Homepage/Melody Of Death/
CHAPTER 24
“YOU’RE CREEPING me out right now, baby.” Ang boses ni Atlas ang umalingawngaw sa buong paligid ng laboratory. Ito ang nasa isipan ni Timtara habang nakatingin sa kasintahang nakaupo lang sa harap ng glass tank at nakaharap sa kaniya. Nagbabasa ito ng mystery novel pero malakas nitong binabasa ang kwento para sa dalaga.
Napataas ang kilay ni Gerard sa sinabi ni Atlas na alam ng lalaki na siyang sinabi ni Timtara sa isip nito. Naunawaan na kasi ng lalaki ang lahat pati ang napag-alaman nilang Philosopher’s Stone Liquid na nasa DNA ni Carol ngayon at ang siyang tinatanggal na substance sa katawan ni Timtara.
Sa halos isang linggong paglalagi ni Gerard sa laboratory upang samahan si Timtara ay napapansin na niya ang unti-unting pagganda ng kalagayan nito. Sa isang araw ay pilit na nilalagi ni Gerard ang laboratory ng humigit-kumulang limang oras. Kailangan din niyang tingnan-tingnan ang mga anak nina Fallen Angel at Siren pati ang mga knights na nakabantay sa mga ito. May mga araw ring nagpapasama si Carol sa kaniya dahil hindi na ito pamilyar sa Realm.
Nakakalakad na si Carol at nais nitong punan ang limang taon kung saan huminto ang pag-ikot ng mundo nito, kaya kung saan-saan ito nagpapasama kay Nightwind.
“Is staring at you like you’re my entire universe is a creepy thing nowadays?” Seryoso ang pagtataka ni Gerard sa kasintahan. Kapag kasi hindi siya nagbabasa ng mystery novel ay tinititigan niya ang babaeng mahal. Timtara is his greatest mystery. After all, how can you decode the entirety of the woman you love? It is simply impossible.
“Not that! I’m not used to the way you stare at me. Even Alexander didn’t do that kind of stare.”
Sa pagbanggit ng dalaga sa pangalan ni Alexander ay nagbago ang timpla ni Gerard. Nagulat si Timtara nang bigla nitong isinara nang malakas ang librong binabasa at tiningnan ang dalaga nang masama.
“Tell me, kuting. How did he stare at you huh?” Naglakad ito palapit kay Timtara at nang makalapit ay pinakatitigan siya nito na parang kakainin siya nang buhay.
“I’m just saying that I’m new to this.” Kung hindi lang siguro pinapalibutan ng green liquid si Timtara ay kanina pa siya tumakbo. The predatory gleam from his eyes is something she both craves and fears.
“Did he stare at you like he wanted to strip you?”
“What? No! What are you saying? Wait, are you even listening to me?”
“I stopped listening to you after you said ‘Alexander.’”
Napangiti si Timtara nang biglang pumasok si Carol. Silang dalawa lang ni Gerard at Carol ang may free pass sa laboratory. Nanatiling nakangiti si Timtara kay Carol na sinuklian naman ng isa.
“Are you ready, Nightwind?” Nakasuot ng isang cute jumper dress si Carol na hinangaan ni Timtara. Hindi niya matandaan ang huling beses na nagsuot siya ng dress. Napagdesisyunan ng dalaga na magsuot ng ganito para kay Gerard, gusto niya kasing makita ang reaksyon nito. Kung kapareho ba ng nakikita niyang paghanga sa mga mata ni Gerard habang nakatingin kay Carol.
Nakangiting lumingon sa kaniya si Gerard, ang kaninang nakasimangot na mukha nito ay kay dali napalitan ng ngiti. “I’ll see you later, baby.”
Nakayanan ni Timtara ang paggalaw ng kaniyang mga kamay para mag-wave sa dalawa, at nang mawala ang mga ito sa kaniyang paningin ay doon napabagsak ang kaniyang masiglang awra.
“What should I do, Atlas? I know firsthand the pain of rejection. Carol’s smile screamed ‘pain’ for me.”
“Do you want to step back for her?” direktang sagot ni Atlas sa tanong ni Timtara mula sa speaker.
“If he tells me to step back, I promise I will, Atlas. But if he asks me to stay, then, I’ll stick to him like shoe glue.”
“Then, you have your resolve then.”
“Report to me my body analysis, Atlas.”
“Ninety-seven percentage of healthy body mass. Three percent still affected by the Philosopher’s Stone liquid.”
“Then, I can be free from this glass tank. Release me, Atlas.”
“Liquid absorbing: 75%, 50%, 25%, 0. Tubes dismantling from connector Z to F. Cocoon filtering completed. Release process percentage down to ninety percent. Inserting inhaler to subject Timtara Aurina Wilson. Inhaler connectivity confirmed. Opening cocoon in 3, 2, 1.”
Dahil sa iba ang oxygen density kapag nasa labas na ng tank kaya naka-inhaler si Timtara. Sinanay muna niya ang kaniyang baga sa pamamagitan ng unti-unting pagbitaw niya sa inhaler nang hindi na sumisikip ang kaniyang dibdib.
Napasandal ang nanghihinang si Timtara sa glass wall ng tank na ngayon ay nakabukas na ang front side habang wala nang laman sa loob. Hindi naman hubo’t hubad si Timtara dahil sa buong durasyon niya sa loob ng tanks ay may underwear naman siya. Kaya nga hindi siya nahihiyang makipag-usap kay Gerard. Hindi rin masyadong nakikita ang katawan maliban na lamang kapag lumalapit ka sa glass wall. Dahil na rin ito sa green liquid na bumabalot dati sa loob ng glass tank.
“The Realm central command system has received a messaged from the King and Queen.”
Dahil centralized ang data sa loob ng palasyo kaya madaling ma-access ni Atlas ito.
“W-what is it?” Speaking not from her mind, but from her own voice box was so new to her. May garalgal pa sa kaniyang boses na tandang hindi pa nga ito sanay.
“The troop from the Continental War arrived just now.”
Napag-alaman ni Timtara mula kay Gerard na tinawag ng marami na Continental War ang digmaang katatapos lang tatlong araw na ang nakararaan. Hindi niya alam ang buong impormasyon dito pero, gusto niyang salubungin ang mga ito sa throne room.
“Atlas, is the wheelchair an AI product?” Natanaw niya ang isang wheelchair sa tabi ng desk niya dati.
“Yes. Do you want me to let this assist you?”
“Yes, please.”
Umilaw ang green button ng wheelchair at awtomatikong lumapit ito sa kinaroroonan niya. Kahit hirap ay pinilit niyang buhatin ang sarili niya para makaupo siya sa wheelchair. Nang makaupo na si Timtara ay siya na mismo ang nagkontrol sa wheelchair.
“It’s time to face the world again,” saad niya sa kaniyang sarili.
NANG MAKALABAS ay dumiretso na si Timtara sa throne room pero, nakasalubong niya muna ang mga hindi komportableng mga mukha ng mga knights. Kahit hiyang-hiya ay walang maggawa ang dalaga dahil sa tuwing akmang lalapit siya sa mga ito ay tila may nakakahawa siyang sakit na umaatras ang mga ito mula sa kaniya.
Hanggang sa may matandang kasambahay na nagbigay sa kaniya ng tuwalya na ginawa niyang pantakip sa kaniyang katawan. Nang makarating siya sa throne room ay wala pa ang hari at reyna kaya sa tabi muna siya pumwesto.
Para siyang suman dahil sa nakabalot na tela sa kaniya. May nagbigay sa kaniya ng sandwich na masaya naman niyang tinanggap. Kakaubos niya lang nito nang bumukas bigla ang double doors ng throne room. Awtomatikong natahimik ang lahat sa pag-aakalang sina King Kiel at Queen Luciana na ang mga ito nang pumasok si Gerard na naka-abre siete sa kanang braso nito ang braso ni Carol.
Kahit ayaw ni Timtara ay nakaramdam siya ng paninibugho. Jealousy is an evil feeling. This can make the sweetest person into a monster with just one snap and I don’t want it.
Sa kaniyang isipan ay pinilit niyang alalahanin kung nasaan siya nakalugar kay Gerard dati. Na siya ang naghahabol kay Gerard at nang maibigay ng binata ang pagmamahal na akala niya ay hindi mangyayari ay tuwang-tuwa siya. Sa isipang ito ay nawala unti-unti ang kaniyang selos na nararamdaman.
May kislap sa mga mata ni Gerard habang tumatawa sa kung anong binubulong ni Carol, pero nang maramdam nito ang kaniyang titig ay napatingin ito sa kaniyang direksyon. At ang kislap ng pagkaaliw ay mas lumiwanag, doon nakahinga nang maluwag si Timtara. Napansin ito ni Carol at napalingon din ito sa kaniya.
Pero nang bumaba ang tingin ni Gerard sa kaniyang ‘damit’ ay nagdilim ang mukha nito at tumalim ang titig nito sa kaniya na para bang gusto nitong tisirin siya nang buhay.
“Oops,” mahinang saad ni Timtara sa kaniyang sarili.
Mabilis ang mga hakbang nito papunta sa kaniya dahilan upang maiwan si Carol. Habang tinatawid nito ang distansiya sa pagitan nila ay samot-sari ang kaniyang nararamdaman.
“Damn, I love this man,” sambit ni Timtara sa sarili. The familiar excitement and joy of seeing him without the glass wall were way much better.
Habang naglalakad ay hinubad nito ang tee shirt kahit maraming malalaking tao ng Realm sa paligid. Napasinghap naman ang mga kababaihan lalo na siya nang tumambad sa kanilang harapan ang six pack abs nito na ikinalunok ni Timtara nang ilang beses.
Sa isipang magiging kaniya ito ay naisipan ni Timtara ang magpaconvert ng relihiyon mula sa pagiging aetheist to Catholic.
“Jusmiyo,” may nginig sa boses na singhap ni Timtara na naputol dahil nang makalapit ang lalaki ay sinuot nito sa kaniya ang t-shirt nito na para bang isa siyang bata. Kahit napaka-cave man ng inaakto ng lalaki sa kaniya ay ‘di mapigilan ni Timtara ang mapakagat-labi sa kilig.
“That collar bone is mine to feast,” he practically growled in her ear after he secured his shirt to her body. Siniguro rin ni Gerard na secured ang pagkakabuhol ng tela sa bandang ibaba niya na ikinapula ng kaniyang mukha.
“Baby, they’re looking at us!” Timtara half-whispered at him that made him grinned like a cheshire cat.
“They should be watching so they’ll fucking know you’re mine.”
Nakatingila ang dalaga sa mataas na pigura ni Gerard. Nakanguso ang dalaga sa hiya dahil malakas ang boses nito at paniguradong rinig ito ng buong throne room.
“Woah, never knew you could be this possessive Gerard.” Isang tinig ang umalingawngaw at doon napatuon ang atensyon nilang lahat maliban kay Gerard na hindi ito nilingon hanggang sa makasigurong okay na ang pagkakasuot niya ng t-shirt.
Tumambad sa harapan nila ang Phoenix na kahit may mga bandage ang mga katawan ay nakangiti pa rin. Nasa likuran nito ang mga nakasuot ng whole face mask na may dala-dalang kahon na nakasukbit sa mga likuran nito.
Dahan-dahang napalingon si Carol at nang magtagpo ang mga mata nila Fallen Angel ay umiiyak na tinakbo nito ang distansyang nakapagitan sa mga ito. Mabibilis ang mga hakbang na sinalubong nina Fallen Angel at Siren nang mahigpit na yakap si Carol o mas kilalang si Sprite.
“Sprite!”
“Kharmaine! Lucy!”
Naging madamdamin ang tagpo ng mga ito na kahit si Timtara ay napatulo ang luha. Masayang-masaya siya para sa lahat. Masasabi niyang ‘worth it’ ang mga paghihirap niya para sa Apohixen. Umulan ng palakpakan para sa pagbabalik ng isang miyembro ng Phoenix na si Sprite.
Maraming nagsabi ng ‘welcome back’ sa dalaga. Ganito ang eksena hanggang sa makaupo ang hari’t reyna sa mga trono nila.
Naging seryoso ang lahat dahil inaabangan ng mga ito ang anunsyo tungkol sa Continental War. Tinanguan ng hari ang asawa at tumayo na ang reyna. Awtomatikong nagbigay galang ang lahat sa pamamagitan ng paglagay ng kanang kamao nila sa kanilang bandang puso sabay bigkas ng katagang ‘Tenzegen.’
“Tenzegen! I, Queen Luciana Shiranui-Loong, report to you my subjects about the recent war we engaged in. With the strength of Phoenix, the help of the Mafioso of every continent under your king’s command, and the assistance of the Seven Sins; the Underworld Realm has won the Continental War!” Umalingawngaw ang boses ng reyna na siyang sinagot ng lahat ng masigarbong palakpak.
“The alliance between the United Nations Organization has been nulled and void. All borders will be in lockdown and we will be sending our knights to fetch our citizens who are located outside the borders. An emergency meeting will take place after this assembly. Thank you.”
Sumaludo ulit ang mga taong nakapalibot sa reyna maliban sa hari at kay Timtara na hindi alam ang gagawin. Unti-unti nang umalis ang mga tao nang magsalita sa malakas na boses si Carol na ikinahinto ng mga taong aalis na sana.
“I, Carol Ruehl, summon my right to call the Trial of Labyrinth!”
Naging seryoso ang mukha ng reyna at akmang aangal si Siren nang itinaas ni Carol ang kaniyang noo na tanda na hindi na mababago ang kaniyang pasya. Sa kabilang banda naman ay takang-taka si Timtara sa mga nangyayari lalo na at kita niya ang pinipigilang tensyon ni Gerard nang hawakan nito ng mahigpit ang kaniyang kaliwang kamay. Hinaplos niya ang kamay nito na nakahawak sa kaniya upang pakalmahin ang kasintahan. “Calm down, baby.”
“Why is there a need to summon the Trial of Labyrinth?” seryosong tanong ng reyna na ikinahinto ng mga bulong-bulungan sa throne room.
“I won’t accept that weakling to be Nightwind’s partner.” Dinuro ni Carol ang naka-wheelchair na si Timtara. Nagbabaga ang tingin nito sa nagtatakang doktora. Akala kasi niya ay maayos ang relasyon nila ni Carol.
“I can’t allow it. Her situation is at her disadvantage. With this, there will be no fair trial.” Gerard tried to butt in but Carol cut him off.
“You very well know that you can’t stop me since this is a challenge.”
“Sprite! Mind your place,” banta ni Siren pero hindi nakinig si Carol dito.
Itinaas ni Timtara ang kaniyang kamay. “I believe I have a say in this matter since apparently, I am the one whom she challenges.”
“The Trial of Labyrinth can kill you or imprison you in that place forever, doctor,” paliwanag ng hari upang maliwanagan ang doktora. Bakas din sa mukha nito ang pagtutol at pag-aalala para sa naka-wheelchair pang doktora.
“I know, but I want her to accept me as the person who loved not just Nightwind but Scraper as well. I want to prove to her that I am not a weakling since I am able to embrace the two sides of this man. And I want to correct her that it’s not just Nightwind anymore, it’s Gerard.” Sa buong durasyon ng kaniyang sinasabi ay hindi siya sa hari at reyna nakatingin, kundi sa mga mata ni Carol na nagngangalit ang bagang sa galit para sa kaniya.
“That’s it. Lose your calmness,” sambit ni Timtara sa kaniyang isipan.I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
issjsjbsjsjsjsjwwbwbsbsbsbsbsbsbsjsjsjsjjsjbqbbsbsjdjdjdjjdjfbficiebfjcuebfichefjbuhrbfjf dfffkjdnfjdbejfifbdjxkbekx in dbdjfjfjfbfbf o'clock kg hobo FEC nenfbdbdjffjbddbfufbfjixbekffokelewkdbdbdkdbdbebnkkedjdbfkdbdnxidnebdodoqkwbwb Ed ifjfebekfofkdbwbeofkdjnskebfixjdbxoxjdbdox in e book dnnefiejekjen ex cbbfjffikenfjbefjknffndnfndbfjfjfjfjfkdkfkdkpwkdkdndnejeejdjejekekekek ekendkdkdkdkdkddkdkdbdbfifjdbxidjd in djdjfjjfjfjfjdjdjdjdjjddjjdkdkdkdkdkdjdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbbddbdbbndkf
07/09
0amazing💗
31/03/2025
0sobrang ganda ng first chapter or chapter 1 yung kwento nya is parang totoo talaga galing ng sumulat nito gaking ng author grabe and thanks kase nakita ko tong ganitong story tuloy parang gusto ko nadin maging scientist HAHAHAHA just kidding but super galing mo gumawa ha author galing mo sobrang ganda ng kwento just on the life situation and alam ko na maraming makakarelate dito lalo na yung mga taong may pag ka gusto sa mga scientists sciences nayan kaya super ganda just keep it up good jobb!!!
11/01/2025
0Tingnan Lahat