Chapter 3

"Hello po Madam Ophelia, tuloy po kayo" masiglang bati ni Manang Lusya kay Lola. "Aba! Ma'am Gwen! Andito ka din pala!" wika nya pagkakita sakin. Nauna kasi si Lola na bumaba sa kotse at pumasok.
"Hehe.. Hello po Manang" wika ko. Agad siyang lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Naku! Mas gumanda ka lalo, Ma'am Gwen! Namiss kita, bakit ngayon lang ho ulit kayo dumalaw dito?" usisa ni Manang sakin. Medyo close kami ni Manang dahil minsan ay siya ang personal na nagdadala ng mga regalo sakin na pinapabigay nina Lola Anastasia.
"Ahh na-busy po ako sa studies ko eh. Pero ngayon baka mapadalas ako sa pagbisita dito." wika ko.
"Ayy! Congratulations pala Ma'am. Balita ko ay nagtapos kang Cum Laude! Hindi ako nagkamali at talagang maganda ka na ay matalino ka pa!"
"Naku si Manang, nangbola pa." wika ko na natatawa. Sumingit naman si Lola sa kamustahan namin ni Manang.
"Halika na Gwen, hinihintay na tayo ni Ana. Mamaya na yang kamustahan ninyo." tumango lang ako kay Lola at sumabay sa kanya sa pagpasok. Nakasunod naman si Manang at iba pang kasambahay sa amin dala ang mga regalo ni Lola kay Lola Ana.
"Lia, mare. Naku! Nanjan na pala kayo" sinalubong kami ni Lola Ana, at agad na nakipagbeso. "Hay salamat naman! Kasama ang apo kong maganda!" dagdag niya pagkakita nya sakin at niyakap ako.
"Hay naku, Lola nangbola pa eh!" biro ko.
"Anong nangbola ka jan?! Magtatampo talaga ako sayo kung hindi ka sumama"
"Hindi ko naman kayang tiisin ang Lola Ana ko" paglalambing ko. Tumawa lang siya.
"Magseselos na ako niyan!" wika ni Lola Lia dahil nagkukulitan kami ni Lola Ana. Tumawa lang kami ni Lola Ana, at naupo na. Agad namang naghain ng meryenda si Manang Lusya.
(A/N :Anastasia=Ana, Ophelia= Lia)
---------
Alexander's POV
"Sa tingin nyo mga brad, anong kondisyon nina Lola para makuha natin ang mana?" kanina pang tanong ng tanong itong si Benjamin. Hindi mapakali sa kondisyon nina Lola.
"Hmm... siguro kailangan mong magsayaw na walang kahit anong saplot, dun sa labas ng subdivision habang vini-videohan ka" medyo sarkastikong sagot ni Theo.
"Pfft HAHAHAHAHAHA" tawa nina Sebastian, Nathaniel at Harrison. Kahit kailan talaga ang lakas ng trip ng mga toh.
"T*nga! Seryoso ako!" sigaw ni Ben kay Theo at binati ng unan.
"Hahahaha...k-kanina.. ka pa k-kasi tanong ng tanong!" sabi ni Harrison habang tumatawa.
Napailing na lang ako sa mga pinsan kong ito. Hindi pa kami pinapatawag ni Lola, kanina pa akong naiinip dito. To be honest, I also want to know the condition of Lola Ana. Hindi lang si Benjamin ang nag-iisip nuon kanina pa. Hindi ko lang pinapahalata dahil hindi naman ako atat sa mana na sinasabi nila. I can handle myself and also I have my own business.
"Huy! Alex! Kanina ka pang tahimik jan! Siguro iniisip mo din yun, ano?!" usisa ni Nat.
Inirapan ko lang siya at humiga sa mahabang sofa. "Suplado nito." rinig ko pang sabi nya. Natawa lang ako sa isip-isip ko. Hindi kasi ako palasalita. I feel like nakakapagod maglabas ng salita sa mga bagay na wala naman akong interes. Pumikit na lang ako at naghintay.
After 5 minutes.....
*Knock....knock...*
"Mga Sir, pinapatawag na po kayo ni Madam Ana. Bumaba na daw ho kayo" sabi ng isang kasambahay nina Lola. Agad namang nagsitayuan ang anim na loko, at nag-ayos ng kanilang sarili. Tamad na tamad naman akong bumangon at inayos din ang medyo nagusot kong damit.
Lumabas na kami at pumunta sa living area. Nasa hulihan ako kaya at matatangkad ang anim na loko kong pinsan kaya hindi ko agad nakita ang kanina pang hinihintay namin para masabi na ni Lola ang kondisyon nya.
"Mga Apo" = Lola Ana.
Ngumiti siya at pinaupo kami. Nakita ko na si Lola Lia at may isa siyang kasamang babae. 'Hmm.. she's beautiful'. Medyo hawig nya si Tita Guin. Sila siguro ang hinihintay namin.
"Aba! Naku! Kagagwapo naman ng mga apo mo, Lia!"=Lola Lia.
"Hi Lola Lia! How are you po?" bati ni Theo at saka sya nagmano dito. Sumunod na din kami sa pagmamano at as usual ako ang huli sa pagmamano. At dahil mahaharangan ko sila Nat sa daan pumunta ako sa tapat nung babae at duon ako dumaan para magmani kay Lola Lia.
She's looking at us. Nakangiti siya and I found her cute. 'Tsk! Alex umayos ka'.
Naamoy ko din ang pabango nya at hindi yun sobrang matapang o matamis gaya ng pabango ng mga babae. It smells mint strawberry na presko sa pang-amoy. Nang dadaan ulit ako sa tapat niya ay hindi ko sinasadyang masanggi ang tuhod niya.
She look at me at nawala na ang ngiti nya.
"I'm sorry. I didn't meant it" seryoso kong sabi. She just smile a bit and mouthed 'It's okay'.
Naupo na ako at lumingon ulit sa kanya. She's really beautiful at nakuha nya agad ang atensyon ko. She's wearing a dress na bumagay sa kanya. 'Hmm..' napailing ako dahil sa sariling iniisip.
"So, I think hindi pa sila magkakakilala, right?" tanong ni Lola Ana.
"Haha.. paano ba naman sila magkakakilala ay hindi naman sila sumasama sa tuwing may meet up tayo" wika naman ni Lola Lia.
"Ahmm.. Lola Lia, we are just busy po sa studies and business. Kaya hindi po kami nakakasama unless it is very important"=Sebastian
"Oo nga po, Lola. Medyo mahirap iwan ang work"= Nathaniel
"Ahh.. ganon ba? Pero mabuti naman kung ngayon ay nandito kayo at kompleto." she said. Kaya nagtaka ako dahil bakit kailangang kompleto kami? If ever na di kami kompleto anong mangyayari?
"By the way.. my grand daughter is here" Lola Lia said while smiling and looking at her granddaughter. "She's a daughter of my son Anderson. She is Gwendolyn." Sabi ko na eh. Apo ito ni Lola Lia at anak ni Tita Guin at Tito Anderson.
"Hello po" she said. 'Hmm.. her voice. It's cute'
'Oh sh*t Alex! Umayos ka nga!' Hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Taena! bakit nagkakaganito ako. Ngayon lang toh!
"Hi" sabay-sabay na bati nung anim, except sakin. Nakatingin lang ako sa kanya, at hindi ko maalis yun.
"Hi lang ang sasabihin nyo? Hindi ba kayo magpapakilala?" tanong ni Lola Ana. Medyo nahalata ko na ang inis sa boses ni Lola at alam kong ganon din yung anim kaya tumayo kami at isa-isang nagpakilala kay Gwen.
"Hi, Gwen. I am Sebastian Vanderbuilt. Son of Jonathan and Serene Vanderbuilt"
"I'm Nathaniel Vanderbuilt, son of Nicholas and Janine Vanderbuilt"
"I'm Harrison, son of William and Harrenia Vanderbuilt"
"Im Benjamin Vanderbuilt, son of Oliver and Beajeen Vanderbuilt"
"I'm Maximilian, son of Charles and Evangeline"
"I'm Theodore, also son of Charles and Evangeline"
Nang ako na ang magpapakilala, tumingin din siya sakin. Oh sh*t! Napansin ko din ang mata niya. 'Beautiful'
"I'm Alex" yun lang ang tangi kong sinabi. Kumunot nag noo nya na parang nagtataka. Ganon din sina Lola at yung anim.
"Alexander?" wika ni Lola na may pagbabanta. Hayss.. sabi ko naman sa inyo na tamad akong magsabi eh!
"Alexander, son of Christopher and Arabelle" I said.
Tumayo naman si Gwen at isa-isang nakipagkamay samin. Ang lambot ng kamay nya.
"Nice to meet you all" she smiled.
"Same" sabay sabay na wika namin.
Bumalik na kami sa pagkakaupo.
--------
Gwen's POV
Hindi ko alam na may mga apo pala si Lola Ana na ganito kagagwapo. Hayss.. para silang mga model. Pero mukhang mga suplado at spoiled ang mga ito. Lalo na yung Alex, mukha siyang tahimik palagi. Well, tahimik naman nga sya.
Kung hindi lang siguro nagbanta si Lola Ana, hindi nya sasabihin kung kanino syang anak, gaya nung iba. Hahaha.. natatawa nga ako nung binanggit ni Lola ang pangalan nya. Parang natakot sya, pati na rin yung iba. Siguro ganon na lang nila sundin at igalang si Lola.
"So, well done!" sabay na wika ni Lola Lia at Lola Ana.
Ha? Well done? anong ibig nilang sabihin?
Nagtaka ako dun at kita ko rin sa pitong lalaking kaharap namin ang pagtaas ng kilay. Pfft ang cute nila.
"Lola, anong well done?" tanong nung isang lalaki. I think he is Benjamin.
Nang biglang magring ang phone ni Lola Ana. Ngumiti lang sina Lola at sinagot ang tawag.
"Ohh?" pfft, ang suplada ni Lola na sumagot sa tawag. Tahimik lang kami at naghihintay na matapos ang pakikipag-usap ni Lola Ana.
"Talaga?---- Sya sige-- Mabuti naman kung ganoon--- Bilisan nyo-- Hahaha-- mag-iingat kayo-- Oo--- Nandito silang lahat-- Sige-- Bye" =Lola Ana
Natapos ang pag-uusap nila kaya bumaling naman sya samin.
"Si Preston tumawag. Hahabol daw sila ni Edward" wika ni Lola.
"Buti naman kung ganon, hindi tayo mahihirapan sa pagsasabi sa mga bata" makabuluhang wila ni Lola Lia.
Ano naman kaya yung sasabihin nila? Hayss..

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Jessel Ann Prajes Padigos

    5,0

    29/07/2024

      0
  • avatar
    CHRISTINE MAE C.VILLENA,

    Gooddddd, amazing

    02/06/2024

      0
  • avatar
    Mariefe Rodriguez

    update plz❤️❤️❤️

    08/05/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata