Homepage/at the end of the day, I choose you/
Chapter 4
"Anong meron?"
Takang tanong ni Zinc pagkapasok niya ng practice room, seryoso nag uusap ang tatlo.
Walang sumagot sa tanong niya kaya naupo nalang siya sa tabi ni Terron at sinandal ang ulo niya sa balikat nito. Tinulak siya ni Terron dahilan ng pagkalaglag niya sa sofa.
"So kukuha tayo ng bagong members?" Tanong ni Terron.
Tumango si Seven.
"Bakit?" Si Zinc at mas lalong umusog pa kay Terron. Tatayo sana si Terron para pumunta sa tabi ni Silver para lumipat pero mabilis siyang pinigilan ni Zinc. Naiirita siya kay Zinc dahil sa sobrang clingy nito.
Hinawakan ni Zinc ang braso ni Terron.
"Stay here."
Nakita iyon ni Silver at Seven, napa irap silang dalawa. Clingy si Zinc pagdating kay Terron, gusto niya lagi silang magkatabi lagi siguro dahil mas comportable lang siya kay Terron at mas nakaka intindihan sila.
"Ron, may chix sa med department." Bulong ni Zinc.
"Nakuha mo number niya?" Bulong din ni Terron.
"No, i didn't."
Nakita ni Seven na nag bubulungan ang dalawa. Naghanap siya ng pwedeng pambato kay Zinc. Pinaka malapit na abot ng kamay niya ay bote ng C2, binato niya si Zinc.
"Ouch. Seven!" Singhal ni Zinc.
"Shut up." Ani ni Seven at tinuloy ang sinasabi niyang naudlot.
"Tatanggalin nila tayo kung apat lang ang member." Tipid na sagot ni Silver.
"Kayo naman ang ayaw magsali ng bagong members." Sabi naman ni Terron at binawi ang kamay niya na pinaglalaruan ni Zinc.
"Terron, sama kaba mamaya?" Bulong na naman ni Zinc, hindi siya pinansin ni Terron.
Totoo iyon, ayaw magsali ni Silver at Seven ng bagong members sa music club dahil walang sumasali na may alam talaga sa musika. Karamihan sa mga sumasali ay mga fangirls lang nila. Pero sa pagkakataon na ito kailangan nila ng maraming miyembro para hindi sila palipatin sa mas maliit na room or mas worst na paalisin sila.
"Anong gagawin natin?" Si Zinc.
"Audition." Tipid na sabi ni Silver.
Tinignan isa isa ni Seven ang tatlo, alam na nila ang tingin na iyon uutusan sila nito.
"What?" Si Silver.
"Lumakad na kayo, inform them we'll have an audition tomorrow." Utos niya na para bang siya ang boss.
"Who are you to command us." Sabi ni Silver. "Sumama ka." Dagdag niya.
Mabilis na kumalat ang balita na may audition na magaganap sa music club. Marami ang gustong sumali. Nakarating ang balitang iyon kay Dare kaya namag magdamag siyang nag practice.
"Bakit ang aga mo saan ka pupunta?" Tanong ni Aki na kakagising lang. Kumuha siya ng tubig sa kusina at ininom ito.
"Mag audition ako para sa music department."
"Seryoso kaba? Marunong ka ba ng instrument?"
"Ha? Kailangan ba marunong?"
"Oo naman, Dare."
"Mapag aaralan naman iyon diba? Fast learner ako." Ngumiti si Dare at tinuloy na ang pag aayos ng mga gamit niya.
"Mag audition ka din para magkasama tayo, Aki."
Ngumiti si Aki at umiling.
"Goodluck, Dare!"
Nakarating si Dare sa university saktong ten thirty, marami ng tao at halos mga babae ang nasa labas ng music club. Nakita pa niya doon ang vice president sa fanclub ni Zinc. Lumapit siya sa mga kakilala niya at nakipag usap ng sandali bago pumila sa dulo.
Nangangalay na ang paa ni Dare, naisipan niya munang umupo sa sahig nang biglang nagsigawan ang mga babae. Tumingin siya sa pinag kakaguluhan nila.
Mula sa music room lumabas doon si Zinc kasunod niya si Terron. Nanatili nakaupo si Dare, natulala dahil sa ka gwapuhan ni Zinc.
Kumaway si Zinc at ngumiti sa iilang mga babae. Nang dumaan ito sa harapan ni Dare ay nagtama ang mga mata nila ng sandali.
"Saan ka galing kagabi? May nangyari sa inyo ni Riri?" Tanong ni Zinc kay Terron.
Pagkatapos ng isang oras bumalik na si Terron at Zinc may dala silang apat na milktea at pagkain siguro para iyon sa kanila.
Mabagal umusad ang pila, ang iba ay nag si alis na para kumain ng tanghalian. Pero hindi umalis si Dare, ramdam na ni Dare ang gutom at pagka uhaw.
"Pagod na ako." Reklamo ni Terron.
Tumayo si Silver at sumilip sa labas. Wala ng masyadong tao. Naagaw ng pansin niya si Dare na tahimik na nakaupo habang may kung anong sinusulat sa sahig.
Kumuha si Silver ng tubig sa mini ref saka nito kinuha ang pagkain na dala nila Zinc at Terron kanina. Balak niya itong ibigay kay Dare pero hindi niya alam kung paano niya ito ibibigay.
Nakita iyon ni Seven. Lumapit siya kay Silver at kinuha ang hawak nito pagkatapos ay tinanong niya ito para kanino.
"Wala." Masungit na sabi ni Silver at iniwan si Seven.
Napangisi si Seven alam niyang nahihiya si Silver kaya ganon siya umasta. Tumingin siya sa labas at nakita niya si Dare.
Lumabas si Seven at lumapit kay Dare. Nag angat si Dare ng tingin. Nagulat siya nang makita si Seven sa harap niya. Tatakbo na sana ito kung hindi lang siya napigilan ni Seven.
"Calm down I'm not here to scold you." Sabi ni Seven.
Nakahinga ng maluwag si Dare. Tinignan niya si Seven may dalang pagkain at tubig. Inabot ito si Seven sa kaniya at ngumiti.
"Bakit hindi ka umalis para kumain?"
"Ayoko kasing mawala ako sa pila, para sa'kin ba ito? Salamat ha." Sabi ni Dare at ininom ang tubig.
Napangiti si Dare habang kinakain ang pagkain na bigay ni Seven. Hindi siya makapaniwala na mabait din pala ito. Hindi na din nagtagal doon si Seven.
Pagpatak ng ala una ay nagsimula na ulit ang audition. Konti nalang ang tao.
Alas tres na nang si Dare naman ang papasok sa loob. Huminga muna siya ng malalim bago buksan ang pinto. Sinalubong siya ng ngiti ni Terron.
"Welcome, please introduce yourself."
Sabi ng lalaki sa gitna, si Seven iyon. Ngumiti siya at tinignan si Zinc, hindi siya nito pinansin nakatingin lang siya kay Terron at nakikipag usap.
"Hello, my name Dare Saterlee Amara from department of business administration."
"Hello, Dare. Can you play any instrument, or can you sing?"
Tanong ng lalaki sa gilid sa tabi ni Seven, si Silver Hiroshi.
"Hindi ako marunong tumugtog pero marunong akong kumanta."
Napansin ni Seven na kinakabahan si Dare kaya nginitian siya nito. Nagulat si Dare sa ginawa niya pero siguro ginawa niya yon para ito kabahan.
"Pwede ka ng magsimula." Sabi ni Zinc, napatingin si Dare sa kaniya mas lalo pa siyang kinabahan.
Nagsimula na siyamg kumanta pumikit si Dare para hindi ako masyadong kabahan. Pagkatapos ng tatlong minuto ay pinalabas na siya ni Seven at tatawagan nalang siya kung nakapasok.
"Gusto ko talagang mapasama sa music club. Gusto kong makita si Zinc araw araw." Sabi ni Dare sa sarili habang naglalakad.
Sinalubong siya ni Aki sa labas ng bahay nila. Tinanong kung kumusta ang audition at kung natanggap ba daw ito.
"Tatawagan nalang daw nila ako."
"Huwag kang mag aalala makakapasok ka, ikaw pa ba." Sabi ni aki pampalakas ng loob. Ngumiti si darw at pumasok na ang dalawa sa loob para kumain.
Kinabukasan maaga pumasok si Dare sa school para umattend ng meeting ng fanclub. Narinig niya na iilan sa kanila ay nakapasa sa audition pero hindi ganon kadami.
Nang breaktime ay magka kasama sila ni Aki kumain nang biglang may tumawag sa cellphone nito. Tumayo si Aki at bahagyang lumayo kay Dare. Inubos ni Dare ang pagkain habang hinihintay bumalik ang kaibigan.
"Sino yon?"
"Wala, Dare. Kumain na tayo."
Hindi na ulit siya nagtanong at hinayaan nalang siya. Pagkatapos kumain ay naghiwalay na ang dalawa para pumasok sa sari sariling klase.
Sa practice room naman ng the fband ay nagkaroon ng competition.
Nagkita nalang si Aki at Dare sa gate kinahapunan. Pasakay na sana sila ng Jeep nang may tumawag kay Aki mula sa likod. Sabay napalingon ang dalawa. Halos matulala si Dare at hindi makagalaw.
Si Zinc iyon.
"Anong kailangan mo?" Mataray na tanong ni Aki.
"Hey, chill." Sabi ni Zinc at tumawa.
"Hindi ako nakikipag biruan sayo." Mataray na sabi ni Aki. Napa kurap kurap siya Dare bakit ganon niya sagutin si Zinc? Sabi niya sa isip niya.
"Tinawagan ka namin kanina gusto naming malaman ang sagot mo."
Tinawagan? Tungkol saan? Naguguluhan na si Dare.
"Hindi ako interesado."
Nainsultong ngumiti si Zinc.
"Why? I'll be your mentor. Bakit ayaw mo?"
"Busy ako wala akong panahon sa music." Umiwas ng tingin si Aki.
"That's not a problem, I'll help you with your acads" Tumingin si Zinc kay Dare. "Hey cutie, please convince her." Sabi niya at nginitian si Dare.
Sinundan ng tingin ni Dare si Zinc habang paalis siya at tinignan si Aki pagkatapos. Kailangan niya ng explanation.
Paguwi ay dumiretso si Aki sa kuwarto niya, si Dare naman ay nagluto muna ng pagkain.
Pagkatapos kumain ng dalawa ay nag si balik na sila sa mga kwarto nila. Bago matulog nag check muna si Dare ng Facebook. Nakita niya ang post ni Zinc na shinare ang video ni Aki na kumakanta siya sa mall noong highschool sila.
Ang lahat ng tanong sa isip ni Dare ay nasagot. Siguro kaya gusto ni Zinc si Aki dahil nakitaan niya ito ng potential.
Naglungkot si Dare. Naisip nito na kaya siguro hindi pa siya tinatawagan dahil hindi siya nakapasok at wala siyang talento.
Sa sumunod na araw ay nagpatuloy ang pangungulit ni Zinc kay Aki. Araw araw siya nitong tinitext at minsan ay pinupuntahan siya nito sa klase niya.
Lima lang ang nakapasok sa music club pero aattend lang sila sa meeting kapag pinatawag sila at ang pag punta sa practice room ng walang pahintulot ay ipinagbabawal.
Bago ang audition ay naisipan maglaro ng apat na hahanap ng freshman at iti-train. Parang singing competition, ang prize ay ang sasakyan ni sports car ni Seven.
"Saan ka pupunta?" Sabi ni Zinc nang makitang paalis si Terron. Naka kunot ang noo niya at hinarangan ang pinto.
"May date ako, tabi." Sagot ni Terron at tinulak si Zinc saka lumabas ng pinto.
"Tsk."
Wala ng nagawa si Zinc, hindi niya napigilan si Terron.
"Bakit ang higpit mo sa kaniya, anak mo ba siya?"Pang aasar ni Silver.
Natawa si Seven sa sinabi ng kaibigan. Umirap si Zinc at umupo sa sofa. Itinigil ni Seven ang ginagawa niya at tumabi kay Zinc, nasa kabilang sofa si Silver.
"Why are you so mad? You look like a jealous kid."
Tinignan ng masama ni Zinc si Silver. Tumawa si Silver pati na din si Seven. Hindi maintindihan ng dalawa kung bakit ganon nalang siya ka higpit kay Terron.
"Pwede ba tigilan niyo ko." Inis na sabi ni Zinc.
Nagtaas ng kilay ang dalawa at hindi nalang siya sinagot.
"I'm annoyed, bakit mas maraming babae ang lumalapit kay Terron kesa sa'kin." Sabi ni Terron.
Napa iling iling nalang si Silver, wala siyang panahon makinig sa kayabangan ni Zinc kaya umalis nalang siya.
"Sil, wait for me." Si Seven.
Sabay umalis ang dalawa, naiwan si Zinc sa practice room. Parang mga hindi kaibigan hindi man lang ako sinamahan. Sabi niya sa sarili niya at inihagis ang librong nakita niya. I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (89)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
Interesting story. Hindi ka na mabibitin dahil completed na.
04/06/2022
1my favorite since elementary :))
27/12/2024
2hi po good morning
01/04/2024
2Tingnan Lahat