Homepage/Melody Of Death/
CHAPTER 23
DALAWANG ARAW mula nang malaman ni Timtara ang tungkol sa nangyari sa kaniya at ang panlilinlang ni Alexander. Unti-unti ay naibabalik na sa doktora ang muscle control. Kaya na nitong manatiling gising hangga’t gusto ni Timtara.
Napag-alaman din ng doktora na dahil sa linked silang dalawa ni Atlas kaya nakokontrol niya ang buong laboratory na konektado sa system ni Atlas.
“I am more concerned with the other patient’s DNA,” biglang saad ni Atlas mula sa speaker ng laboratory. Naging alerto si Timtara sa sinabi ni Atlas.
“Why? She woke up first. Clearly, the Philosopher’s stone has a good effect on her.”
“Her, waking up immediately with the use of Philosopher’s Stone Liquid, is a big cause of concern. It could alter her DNA forever.”
Kung magagalaw siguro ni Timtara ang kamay ay kanina pa siguro nito nahilot ang sentido. Ang daming problema. Napag-alaman ni Timtara mula kay Atlas ang mga pangyayari gamit ang mga CCTV footage na may access si Atlas.
Napag-alaman din ni Timtara mula rito na may puwang pala siya sa puso ni Gerard. Na wala ng Nightwind o Scraper dahil iisa na ang mga ito. Sa kaalamang ito ay nagdulot ito ng ibayong saya sa puso ng doktora.
Natanggap na sa wakas nina Scraper at Nightwind ang parte ng mga katauhan na pilit nilang itinatangging dalawa. Sa wakas ay tanggap na ni Nightwind si Scraper. At si Scraper na ayaw naman sa mga nakakapagod na lohika ay tanggap na rin si Nightwind.
Hindi maiwasan ni Timtara na mapangiti sa loob ng glass tank. Nasa ganoong eksena ang dalaga nang pumasok bigla si Gerard. Nang magtagpo ang mga mata ng dalawa ay nahulog ang hinahawakan na pinggan ng lalaki na nagdulot ng ingay sa loob ng laboratory. Tila naestatwa lamang si Gerard habang nakatitig sa nakangiting mukha ni Timtara.
“Are you alright, Mister Hudson?” tanong ni Atlas mula sa speaker na nakapukaw sa lalaking tila naestatwa.
Mabilis na narating nito ang glass tank at sinandal ni Gerard ang noo sa glass wall. Nang makita ng dalaga ang ginawa ng lalaki ay itinapat ng dalaga ang noo sa noo nito – tanging salamin lamang ang naghihiwalay sa mga ito at sabay na naluha sa galak ang dalawa.
“I love you. God, I love you so much,” madamdaming pahayag ni Gerard at pinakatitigan ang mukha ng dalaga. Kahit mabagal ay inabot ni Timtara ang glass wall na katapat ng pisngi ni Gerard. Kahit balot ng green liquid sa loob ng glass wall ay naaninag ni Gerard ang mga luhang kumuwala sa mga mata nito.
“I love you most.”
“I love you most, my master Timtara said,” saad bigla ni Atlas. Dahil nasa ilalim pa ng glass tank si Timtara at hindi ito makapagsalita, ginamit nito ang link kay Atlas upang ito ang magsalita para sa dalaga.
“You always cry when it comes to me.”
“My feelings for you can make me, or break me,” pag-amin ng dalaga.
“I have broken your heart more than make it happy. I planned to change my game and make you smile often. I love you. I will spend my life reminding you that this insane man became whole again because of you.”
“Maybe you’re just thankful for me. I know that Carol is here. I don’t want to stomp her feelings.”
“The things I’ll do to prove to you my intentions,” puno ng init na pangako ni Gerard na ikinagulat ni Timtara. She never thought that she’ll be the receiving end of his heated gaze.
“You’re crazy.”
“Yes, I am. But not crazy enough to let you go. Never again, Timtara. I’ll make it right with Carol, so please, wait for me.”
Pinuno ng saya ang puso ni Timtara, may pangamba dahil alam ng dalaga na mas unang minahal ni Gerard si Carol. Pero mas malaki ang bahagi ng isip at puso ni Timtara na puno ng tiwala sa sinabi ni Gerard ngayon lang.
Ngayon pa ba siya magpapatinag? May pinanghahawakan na siya. Kung noon ay nagawa niya itong ibigin sa kaalamang dalawang katauhan ang mamahalin niya, ngayon pa kaya na iisa na ang mga ito at pareho pang may nararamdaman sa kanya? Kung noon ay minahal niya ito kahit ilang beses siya nitong hindi pinili, ngayon pa kaya na siya na ang pinili?
This will be a fair game between her and Carol. At hanggang hindi pa niya kayang umalis sa loob ng glass wall ay ibibigay niya lahat ng tiwala kay Gerard. Yes, it is a gamble for her. But she doesn’t want to regret anything.
“I will wait for you, Gerard. And if you forgot your home to me then, I’ll get you myself. Because you became mine the moment you told me you love me.”
“God baby, you’re possessiveness are giving me a hard-on!” impit na bulalas ng lalaki at sinandal ulit ang noo nito sa glass wall at ipinikit ang mga mata nito. Ginaya naman ito ni Timtara.
“I love you, pervert.”
“I love you most, kuting.” gaya nito sa sinabi ng dalaga kanina. Sinunod din ni Gerard ang palayaw ng dalaga mula kay Scraper. At dahil si Gerard at Scraper ay iisa kaya sinambit din nito ang palayaw na ikinalawak ng ngiti ni Timtara.
“By the way, how come you’re connected to Atlas?”
“It’s a long story, baby. Are you up for it?”
Gerard longed to kiss her lips. And he swore to do it the time when she’s already fine. Actually, he promised to do more than kiss. He’ll show her how he truly meant his words.
Ngumisi si Gerard bago sumagot, “Glad I have the time.”
Sa kabilang banda naman ay hindi napansin ng dalawa ang presensya ng umiiyak na si Carol sa likuran ng isang shelf. Kanina pa ito na-detect ni Atlas at plano nitong sabihin kay Timtara kapag umalis na ang lalaki.
Kahit isang Artifical Intelligence si Atlas, malawak ang data nito upang malaman na kapag inanunsyo ang presensya ni Carol Ruehl ay masisira ang kaligayahan ng kinikilala nitong master.
CAROL
SINO BA ANG makakapagsabi sa Carol five years ago na darating ako sa puntong ito? Kanina pa ako rito sa may balkonahe ng palasyo na pag-aari ni leader. Nabuhay din pala si leader, only earlier. At nagkaroon ng continuation ang love story nila ni Kiel, ang phantom brother ni Ciel.
E, bakit ako? Bakit hindi ako hinintay ni Nightwind? What’s with that woman inside the glass anyway?
Hindi ko alam kung paano nito nilason ang isip ng mahal kong si Nightwind. Hindi ko rin alam kung anong klaseng babae ito. Nang magtanong-tanong ako sa mga tauhan dito sa palasyo ay walang nakakaalam dahil sa buong durasyon ng paglalagi ng babaeng ‘yon dito ay nasa loob lang daw ito ng laboratory.
Naalala ko ang huling pag-uusap namin ni Nightwind kung saan hiniwalayan na niya ako. I wanted to scream at him but I just can’t because of my fragile state which I hated the most at that moment.
Nakatanaw ako sa garden malapit sa laboratory. Naka-wheelchair pa rin ako dahil hindi ko pa rin kinakaya ang tumayo nang matagal. May kasama rin akong knight na nagbabantay sa akin. I don’t like this feeling but I have to swallow my pride. Paminsan-minsan ay tinatanong ko rin ang knight na kasama ko tungkol sa mga nangyari sa Realm sa nakalipas na limang taon.
I have learned that another war took place before the unification happened. I have also learned that my best friends Luciana and Kharmaine are now mothers. Dati, ako ang sinasabihan ng Phoenix na ako raw ang unang magkakaroon ng baby, it turned out the other way around after all.
The thought of having a family became blurred after I witnessed the scene earlier between my Nightwind and that woman inside the glass tank.
Pwede palang ang taong inakala mong magiging sa ‘yo habambuhay ay maagaw ng iba sa isang iglap lang. I just fucking witnessed them confessing their feelings for each other. I can practically saw flowers blooming in their background. Damn, I sounded like the evil jealous bitch in their love story.
Hindi nga ba ako nagseselos?
Of course, I am jealous as hell!
Kahit kalmado ang aking mukha, kabaliktaran nito ang aking sinasaloob. The pent-up frustrations of being dead for five years are threatening to explode like a damn volcano in Hawaii.
Nasa ganito akong mood nang dumating si Nightwind at nakangiti pa ito na mas ikinasakit ng aking damdamin.
“Sup?” Tinapik ko ang katabing bench ng aking kinalalagyan na wheelchair. Putang ina, ang hirap magkunwari!
“Have you eaten?” His question caught me off guard. He’s concerned with me? Then their little scene earlier popped into my sadistic mind.
“May oras ka pa palang mag-alala sa ‘kin,” bahagyang sikmat ko sa kaniya. Hindi ko talaga mapigilan. He’s so different from the Nightwind I love.
Tumaas ang kilay nito bago napabuntong hininga na siyang ikina-insulto ko lalo.
“Sorry, Carol. May importante lang akong dinaluhan. Heto nga pala, nakita ko ang mga kasambahay na magdadala ng pagkain mo so, I took it away from them.”
Inilahad niya sa akin ang tray na hindi ko agad tinanggap. “What’s in there?”
“Your favorite brisket. Ibinigay ko sa kanila ang recipe ng paborito mong brisket.” Nakangiti ito sa akin, and for once I saw a glimpse of the man I love. His gentle eyes only look at me that way.
Tinanggap ko ang tray at binuksan na ang plato. “Why are you here by the way, babe? I thought you have a meeting with the knights on patrol this early evening.”
“They can wait but, what I have to talk to you can’t, Carol.” Balisa ito na para bang hindi mapakali. Nahinto ang akmang pagsubo ko ng pagkain dahil sa sinabi niya.
So this is the dreaded ‘talk.’ I never thought I would experience this with him.
“What is it?” Nagpatuloy ako sa pagkain kahit ang hirap lunukin ng aking kinakain dahil sa lungkot at kabang aking nararamdaman.
Ang inakala kong ‘it’s not you, it’s me’ speech did not come. Pero sana pala ito na lang ang sinabi niya dahil baka may masabi pa ako pabalik sa kaniya. But this? Him kneeling in front of me for forgiveness? Paano ko ito babalewalain?
The second prince, Gerard Hudson is kneeling in front of me – though he was banished – he’s still a fucking royal! Asking me to set him free.
Paano ba patigilin sa pagtibok ang pusong nasasaktan? Kasi ngayon, mas pipiliin ko pang mamatay ulit kaysa maramdaman ulit ang sakit na gaya nito.
Nilahad niya mula sa umpisa ang lahat. Limang taon na summary ang ginawa niya habang nakaluhod sa akin. Mula sa kagustuhan niyang huminto sa Phoenix hanggang sa pag-utos ni Lucy sa kaniya na dukutin ang doktorang si Timtara. Nilahad din niya sa akin na hindi pinilit ni Timtara ang pagmamahal niya kay Nightwind.
Sa buong durasyon ay nakilala ko kung anong klase ng tao si Timtara kay Nightwind. Siya ang babaeng sakim na hindi lang kinuha mula sa akin si Nightwind pati na rin si Scraper.
Her selfless act, what a joke. They were all fooled!
Tumutulo ang mga luha ko sa bawat salita na lumalabas sa bibig ni Nightwind. Kasi, makikita sa mga mata niya ang pagmamahal nito para sa Timtara na ‘yon. Lungkot, awa sa sarili, at galit sa babaeng ‘yon … ito ang mga damdamin na aking nararamdaman sa ngayon.
“Who’s the lucky lady?” I wanted to say ‘bitch’ pero, ayokong maging bitter sa pananaw niya.
His eyes lightened up, maybe because he thought that I accepted everything already. Umayos siya ng upo sa tabi kong bench. “Her name is Timtara. Someday, when you can truly forgive me, I want you to meet her.”
Napatingin ako sa ibang direksyon, there’s no point hiding my feelings, then. I forgot how he can read me like a book. Naalala ko pa dati, isang tingin niya lang sa akin ay alam na niya ang mood ko.
Tumulo ulit ang luha ko nang inalala ko ang break up scene namin ni Nightwind.
“Wow, you’ve been awake for only a few days and now you’re crying already,” isang pamilyar na boses ang nagsalita. Nang lingunin ko ang ang may-ari ng boses na iyon ay uminit ang aking dugo. Dahil nakatayo siya sa may railing ng balkonahe at medyo malapit lang ito sa akin ay tumayo ako mula sa wheelchair at hinablot ang paa nito.
“Woops!” Parang batang naglalaro nang mahina itong tumawa habang iniilagan ako. Napagtanto kong mahirap siyang hulihin lalo na at mahina pa ang katawan ko, kaya lumingon ako sa hallway at sisigaw na sana ako nang maramdaman ko ang kaniyang kamay na itinakip sa aking bibig at ang kaniyang hininga sa aking tainga.
“If you spoil the plan, then I won’t be able to tell you how to get rid of your competition without making an enemy of the Realm, especially your precious Nightwind.”
Napahinto ako sa sinabi niya at dahan-dahan siyang nilingon. And when I looked up at his eyes, I saw the mischief of my former comrade, Alexander Montegracia.
“How?”
Ngumisi ito, ngising tagumpay. ”Challenge her when she woke up. Call the Trial of Labyrinth in front of the crown. That way, no one can deny you and you can do anything you want with her. After all, the Realm is subjected to many traditions.”
The Trial of Labyrinth? Ang trial na ito ay mahigpit na iniiwasan ng White Family noon. Iba-iba ang trial of Labyrinth pero, simple lang ang mechanics. Kapag ikaw ang nakauna sa paglabas ay ikaw ang panalo.
I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (31)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
issjsjbsjsjsjsjwwbwbsbsbsbsbsbsbsjsjsjsjjsjbqbbsbsjdjdjdjjdjfbficiebfjcuebfichefjbuhrbfjf dfffkjdnfjdbejfifbdjxkbekx in dbdjfjfjfbfbf o'clock kg hobo FEC nenfbdbdjffjbddbfufbfjixbekffokelewkdbdbdkdbdbebnkkedjdbfkdbdnxidnebdodoqkwbwb Ed ifjfebekfofkdbwbeofkdjnskebfixjdbxoxjdbdox in e book dnnefiejekjen ex cbbfjffikenfjbefjknffndnfndbfjfjfjfjfkdkfkdkpwkdkdndnejeejdjejekekekek ekendkdkdkdkdkddkdkdbdbfifjdbxidjd in djdjfjjfjfjfjdjdjdjdjjddjjdkdkdkdkdkdjdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbbddbdbbndkf
07/09
0amazing💗
31/03/2025
0sobrang ganda ng first chapter or chapter 1 yung kwento nya is parang totoo talaga galing ng sumulat nito gaking ng author grabe and thanks kase nakita ko tong ganitong story tuloy parang gusto ko nadin maging scientist HAHAHAHA just kidding but super galing mo gumawa ha author galing mo sobrang ganda ng kwento just on the life situation and alam ko na maraming makakarelate dito lalo na yung mga taong may pag ka gusto sa mga scientists sciences nayan kaya super ganda just keep it up good jobb!!!
11/01/2025
0Tingnan Lahat