Homepage/Melody Of Death/
CHAPTER 26
LINGID SA KAALAMAN ni Timtara ay nakatingin lamang sa kaniya si Gerard mula sa screen na ipinalagay ng hari malapit sa lagusan kung saan lalabas ang mananalo. Doon naghihintay ang lahat, may naka-set up na mga tents kung saan nakatingin lang sa screen ang lahat.
Si Gerard ay walang dudang alam niyang napakadali lang para kay Carol ang lahat. Pero si Timtara ang inaalala niya na ikinangiti niya nang makita ang ginawa nito kanina. Hindi naman pala siya dapat matakot nang lubos na para bang wala ng pag-asa ang dalaga. Nalimutan niyang matalino si Timtara.
Timtara Aurina Wilson ain’t a warrior, but she’s a damn smart doctor. He hoped that Carol will see what she seeks to know.
Sa kabilang banda naman ay umatras muna si Timtara bago pumasok sa loob ng silid na punong-puno ng apoy.
“Shit just got real. Hay nako, sa ngalan nga naman ng pag-ibig, kung anu-ano na ang ginagawa ko sa ‘yo, Gerard ka,” pagdadabog ni Timtara habang hinuhubad ang damit na na-exposed sa ammonia. Ayaw niya namang magkaroon ng itim na balat dahil natusta. Though, hindi masyadong marami ang ammonia na nasa damit niya at hindi ito gas na maaaring sumabog, still, it can attract heat na maaaring magtrigger ng apoy sa damit o balat niya na pwedeng kumalat sa buo niyang katawan.
Ang nahubad na damit maliban sa underwear ay masusing ipinunas niya ito sa balat niyang na-exposed ng ammonia. Inamoy niya ito. “Shit, shit, shit!”
Nakamasid pa rin sa kaniya ang mga chimeras na hindi makalapit dahil sa ammonia na nasa damit niya. Nang pakatitigan niya ang mga ito at ang paligid niya ay nakita niya ang tumutulong venom mula sa mga bibig nito.
“Again, imagination ko pa rin ‘to pero, sana naman magwork.” Iniumang ni Timtara ang damit upang mapaatras ang mga chimera na siya namang nangyari. Nang mapalapit sa venom na tumulo sa sahig ay gamit ang kaliwang kamay ay nag-scoop siya upang ipunas ito sa balat niyang na-exposed ng ammonia. Dahil transmutation results ang mga chimera, hindi one hundred percent ang venom sa laway nito kaya hindi delikado na ilaban sa apoy, hindi tulad ng ammonia kahit liquified pa ito.
Sa kabilang banda naman ay pira-piraso na ang mga screens sa tent na kagagawan ni Gerard at ang kaniyang scythe.
“Sorry, guys. I guess we just have to rely on the guides to do their damn job.”
Nang pumasok na ang doktora ay napaluhod na si Timtara sa sahig na marmol dahil sa sobrang init na nagmumula sa mga flame thrower na nagkalat sa buong silid kahit ilang minuto pa lamang siyang nakapasok. Gumana naman ang ginawa niyang trick kahit na nangangati ang balat niya, mas mabuti na ito kaysa sa matusta siya nang buhay. Mausok din ang paligid kaya upang makahinga ay dumapa si Timtara. Hindi kasi umaabot ang usok hanggang twelve inches above the ground, kaya upang makahinga ay dumapa siya.
May humigi’t kumulang na dalawangpung flame throwers na nagkalat sa paligid. Base sa flame power nito ay para itong mga incinerators na ginagamit for cremation pero, nakadesinyo lamang ito na parang mga baril na bumubuga ng apoy.
So far, hindi pa naman siya natatamaan ng flame thrower dahil panigurado ay tostado na siya ngayon. Gumagapang si Timtara habang inoobserbahan ang mga flame thrower.
Wala na si Carol sa paligid. Kanina pa ito nakagawa ng paraan nang akyatin nito ang vent kung saan nakatulong para rito ang pagtalon ulit tulad kanina. Pawis na pawis na siya sa sobrang init. Kahit hindi natatamaan ng apoy ay dama niya ang init nito na kumakalat sa kaniyang katawan. Hindi mabuti ang ganito kung ayaw niyang mamatay sa dehydration.
Carol relies on her reflex while Timtara relies upon her brain.
“Okay, now there’s the pattern.”
Pinakatitigan niya ang bawat isa kung ilang segundo ang interval sa paghinto ng flame thrower sa pagbuga ng apoy. Napag-alaman ni Timtara na may five seconds interval ang mga ito at matapos ang five seconds na iyon ay bubuga ulit ito ng apoy, kaya dapat ay mabilis siya sa pagtakbo.
Matalas ang mga matang nagbilang na si Timtara mula lima. ”5, 4, 3, 2, 1!”
Walang lingun-lingon na tumakbo si Timtara at nang hindi niya makaya ang sobrang bilis na takbo tulad ng nasa imahinasyon niya ay hinagis niya ang kaniyang panyo at inapakan ito upang mag-slide siya sa sahig dahilan upang makaiwas siya sa panghuling flame thrower.
“Self note, huwag magtiwala sa sariling imagination. Make a plan B or plan C, Timtara. Fight girl!” salita ng dalaga sa kaniyang sarili habang tumatakbo papalayo sa mainit na kwartong ‘yon. She badly needs water.
Diretso lamang ang kaniyang paglalakad nang mapatigil ulit. Sa harap ni Timtara ay naka-display ang isang malaking chimera na mayroong gagamba ang kalahati ng katawan pero, ang kalahati naman ay may buntot ng ahas. Sa laki ng ulo ng gagamba ay hindi halos makikita ang pangalawang lagusan na may tatak na ’02.’
Halos mapuno ng katawan at mga mabalahibong galamay nito ang buong daanan ng tunnel. Ang upper body lang nito ang gumagalaw habang ang lower body nito na katawan ng isang ahas ay nakaliko lang sa kinatatayuan ng katawan.
May napansin si Timtara at nang titigan niya ito nang mabuti ay nakita niya si Carol. Kasalukuyang nakikipaglaban ang dambuhalang chimera kay Carol na madaling nakakaiwas sa mga atake ng chimera.
“Oh, wow.”
Dahil aminadong wala siyang panlaban kapag nakisali siya ay dahan-dahan siyang sumandal sa mabatong kanang dingding ng tunnel. Ang target niya ay ang spider web na nagkalat sa paligid. Nang hawakan niya ito kanina ay may rubbery element siyang napansin mula rito.
Kung eestimahin niya ang distansya nya at ng lagusan kapag tinakbo niya ito, paniguradong mahuhuli siya. Na-test na niya ito kanina. Habang busy ang chimera kay Carol ay gagawa siya ng improvised launcher na may angle na 110 degrees upang swak siya sa pangalawang lagusan.
Dahan-dahan ang kaniyang galaw upang hindi makakuha ng atensyon habang ginagawa ang plano niya. Ang hulma ng launcher ay parang tirador kung saan ang dalawang malalaking nakausling bato sa dingding ang kaniyang ginawa niyang pundasyon. Upang maging matibay ang spider web ay nag-braid siya ng mga spider strings.
Dahil may direksyon na siya upang makakuha ng tamang timing ay kailangan niyang makuha ang velocity ng launcher na siyang kinakalkula ni Timtara habang nag-be-braid ng spider strings. Nang makuha na niya ang rate of speed at rate of time ay siya namang pag-alingawngaw ng boses ni Carol.
“Putangina! What the heck are you doing?”
Nalipat sa kaniya ang atensyon ng dambuhalang chimera.
“Holy cow.”
“Carol naman, ang daya nito!”
TIMTARA
SHIT! SHIT na talaga! Shit na Carol naman, e! Nang mapunta sa akin ang atensyon ng dambuhalang chimera ay mabilis na tumakas ito at dumiretso na sa lagusan para sa ikalawang trial. Ngayon ay tarantang ipinuwesto ko ang aking sarili sa launcher habang pilit na mini-meet ang conditions upang ma-hit ang target kong velocity sa direksyon na 110 degrees from my point. Ginamit ko ang muscular strength ng aking buttocks upang mas mag-stretch ang launcher. At nang nasa limang metro na lamang ang layo ng gumagapang na chimera sa akin ay doon ko ini-release ang aking katawan mula sa pagkakatukod sa sahig ng tunnel at hinayaan ang aking katawan na lumipad.
Tila nag-slow motion ang lahat nang mapadaan ako sa nabigla ring chimera. Mabilis na hinablot nito ang naka-suspend sa ere na aking katawan pero buti na lamang at nakuha ko ang rate per speed na aking target dahil kung hindi ay maaabot ako ng mga galamay nito. Sa tingin ko ay three inches na lang ang layo nito sa mukha ko nang hahablutin sana ako nito.
Holy cow!
Dahil sa dire-diretso ang paglipad ko papasok sa nakabukas nang pinto ay ang tanging nagawa ko na lamang ay ang sumigaw habang naghahanda sa pagbagsak ko, pero mas lalo akong napasigaw nang makapasok ako sa isang malawak na silid o lugar. Sigurado akong hindi ito silid, more like a chamber dahil sa high ceilings at ang lawak ng lugar, pero nang tingnan ko ang landing space ko ay napansin kong maraming maliliit na daan sa paligid. No, it’s more like a bridge that can only handle one person at a time dahil sa sobrang liit ng daanan.
Kaya ako napasigaw dahil sa takot na hindi sa isa sa mga tulay na iyon ako mag-landing, kundi sa mga espasyong nasa pagitan ng mga tulay. Kung mahuhulog ako rito ay hindi ko alam kung saan ako pupulutin dahil sa sobrang dilim ng ilalim nito.
“Aaah!”
Mas malaki ang tiyansa na mahuhulog ako kaya habang nasa ere ay tinanggal ko ang bra ko at ginawa ko itong lubid nang akmang lalampas ako sa isang bridge. That one arm hole from my bra got caught in between the stones of the path which saved me.
“Now, this is literally a wonderbra!” Tatawa-tawa ako sa ginawa ko.
Kahit nagpapagulong-gulong ako at bugbog sarado na ang boobs kong tumatalbog ay iniyakap ko ang aking sarili sa magaspang at mabatong sahig. Bahala na kung pakiramdam ko ay matatanggal ang nipples ko tuwing matatamaan ito ng bato basta pilit kong nilalabanan ang aking motion gamit ang application ng inertia.
Galos-galos na ako nang tumigil ang aking paggulong at ang binti ko lang ang nakabitay sa labas ng surface. Ang aking bandang dibdib ang nagtamo ng pinakamalaking pinsala at mga tuhod.
“At least, my nipples are still here.” I touched my nipples which are slightly aching from what happened. Gusto kong umiyak sa sakit pero ayoko dahil natatakot ako kapag inamin kong pagod na ako mula sa ilang oras na paglalakad at dahil sa mga galos at lamig ay baka makaramdam ako ng pag-aalinlangan.
I can’t afford to doubt myself. I need to survive and prove myself worthy of that man who’s waiting for me at the end of that tunnel.
“Go lang nang go, Timtara!” I cheered for myself.
Hawak-hawak ang aking sugatang kanang braso ay naglakad na ako papunta sa liwanag. Dahil sa dilim ay wala na akong ideya sa takbo ng oras o kung ilang oras na ba ang nakakaraan, pero ang sigurado ako ay malapit nang matapos ang oras na ibinigay sa amin dahil lumalamig na ang loob ng tunnel, malapit nang magtakipsilim.
Habang naglalakad ay na-a-amaze ako sa arkitektura ng lugar. Ang dinadaanan ko ay matatawag na tulay, pero napakaliit na espasyo nito at napakanipis. Wala rin itong railings at gawa ito sa bato. May mga ganitong tulay na nagkalat sa aking paligid mula sa pinakababa at pinakataas, mula sa pinakakanan ko at pinakakaliwa ko. At ang lahat ng mga ito ay iisa lang ang pinagmulan, ang malaking lagusan na dinaanan ko kanina habang nasa ere ako. May mga tulay na malalapit din sa isa’t-isa, may ilang dangkal lang ang layo habang may ilan na ilang metro naman ang layo sa isa’t isa. Mayroon ding hindi mo papangaraping talunin dahil sa layo. Maingat din ako sa pagtingin sa baba dahil isang maling galaw ay talagang mahuhulog ako.
Ang panaghoy ng hangin ay rinig na rinig din kapag tumitingin sa baba ng tulay. Kapag hindi mabibigat ang hakbang mo ay tatangayin ka ng hangin panigurado.
Nang mas mapalapit na ako sa liwanag ay pakiramdam ko, ito na ang finish line nang biglang sumigaw ang isang boses sa aking likuran.
“I’m not letting you win!”
Tila isang tarzan na nakahawak sa tila baging si Carol nang lingunin ko siya at dito siya sa direksyon ko papunta.
“Oh no! Oh no!” Huli na upang iwasan ko siya kaya napabangga siya sa akin tulad ng ikinakatakot ko.
“Watch it!” angil niya sa akin habang nagpagulong-gulong kami. Dahil may sugat na ako ay ramdam ko na may mga naiiwang bakas ng dugo sa mga batong nagugulungan namin.
Napupudpod na ang kuko ko at ang aking mga daliri ay nagdudugo na habang pinipilit ko itong ibaon sa mga bato upang makakuha ako ng pagkakapitan. Mabuti na lamang at may isang nakausling bato akong nakapitan at napatigil ang paggulong ko papuntang kamantayan.
Kahit bugbog-sarado ay nilingon ko si Carol. Nakita kong ginamit ni Carol ang reflex ng katawan nito upang mag-apply ng inertia sa galaw. Nakamamangha ito subalit hindi nito inasahan na sa pag-apak nito sa mabatong sahig ay bibigay ang parteng iyon.
“Carol!” sigaw ko na dumagundong sa buong lugar.
Dahil siguro sa bigat nang paglanding niya na malakas ang impact kaya bumigay ang manipis na bahaging ‘yon ng tulay.
At that moment, I felt the time got suspended. I know it’s not what really happened since we can’t stop time but from my perspective, it really did. I saw her look when she’s falling to the depths of the darkness. That look of her eyes as she looked directly at me.
The way she’s looking at me, it’s like she’s saying ‘you win bitch.’ I can tell because of the smug grin on her face.
The biggest array of questions happened inside me. Should I save her and secure my win? Or should I help her and forfeit my claim?
This is the decision that will either break me or make me.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
issjsjbsjsjsjsjwwbwbsbsbsbsbsbsbsjsjsjsjjsjbqbbsbsjdjdjdjjdjfbficiebfjcuebfichefjbuhrbfjf dfffkjdnfjdbejfifbdjxkbekx in dbdjfjfjfbfbf o'clock kg hobo FEC nenfbdbdjffjbddbfufbfjixbekffokelewkdbdbdkdbdbebnkkedjdbfkdbdnxidnebdodoqkwbwb Ed ifjfebekfofkdbwbeofkdjnskebfixjdbxoxjdbdox in e book dnnefiejekjen ex cbbfjffikenfjbefjknffndnfndbfjfjfjfjfkdkfkdkpwkdkdndnejeejdjejekekekek ekendkdkdkdkdkddkdkdbdbfifjdbxidjd in djdjfjjfjfjfjdjdjdjdjjddjjdkdkdkdkdkdjdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbbddbdbbndkf
07/09
0amazing💗
31/03/2025
0sobrang ganda ng first chapter or chapter 1 yung kwento nya is parang totoo talaga galing ng sumulat nito gaking ng author grabe and thanks kase nakita ko tong ganitong story tuloy parang gusto ko nadin maging scientist HAHAHAHA just kidding but super galing mo gumawa ha author galing mo sobrang ganda ng kwento just on the life situation and alam ko na maraming makakarelate dito lalo na yung mga taong may pag ka gusto sa mga scientists sciences nayan kaya super ganda just keep it up good jobb!!!
11/01/2025
0Tingnan Lahat