EPILOGO

NAKATANAW SI Alexander Montegracia sa magkasintahang masayang nagpi-picnic habang nakaupo sa ilalim ng isang sanga ng kahoy. Masayang nagtatawanan ang mga ito na parang silang dalawa lamang ang nasa sarili nilang mundo.
Nang makuntento ay tumalikod na siya. Nilingon muna niya ulit ang doktorang tumatawa sa kung anong sinabi ni Gerard, at ng akmang maghahalikan na ang mga ito ay doon na siya tuluyang umalis.
Nasa bulsa pa rin niya ang isang vial ng Apohixen. Tapos na ang pakay niya sa dalawa. Kailangan naman niyang lumipat ng target.
Akmang maglalaho sa dilim ang dating second-in-command ng Phoenix nang makita niya si Sprite na nagsa-sparring kasama si Siren. Pinakatitigan niya ang mukha ng dating kaibigan at nakita ni Alexander na kalmado na ito hindi tulad noong bago pa lang ito nagising.
Siguro, nakuha na nito ang gusto nitong makuha mula noong Trial of Labyrinth na ginanap isang buwan na ang nakakaraan, o may mas malaking bagay itong nakamit mula sa trial na iyon. Ayon kasi sa mga espiya niya ay nagbalik sa dati ang samahan ng Phoenix kasama si Sprite.
Ngayon ay ang dilemma naman ni Gerard ay ang pananakot ni Carol na kukunin nito si Timtara mula sa lalaki. Isang biro na nagdudulot na maging tampulan ng tukso si Timtara.
Sa nakikita ni Alexander ay tunay ang kapayapaang nararamdaman ni Carol. Kahit hindi nakuha ni Alexander ang nais niyang resulta sa trial ay matatawag na ‘satisfactory’ ang nakuha nitong resulta.
He got to keep an eye on Sprite. After all, she’s the only recipient of the newest model of Philosopher’s Stone. He wanted to know the side effects it will cause. At tulad ng dati ay naglaho na siya sa dilim.
SA KABILANG banda naman ng palasyo ay naglalasing si Grim kasama sina Seeichi at Kiel.
“Trinity High students are the worst! Ayoko ng magturo do’n! Pakisabi naman sa asawa mo, pare o? Na bawiin ang utos niya sa ‘kin.” Halata sa buhok na resulta ng ilang beses nang binunot ito ni Grim dahil sa konsumisyon.
“You know who’s the boss between me and my wife. Sorry, pare, I can’t help you with that.”
“E ‘di, romansahin mo, King K,” nakangising suhestyon ni Seeichi sa hari at itinaas pa nito ang sariling kopita.
“‘Yan ba ang ginagawa mo kay Siren, Seeichi?” halos magkasabay na tanong ng dalawang lalaki sa nakangisi at lasing na asawa ni Siren.
“Oo naman. And it’s very effective. I can turn the great lioness to a kitten in one move. Alam niyo na ‘yon,” proud na proud na saad nito, pero imbis makatanggap ng mga paghanga mula kina Grim at Kiel ay tila takot na takot ang mga itong nakatingin sa kaniya, hindi. Takot at pinagpapawisang nakatingin ito sa likod ni Seechi.
Sa nakitang reaksyon ng dalawang kainuman ay napalunok nang ilang beses si Seechi habang tila pinagpapawisan ang kili-kili niya.
“Sh-she’s behind me, right?” nagkandautal-utal na tanong ni Seeichi sa mga kaibigan na ang tanging sagot ay tango na para bang mga tuta ito.
Pasimpleng um-exit si Grim habang natira sina Kiel at Seeichi na kaharap na ngayon sina Fallen Angel at Siren na parehong may matalim na tingin sa dalawa.
“You,” turo ng reyna sa hari. “Come with me.”
Mabilis na napatayo si Kiel at tila masunuring tuta na nagmartsa papunta sa asawa. Si Seechi naman ay muntik nang mapaubo dahil sa lamig ng titig na nagmumula kay Siren. “Hindi ka pa ba tatayo, Seechi?”
Doon na nabitawan ni Seeichi ang kopita at tuluyan na itong napaubo.
TIMTARA
NAKAHIGA ANG ulo ko sa hita ni Gerard. Mahangin sa aming pwesto at mabango ang simoy ng hangin dahil nasa hardin kami na malapit lamang sa laboratory. Inaantok na ako dahil hinahaplos ng aking kasintahan ang aking buhok.
“Baby, you asleep?” marahang tanong ni Gerard sa ‘kin dahil nakapikit ako.
“Nope,” inaantok na sagot ko subalit ako’y napadilat sa sumunod na tanong ni Gerard. “Wanna elope with me?”
Ang tanong niya ang nakapagpadilat sa akin. At doon ko nakita sa kaniyang nakangiting mukha na seryoso siya. Ang lalaking hindi ko inakalang magiging akin. I cupped his face as I smiled and replied.
“Where to?”
GERARD
NABABAGOT NA nakatingin lamang ako sa dalawang babaeng tumatawa habang nakatingin sa malaking screen. Hindi ko maintindihan kung ano ang nakakatuwa sa sylph version ni Carol na nasa loob ng isang virtual game na siyang pinapanood ng dalawa ngayon.
“Baby, hindi pa ba kayo tapos kakapanood kay Carol diyan? Baka kapag lumabas na ‘yang anak natin ay maging kamukha na ‘yan ni Carol, a?” Hindi ko maiwasang makapagsalita na para bang nagseselos dahil sa buong durasyon matapos ang Trial of the Labyrinth ay talagang naging malapit na sina Timtara at Carol – na siyang hindi ko agad sinang-ayunan dahil sa mga baliw kong kaibigan na tinutukso ang dalawa. At ang magaling ko namang asawa ay ngumingiti lang.
Lumingon sa akin ang dalawa. Si Kharmaine na pinagtaasan lamang ako ng kilay at si Timtara na nakangiti nang maluwag sa akin na nagdulot ng pagkalampag ng konsiyensya ko dahil sa pagkakairita ko kanina. Damn, the things that love will make a people do. Totoo talagang nakakabaliw ang pag-ibig. But did I regret loving her? Nope, not one bit.
“Malapit na, baby. Umupo ka kaya muna rito? Come and watch Carol. I swear, she’s hilarious inside the game.” Masaya ang boses nito at habang malapad na nakangiti at tinatapik ang bakanteng lugar sa tabi nito. Subalit, tila mas nag-init ang ulo ko sa sinabi ni Timtara.
At dahil ayaw kong makapagsalita nang hindi maganda kay Timtara ay mabilis akong naglakad papalayo sa laboratory na iyon. Narinig ko pa ang sinabi ni Kharmaine sa akin. “Are you PMSing, Gerard?”
Hindi ko na ito nilingon at dire-diretso nang naglakad papunta sa pinakamalapit na hardin ng laboratory at umupo sa isa sa mga bench sa lugar. Napabuntong-hininga na lamang ako. I can’t control this mood swings. Hindi naman ako bipolar at hindi rin ito dahil sa nagkaroon ako ng DID or split personality. Iisa lang ang dahilan nito at hindi ko alam na makakaranas ako nito at ito ay ang maglihi.
Ever since that we found out about Timtara’s pregnancy ay doon din bumukal ang matinding pagdating ng mga mood swings ko. Though, I am glad that my wife can’t experience this, ang asawa ko naman ang tila nahihirapan kung bigla-bigla na lamang akong magagalit o malulungkot. Damn, ako dapat ang nag-aalaga sa buntis kong asawa pero, ako na ngayon ang kaniyang inaalagan! Kaya kapag nararamdaman ko nang may mood swing na akong paparating ay ako na lamang ang umaalis. Baka kasi ma-stress pa si Timtara at kung ano pa ang mangyari sa mag-ina ko.
For the nth time today, I drew a deep breath. Calming my nerves, thinking of the little jelly bean inside my wife’s womb.
“Are you okay, baby?” Isang pares ng mga malalambot na mga kamay ang minamasahe ang ulo ko mula sa aking likuran. Her soft scent washed me, but still, the baseless irritation inside me never stopped.
Hinuli ko ang kanang kamay ng aking asawa at dinala ito sa aking labi upang halikan. I inhaled her scent, wishing that this damn mood swing will calm down. “Come here. You know that it’s not good for you to keep on standing.” Marahan ko siyang hinila papunta sa harapan ko at pinaupo sa aking kandungan.
At nang magtagpo ang aming mga mata ay tila naubusan na naman ako ng hininga. Her cerulean eyes never fails to leave me breathless. Ang malambot nitong kaliwang kamay ay sinapo ang pisngi ko. “Ayos ka lang ba? Is it the mood swing again?” May pag-aalala sa boses at mukha nito kaya madali akong umiling.
Isinandal ko ang aking noo sa kaniyang noo. Our breaths mingled together with our baby in between us. “Don’t worry about me. Alam mo naman kung gaano ako kagaling mag-adjust, baby. What you should be thinking is yourself and our baby.” I touched her belly carefully – full of pride and love for the miracle that we both created out of love.
Mahinang tinapik ako ni Timtara sa aking pisngi na tila hindi siya sang-ayon sa aking sinabi. “Asawa mo ako, Gerard. Hindi mo ako alagain. And I have the right to worry. Hindi mo ‘yon mawawala sa akin dahil normal lang mula sa pusong nagmamahal ang mag-alala.”
Ang pag-iinit ng aking pisngi hanggang sa aking mga tainga ang senyales na ako ay namumula. Damn, mag-asawa na kami at lahat-lahat subalit daig ko pa rin ang isang teenager na pinansin ng crush tuwing sinasabihan niya ako na mahal niya ako. I am such a pussy! Kaya upang hindi mapansin ni Timtara ay isinubsob ko ang aking mukha sa kaniyang leeg.
“Ang swerte ko talaga sa asawa ko,” paglalambing ko sa kaniya na sinagot niya ng isang mahinang tawa na nagdulot ng kiliti sa aking sistema.
Her soft hands lingered in my head as she combed my hair soothingly. “So, ano’ng ikinagalit ng asawa kong mayroong mood swing? Tell me, so we can solve it together.”
Nagdaan ang ilang segundo bago ko sinagot ang aking asawa. Ayoko sanang bigyan pa siya ng alalahanin dahil sa mga maliliit na problema na wala naman sanang kabuluhan subalit napagtanto kong mag-asawa na kami. My concern is her concern, as her concern is also my concern.
“Nagseselos lang ako sa oras na inilalaan mo sa panonood kay Carol,” tila batang nagmamaktol na sumbong ko habang nakasubsob pa rin ang aking mukha sa kaniyang leeg. Hinigpitan ko rin ang aking yakap sa kaniyang maliit na katawan. Damn, this is so embarrassing.
I expected her to laugh at my face for my pettiness, but it never came. Instead, she hugged me as she tapped my back lovingly. “Pasensya ka na, ha? Alam mo namang nabigyan kami ni Kharmaine ng misyon na tingnan ang progress ni Carol sa loob ng virtual game. But I can tell the queen to cut off my load. Pwede ko namang idahilan na malapit na akong manganak kaya mas mabuting nasa bahay lang ako.”
Sa kaniyang sinabi ay tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. Bakit nga ba ako nagseselos, e, mahal na mahal ako ng babaeng ito gaya ng pagmamahal ko sa kaniya? Ang gago ko lang upang gawin siyang sinungaling para lamang sa kapritso ko. Sapat nang malaman kong kaya niyang magsinungaling para sa akin.
Bahagya kong inilayo ang kaniyang katawan mula sa akin at pinakatitigan ang mukha niya. Nasa pisngi niya ang dalawa kong mga kamay. “Thank you, baby. You don’t know how much your words mean to me. But you don’t have to lie because of my mood swing. Naiintindihan ko naman at sapat nang malaman kong gagawin mo ‘yan para sa akin. You don’t have to stop what you are doing. Naalala mo ‘yong sinumpaan natin? For better or for worse? This is me doing for the better.”
A pretty smile bloomed in her face. “I love you, baby,” saad ko at hindi ko na hinintay ang sasabihin niya nang hinalikan ko na ang asawa ko – showing her how I really meant what I said.
Ganito talaga ang buhay mag-asawa. Sometimes, you just need to talk to sort things out. Dahil sabi nga nila, walang nagtatagal na tampuhan sa mag-asawang nag-uusap – and of course, sa mag-asawang palaging may loving-loving.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Benson Soliven Llanto

    issjsjbsjsjsjsjwwbwbsbsbsbsbsbsbsjsjsjsjjsjbqbbsbsjdjdjdjjdjfbficiebfjcuebfichefjbuhrbfjf dfffkjdnfjdbejfifbdjxkbekx in dbdjfjfjfbfbf o'clock kg hobo FEC nenfbdbdjffjbddbfufbfjixbekffokelewkdbdbdkdbdbebnkkedjdbfkdbdnxidnebdodoqkwbwb Ed ifjfebekfofkdbwbeofkdjnskebfixjdbxoxjdbdox in e book dnnefiejekjen ex cbbfjffikenfjbefjknffndnfndbfjfjfjfjfkdkfkdkpwkdkdndnejeejdjejekekekek ekendkdkdkdkdkddkdkdbdbfifjdbxidjd in djdjfjjfjfjfjdjdjdjdjjddjjdkdkdkdkdkdjdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbbddbdbbndkf

    28d

      0
  • avatar
    RH EA Il

    amazing💗

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Mary Grace Olanda

    sobrang ganda ng first chapter or chapter 1 yung kwento nya is parang totoo talaga galing ng sumulat nito gaking ng author grabe and thanks kase nakita ko tong ganitong story tuloy parang gusto ko nadin maging scientist HAHAHAHA just kidding but super galing mo gumawa ha author galing mo sobrang ganda ng kwento just on the life situation and alam ko na maraming makakarelate dito lalo na yung mga taong may pag ka gusto sa mga scientists sciences nayan kaya super ganda just keep it up good jobb!!!

    11/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Tapusin

Mga rekomendasyon para sa iyo