Homepage/Zareth Academy: Identity Unkonwn 2/
Chapter 34
New Enemy Unlock
Third Person's POV
Nanlilisik ang mga matang nakatanaw sa bintana kung saan sumisilip ang liwanag ng papaangat pa lamang na araw. Hinawakan nito ang baba at patagong ininda ang dalang hapdi ng paglapat ng daliri nito sa nasugatang ilalim na labi.
Ibinato ng lalaki sa sahig ang hawak na sigarilyo at buong lakas na pinagtatapakan dahil sa inis at namumuong galit sa loob nito. Nang sumunod namang kumirot ang braso nitong natamaan ng palaso kagabi.
Huminto ito at patapong isinandal ang likod sa upuan at nagwawalang sumigaw na nasundan din ng isang pagak na halahak, sinabunot nito ang buhok at patuloy pa rin sa tuyong pagtawa na tila nababaliw.
Ang ginawa niyang pagharang sa mga inaakalang parte ng DeVille para isagawa ang paghihiganti ay napurnada. Dahil alam nito... siguradong-sigurado ito na namumukhaan niya ang lalaki at babaeng iyon noong mapunta siya sa party, ang araw ng recruitment. Kung hindi lang sana nangialam ang isang pang babaeng iyon na siyang dahilan kung bakit nagsunod-sunod ang paglitaw ng mga palaso mula sa kung saan, ay nasa harapan na niya sana ang mga ito ngayon, nakaluhod at nagmamakaawang buhayin.
Mas nadagdagan pa ang init ng ulo ng lalaki sa tuwing naaalala ang sumunod na sumulpot sa harapan nila matapos makaalis ng tatlong taong iyon. Si Sonn, Ablitiz at Vien.
Kagabi...
Halos hindi na makapagmulat ng mata ang iba dahil sa usok ng dala nilang apoy nung gabing iyon, dala na rin ng panghihina mula sa pag-ilag sa mga palasong kabi-kabilaang tumama. Nawala na ang atensyon ng lahat sa paligid. Kabilang si Jason.
Nang marinig na lamang nito ang sunod-sunod na pagbagsak ng mga kasamahan niya sa lupa. Huli na nang mapansin nito ang binting papalapit sa mukha niya. Tumama ito sa pisngi dahilan para mapaatras ito. Nasapo niya ang mukha, at dumura sa damuhan nang malasahan ang dugo.
Bago pa siya makarecover, isang pagtama ng kamao na eksaktong inasinta ang gilid ng kaliwang mata naman ang tuluyang nagpatumba sa kanya sa lupa.
Paulut-ulit itong napamura sa isip dahil sa sakit na natatanggap mula sa misteryosong tao sa harapan niya ngayon.
Nag-angat ito ng tingin para makilala ang may sala para maparusahan ito kung sakaling dumating ang panahon at nakilala niya ito sa dagat ng mga estudyante. Ngunit napahinto ito. Kalahati ng mukha nito ay nakatakip ng... puting tela?
Hindi maiwasang magtaka ni Jason. Wala pang grupo ang nakita niyang gumamit ng puting tela bilang simbolo o panakip ng mukha. Tila umurong ang tapang ng lalaki at napaatras din sa bawat pag-abante palapit sa kanya ng payat na pigura ng tao. Ngunit naabot pa rin nito ang kwelyo niya at walang hirap na inangat at binuhat paangat. Kasunod nito ay naramdaman niya ang nakakakilabot at nakakataas balahibo na ngisi nito sa likod ng puting maskara.
TULOY-TULOY lamang ito sa pagsigaw, kung hindi lamang dahil sa boses ng babaeng pumasok na nagreklamo. "Sa tingin mo ba may magagawa iyang pagsigaw-sigaw mo lang d'yan?!"
Huminto ang lalaki at napatungo na lamang sa mga kamay. "Nabigo ka sa unang hakbang natin tapos nakaupo ka lang at nakuha mo pang magwala?" Hindi makapaniwala nitong singhal.
Sa halip na matakot ay binigyan ni Jason ito ng isang ngisi. "Bigyan mo pa ko ng oras." Umikot ang mga mata ng babae, hindi ito napansin ng lalaki nang mag-angat siya rito ng tingin. "Sisiguraduhin kong luluhod sila ngayon sa harapan ko--- natin."
Pinagkrus ng babae sa dibdib ang mga braso, at nakangiti nang lumapit sa lalaki. "Dalhin mo sila sa akin, sisiguraduhin kong mararamdaman nila ang kapalit ng mga ginawa nilang kasalanan." Nag-iba ang reaksyon nito kaagad. "Pero bago ang lahat ng yon, bawasan mo muna kapalpakan mo!" Naiirita nitong wika at tinalikuran na ang lalaki.
Nang makalabas na ito ay nasipa na lamang ng lalaki ang kalapit na upuan.
Kinuyom niya ang mga kamay. Desidido itong pagbayarin lahat ng mga taong sinusubukang humarang sa daan niya.
Isang estudyante naman ang pumasok sa silid, hatid ang isang balita na agad nagpapalit sa nararamdamang galit at poot ng lalaki. "Nakita na po namin ang hideout nila." Napangisi siya.
'Humanda kayo. Sisirain ko lahat ng natitira sa inyo.'
--
Dale's POV
Kakatapos ko pa lang maghila ng mabibigat na kahon paikot ng running field. Nagpapahinga ako para mabawi ang lakas ko. Unang dikit pa lamang ng bote sa labi ko ay tumilamsik iyon kasabay ang paghablot sa akin ng isang kamay. Tangay-tangay ako na hindi pa rin maialis ang mata sa natapong tubig. Nauuhaw na ko huhu.
Matapos kaladkarin kung saan ng malditang si Lara na panay ang dakdak at sermon habang hila ako, kesyo hindi man lang daw ako pumupunta sa kanila para mag-ensayo at kailangang sila pa ang kumuha sa akin sa mga nangangagat kong kaibigan, kung bakit ba raw hindi ko pa nagawang humanap ng mas maayos na kasabay kumain at hindi yung gumagamit ng ngipin para manakot na mangangagat ng kamay sa mga lalapat sa balat ko.
Teka, sila Sonn ba tinutukoy niya? Mukha naman talagang nanganggat si Sonn, si Vien pwede pa, pero kung isinasali niya si Ablitiz, parang imposible. Mas uunahin pa niya yatang kagatin yung lamok na didikit kay Vien kesa sa osong lalapit sa akin.
Sa wakas ay natunton na namin ang kuta nila, kung saan naaalala ko pa yung maasim na pinaghigaan nila sa akin. Hindi naman niya siguro ako hinihila para ibalik doon ano?
Pagpasok sa loob ay naroon na sila Allen na ano pa nga ba--- himas-himas na naman ang nakapulupot na ahas sa braso, sinitsitan pa ako ni Snaky. Patago ko itong nginungusuan ito, tila birong hinahamon. Napansin iyon ni Allen at agad isiniksik ito sa sariling tagiliran dahil sa bantang aagawin ko ito.
Nakaupo naman sa isang tabi si Niccolo habang may nakabukas na libro sa isang kamay. May inabot itong bote ng tubig sa katabing lamesa at habang binubuksan ang takip ay tumayo ito at naglakad papalapit sa akin.
Inabot nito ang tubig sa harap ko. "Here."
"Salama---"
"Thank you." Si Lara at uminom pagkakuhang-pagkuha pa lamang ng bote. Inungusan ko ito. Akin daw yan e'!
"Inagaw niya sa aki---" Magrereklamo sana ako kay Niccolo dahil inagaw niya sa akin ang tubig, pero paglingon ko pa lang rito ay nakatuon ang tingin niya kay Lara, pinapanuod ang pag-inom nito.
Hindi makapaniwalang napabuga ako ng hangin, at pinanlisikan ng tingin ang lalaking si Meduso nang marinig ang mahina nitong tawa.
Kahit siguro katapusan na ng mundo at wala ng pwedeng makain o mainom, manganganib talaga ko siguro kapag naiwan ako sa isa man sa kanila Ablitiz at Vien, o kaya sa dalawang nasa harap ko ngayon.
Umiling-iling na lamang ako habang pinagpaplanuhan na sa isip kung paano ko papaiyakin ang mga magiging anak nila sa hinaharap kung sakaling sila nga ang magkatuluyan. Hindi ko kayo tatantanan.
Ako na lang ang kumuha ng sarili kong inumin at malalaking lagok na uminom dito.
Pinaupo na nila ako habang nanatiling nakatayo sa harap si Lara, nagsimula na itong magsalita, pero wala lang talaga akong maintindihan sa kahit anong salitang lumalabas sa bibig nya. Mas maganda siguro kung wala ako rito. Parang hindi naman ako kailangan.
"Topping the rank during The Day isn't our main goal." Bigla ay nakuha nitong palakihin ang dalawang tenga ko, ganon din ang pagsipa ng interes nang sa wakas ay may nabanggit na itong pamilyar sa akin. "Dahil--- Ugh!" Umikot ang mga mata niya. "Because of that guy who's bossing you." Sumama ang tingin nito at ang taong nilalapatan no'n ay si Niccolo.
Tila isang mataray na guro sa klase, pumamewang ito at lalo pang nagdikit ang mga kilay. "Nagpapauto ka na naman ba sa lalaking yon?!" Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang dalawa, wala akong pake kay Allen na sinusuklay si Snaky--- Ano naman bang turnilyo ang nalaglag sa kanya at sinusukliay niya ang ahas?
"Sinong lalaki?" Usisa ko, wala talagang kaide-ideya. Malay ko baka soulmate ko na yung tinutukoy nila diba, papakawalan ko pa ba?
Tumagal ang pagtitig nila sa akin habang ako ay kumukurap lang na nag-iintay ng sagot. Pero sa halip na sagot...
Humarap naman sa akin ang nakapamewang na si Lara. "Kaya sinasabi ko na sayo wag kang kung kani-kanino na lang nakikisama! Kapag ikaw naging katulad nyan," dinuro niya sa Niccolo na napaabante ang mukha dahil sa mahaba niyang kuko, "magiging sunod-sunuran ka lang din sa kanila!"
...sermon ang natanggap ko.
Pero hindi ba't yun na ang nangyayari sa akin ngayon? Nagiging sunod-sunuran ako sa kanila. Pinunasan ko ang mukhang natataman na ng talsik niyang laway. Nasan ba asawa nito? Hindi man lang ba niya aawatin? Ako yung naagrabyado o'.
"Don't lecture her like that. Can you calm down and put your hand down first? It's too... pointy, you're going to scratch my face." Akmang hahawakan nito ang kamay ng babae nang mapaabante lang muli siya nang duruin siya nito ulit.
"Ikaw! Bakit ba kasi sinusunod mo pa yung lalaking yon---"
"Sino bang lalaki?" Tanong ko pero wala pa ring pumapansin.
"---kung hindi ka na nakipagkasunduan sa kanya, hindi na kasama ang bagay na 'to sa pinoproblema natin!" Nagmumuni-muni lang ako sa tabi nang mapansing ako ang tinutukoy ni Lara'ng bagay. Aray ko ha, useful naman ako minsan. Minsan nga lang hindi lagi.
Tumayo na si Niccolo, napatingala ng bahagya si Lara dahil matangkad ang bebe niya--- este asawa--- este si Niccolo. Malumanay itong bumuntong-hininga at hinawakan ng marahan ang kamay ng babae at ibinaba.
"If you're that stressed, I will allow you to take a break." Break? Teka, sila ba? Bakit hindi ko alam? "Just don't burden yourself too much that you can't barely handle it."
"Ikaw naman kasi ang dahilan kung bakit ako namomroblema! Ikaw ang dahilan kung bakit ako naii-stress! Parang napakadali mo lang takutin at utos-utusan." Napatungo ito kasabay ang pahina nang pahina nitong boses. Narinig ko ang pagngiti ni Niccolo. Oo narinig lang, dahil mula sa pwesto ko mukha lang ni Lara natatanaw ko at nakatalikod naman si Niccolo mula sa akin.
"The cause of your stress... is me?"
Kumunot ang noo ni Lara. "Bakit nakangiti ka? Masaya ka pa ngayon na ako ang namomroblema dahil sayo?!" Naku. Naku. Wrong words yata si papshi Niccolo, tumataas na naman ang tono ni Lara na parang nakikipagkumpitensya sa paligsahan ng pagsigaw.
"It's not that." Humakbang ito palapit sa babae. Napataas ang balikat ni Lara nang ipatong ni Niccolo ang kamay sa ulo. "You handle what's important now for you, and I'll handle mine." Yumuko ito para magpantay ang mga mukha habang haplos pa rin ang buhok ng babae.
Totoo bang nakikita ko lahat ng kababalaghang 'to? Bakit biglang umasim mukha ko? Alam ba ng mga tong may natitira pang tao dito? Napahilamos ako ng kamay sa mukha, sa gitna ng mga daliri ay natanaw ko si Allen, doon ko lang naalala na nandito rin nga pala siya. Pero mukhang wala itong pakialam sa nangyayari sa dalawa dahil busy ito kakatitig kay Snaky na ngayon ay pansin kong sinusulit talaga ang atensyong binibigay sa kanya ng amo.
Ito ba lagi ang nasasaksihan niya dito? Kung ganon mabuti talaga na lagi ko silang tinatakasan, kundi ay araw-araw akong nangungulelat dito at magiging kakambal ko na ang higaan sa bodega dahil sa pangangasim ng mukha ko.
Saktong nakaramdaman ako ng missed call ni kalikasan. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at nagpaalam na magbabanyo. Nang mapabalik ako sa pwesto ko. "Saan ang banyo?"
Doon palang natauhan ang dalawa, itinulak ni Lara palayo si Niccolo. Tumayo ng ayos ang lalaki at inilagay ang mga kamay sa bulsa, na siyang sumagot sa tanong ko.
"It's that door." Nakangiti nitong itinuro ang pinto na katabi nung kwartong may maasim na kama. Sinuklian ko ito ng ngiti at nagmadaling pumasok sa itinuro niya. Naparami yata ang inom ko ng tubig, saglit pa lang sa katawan ko ay gusto na kaagad lumabas.
Pinindot ko ang switch ng ilaw pero hindi ito sumindi kaya pinabayaan ko na lang. Hindi naman ako nandito para magpailaw kundi ang magdrain. Inabot ako ng ilang minuto, nang matapos ay pinindot ko ang flush pero hindi ito gumana kaya ginamit ko na lang ang tabo at balde na may tubig sa gilid.
Napatagilid ang mukha ko at nagtatakang inobserbahan ang tunog ng pagbuhos ko ng tubig. Parang may sumisigaw? Dito ba galing sa inidoro? Inulit ko ang pagbuhos pero kumpara kanina ay wala namang sumisigaw.
Hindi ko na lamang iyon pinansin at lumabas na ng banyo pagkatapos maghugas at maglagay ng alcohol. Pero meron pa rin akong naririnig na ingay. Kagagawan ba yon ng inidoro?
Habang kinukuskos pa rin ang kamay na may alcohol ay napahinto ako.
"Bakit parang ang daming nakatingin sakin?" Hindi ko malaman ang sagot sa biglang pagiging unkomportable sa paligid. Nang masaksihan ang nangyayari mismo ngayon sa harap ko.
May limang hindi pamilyar na mukha ang nagkalat sa loob ng silid, alam kong estudyante sila dito dahil suot nila na uniporme. May mga estudyanteng hawak ang mga braso nila Lara at Allen, habang hawak naman ng isa sa kwelyo si Niccolo. Lahat sila ay nakatingin sa akin maliban sa lalaking kinukwelyuhan si Niccolo.
"Anong nangyayari dito?" Hindi nakatakas sa akin ang pag-irap ni Lara at pagtaas ng kilay ni Allen. Ngumuso ako. Ang sungit ng dalawang 'to, nagtanong lang e'.
"Hoy ikaw!" Tukoy ko sa lalaking parang galit na galit kay Niccolo. "Bitawan mo nga yan. Alam mo bang ginagalit mo asawa nyan?!"
Wala sanang balak ibaling sa akin nito ang tingin, pero dahil tila naaasar na ito at hindi nakapagtimpi ay lumingon siya sa direksyon ko.
Kumunot ang noo ko. Lumaki ang mga mata ko. Dahan-dahang naghiwalay ang kilay nito na halos magkadikit na habang sinasamaan ng tingin si Niccolo kanina.
Napagtanto ko kung sino ang lalaki. "I-ikaw yung sinubukan akong dalihin sa party!" Ngunit hindi ito kumibo.
Hanggang sa napansin ko ang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kwelyo ni Niccolo habang nanatili ang mga mata nito sa akin. Tama lang yan, kundi tayong dalawa ang malilintikan kay Lara kapag hindi mo pa yan binitawan. Teka, bakit ako nadamay?
Pero nakakapagtaka ay segundo na itong nakatayo ng ganon. Humakbang ako palapit sa direksyon nito para mas masilayan pa ang mukha ng minsan ko nang binugbog. Buti buo pa yung mukha niya. Kung hihingi naman siya ng tawad ay papatawarin ko kaagad siya, hindi naman niya kailangang tumingin sa akin na parang kakainin ko siya ng buo na halos lumitaw na ang matataba at maluluso na butil ng pawis sa noo niya. May sakit ba siya? Hindi ko naman talaga siya kakainin ng buo e'.
Tantsa ko ay tatlong hakbang na lang ay tuluyan na aking makakalapit ng ayos dito, ngunit hindi pa man ako nakakahakbang muli nang mapaatras ito. Umatras muli ito ng isang beses ngunit dahil sa coffee table na nasa likuran niya ay napatumba ito at bumagsak sa sahig. Katulad pa rin kanina ang mga tingin nito... tila ninenerbyos.
Nag-aalala akong lumapit dito.
"Ayos ka lang?" Sa halip na sumagot ay ang nangangatal nitong labi lamang ang nakita ko at ang pamumuo ng mas maraming pawis sa noo.
Akmang ikakaway-kaway ko ang kamay sa mukha nito dahil baka maduling na siya kakatitig sa akin na para akong multo. Napatindig ako at naaptras nang sumigaw ito--- sumigaw nang may halong pangamba.
"L-lumayo ka sakin!"
Ano bang ginagawa ko sa kanya? Sa pagkakatanda ko siya ang may atraso sa akin, pero bakit mas takot pa siya sakin ngayon? Gusto ba niyang ako pa ang humingi ng tawad sa ginawa kong paglaban? Pinrotektahan ko lang naman sarili ko diba?
Napalingon ako sa mga lalaking kasama niya nang tawagin niya ang mga ito. Nag-aalangan mang sundin ang sinabi, ay binitawan nila sila Lara at Allen, at lumapit sa boss na tinawag nilang 'Jason'. Binuhat nila yung Jason patayo at inalalayan. Bago pa magsalita ang isa sa kanilang mga payatot ng tila isang pagbabanta, mahigpit na hinawakan ito nung boss nilang si Jason at inilingan.
Nagtataka kong pinanuod ang mga ito na lumabas at umalis palayo sa lugar na ito. Nang may magsalita sa tabi ko. Muntik pa akong matumba dahil sa bumungad na ulo ni Snaky. Sinamaan ko ng tingin si Allen na hinihimas lang si Snaky.
"What have you done again Dale?"
"Tinanong ko lang naman kung ayos lang siya." Bumuntong-hininga ako habang nakasilip sa pinaglabasan nila.
Napailing ito, samantalang tumabi naman sa gilid niya si Niccolo at hinarap ako ni Lara.
"How did you know him?"
"Sino?"
Umirap ito. "Jason. Them."
"Ha? Hindi ko talaga sila kilala." Umiling ako habang minumuwestra ang nga kamay, itinatanggi na kilala ko ang mga ito. Sabagay kilala ko yung binugbog ko pero hindi silang lahat. Tsaka hindi nila pwedeng malaman ang isang bagay na iyon. Iniiwasan ko pa lang na may magbanggit sa isa sa kanila pero mukhang mahal yata ako ng langit para pahirapan.
"Then what about that party you were talking about? You said he tried to hit you, are you okay?" Tila nanigas ako, nananalangin na wala na sanang magtanong pa tungkol sa party'ng yon. Tumango ako kay Niccolo bilang sagot.
"O-oo, ayos lang ako."
"I heard you beat him though, you wouldn't deceive me if you've said otherwise." Nagkibit-balikat lamang si Allen habang nakapokus parin kay Snaky. Napakaswerteng ahas. Parang gusto ko na kang din tuloy maging aha--- unggoy lang pala ako, loyal ako sa animal spirit ko.
Bumaling naman ako kay Lara nang magbubukas ito ng bibig. Ngunit bago pa niya maituloy ay mabilis na akong nagpaalam sa kanila at iniwan itong nakasabit ang mga sasabihin sa ere. Bibig niya ang tatapos sa akin kapag hindi ako nakaalis kaagad dito.
Tumakbo na ako papasok sa kakahuyan na tanging daan oara makabalik sa sentro ng paaralan. Matulin akong tumakbo habang nakatungo ng bahagya sa daan. Kung sakaling may makasalubong akong hindi pamilyar sa akin ay mabilis ko itong malalagpasan, dahil batid ko pa rin ang kapahamakang dala ng pagiging gala lalo na sa kakahuyan, baka mamaya ay may nakatutok na naman sa leeg kong kutsilyo. Hindi ko na alam kung paano pa ako ulit tatakas doon.
Pinoproblema ko pa lamang na baka may makasalubong ako o mabangga nang matapilok ako sa nakaangat na sanga sa lupa. Sa dami ng pwedeng tamaan ng mukha ko, bakit maputik na lupa pa? Bakit ang magaspang at maalikabok na bato pa? Bakit isang malapad na balikat, mga braso, at isang matipunong dibdib pa? Anong braso at matipunong dibdib?
Napagtanto ko pa lamang na isang tao ang sumalo sa akin mula sa pagkakatapilok, bilang reflex ay sinubukan kong kumawala rito dahil balak yata nitong isama pa ako sa pagbagsag, ngunit malinaw na hindi ang kagustuhan ko ang nasunod.
Mas humigpit ang hawak nito sa bewang ko, mariin kong ipinikit ang mga mata ko nang maramdaman ang malakas na impact ng pagtama ko sa sahig at ang muling pag-angat ko rito. Nagpatuloy ang halos magkadikit naming katawan sa paggulong sa pababang bahagi ng kakahuyan. Hanggang sa ito ay tumigil kami.
Nagmulat ako ng mata na agad humapdi dahil sa pagsalubong ng mga alikabok. Doon ko pa lamang maayos na nakita ang dahilan kung paano kami tumigil. Sa pamamagitan ng pagtama ng malapad na likod ng lalaki sa malaking tipak ng bato.
Nanatiling mariing nakapikit ang lalaki na nakahawak pa rin sa bewang ko. Kita dito ang pilit na pag-inda sa gumuguhit na sakit sa likuran niya.
Pero sa halip na makaramdam ng pag-aalala, huli ko nang napansin na napatitig na ako sa maamo nitong mukha. Ngayon ay sigurado na akong ngayon ko pa lang siya nakita. Hindi ito nakasuot ng uniporme ng Zareth, kundi itim na t-shirt at pants lamang. Kaya mahirap malaman kung nag-aaral din ba ito dito.
Habang madiin pa ring nakasara ang mga mata, gitgit nito ang mas maputi pang ngipin kaysa sa akin na bahagyang sumisilip sa manipis at kulay rosas niyang mga labi. Matangos ang ilong, ang halos hugis parisukat na panga, ang maputi nitong balat na halos kumikinang na sa mga mata ko, ang kulay tsokolateng mga mata na abala sa pagtitig.
Pagtitig?
Ang saglit na pagtataka ay hindi sapat para maantala ang pagoobserba ko sa kabuuan nito. Ang nagulo nitong buhok na inilalantad ang noo nito, ang nagusot na damit na hawak-hawak ko pa rin nang mahigpit sa laylayan, ang amoy mint na hininga na parang kagagaling lang sa pagnguya ng chewing gum kasabay ang pagsinghap nito.
"Shit."
Shit?
Nanlaki ang mga mata ko, lumayo agad ako sa lalaki at tumayo mula sa pagkakasalampak sa lupa at sa... d-dibdib niya.
Umiwas ako ng tingin nang mapansing tumayo na rin ito at narinig na nagpagpag, maya't-maya kong sinisilip ang malapad nitong likod, nang mapansin ang mas lalong pag-itim na kulay itim na niyang damit sa likod na tagiliran nito. Parang may kumakalat na likido.
Akmang lalapitan ko ito at ituturo ang namamasa niyang likod. "Y-yung damit mo, may---" Nang marinig ang mga sigaw hindi kalayuan. Napalingon ako sa pinanggalingan ng mga sigaw, pero agad ding nabalik sa nakatalikod na lalaki.
Hindi ko mapigilang itago ang pagtataka sa mukha.
"Watch your step next time."
Oo nga't nakakapagtaka ang pagiging maaalalahanin nito, pero hindi lang iyon ang gusto kong masagot. Bago pa ito magsimulang maglakad palayo ay sinubukan kong humanap ng sagot.
"Kilala kita," napahinto ito, "hindi ba?"I-download Novelah App
Maaari kang magbasa ng higit pang mga kabanata. Makakahanap ka ng iba pang magagandang kwento sa Novelah.
Komento sa Aklat (34)
Share
Mga Kaugnay na Kabanata
Mga Pinakabagong Kabanata
nice story
06/03/2025
0the story is very beautiful
19/10/2024
1thanks to you
25/08/2024
0Tingnan Lahat