CHAPTER 19

“WARNING. WARNING. THE SYSTEM HAS BEEN BREACHED. WARNING. WARNING. THE SYSTEM HAS BEEN BREACHED. WARNING. WARNING. SYSTEM HAS BEEN BREACHED.”
Dahil sa warning na umaalingawngaw sa buong laboratory ay nagkagulo ang lahat maliban kay Alexander at kay Timtara. Though, the young doctor is wide awake and is very alert to her surrounding, she can’t move except her eyes.
“All of you, use the emergency exit,” utos ni Alexander sa mga ito na agad naman nilang sinunod.
Nagtatagis ang mga panga ni Alexander habang nakatanaw kay Timtara. Nakatingin lang din si Timtara kay Alexander at naghihintay sa susunod na gagawin nito. He can’t afford to turn the machines off that support the glass tank, it’s Timtara’s lifeline.
“You can leave me here, you know?” mahinang daing ni Timtara kay Alexander. She can understand his dilemma.
“You know I won’t,” determinadong saad ni Alexander. Nasa ganito silang posisyon nang biglang bumukas ang pinto ng laboratory at pumasok ang mga nakaputing armadong lalaki.
Parang may choreography na sabay na itinutok sa kanila ang mga armas ng mga ito bago pa pumasok ang isang matandang babae na nakaputing damit. Base sa mukha ng mga bagong dating ay mga taga Russia ito o mas tamang sabihin na mga tao ng Russian Drug Syndicate.
Dumaan ang rekognasyon sa mukha ni Alexander nang makita nito ang mukha ng tumatayong lider. “What a surprise to see you here, Lancey Nikolav.”
“Alexander Montegracia. You surely know how to wag your tail when cornered,” sagot nito. Nakangiti ito subalit may talim sa mga mata nito.
“Why are you here? You have no business here.”
“We have business with Doctor Wilson. I would like to have a nice chat with her.” Tumingin si Lancey Nikolav sa likuran ni Alexander at agad nitong nalaman kung ano ang sitwasyon.
Mapanuksong ngumiti si Lancey Nikolav at kumpiyansang naglakad palapit sa glass tank. Mata sa matang tinitigan nito ang may malay na doktora sa loob. “It’s a pity to see you like this, Dr. Wilson. Since you are currently in this state, it is a necessity to make time our priority. Actually, should you have been healthy, you could have my offer to join our cause. But seeing you in this state, your will is not my priority anymore, but time.”
“What are you planning exactly, Lancey?”
Biglang binunot ni Lance yang kaniyang baril at itinuon ito kay Alexander. “You’ve been in my territory for many years, Alexander. And you know how I run things. I kill for business. Since, this doctor is useless without this machine, your life will be extended. Starting today, you both will answer to me.”
Kalmado ang buong disposisyon ni Alexander nang sumagot ito. “You forgot about the president.”
“He answers to me. That fool.”
Ngumiti nang matamis si Alexander. Tila umikot ang buong ugali nito base sa pagngiti nito ngayon sa taong kanina lang ay inaangilan nito. “You have a deal. We now both answer to you.”
KHARMAINE
NAKASAKAY KAMI sa isang eroplanong pagmamay-ari ng Realm. Ang direksyong tinatahak namin ay ang pinakamalapit na ruta sa laboratoryong pinaglalagakan ni Tim.
Kumpleto ang Phoenix at pati si Scraper ay nandito. Pinadalhan kasi siya ng message ni lider na nagpapahiwatig na hindi kami tutol sa gagawin niya, imbis ay tutulong kami. Nang tinanong niya kung bakit nagbago ang pasya ng Realm ay sinagot ito ni Fallen Angel nang tapat.
“I gave my word to protect her on behalf of the Phoenix. I am abiding by my promise. We never break our promise even if death is the opponent. You should know that, Gerard Hudson.”
Hindi na umangal si Scraper matapos no’n at nanatiling tahimik. Pati noong nagplano kami sa aming gagawin ay tahimik lang siyang nakamasid. Nilapitan ko na siya at umupo ako sa tabi ni Scraper na hindi man lang ako nilingon.
“Do you love her?” diretsang tanong ko sa kaniya.
“I will betray you for her,” sagot niya sa tanong ko. Obsession o pagmamahal? Hindi ko masasabi. Sa mundo namin, hindi kasing dali ng mga normal na tao ang pagpapahayag ng pagmamahal. Maski ako ay nadaanan ko na ang nadaanan niya.
“What are you expecting to see when we reached there?” tantiyadong tanong ko sa kaniya. Gusto kong malaman kung alam ba niya ang sakit ni Tim.
“That she’s sunny as fuck. Everywhere she goes, she brings the world with her.” Naging malambot ang ekspresyon ng mga mata ni Scraper. Doon ko nakumpirmang wala siyang alam. At iyon ang pinangangambahan ko.
What will happen to the Realm – no, the world – if Scraper loses Timatara?
Iniba ko ang tanong at baka makatunog siya sa aking pinupunto. Mahirap na at baka dito siya mag-amok.
“Did you fight your way out? I mean, does Nightwind know that we’re leaving the Realm to rescue Tim?”
Sa unang pagkakataon ay nilingon niya ako at tiningnan ako mata sa mata.
“He did. In fact, I felt no resistance. It is as if he gave me the reigns on purpose.” Pati si Scraper ay nagtataka base sa boses nito. Naalala ko ang araw na kinausap ni Nightwind ang nakahimlay na si Carol.
Did he develop some kind of feelings for Timtara too?
Akmang magtatanong ulit ako nang lumapit sa amin ang galit na anyo ni lider. “We have a situation,” saad niya at tinalikuran na kami. Agad kaming sumunod sa kaniya papunta sa mesa kong saan nakalagak ang digital map ng lugar, mayroon din itong nakalagay na mga digital markers.
“What’s the matter?” Tanong ni Scraper kay Fallen Angel. Alerto ang mga mata nito.
“Our spy sent a distress signal a few minutes ago. It seems that the Russian laboratory has been breached and is now under the command of Lancey Nikolav.”
“Fuck,” halos magkasabay namin na sambit ni Scraper.
“Who’s that person? A Mafioso?” tanong ni Dark Phoenix.
“She’s the leader of Russia’s biggest drug syndicate. She does not fall under the Realm’s jurisdiction. According to my intel, her territory was the hiding spot of Alexander Montegracia,” sagot ni Grim sa tanong ni Dark Phoenix. Basta mga impormasyon tungkol sa mga gangs, underground fighting pits, human trafficking, o drug syndicates ay si Grim talaga ang maaasahan.
“So, does this change our plan?” tanong ni Deathstalker.
“Yes. Trash the peace talks and all those bullshits. Load your ammo and sharpen your katana. We have a head to hunt.”
Napangisi ako sa sinabi ni lider. Oh, I miss this. It just feels like the old time.
THIRTY NAUTICAL miles from the target area, the Phoenix disembarked. Nahati sa dalawang grupo ang susugod sa laboratory.
Team A, na binubuo nina Fallen Angel, Kiel, Grim, at Deathstalker.
Team B, na binubuo nina Scraper, Siren, Seeichi, at Dark Phoenix.
Ang Team A ang unang papalibot sa laboratory at sila rin ang magsisiguro na pwede nang pumasok ang Team B diretso sa kinaroroonan ni Timtara.
Napatigil ang lahat maliban kay Kiel na nakamasid lang sa paligid, nang binunot ni Fallen Angel ang kaniyang tanyag na Enraiha.
“Woah, it’s been a year since I saw that,” manghang sambit ni Grim. Hindi ito pinansin ng iba na busy na sa pagkuha ng kani-kanilang mga sandata.
Mula sa malaking kahon na kanina pa nakasukbit sa likod ni Scraper ay kinuha na nito ang malaking sandata. Hindi ito isang katana o kung ano mang uri ng baril. Isa itong malaking scythe at ni minsan ay hindi ito ginamit ni Nightwind dahil ang sandatang ito ay orihinal na pagmamay-ari ni Scraper lamang.
Dalawa ang blades na nasa magkabilang dulo ng scythe kaya pwede itong ihagis na para boomerang at paniguradong pati puno ay mahahati sa dalawa kapag natamaan nito.
“Let’s go,” tahimik na utos ni Fallen Angel sa mga kasama nito sa Team A. Si Kiel naman ay pumwesto sa pinamalapit na sanga ng kahoy sa laboratory at doon nag set-up sa specialized long-range sniper nito.
Sumunod na ang Team A kay Fallen. Walang anu-ano ay diretsong naglakad ang Team A papunta sa front gate na parang walang mga gwardiyang nakabantay sa dito. Unang naglakad si Fallen na nakalahad sa kanang kamay ang Enraiha at naka-display ang nalalabing Crimson Eye.
Sinasalag naman ni Fallen ang mga balang papalapit sa direksyon ng Team A. Sa isang wasiwas lang ay nahahati ng lider ng Phoenix ang mga ito. Pero ang mga balang hindi na nito mahati ay si Kiel ang bahalang nagpatumba rito. Dahil sa mga pagsalag ni Fallen Angel ay kalmadong naglalakad ang mga nasa likuran nito.
Kabaliktaran ng pagiging kalmado ng Team A ang Team B. Habang nakikinig mula sa kani-kanilang earpiece ay atat na atat na si Scraper na umatake pero kailangan muna nitong malaman kung nasaang parte ng malaking gusali na nasa harap ng mga ito matatagpuan si Timtara. Busy din si Siren sa pag-hack sa system ng laboratory habang si Seeichi ay naka-look out para sa grupo nila na may dala rin na specialized sniper.
When Team A reached the locked front gate as bodies littered the gates, Fallen Angel stepped aside to make way for Deathstalker’s bazooka. One shot and the front gate blew up into pieces. Mabilis na pumasok ang mga miyembro ng pangkat at akmang maglalakad na sila sa field nang biglang itinaas ni Fallen Angel ang kamay nito na ikinahinto ng mga nakasunod dito.
“Minefield ahead,” imporma ni Fallen Angel. Mabilis na naglabas ng mga kunai si Grim at isa-isang pinuntirya ang mga mines na na-detect nito matapos nitong gamitin ang sixth sense.
“Just don’t step a foot nearer to my kunai and you’ll be fine,” saad ni Grim na hindi pinakinggan ni Fallen Angel. Tumalon ito nang pagkataas-taas at naglanding ng parang wala lang sa kabilang bahagi ng mine field.
“Damn,” sabay na sambit nina Grim at Deathstalker.
Kabaliktaran naman si Kiel na napasipol habang nakatanaw lang sa asawa. “That’s my wife.”
Sa kabilang banda naman ay napasigaw nang mahina si Siren. “I got it!” May malaking ngisi sa mukha nito. Nakita na kasi nito sa wakas ang lokasyon ni Timtara. Agad na inagaw ni Scraper ang tablet mula kay Siren.
“Hey!” alma ni Seechi nang makita niyang halos masubsob ang kaniyang asawa dahil sa ginawa ni Scraper. Tila kinikiliting tumawa lang si Siren at nag-kiss sign kay Seeichi na sinuklian lang ng huli ng isang blangkong titig at bumalik na sa pagbabantay sa paligid. Hindi naman naapektuhan si Siren sa inakto ng asawa dahil sanay na siya.
Taliwas kay Siren ay isang ‘fuck you’ sign ang ibinigay ni Scraper kay Seeichi at madaling sinaulo ang map. Nasa pinakailalim na basement matatagpuan si Timtara. Ayon din sa na-hacked na access ni Siren, nandito ang pinakamaraming bantay.
“Loong, she’s in the basement, two floors below the ground,” pagbibigay alam ni Scraper sa Team A leader gamit ang ear piece.
Agad namang sumabat si Siren. “I’ll be sending you the access, leader.”
Dahil si Siren ang naatasang kumontrol sa CCTV access ng kalaban ay nagpaiwan ito kasama si Seeichi na magiging bantay nito habang abala ito.
Sina Dark Phoenix at Scraper ang umalis mula sa pinagtataguan ng Team B. Dahil ginawan na ng daan ng Team A ang Team B ay naging madali ang pagtawid ng mga ito mula sa field papunta sa loob ng gusali. Mula sa front gate hanggang sa pinto ng gusali ay mga nagkalat na mga katawan at mga parte ng katawan ng tao ang kanilang nadaanan.
Tila naging pintura ang kulay pulang dugo sa dating kulay puti na dingding. Nang makarating sa isang elevator ay agad na sumakay ang dalawa rito. Nakatingin si Scraper sa CCTV at tinaguan nito ang camera dahil alam ni Scraper na nakatanaw si Siren sa nangyayari sa baba. Kahit wala silang password pababa ng basement ay awtomatikong umandar ang elevator.
Napahigpit ang hawak ni Scraper sa sandata nito – animo ay isa itong hayop na handang-handa nang manakmal.
“Calm down, Scraper. I’m sure Doctor Timtara is safe, after all, they need her,” pagpapakalma ni Dark Phoenix kay Scraper na ikinairita lang ng huli. “Shut up.”
Nang bumukas ang elevator ay inulan agad sina Scraper at Dark Phoenix ng mga bala subalit dahil nasa harap si Scraper ay pabor para rito ang pagsalag sa mga ito gamit ang pagpapaikot ng scythe na para bang isa itong electric fan. Nagmistula itong shield sa kanila ni Dark Phoenix habang natatamaan naman ang mga kalaban na nasa harapan ni Scraper.
The split-second wherein the enemies reloaded their ammo, the two took this chance to fire back. The equipment everywhere exploded as test tubes and computers shattered. The whole laboratory was in chaos and the smoke from the fire caused confusion around the area.
Nakahandusay na ang mga kalaban pero wala ang Lancey o Montegracia na kaniyang inaasahan. Wala din si Timtara. Akmang magwawala na naman sana si Scraper nang mapatigil ang huli nang may mamataan itong pamilyar na pigura.
Nanigas ang kalamnan ni Scraper, nanginig naman ang mga kamay nito, at tila nag-short circuit ang isipan nito dahil sa imaheng nasa harapan. Lying inside a glass box is a frail body of Timtara Aurina Wilson.
“Shit. Team A, Lancey, and Montegracia escaped!” agad na pagbibigay alam ni Dark Phoenix sa kasamahan. Si Scraper naman ay tila robot na naglakad papunta sa kinaroroonan ni Timtara.
At nang sa wakas ay lumapat na ang kaniyang palad sa glass wall ay napaluhod na si Scraper nang tuluyan. Ito ang unang beses na nakaramdam ito ng ganito.
Sa unang pagkakataon ay hinayaan ni Scraper na lumabas si Nightwind na kanina pa gustong lumabas nang makita nito ang kalagayan ng doktora.
Scraper hid himself into the deepest part of Gerard Hudson.

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Benson Soliven Llanto

    issjsjbsjsjsjsjwwbwbsbsbsbsbsbsbsjsjsjsjjsjbqbbsbsjdjdjdjjdjfbficiebfjcuebfichefjbuhrbfjf dfffkjdnfjdbejfifbdjxkbekx in dbdjfjfjfbfbf o'clock kg hobo FEC nenfbdbdjffjbddbfufbfjixbekffokelewkdbdbdkdbdbebnkkedjdbfkdbdnxidnebdodoqkwbwb Ed ifjfebekfofkdbwbeofkdjnskebfixjdbxoxjdbdox in e book dnnefiejekjen ex cbbfjffikenfjbefjknffndnfndbfjfjfjfjfkdkfkdkpwkdkdndnejeejdjejekekekek ekendkdkdkdkdkddkdkdbdbfifjdbxidjd in djdjfjjfjfjfjdjdjdjdjjddjjdkdkdkdkdkdjdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbbddbdbbndkf

    29d

      0
  • avatar
    RH EA Il

    amazing💗

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Mary Grace Olanda

    sobrang ganda ng first chapter or chapter 1 yung kwento nya is parang totoo talaga galing ng sumulat nito gaking ng author grabe and thanks kase nakita ko tong ganitong story tuloy parang gusto ko nadin maging scientist HAHAHAHA just kidding but super galing mo gumawa ha author galing mo sobrang ganda ng kwento just on the life situation and alam ko na maraming makakarelate dito lalo na yung mga taong may pag ka gusto sa mga scientists sciences nayan kaya super ganda just keep it up good jobb!!!

    11/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata