling tinuon ang tingin ko sa lamesa ko.
''talaga?'' tanong pa nito saka umupo sa harap ng lamesa ko..
''Oo nga kulit mo! UMalis kana nga,, trabaho ang ipinunta ko dito hindi pakikipagkulitan sayo.'' sabi ko pero tinitigan lang ako nito ng mga ilang minuto. Halos muntik na nga akong matunaw sa tingin nito.
Lalo na nang sabîhin nitong...
''alam mo bang mis na mis kita? Na napakasaya ko ngayong kasama kita? matagal kong hinintay ang pagkakataong ito upang sabihin sayong sorry sa lahat ng nagawa ko sayo non.'' napaka seryosong sabi nito sa akin saka biglang hinawakan ang kamay ko....
''mahal kita mula non hanggang ngayon'' dugtong pa nito na inilingan ko sabay sabing..
''sinungaling..''
To be continue.....I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (13)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
huhu bat ang tagal ng karugtong
23/08/2024
0ganda ng mga sulat mu kaso bitin palagi nakakainip din maghintay sana magsulat ka ng buo para ganahan mga nagbabasa
20/07/2024
0I really like your story❤️
18/05/2024
0Tingnan Lahat