CHAPTER 12

TIMTARA
DAHIL SA KYURYUSIDAD ay napagdesisyunan kong basahin ang journal ni Nightwind. Alam kong napakapakialamera ko na pero, hindi talaga ako makapag-concentrate sa dapat sana ay aking ginagawa. Hindi ako makausad sa dapat kong gagawin sa Apohixen trials dahil nagbabalik ang isip ko sa tanong na, “Sino si Carol?”
Dahil ayokong mapasukan ni Nightwind na binabasa ang journal niya ay karay-karay ang IV at journal ay pumasok ako ng comfort room para doon magbasa. Sinigurado ko ring dalhin ang sweater ko para may bulsa akong pwedeng pagtaguan nito in case of emergency.
Pagkapasok ko sa CR ay isinara ko ang lid ng inidoro at doon ako umupo. Binuklat ko ang journal at hinayaan ang aking sarili na lamunin ng nakaraan ni Nightwind o mas kilala ng marami na Gerard. 
- - - - - -
A lady with red eyes approached me. Said she can give me a purpose. Said she loved my inhumane state. She opened her hand to me, she lends me protection to do what I want. She gave me you. Yes, she gave me a journal to vent my demons, she said.
A bloody notebook can make me sane again, she thought. What a foolish woman.
She gave me a name. I am no longer Gerard Hudson, the second prince of Whales. I am now Scraper, a rat, her vermin.
Oh, her name is Fallen Angel.
- - - - - -
 
So ang pangalan na Scraper ay ang palayaw na bigay ng reyna sa kaniya? At second prince? Royal blood pala siya? Holy cow! Bakit hindi ko siya ma-imagine na prince material? Kung dark knight pwede pa siguro pero prince? No way.
Binuklat ko ulit ang pahina.
- - - - - - -
She gave me names when the voices in my head are acting up. Said I can do whatever I want with those people. Said they’re my playthings until they stop moving. Sudden death for those people is not enough for the voices in my head. The voices needed it to be messy. The woman would always laugh and said ‘the bloodier the merrier’.
The red-eyed woman would always say ‘you are a prize, vermin’ after the voices shut up. Said she enjoyed the blood bath. Said I belong to her.
- - - - - - -
 
Sa aking nababasa ay unti-unting nanlalamig ang aking mga kamay. Hindi ko alam na ang nirerespeto nilang reyna ay kayang gawin ang mga ito sa isang taong nangangailangan ng tulong. Hindi rin naman halata sa reyna. Teka, ‘yong mga titig niya. Ang lamig ng kaniyang mga galaw. Oo nga, pwede nga siyang maging babaeng tinutukoy sa journal.
Sa mga sumunod na pahina ay puro tungkol sa mga taong ibinigay ng reyna kay Scraper. Lahat ay detelyado kung paano niya pinaslang ang mga ito. Ang damdamin ni Scraper habang ginagawa niya ‘yon ay tila nag-e-enjoy siya nang husto sa mga panahong iyon. Napakadetalyado rin ng mga nakasulat sa journal. Ilang beses akong napahinto at napapikit dahil sa mga nababasa ko.
Naroon na ako sa parte kung saan pupunta na siya ng Pilipinas upang makipagkita sa ibang miyembro ng Phoenix.
- - - - - - -
The red-eyed woman told me that they are my new allies. Said they enjoyed what I enjoyed too. When I killed in front of them, they did not cower. But the brown-eyed woman never smiled at me. Said I could be better. Said I should control my mind. Said I am a coward.
I am no coward! I am Scraper, killing is easy as breathing. I hate her guts. I want the red-eyed woman to give the name ‘Carol’ to me. I will wait until she’ll let me kill her.
- - - - - - -
The other woman stopped me from finishing my prey. Said she hated the sight of blood in my body. Said I should smile more. But I never smiled not since my mother told me a lie that she cared about me. I asked her when did I smile, she told me I smiled a lot with her during our luncheon together. I tried to remember, but I never recalled eating anything with her. No, I never recalled anything about that afternoon. Did I oversleep somewhere else?
- - - - - - -
Ang mga sumunod na nakasulat ay tungkol lamang sa mga utos ng reyna sa kanila. Kung ano ang mga nadiskubre ni Scraper sa mga kasama niya sa Phoenix. Pero ang napansin ko ay unti-unting dumarami ang mga memory lapses ni Scraper. Una ay nagsimula lang ito sa mga snippets hanggang sa tumagal na ng ilang oras, at naging kalahating araw na.
Something is wrong. That cunning woman, she kept on bugging me. Until one time, the people around me keep on calling me another name. They keep on calling me ‘Nightwind.’ Said that woman gave me the name and the red-eyed woman approved it. Said my name is no longer Scraper. I don’t like this feeling. I feel that my identity is being threatened. Should I eliminate the source of the threat? But her name is yet to be given to me, I must wait. While waiting, I should know why do I keep on sleeping? Why do they have memories of me while I am asleep?
 
Napatanga lang ako sa journal. Kung ganoon, iisa si Scraper at si Nightwind. Pareho sila ng pangalan na Gerard Hudson, pareho ng katawan, pero hindi pareho ng personalidad at pag-iisip.
“Split personality,” I mumbled to myself upon realizing what happened to Gerard, Nightwind, and Scraper.
Narinig kong bumukas-sara ang pinto ng silid. Ibig sabihin ay may pumasok kaya nagmadali akong tumayo. Inilagay ko sa aking bulsa ang journal at nag-flush ng toilet bago lumabas ng comfort room habang karay-karay ang IV.
Pagkalabas ko ay nakatayo malapit sa aking higaan si Nightwind. Habang nakatingin ako sa nakatalikod na si Nightwind ay hindi ko maiwasang maalala ang nasa journal.
“Are you done?” tanong niya habang nakatalikod pa rin sa akin. Pumwesto na ako sa aking higaan.
“Of course.” Akala niya kasi, nag-CR ako.
“Really? You’re done reading my journal?”
Napahinto ako at napatingala sa kaniya nang bigla. Nanlalaki ang aking mga mata at tila nabitin ang aking paghinga. Bumungad sa akin ang mukha ni Nightwind na nakangisi.
TIMTARA
“HUH?”
Umupo siya sa gilid ng aking kama at inabot ako, ay hindi pala, ang bulsa pala ng aking sweater ang inabot niya at kinuha ang journal. Tigagal lang ako sa buong durasyon kung saan binubuklat-buklat niya ito na parang random notebook lang ang kaniyang hinahawakan, na parang isang normal na mga entries ang nakalagay sa loob nito.
“It’s been so long since I’ve seen this. That bastard, he’s right when he told me that you’re reading this inside the comfort room.” Sino ba ito? Teka, the way he talks and the way he grins at me.
“Scraper?”
He clicked his tongue as he winked at me. “Bingo. It’s a good thing that you finally called me by my name. It’s making my ears bleed whenever you call me by that blasted name.” Binigay niya ulit sa akin ang journal.
“When did you come back?” I whispered.
“I never left. I was here the whole time watching you, little doctor.” Dinutdot niya ang noo ko gamit ang hintuturo niya at tumawa. Inis na inalayo ko ang ulo ko sa kaniya.
“Then, why did you left? You’re the main persona. You’re the real Gerard Hudson.” Ibinalik ko sa aking bulsa ang journal sa pangamba na baka kunin niya ito.
“Carol came, she gave strength to Nightwind. Heck, Nightwind existed because of her. Her value to Nightwind is like a ray of hope, so, when she died, Nightwind lost it all, he lost his purpose. And you, you can give him back that purpose.”
“Because of the Apohixen.” Ako na ang tumapos sa sasabihin niya. Hindi ko alam o pinilit kong hindi alamin, kung bakit biglang tumulo ang aking luha.
Humagalpak ng tawa si Scraper kaya sa kaniya ko ibinaling ang aking mga mata at pinakatitigan ang kabuoan niya. Si Nightwind ay tahimik at masungit. Kalmado ito kahit galit at pinag-iisapan ang susunod na hakbang. Marami ring tinatago si Nightwind. Mayroong light brown na mga mata ito.
Si Scraper naman, napaka-transparent. Kung galit siya ay nakikita mo talaga, kapag naaaliw siya ay hindi niya sinusupil ang kaniyang ngiti. Mas pinapagana rin nito ang init ng ulo at tawag ng damdamin bago gamitin ang utak. Mayroong dark shade of brown na kulay ang mga mata nito.
In summary, maihahambing sa North at South ang kaibahan nina Scraper at Nightwind. “You fell for his charm, right? You fell for him, hook, line, and sinker. I pity you. Well, maybe what you’re feeling is not that deep. After all, you are alone in this new environment and you need comfort. Don’t worry, it’s all in your head. You’ll get over it.”
I rolled my eyes from his poor attempt of comforting me. “Now I see why Carol hated you.”
“Why? You hate me now? I expect you to do that the first time I had contact with you. You just realized it now? Wow, you’re not as smart as they believed,” he mocked with a an arrogant grin plastered on his face.
Dahil sa inis ay kinuha ko na lang ang mansanas na nasa mesa pati ang kitchen knife at nagbalat. Ikakain ko na lang ang inis ko sa kaniya. Though, hindi ko alam kung paano magbalat ng mansanas.
“You’re so hopeless.” Kinuha ni Scraper mula sa aking kamay ang mansanas pati ang kitchen knife at siya ang nagbalat nito.
“Akin na ‘yan. I can do it on my own.” Pilit kong inaabot ang kinuha niya sa akin pero inililihis niya lang ito ng direksyon.
“Stop it! Stop it o tutusukin ko ‘yang mata mo.” Dahil sa pananakot niya ay hinayaan ko na lamang siya. Alam ko kasing kaya ni Scraper na tusukin ang mga mata ko nang walang awa.
Tumawa siya bago ibinigay sa akin ang binalatang mansanas na nasa platito na at naka-slice na rin. “Eat up. Masama ang magutom sa inyong mga matatalino, kapag namatay raw ay dilat. Just eat up.” Iniumang niya sa akin ang isang slice ng mansanas.
“I’ll eat this?” tanong ko sa mansanas na hawak niya malapit sa bibig ko.
“Or you’ll stare at it. Anyway just accept it.” Kinain ko ang hawak niyang sliced apple at kinuha na sa kaniya ang platito.
“How did Carol defeat you?” curious na tanong ko. Base sa mga nabasa ko, si Carol ang puno’t dulo ng lahat.
“It was a losing battle between me and Nightwind. That woman was cunning as a shrew. Also, I’m at a disadvantage to begin with.”
“Why? You’re the main persona, right?”
“If you read the journal, you must have known that every time Nightwind takes over, it would seem that I am in a state of coma. I won’t know the happenings between the time lapses. But it’s different with him. He is always watching, even this exact moment. He is watching us. The man you were with earlier, it’s him. And he’s mad that you’re giving the Apohixen first to the Russia’s president.”
Kaya pala. Kaya pala ganoon siya kanina sa akin. Kaya malamig ang pakikitungo niya sa akin. I need to set this straight while Scraper is here and Nightwind is listening.
Ibinaba ko ang platito ng mansanas mula sa aking kandungan at hinarap si Scraper. Nagtatakang tiningnan naman ako ni Scraper kaya nang akmang lalayo siya sa akin ay hinawakan ko ang braso niya.
“Listen well, Scraper... and Nightwind. Apohixen can’t bring the dead if it doesn’t meet the conditions. From what I learned, it’s been years since Carol died. One of the conditions is that the body must have a functioning organs, this means that only the people who just died can use the Apohixen.”
Nakita kong dumaan sa mga mata ni Scraper ang gulat pero hindi nakatakas sa akin ang pagbago ng kaniyang mga mata. Nightwind!
Bigla kong tinanggal ang pagkakahawak ko sa kaniyang braso pero ang mga balikat ko naman ang mahigpit niyang hinawakan. Umaapoy sa galit ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa akin.
“Then, change the conditions or you will pay.”
 

Komento sa Aklat (31)

  • avatar
    Benson Soliven Llanto

    issjsjbsjsjsjsjwwbwbsbsbsbsbsbsbsjsjsjsjjsjbqbbsbsjdjdjdjjdjfbficiebfjcuebfichefjbuhrbfjf dfffkjdnfjdbejfifbdjxkbekx in dbdjfjfjfbfbf o'clock kg hobo FEC nenfbdbdjffjbddbfufbfjixbekffokelewkdbdbdkdbdbebnkkedjdbfkdbdnxidnebdodoqkwbwb Ed ifjfebekfofkdbwbeofkdjnskebfixjdbxoxjdbdox in e book dnnefiejekjen ex cbbfjffikenfjbefjknffndnfndbfjfjfjfjfkdkfkdkpwkdkdndnejeejdjejekekekek ekendkdkdkdkdkddkdkdbdbfifjdbxidjd in djdjfjjfjfjfjdjdjdjdjjddjjdkdkdkdkdkdjdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbdbbddbdbbndkf

    07/09

      0
  • avatar
    RH EA Il

    amazing💗

    31/03/2025

      0
  • avatar
    Mary Grace Olanda

    sobrang ganda ng first chapter or chapter 1 yung kwento nya is parang totoo talaga galing ng sumulat nito gaking ng author grabe and thanks kase nakita ko tong ganitong story tuloy parang gusto ko nadin maging scientist HAHAHAHA just kidding but super galing mo gumawa ha author galing mo sobrang ganda ng kwento just on the life situation and alam ko na maraming makakarelate dito lalo na yung mga taong may pag ka gusto sa mga scientists sciences nayan kaya super ganda just keep it up good jobb!!!

    11/01/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata